Thursday, February 13, 2014

criminal mind

kagabi, mula 7pm hanggang 12 midnight, nasa main library ako.

nag-aral ba ako para sa thesis?

hindi. apat na oras akong nagbasa ng aklat na the world's worst criminals.

haha! diyos ko. hindi ko mabitiwan. sadya lang talaga akong interesado sa mga ganitong book. kaya natapos ko ito kahit na nagmamakaawa na ang dalawang thesis na pina-extended reading ko mula sa archives section.

heto ang ilan sa mga insight na nakuha ko:

1. karamihan sa mga murderer na na-feature sa aklat ay naumpog sa ulo o kaya naoperahan sa ulo noong bata pa sila

2. iisa ang dahilan ng pagpatay ng mga serial killer: ang pleasure na nararamdaman nila pagka nakita nilang hindi na humihinga ang taong biniktima nila.

3. karamihan sa mga target ng serial killers ay mga taong hindi agad hahanapin ng awtoridad o komunidad: backpacker, mga alipin (meron din kasing entries noong unang panahon), mga vagrant o 'yong mga taong walang bahay, sa kalsada natutulog, at prostitute. wala silang permanenteng inuuwian o pinupuntahan kaya hindi rin napapansin kung matagal na silang wala roon o wala namang kailangang pagdudahan kung ilang araw na silang nawawala o di nakikita.

4. may mga unsolved murder case na 20-30 years ago naganap pero dahil sa techonological advancement, lalo na sa forensics, ay nalutas na sa wakas. ang isang case ay through dna analysis.

5. minsan, ang kawalan ng sistema sa imbestigasyon ang dahilan kung bakit hindi nahuhuli ang mga kriminal. at minsan pa, nasa harap na nila ang kriminal at ilang beses nang nakasalamuha, hindi pa rin nila na-pinpoint, kaya nakakawala uli at nakakapambiktima pa uli.

6. minsan, kahit na napakasama na ng diagnosis ng isang psychologist sa isang taong may history ng krimen, pinapakawalan pa rin ito sa publiko, at hindi ipinakukulong, hindi ibinabalik sa ospital.

7. iilan ang babaeng serial murderer. ang isa sa kanila, sariling mga asawa (yes, nag-aasawa siya ulit pagkapatay niya sa lalaki tapos lilipat siya ng ibang lugar para mag-asawa uli) at sariling mga anak ang pinapatay. hindi na-detect ang paulit-ulit niyang pagpatay dahil hindi in-autopsy ang mga nalalason niyang biktima. Nahuli na lamang siya nang ipa-insure niya ang huli niyang biktima. nagduda ang authorities kung paano namatay ang insured na tao. ayun, pinaimbestigahan si serial murderer at naungkat ang kamatayan ng mga dati niyang biktima.

8. isa sa natampok sa aklat na ito ay isang doktor na pumapatay ng matatandang may sakit. sa us ito. dahil bibihira ang matandang amerikano na may kasama sa bahay, nahuhulog agad ang loob ng matatandang ito sa "friendly at reliable" na doktor na tinukoy. paulit-ulit niyang ginawa ang pagpatay sa mga matanda. wala sanang makakahuli sa kanya dahil akala talaga ng komunidad at ng mga pulis, namatay ang matatanda dahil sa katandaan at/o sakit. kaya lang, naging sakim siya. gumawa siya ng pekeng last will and testament para sa huli niyang biktima. ang nakasaad ay tanging siya ang tagapagmana nito. boom. pinaimbestigahan siya at ang pagkamatay ng kanyang biktima.

9. karamihan sa mga na-feature na kriminal ay mula sa us at uk. hehe bihira ang asian. yung isa, half vietnamese, half french. may pinoy din (haaaaay), si andrew cunanan, yung pumatay kay Giovanni Versace. Cunanan was portrayed in that book as a crazy drug addict homosexual. sabi doon, isang beses lang daw nagkita ang suspect at ang biktima. tapos nun, ini-stalk na ni suspect si victim.












3 comments:

Unknown said...

Ate bebs, ano yung pang pito?

Ganyan din mga trip kong basahin. May ebook ako ng Last Meal (mga inoorder ng mga bibitayin bago madeds)

babe ang said...

kapatid, inedit ko na hahaha nakatulog ako kaya di ko naituloy yung pampito nung nakaraang bumisita ka rito. salamat sa pagdalaw!

babe ang said...

pareho pala tayo ng taste sa aklat hahaha yung gruesome! hahaha

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...