Tuesday, May 29, 2012

Para kina Konsehala Alyson Medalla at Konsehal Alexis Herrera ng Quezon City:

29 Mayo 2012

Mahal na Konsehala Julienne Alyson Rae Medalla at Konsehal Alexis Herrera ng Quezon City:

Ako si Beverly W. Siy, manunulat, nakatira sa 128 K-8th St., Kamias, Quezon City, namamalengke sa Nepa Q-mart at pinag-aaral ang anak sa Cubao. Ako ay 13 years nang solo parent at 13 years na rin akong residente ng Quezon City. Matagal ko nang ikinakabuhay ang pagsusulat, pag-eedit at pagsasalin.

Nais kong iparating sa inyo na ang isang libro ay binubuo ng napakaraming component. Ilang halimbawa ay ang sumusunod:

Article
Illustration
Photo
Cover design
Blurb
Translation
Lay out design
at marami pang iba.

Lahat po ito ay protektado ng copyright. Kasama sa copyright ang reproduction right o ang karapatan na kopyahin o paramihin ang kopya ng isang akda. Hindi lahat ng rights na nakapaloob sa copyright ay isinusuko sa publisher.

Kaugnay nito, tumututol po ako sa inyong panukala dahil wala pong kikitain ang karamihan sa mga author na naghirap sa mga aklat na hinihingi ninyo nang libre mula sa publishers sa Quezon City. Walang kikitain sapagkat hindi kayo magbabayad. Higit sa lahat, ang tax incentive na inaalok ninyo, ay para sa publishers lamang. Paano po naman ang mga author?

Alam naman po natin na iilan lamang ang authors na may kaya. Kapag po ipinasa ninyo ang panukalang ordinansang ito, inaagawan po ninyo ang mga author, lalong higit ang authors na hikahos, ng kanilang pambili ng kanin, ulam, gamot, pambayad ng bahay, pamasahe at iba pa.

Hindi lamang mga author ang inyong inaagawan ng karapatan na kumita mula sa kanilang akda kundi ang kanilang mga pamilya. Kadalasan, ang copyright ng mga author na yumao na ay napupunta sa kanilang mahal sa buhay, ang mga heir o tagapagmana.

Si Rogelio Sicat na sumulat ng well-anthologized na mga akda ay nanirahan at nagtrabaho sa Quezon City sa napakatagal na panahon. Yumao na siya at ang tagapagmana ng copyright ay ang kanyang maybahay na isa ring manunulat: si Ellen Sicat. Si Ellen Sicat ay taga-Tandang Sora, siya ay nagretiro na dahil matanda na siya upang magtrabaho pa. Mayroon din siyang apo na special child, na nangangailangan ng special medication at special education na may kamahalan. Isa sa inaasahan ni Ellen Sicat ay ang kita mula sa royalty at benta ng mga akda ng kanyang asawa.

Si Genoveva Edroza-Matute ay isa ring well-anthologized na manunulat sa wikang Filipino. Kuwentista siya at ang kanyang asawang si Epifanio Matute. Nang pumanaw ang mag-asawa (na hindi nabiyayaan ng anak), ang copyright ay ipinamana kay Corazon Kabigting, pamangkin ng mga Matute na nakatira sa Cubao, Quezon City. Siya ay senior citizen na rin at wala ring anak o asawa para magbigay ng pinansiyal na tulong para sa kanyang mga pangangailangan. Umaasa rin siya sa kita ng mga akda ng kanyang tiyahin.

Si NVM Gonzales ay isa namang well-anthologized na fictionist sa wikang Ingles. Nang siya ay pumanaw, ang naging tagapagmana ng copyright ay ang kanyang asawang 94 years old na sa kasalukuyan. Nasunugan sila ng bahay ilang taon na ang nakakaraan at ang nilipatan nilang bahay ay hindi pa napapagawa ang bubong dahil sa kakulangan sa pera. Tumutulo ang tubig kapag tag-ulan. Isa sa inaasahan niya at ng kanyang pamilya ay ang kita mula sa mga akda ng kanyang asawa. Bukod dito, itinataguyod din ng pamilya ang NVM Gonzales Foundation upang makatulong sa paglinang ng mga manunulat mula sa hanay ng kabataan.

Si Damiana Eugenio, residente ngayon ng UP Village, Quezon City ay naninirahang mag-isa sa malaki ngunit sira-sira nang bahay. Lubha na rin siyang matanda upang magsulat at magtrabaho pa. Isa sa kanyang inaasahan ay ang kita mula sa di mabilang niyang mga aklat tungkol sa folk literature. Halos lahat ng kanyang aklat ay UP Press ang nag-publish. Kung magiging ordinansa ang inyong panukala, wala siyang kikitain ni singko sa lahat ng libro niya na hihingiin lamang ninyo.

Lahat po ng binanggit ko ay residente ng Quezon City at bahagi ng mga constituent na sinasabi ninyong nais ninyong paglingkuran. Sa inyong panukalang ordinansa, sa paanong paraan ninyo sila matutulungan?

Ang panukala ko ay bilhin na lamang ninyo ang mga aklat mula sa mga publisher. Ang pagbili ninyo rito ay makakapagbigay ng kita sa mga awtor at makakatulong nang malaki sa kanilang mga pamilya. Ang pagbili ninyo ay makakatulong sa mga publisher sa Quezon City upang makapagbigay din ng hanapbuhay sa maraming residente ng Quezon City. Ang pagbili ninyo ay makakapagpayabong ng book publishing industry ng Pilipinas. Ang pagbili ninyo ay makakapagparami ng manunulat na Filipino at mga akdang Filipino.

Mas marami kayong matutulungan at mapaglilingkuran sa pagbili ng mga aklat ng kapwa natin Filipino.

Maraming salamat sa inyong panahon. Inaasahan ko ang inyong positibong tugon.

Gumagalang,

BEVERLY W. SIY
Awtor



Narito ang mga larawan na kinunan nang araw ng hearing:



Copyright ng mga larawan ay kay Bebang Siy.

Monday, May 28, 2012

same old-same old

Sa May 31, last day ko na technically sa FILCOLS. I am a little nervous and anxious. Ito rin ang pakiramdam ko nang bababa na ako as president ng LIRA. Pero dahil naranasan ko na nga ang feeling na ito nang bumaba ako ng LIRA, I'm so sure na I will be okay and I will be soooo happy pagkatapos ng lahat-lahat.

Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na binigkas ko ang huli kong speech bilang LIRA president. I was sad and at the same time, I was nervous, baka may mali akong masabi. O baka mali ang dating sa kanila ng mga sinasabi ko. May bikig ako sa lalamunan. Masakit sa akin na naging kontrobersiyal ang ilang pagkakataon sa LIRA noong panahon ko. Pero I didn't step down. If I did something wrong, resign na agad ako. E, wala naman. Isa pa, ako talaga 'yong tipo ng tao na nagtatapos ng mga bagay na sinimulan. So kahit hirap na hirap ako (me mga nakaaway ako, walang suporta ang pinaka-adviser namin sa akin, etc. etc.), I still did what I think I can do for the org, as the president. That was my best, given that kind of situation.

Parang may kulog na di makawala sa loob ng tiyan ko habang bumibigkas ako ng speech. Alam mo 'yong pakiramdam ng contestant ka tapos down to two na lang at isa ka doon? Ia-announce na in 20 seconds ang resulta ng contest?

Right after my speech, biglang bumulwak ang isang dam ng kaligayahan. my gulay. nagulat ako. sobrang saya ko talaga. I even jumped 38 times (or 39 yata, i lost count). Napasigaw ako, tapos na! tapos na! tapos tawa ako nang tawa. ang liberating lang. I didn't know, alipin ako ng sarili kong lungkot nang mga panahon na 'yon. Kaya anong tuwa ko nang matapos ang aking termino.

That and this? Halos pareho lang itong pinagdadaanan ko ngayon sa FILCOLS. I wanted this system to work, of course. At saka pinasok ko 'to. Meaning, I believe in this. Ang ipinagkaiba lang, suwelduhan ako rito. Sa LIRA, labor of love talaga 'yon.

Dito sa FILCOLS, there's still the advocacy factor. I found the advocacy very relevant especially for writers like me. Pero may mga bagay din na mahirap i-overcome. Kasi wala akong kontrol. May mga panahon na hindi ako nakakatulog sa kakaisip ng mga paraan para mapabilis ang pagre-recruit namin ng authors. Pati ang licensing. Pati funding, iniisip ko na rin. Para nga akong balik-NGO, hahahaha mas specific lang ang scope this time.

May mga panahon din na halos naggi-give up na 'ko. Kasi ang hirap ipaliwanag ang copyright maging sa pinakamalalapit kong kaibigan na manunulat. Ayaw ko namang may makaaway pa ako dahil lang dito.

(One thing I've learned from my Textanaga, Dalitext and Dionatext days: projects will come and go, i-prioritize ang relasyon sa mga tao, lalo na sa mga kaibigan if you want them to stay for good. Ang project, mainit lang 'yan hangga't current project, after that, 'asa Google na lang siya at sa CV mo. Kung mawawalan ka ng friend for that, not worth it. certainly.)

Noon at ngayon, mas mahalaga sa akin ang relasyon kaysa advocacy. In time, mauunawaan din nila ako at ako, sila. So, hindi kailangang magwasakan ng tulay.

In the past few months, mabigat ang katawan ko pag papasok ng opisina. Si Maricel ang buntis pero ako 'tong ambigat-bigat ng katawan. Siguro dahil alam kong tapos na ang term ko sa FILCOLS. My boss assured me that our organization will continue to exist, mag-e-evolve lang, parang Pokemon. And I will still be doing the things that I've been doing for the org.

That's perfectly okay with me. Sayang ang training ko sa larangan na 'to. Sobrang dami kong knowledge at info na hindi basta-basta makukuha ng ibang tao kahit pa i-train agad nila 'to.
I am just sad kasi it had to end this way. Kumbaga, parang slow death para sa akin. Parang I know the day of my death tapos binibilang ko na lang, 'yon na lang ang ginagawa ko maghapon, araw-araw. 'Yong feeling na bound ako sa isang company/organization, maybe that's what makes me feel sad. At 'yong paghihintay na matigpas ang lubid ko na nakatali sa org ay malungkot din namang uri ng paghihintay.

Ayun, same old feeling. LIRA times na LIRA times para sa akin.

Sigurado ako, sa May 31, I will be the jolliest person around. I will feel from top to bottom free again!

Pagkatapos niyan, may surge uli ng gana to do things for the advocacy of FILCOLS. Na para bang first day of work ko rito uli. Hahahaha ang weird no? kelangan umalis sa trabaho para ka magkaganang maglingkod muli nang 500% para dito? gan'to rin ba kayo, friends? o ako lang? hahahaha

Looking forward to my last (and first) day at work. Ei, Bebang, save the date! May 31, 2012.

(Incidentally, birthday din ng boypren ko sa araw na 'yan. Gusto ko mang magplano para sa celebration, di ko magawa. Too many worries right now! Isa na ro'n 'yong pera, ay.)

New Book Store

Good day Right now, Chapter IX is trying to make its presence known to all book lovers. We would like to ask your help by sharing our link (https://www.facebook.com/chapterninebooks) to all of your friends. Even if you have just a few friends who will add us and visit our store (and purchase books!), that will be a huge help in promoting our bookstore to fellow bibliophiles.

Thank you very much!

Chapter IX Books
Taking care of your bibliofix

http://www.facebook.com/chapterninebooks

Dapat suportahan ang mga ganitong book store. Hindi lahat ng aklat ay matatagpuan sa mga higanteng book store. At para mabuhay tayong lahat, dapat talaga me equal distribution of wealth. Kaya bili-bili tayo sa alternatibong mga source ng ating mga pangangailangan, pangangailangan man yan ng bituka o kaluluwa.

Go go go, chapter nine books!

Mens sa Shelfari

Thank you po kay Bb. Honeylein de Peralta sa paggawa niya ng page ng mens sa Shelfari.

Di ako marunong nito hahahaha kaya friends kung sino man ang maalam sa inyo, kindly na lang. pakisuyo lagyan natin ng laman hahahaha

go go go

http://www.shelfari.com/books/26480172/Its-a-Mens-World.

Thursday, May 24, 2012

From Danielle Robert Orias

ang liit lang pala ng Robinsons Otis. wala masyadong tao hindi katulad ng kahit saang Robinsons sa Metro Manila. kakaunti lang din ang mga stores dito. hindi mabibilang sa kamay pero hindi naman nakakapagod kapag inikot. mata mo lang ang mananawa sa paulit ulit na tindahang nakabalandra.

puro pagkaen pa ang tinda. hindi ko na matandaan kung anu anong mga pangalan. hehe. nasa isang daan lang halos mga bumibisita ngayong oras na nandito pa ako.

tumungo nga pala ako sa Robinsons Otis para kumuha ng NBI clearance. sa katangahang palad, sarado ang agency kapag weekends. hindi ko naitanong kay google, kausap ko pa naman siya kahapon.

dalawang baitang lang ang taas ng buong gusali. walang sinehan. balak ko pa namang tignan ang mga bagong indipendent film ngayon. sa Robinsons mall daw kasi madalas pinapalabas ang mga pelikulang ganoon.

pagkababa ko ay naalala ko ang nabasa ko sa Discover Magazine ng Robinsons, magkaibigan pala ang National Book Store at ang Robinsons. kaya dali dali kong hinanap ang pwesto ng NBS sa mall na ito. mapalad ako at bungad lang ito.

pumasok ako. kaunti lang din ang mga libro, pero siksik. hinanap ko kaagad ang Filipino Section, wala. pero nakita ko naman ang it only hurts when i pee, macarthur , pati ang ligo na u, lapit na me. alam ko kasi na magkakasama lang ang mga librong natin sa isang shelf kaya tumambay na rin ako.

ipinangako ko sa sarili ko na sa oras na mapadapo ako sa kahit saang book store, haharbatin ko na agad ang libro ni eros atalia. syempre babayaran ko naman. pero iba ang pinunta ko dito, sayang nga eh. bawal kasi gumastos ng hindi nakaplano ngayon. marami pa namang pagkakataon, hayaan na muna natin itong makalagpas.

dahil ayaw ko pang umuwi, naghanap hanap muna ako ng mga librong pupuwedeng ipila sa pagkakagastusan. gapo, bata bata paano ka ginawa, young blood, at napakarami pang iba.

sa bandang ibaba ng shelf, nagpumiglas bigla ang wallet ko nang makita ko ang its a mens world! 180 lang ata? kikislot kislot na ang mga pera para lumabas ngunit napigilan ko pa naman. muli, hindi nararapat ang mga side trip ngayon. higpit muna ng bulsa.

dahil bukas ang librong nakita ko, (patawarin ako ni bebang siy), binasa ko ang chapter 1. wala akong masabi sa sobrang ganda ng pagkakalahad ng kwento. nakakakilig, nakakatawa, at nakakatuwa. batang bata ang nakukwento. para akong nakikipag usap sa isang batang bago pa lang sa pagdadalaga. balak ko pa sanang i-extend ang pagbabasa hanggang susunod na chapter, kaso nakakahiya na talaga sa mga tao doon.

in conclusion, i will definitely buy that book. quesera sera. haha

nangangalay na ako dito sa pagkakaupo sa tapat ng citibank savings. nakikita ko pa ang reflection ko sa salamin. nababanas pa ako kasi ang gwapo ko sa salamin. wag ka nang kumontra! haha

uwi na nga ako. ingat ako!

Posted with permission from Danielle Robert Osias. Check his website at:

http://tadongdaniel.tumblr.com/post/23340268022/ang-liit-lang-pala-ng-robinsons-otis-wala

No islip



Hindi na ako iinom ng Nescafe 3 in 1 Strong nang alas-singko ng hapon.

Hinding-hindi na po.

gising pa ako. kanina, nag-eedit ako ng notes ng bibliya, bigla akong nahikab. nag-toothbrush na ako tapos konting google-google, pampaantok. lekat, nawala naman ang antok. mga dalawang oras na akong naggo-google, wala pa rin yung antok. di na bumalik.

di bale, at least nakakapagsulat ako. antahimik sa bahay. sa sala, ako lang at konting patak ng ulan. at saka yung lamok sa kanan ko at electric fan sa kaliwa, stand by me mode sila.

for the past few days, di ako masyadong maka-concentrate sa mga bagay na dapat ay ginagawa ko. yung isa kasi tungkol sa bible. hindi talaga ako relihiyosa. tapos masyadong teknikal yung pagkakasulat kaya parang nire-reject siya ng isip ko. at kapag nire-reject siya ng isip ko, mas matagal akong magtrabaho. tipong one page per hour. e higit isandaan 'to, patay na, di ba?

isa pa, pag nahaharap ako sa computer, di ko maiwasang di mag-google ng tungkol sa kasal. 2014 pa nga kami pero sobrang excited, e. di talaga ako makapagpigil.

no'ng una, hirap na hirap kami umisip ng theme. tungkol ba sa bundok? kasi do'n siya nag-propose. tungkol ba sa pagiging chinese-filipino at filipino? kasi parehong mahalaga sa amin ang ethnicity namin. filipiniana ba? kasi bagay sa simbahan kung sa'n gaganapin ang aming big day: ang san agustin. 'yan pa lang kasi ang sigurado, ang simbahan. gusto ko rin sana, fiesta ang theme. kaya lang, parang wala namang masyadong depth. kaya ang naisip namin, sadako-themed wedding. para talagang malalim ang pinanggagalingan.

joke.

naisip ko, una, valentine's kaya ang theme? kasi valentine's day ng 2014 ang napipisil at nakukurot naming petsa. kung valentine's naman, hindi kaya OA na? kasi valentine's day na nga yon, e. paglabas ng attendees namin sa san agustin church at sa wedding reception, 'yong buong pilipinas, ka-theme namin. hearts everywhere. parang extension ng kasalang siy at verzo. OVERKILL na pag ganon. baka masuka sa puso at keso ang mga tao. pero ok din kasi tipid sa decorations. imagine, pati mall, kasama namin nagse-celebrate ng wedding ceremony yadah?

so nag-isip uli kami. sa'n ba kami mahilig? sa pagbabasa. ayun. books. mahilig kami sa books.


(ako with mam luna)


(si poy with national artist for literature bien lumbera)

meron akong maliit na library sa isang kuwarto dito sa bahay.



akala ko, ako lang ang me ganong uri ng collection. nang makita ko ang collection ni poy, potek, lampaso ako. isang buong cabinet na puno ng libro ang mga libro niya. at me isang pader pa sa kuwarto kung nasaan ang cabinet na 'yon, puno rin ng libro. siyempre nung una kong makilala ang mga libro nya, naglaway na akong talaga. ang gaganda: poetry, play, drama, script, screenplays, literature, review, theory. massive din ang collection niya ng filipiniana. laway talaga ako. want. want. want.

nang una naman akong makatapak sa bahay ng parents niya sa sta. mesa, hindi parents niya o lolo o mga kapatid niya ang pinansin ko maghapon. nakatitig lang ako sa mga libro sa harapan ko, sa may tapat ng sofa kung saan ako nakaupo. shelves ng libro, libro at libro pa.

joy

happiness

bliss

oh-oh-oh

pagbuklat ko ng isang libro, nag-good afternoon sa akin ang tatak sa unang page: Verzo Library.

at may ganyan pa? Library? ng pamilya nila? Meron?

joy

happiness

bliss

oh-oh-oh

lumunok ako at huminga-hinga nang malalim. sabay awit ng:

I wanna be a Verzo now SO FREAKIN' BAD.

akala tuloy ng parents niya, namamanhikan na ako. nang mag-isa. okey lang naman. hello, lagpas trenta na 'ko, puwede na 'kong gumawa ng desisyon para sa sarili ko. kung gusto ko makipagkasalan ngayon, puwede. legal. ba't iisipin ko pa magulang ko, e eto na nga, andaming libro, ano pa'ng hahanapin ko?

pero siyempre, hindi ako namanhikan. nakikain lang ako ng Amber's pichi-pichi.

back to preps, so there we went. Books ang naisip naming tema. since we write and design books, bakit hindi na lang 'yon ang tema? kaya mega-research na ako. at andami-dami palang idea para dito. nakita ko lahat sa net. thank you, google!

after ng theme, wedding reception na ang inisip namin. siyempre gusto namin sa library. or something like that. nag-i-scout pa kami hanggang ngayon. sa filipinas heritage library sana kaya lang ay medyo limited ang space. unless ipatibag namin ang harang dun at mag-spill kami sa ayala triangle. ay, anlaki nun. ano naman kung dun ako mag-bouquet toss? lalakad ako nang bongga palayo para makabuwelo ang mga gustong makasalo. mga isang basketball field ang layo ko. winner talaga ang makakasalo.

kinokonsidera din namin ang museo pambata. kasi may library naman sa labas ng pinakamuseo. puwede na.

plano ko ring maghanap ng mobile library. gagawin naming bridal car. ilang oras lang namang aarkilahan. baka makatulong pa ang ibabayad namin para mapondohan ang mobile library. eto ang isusulat namin sa harap:

pagkahaba-haba man ng prusisyon,
sa simbahan din ang tuloy.

tapos sa likod, eto naman:

pagkahaba-haba man ng kasal,
e, mahaba talaga,
kaya honeymoon na!

gusto ko ring may book fair sa aming wedding reception. iimbitahan ko ang publisher ko siyempre, ang anvil. si teena ng black pen, iimbitahan ko rin. ang visprint ni mam nida. si maru ng pandora's, kung kaya niya magbenta habang uma-attend ng reception, game. at mga kakilala sa bazaar pilipinas. kung gusto nilang magbenta ng books, game.

gusto ko sana may book drive din. no book, no entry. yung books ay ido-donate sa library na mapipili namin.

ang souvenir namin ay baka books din. or journal. para naman makatulong kami na ma-encourge sa pagsusulat ang mga kaibigan namin.

gusto ko sana librarian ang magkasal sa amin. joke. hindi. pari pa rin. si father vir. siya lang ang naiisip kong pari na significant sa aming dalawa ni poy. partner siya ni poy sa mga literary project niya noong presidente pa siya ng cywa. at noong maging isa kami sa mga tagapag-asikaso ng palihang rogelio sicat, isa si father vir sa recipients ng kahon-kahong libro na nakalap namin for the event. yep, magbi-bring your own pari kami sa araw ng kasal. para naman medyo personal ang sermon sa 'min ni poy kasi medyo kilala niya kami. wag kayo mag-agawan sa libro. wag kayo mag-away pag wala na kayong makain kakabili ninyo sa booksale. sabawan n'yo na lang 'yang mga libro n'yo pag gipit-gipit na kayo. organic naman yan, kumbaga laman tiyan din.

pati cake, gusto ko, me disenyo ng libro. 'yung bouquet ko kung puwede, pahina na lang ng mga libro. tipid na, di pa malalanta. para me souvenir ako, iipit ko sa libro ang mga petal ng "bulaklak". siyempre sisiguruhin ko na magaan ang pahinang gagamitin para sa "bulaklak". mahirap mag-toss nang nakangiti kung 'yong bouquet ay ga-encyclopedia brittanica sa bigat.

ano pa ba? excited much talaga, 'no? wedding ring? wala pa akong idea. e hindi naman puwedeng lagyan ng disenyo 'yon. traditional na rings pa rin ang pang-wedding.

program? gusto ko me games. buwis buhay at ubusan ng dangal na uri ng games. panahon na para i-subject sa mga ganitong karanasan ang ilan sa mga kaibigan ko/namin na kulang sa adventure ang dugo sa katawan.

uso pa kaya ang photo booth by 2014?

baka iba na itsura no'ng san agustin church, a. wag naman sana.

Good news

Magbabayad na ang DepEd sa paggamit nila ng copyrighted materials for this school year, for Grades 1 and 7 students of public schools.

Yey!

Yey!

Wohooo!

Magkano ang ibabayad?

10 cents per text book or per compilation of copyrighted materials per student. Hay. I know sobrang liit. Wala na ngang halaga ang 10 cents e. Pero babawiin na lang, sige, sa dami ng gagamit na estudyante.

Ilan ba?

Apat na milyon lang naman.

So magkano lahat?

P 400,000

Paano magbabayad ang DepEd?

Through sa amin: FILCOLS.

So, ayun, magiging busy kami in the next few days dahil kokontak kami sa mga author at iba pang copyright holder para sabihin sa kanila na magkakapera sila from DepEd's use of their works. Yehes naman! May remuneration for reproduction of works. Winner!

Thank you, God. Hindi ito ang hinihingi ko pero nagbigay ka pa rin. Super thank you.

Friends, authors, magpa-member na! Libre naman, e.

filcols@gmail.com

Wednesday, May 16, 2012

The Preps

Sa 2014 pa naman. Pero nagtingin na kami.

Dream Church: San Agustin

Kasi

1. Nandito si St. Rita, ang patron saint of impossible situations. Once upon a time, naggi-give up na si Poy sa 'kin. I was matigas. (kababaeng tao, tigasin? hahahaha) Ayoko talaga. Sabi ko, hindi talaga puwedeng maging "tayo". At buti na lang, buti na lang talaga, naisip niyang bago tuluyang mag-give up ay subukang magdasal kay St. Rita.

Epektib ba?

Eto na nga, kami ay nagpunta roon this time para magpasalamat sa isang wonderful na relasyon at para sabihin sa kanya na kami po ay babalik para mag-alay ng pag-ibig sa iyong altar at siyempre, sa main altar.

2. Maganda talaga ang simbahan na 'to. Di pa uso ang 3D, me 3D na ang kisame.

3. Historical. Wala nang kailangan pang ipaliwanag.

4. Simbolo ng strength. Nilindol na, dinilaan ng apoy, dinaanan ng gera, still, nakatayo. Magandang dito lalapat ang unang hakbang namin para sa panghabambuhay na commitment.

P25,000 ang magpakasal dito. Included na ang service ng pari, choir at simpleng set up ng flowers. Maraming bawal. Andun nakasaad sa website nila, sa brochure nila at sa nguso ng snobbish na babaeng napagtanungan namin sa kanilang opisina.

P8,000 ang reservation fee. Ide-deduct na lang doon sa P25,000 kapag magbabayad na kami nang buo.

Wala pang naka-reserve sa araw na aming natitipuhan. Buti naman. Wala pa kasi kaming kahit piso pang-reserve dito.

Ang mahal, 'no?

O, Diyos ko, gusto Mo yatang magtanan na lang kami ni Poy.

HUWAT? ‘ALANG BAYAD?

Bakit kapag trabaho ng author at publisher, ayaw bayaran ng gobyerno?

Ang P200 B na allotment ng gobyerno para sa K to 12 program ay gagamitin sa implementation nito at sa pag-a-upgrade ng mga facility. Inisa-isa ang pupuntahan ng “upgrading” na ito:

Additional 200,000 classrooms
Upuan
Mesa
Blackboard
At bentilador

Dito mapupunta ang 40% ng P200 B.

Heto pa:
50,000 e-learning centers, with at least one million computers with Internet connectivity (connectivity talaga? hindi connection?)

Diyan din. Ang tanong, diyan ba sa one million computer units na ‘yan, kasama sa gagastusan ang software? Kung hindi, saan kukuha ng software ang gobyerno? Kung oo, magkano ang budget sa software? Bakit may budget para sa software, para sa authors at publishers, wala?

Nitong mga nakaraang araw, ilang publisher ang nakatanggap ng liham mula sa DepEd. Ang subject ng liham: Permission to Use Coyprighted Materials for Educational Purposes.

Dalawa ang pakay ng liham:

Una, para i-inform ang publisher na napili ang akdang natagpuan mula sa kanilang publikasyon para sa ginagawang learning packages, modules and teaching or lesson guides or instructional materials for short na pang-K to 12 program.

Ikalawa, para humingi ng permiso mula sa copyright holder na maisama ang akda ng author at/o ng publisher sa binubuong instructional materials.

Pagkatapos, nakalagay din sa liham ang mga option na pagpipilian ng nakatanggap ng liham. Ang pambungad na option ay:

____WE ARE GRANTING PERMISSION FREE OF CHARGE FOR THE PURPOSE STATED ABOVE.

Ito ay malinaw na pambu-bully ng DepEd sa mga author at publisher.

Actually, itong option na ito ay pangalawang anyo na ng pambu-bully. Ang una ay ang tambalang petsa ng liham at subject ng liham:

May 9, 2012
Permission to Use Copyrighted Materials for Educational Purposes

The fact na Hunyo na't pasukan ng mga bata tapos ngayon pa lang humihingi ng permit ang DepEd sa mga copyright holder, it's one way of saying:

> gagamitin na namin 'to now na. U-R-G-E-N-T.

> 'wag ka nang maarte. 'wag mo na kaming pahirapan pa. ibigay mo na ang permit, puwede?

> pag di ka naka-reply agad, sorry ka na lang, gagamitin na namin 'to, kasalanan mo naman, bagal mo mag-reply, e kinontak ka naman namin.

Tahasan ding sinasabi ng DepEd na for educational purposes naman ang paggamit sa Copyrighted Materials. Para na rin niyang sinasabi sa tatanggap ng liham na hindi ka dapat tumanggi kasi:

1. For educational purposes naman ‘to.

2. Masama kang uri ng mamamayan kung tatanggi ka sa isang layong
napakataas.

3. Ang itim ng budhi mo kung hindi ka tutulong sa pagpapatalino ng future generations.

4. Since para nga sa edukasyon at hindi for commercial purposes, kung sisingil ka, mahiya ka naman.

Ang second na pambu-bully ay ang mismong act ng paglalagay ng linyang ____WE ARE GRANTING PERMISSION FREE OF CHARGE FOR THE PURPOSE STATED ABOVE sa mga option na pagpipilian ng author at/o publisher. Eto ang ibig nilang sabihin diyan:

a. Kapag nagpabayad ka, mukha kang pera.

b. Kapag mukha kang pera, mahirap kang kausap. Refer to 1,2,3,4 stated above.

c. Kapag hindi ka nagpabayad pero hindi ka rin naman nagbigay ng permit sa 'min, markado ka. At mahihirapan ka nang makipag-negotiate sa amin para sa pagbebenta mo ng aklat sa DepEd. Kami pa naman ang pinakamalaking market mo dito sa bahaging ito ng globo, ahahay. Alalahanin, ang mga kontrata with us… worth jillions and jillions of pesos.


‘Yan ang kahulugan ng mga step ng DepEd.


Dear DepEd,

Sige, balikan natin ang P 200 B na in-allot na pondo para sa K to 12 program. Magkano ang budget para sa paghingi ng permit ng mga copyright holder? Magkano? Sige, magbigay kayo ng figure at tingnan natin kung makatarungan ang naiisip ninyong amount na paghahatian ng mga awtor at publisher.

Wala? Wala, 'no?

Bakit pag intellectual work, ayaw n'yong bayaran, DepEd? Bakit kapag electric fan, ambilis n'yong dumukot sa bulsa? Bakit kapag computer, nagkukumahog pa kayong magbayad? Okey lang sana kung ang mga supplier n'yo ng mga naturang gamit at pasilidad e sasabihan n'yo rin ng...

Request for you to build 200,000 classrooms for educational purposes.

Permission to ask for 200,000 pieces of electric fan for educational purposes.

Permission to ask for 200,000 pieces of blackboard for educational purposes.

Permission to ask for 200,000 computer units for educational purposes.

At dapat ‘yong form na ibibigay n'yo sa mga contractor at supplier, mayroon ding option na:

____WE ARE GRANTING YOUR REQUEST FREE OF CHARGE FOR THE PURPOSE STATED ABOVE.

Para hindi makatanggi ang mga contractor at supplier na kokontakin n'yo. Bully-hin na ninyong lahat. Bakit naman ang mga player lang ng publishing industry ang ginaganyan n'yo?

Pero sige, I will give you the benefit of the doubt. Baka kaya n'yo inilagay ang FOR EDUCATIONAL PURPOSES sa inyong liham, e dahil hindi n'yo nauunawaan ang konsepto ng fair use.

Bagama’t wala pang tinutuntungang guidelines ang Pilipinas tungkol diyan, malinaw na nakasaad sa fair use portion (sa ating IP Code of the Philippines, puwede itong i-Google, of course) na maituturing lamang na fair use kung ang mismong paggamit sa copyrighted material ay compatible sa normal na paggamit dito. E, ang paggamit po ninyo para sa milyon-milyong users ay hindi na po normal exploitation of the work. Kasi po tinatanggalan ninyo ng chance na kumita ang copyright holder, ang author, ang publisher mula sa kanilang akda.


DepEd, tinatanggalan n’yo po sila ng pagkakataong kumita mula sa kanilang trabaho! Tinatanggalan n’yo po sila ng pagkakataon na mabili ng users!
May budget naman kayo for text book. Magkano ba? Di ba, milyon-milyon? Ba’t hindi ‘yon ang gamitin? Hindi porke wala kayong magamit na text book ngayon for the incoming Grade 1 at Grade 7 ay may karapatan na kayong tipirin ang budget na ‘yan. At huhugot na lang kayo ng mga akda specifically for these users!

Kung gusto ninyo talagang gawin ‘yan, kahit na wala naman ‘yan sa inyong takdang gawain (will explain later), aba’y magbayad naman kayo. Kung makakatipid pala kayo sa ganyang paraan, magbabayad pa kaya kayo sa susunod? Hindi kaya i-suggest ninyo sa presidente na magganito na lang sa lahat ng level at huwag nang mag-text book at all? Nakikita n’yo ba ang implikasyon nito sa publishing industry ng bayan natin?

Isa pa, kung kayo nga, hindi nagbibigay-galang sa copyright, ang private sector pa kaya?

Hay.

Anyway, ‘yong sinasabi kong hindi ito kasama sa inyong takdang gawain, eto ‘yan. 'Yang aktibidad kasi n'yong 'yan ngayon ay paggawa ng sariling “text book” na itinatago ninyo sa katawagang instructional materials. Kayo ba dapat ang gumagawa niyan? Ano ba kayo? Publisher? Hindi naman, di ba? Ba’t kayo ang nagko-collate ng materyales? Hindi ba trabaho ‘yan ng publisher?

Eto ang nakasaad sa Republic Act 8047 (bale hindi ko kayo hinahabla o anuman. Pinapaalalahanan ko lang kayo.)...

Ay, teka, ang title ng RA 8047 ay An Act Providing for the Development of the Book Publishing Industry Through the Formulation and Implementation of a National Book Policy and National Book Development Plan. (In short, paano at sino ang gagawa ng mga libro sa Pilipinas para mapayabong ang book publishing industry.)

...sa Section 10 nitong dokumentong ‘to, sabi:

The DECS (ngayon, DepEd na) shall confine itself to:

a. Preparing the minimum learning competencies and/or prototypes and other specifications for the books and/or manuscript called for;

b. Testing, evaluating, selecting and approving the manuscripts or books to be submitted by publishers for multiple adoption;

c. Providing assistance in the distribution of text books to the public school systems; and

d. Promulgating with the participation and assistance of the Board rules and regulations for the private book publishers in the call, testing, evaluation, selection, approval, as well as production specification and acquisition of public school text books.

O, may nakalagay ba na kayo mismo ang gagawa ng text books/ instructional materials? WALA.

Hindi n'yo kasi trabaho ‘yan. Kaya get yer derty hends off, please!

Dito nagtatapos ang liham ko.

Love,
Bebang

Eto naman ay patuloy lamang na pagmumuni-muni ko. Bakit ayaw gastusan ng DepEd ang intellectual work/copyrighted materials? Bakit gusto nilang makuha nang libre ang mga ‘to? E, sila nga, lahat me bayad!

Me suweldo kinsenas-katapusan. Me Christmas bonus. Me 13th month pay. Me uniform allowance. Me mid-year bonus. Me RATA. Me pakotse.

At ang pag-e-evaluate ng text book, may bayad din! Tumataginting na P25,000-P35,000 sa bawat aklat! Ibinabayad daw ito sa evaluator.

Tapos ayaw ng DepEd magbayad sa content na siya namang ie-evaluate?

Ano ‘yan, joke?

Akala ko, ako na ang pinakamatinding joker ng taon, ang DepEd pala. I’m so sorry, hindi ako natatawa. Ang lousy lang ng joke. At ang oppressive. Bully pa ang nagde-deliver. Puwes, isang matigas na haha.



Dito makikita ang balita tungkol sa P200 B na pondo para sa K to 12 program.
http://newsinfo.inquirer.net/184287/p200b-will-be-available-for-k-to-12-program-says-solon

Friday, May 11, 2012

Tipid Tip # something

Para makatipid, ipasa ang values sa anak.

1st night, terminal ng victory cubao

ako: asan ang toothbrush mo? toothbrush ka na bago tayo sumakay ng bus.
ej: dun na sa baguio (pagalit)

1st morning, baguio

ako: toothbrush ka na bebe baka mamya wala nang maayos na CR sa pupuntahan natin
ej: naiwan ko pala toothbrush ko sa bahay

1st morning, pinkan jo eatery

ako: o ayan toothbrush ka na binilhan na kita
ej: mamya na lang pagdating sa DENR

1st morning, DENR

ako: asan na yung batang yun?

1st tanghali, Ranger's station

ako: toothbrush ka na, aakyat na tayo ng bundok. wala nang laba-lababo don.
ej: ayoko, andaming tao sa cr

1st hapon, trail

walang katapusang lakad. walang CR. walang lababo. lakad lang.

2nd gabi, camp kung saan nag-oovernight, sa tent

ako: tooth-
ej: zzz...

2nd morning, pagkagising sa camp

pagkagising, wala nang toothbrush-toothbrush ang mga tao. nagyeyelo pati buhok namin sa kilikili sa sobrang lamig. uutusan ko pa ba magtoothbrush si ej? op kors, hindi na.

2nd morning, peak 4 at summit ng mt. pulag

wala namang lababo don. period.

2nd tanghali, camp, sa mga tent

naghahanda na kami sa pagbaba

2nd hapon, rangers station

ako: mag-toothbrush ka na ilang araw ka nang walang toothbrush
ej: ma, anlamig naman dito, sa baguio na.

2nd hapon, DENR

...

3rd night, baguio, restaurant

ako: mag-toothbrush ka na. maganda ang CR at maayos ang lababo. Me tubig.
ej: ma, pag-uwi na lang. sayang pa lang yang bagong toothbrush, e.
ako: okey.

Kume-K-Pop

ni Bebang Siy para sa KAPIKULPI

Kagabi ay nagpunta ako sa inauguration ng Korea Copyright Commission (KCC) sa Pilipinas. Ginanap ito sa Mandarin Oriental Makati Hotel. Naging masaya at matagumpay naman ang event. Ang KCC Manila ay pang-apat na opisina na ng Korea Copyright Commission. Ang main office nila ay sa Korea tapos mayroon ding opisina sa Shanghai at Beijing, ikatlo ang sa Thailand at latest nga itong sa atin, sa Pinas.

Napaka-inspiring ng mga mensahe ng mga Korean national nang gabing 'yon. Nagpapasalamat silang lahat sa pagtanggap at pagsuporta ng mga tao partikular na ang mga Pilipino sa kanilang kultura. Hindi na kaila na mayroong Korean Wave hindi lang sa atin, hindi lang sa Asya kundi sa buong mundo. Ayon nga sa kaopisina kong si Leo Almonte, nalulugi na raw nang milyon-milyon ang Sony ng Japan dahil sa Samsung ng Korea. Umaarangkada rin ang car manufacturer na Hyundai sa buong mundo. Ang kimchi, bulgogi at iba pang Korean food and hot items ngayon sa kusina at restawran. Siyempre pa, dina-dub kaliwa't kanan ang mga Koreanovela sa iba't ibang wika. At ang mga boyband at singing groups na Korean ay maya't maya kung mai-feature sa mga music channels.

Ang pagtatayo ng KCC branch sa iba't ibang panig ng mundo ay isang statement of assurance ng Korea para sa kanilang mga manlilikha, artist, artista, imbentor, writer, direktor, dancer, singer at iba pa. Ito ay isang paraan ng pagsasabi na: pangangalagaan namin ang inyong mga akda kahit ito ay ginagamit sa ibang bansa. Kami ang bahalang mag-protect sa inyong karapatan. Kaya sumulat lang kayo nang sumulat, kumanta nang kumanta, sumayaw, mag-imbento, mag-direct at iba pa.

Ang ilan kasi sa function ng KCC ay ang magbigay ng mga training at educational awareness program sa mga interesado. Ibig sabihin, para hindi tangkilikin ang mga pirated na DVD copy ng kanilang telenobela, magtuturo sila at mag-i-inject ng respect for copyright sa mga mamamayan. That way, hindi malulugi ang mga producer, director, writer at cast ng mga telenobela na ito.

Ayon kay Gigi Yia, writer ng Sparkling, isang K-Pop na magazine mula sa Summit Publishing, napakaganda ng synergy ng mga sector sa Korea. Integrated ang galaw ng mga tao sa business, tourism, culture at education. Kaya halos sabay-sabay ang pag-flourish ng bawat sector, walang naiiwan. Pino-promote ng isa ang isa and vice versa. Halimbawa, makikita sa mga telenobela ang iba't ibang tourist spot sa Korea. Nakakatulong tuloy ito para dumami ang mga nagliliwaliw sa mga spot na 'yon. Nagbukas ng drama tour ang tourism agency doon. Ito 'yong tour na nakatuon sa mga lokasyon kung saan naganap ang mga eksena sa isang drama o telenobela. Dumarami in turn ang fans ng drama o telenobela na 'yon. Bumibili na rin ang fans ng mga merchandise, halimbawa ay mga DVD ng drama o di kaya mga produktong ine-endorse ng mga artista ng telenobela.

Alam na alam ng Korea na napakaimportanteng alagaan ang kanilang mga manlilikha, artista, writer, imbentor at iba pa. Sa mga ito nanggagaling ang tagumpay at rekognisyon na tinatanggap ng bansa nila ngayon. Dahil sa mga taong ito, napakaraming industriya ang sumigla nang bongga, ang kumita nang bongga.

Wish ko lang, ganito rin sa atin. Dahil katulad ng Korea, hitik ang Pinas sa pinakamalikhaing mga utak.

Saturday, May 5, 2012

Maginoo pero medyo bastos!

Naaalala mo pa ba ang kantang iyan?

uy magkabatch tayo!

ang singer niyan na si DJ Alvaro ay heto na ngayon:

while performing



tapos during dinner time namin sa Summer Slam, ang pagdiriwang ng Pilipinas ng World Book and Copyright Day April 2012.



eto naman sila, isang buong pamilya. sabi ni DJ mo, yes, nakakuwentuhan ko siya that night, late na siyang nag-asawa kaya medyo bata pa ang kanilang baby.







Copyright ng mga larawan: Bebang Siy.

Si Lailani at ang Higanteng Ibon Isang Dulang Pambata

Si Lailani at Ang Higanteng Ibon
Dulang Pambata ni Beverly W. Siy
(translated by Ronald Verzo)

Mga Tauhan:
Lailani
Mga uod
Mang Okoy
Taumbayan/Passersby
Supplier
Reporter-ala-Mike Enriquez
Higanteng ibon

Setting: Sa isang makeshift na tindahan, rural area, si Lailani ay nagtitinda ng uod sa mga mangingisda.
LAILANI’S WORM STORE ang nakalagay sa karatula. Walang bubong ang tindahan. Sa tabi lang ito ng kalsada, dinadaan-daanan ng mga tao.
Ipakita na paikot-ikot si Lailani sa mga uod. (Ang mga batang maliit ay gaganap na mga uod, ang gagawin lang nila ay magri-wriggle the whole time.) Bibilangin niya ang mga uod. Tapos ire-record niya ito sa kanyang notebook. Lalapit ang isang matandang lalaki, may dalang fishing rod.
LAILANI: Bili na po kayo, Mang Okoy! Fresh po ‘yan!
MANG OKOY: Ang ang tataba ng mga uod. Siguradong magagamit ko ito mamya sa pamimingwit ko. Heto, pabili. Tatlo nga. (Magbabayad siya kay Lailani tapos bubuhatin ni Mang Okoy ang tatlong uod/bata).
Ipakita na paikot-ikot si Lailani sa mga uod. Bibilangin niya ang mga uod. Tapos ire-record niya sa kanyang notebook. Paulit-ulit niya itong gagawin hanggang sa mainip siya.
May darating uli na mamimili.
PASSERBY: Pabili nga ng dalawa.
LAILANI: Sige po. Hayun po, matataba sa banda roon.
(Kukuha ng dalawang uod si Passerby, magbabayad siya kay Lailani tapos aalis na.)
Iikot-ikot uli si Lailani sa mga uod. Bibilangin niya ang mga uod. Tapos ire-record niya sa kanyang notebook. Paulit-ulit niya itong gagawin hanggang sa mainip siya.
LAILANI: Nakakainip naman! Araw-araw na lang ganito. (Pause. Biglang magliliwanag ang mukha.) Tama! Para maiba naman. (Sisigaw.) Higanteng ibon! Aaaaa! Tulungan n’yo ako! Tinutuka ang mga uod namin! Higanteng ibooooon!
Magtatakbuhan ang mga passerby papunta kay Lailani. Mabubulabog ang lahat sila. ‘Yong iba, magdadala pa ng itak, kalaykay, tabong panghampas, batuta, patpat, pamingwit.
MGA PASSERBY: (sabay-sabay) Nasaan? Nasaan? Nasaktan ka ba, Lailani? May natangay ba ang higanteng ibon? Kumusta ang mga uod?
LAILANI: (Aakting na takot na takot) Nakakatakot po talaga. (Iiyak sa takot. Mayamaya, ang iyak niya ay magiging tawa) Biro lang! (Tatawa nang tatawa.)
MGA PASSERBY (sabay-sabay): Ano?
LAILANI: Biro lang po. Wala namang higanteng ibon na dumating. Baka manananggal! Mamya, baka may manananggal! (Tatawa nang tatawa.)
MGA PASSERBY: ‘Wag kang magbiro ng ganyan, Lailani. Tinakot mo kami! Akala namin, totoo na!
(Isa-isang nag-alisan ang mga tao.)
LAILANI: (tawa pa rin nang tawa) Ambilis naman nilang maniwala! Saan naman manggagaling ang higanteng ibon? Anlayo ng gubat dito. At kung meron man, kayang-kaya siya ng mga braso ko (Ipapakita sa audience ang biceps sa magkabilang braso.) Hindi ako papayag na mabawasan ang paninda ko! (Lalapit at iikot sa mga tinda niyang uod. Pause.) Hindi ako papayag na tukain kayo isa-isa, ‘no? Maaalala ang mga reaksiyon ng mga tao kanina, gagayahin ang ilan tapos tatawa nang tatawa si Lailani. Pailing-iling pa.)
Will talk alone:
Was it really a giant bird? Was it a plane?
No, it was… nothing, really! What a shame!
It’s nice to scare people once in a while.
It’s one way to add some flavour to your day.
Liar, liar I maybe. But I feel so thrilled,
Don’t you see?
Lailani will just act in this part. May music lang sa background. Mabilis ang scene na ‘to. May lalapit para bumili, magbabayad ang buyer, magsusukli si Lailani tapos kukunin na ng buyer ang uod . Mga tatlong beses na ganon. Ipakita kung paanong nakakabagot ang kanyang ginagawa. Pero ang mukha ni Lailani, masaya pa sa umpisa. Medyo palungkot nang palungkot towards the end of this scene. Hanggang sa finally, mabagal nang kumilos si Lailani at malungkot na ang mukha niya. Bored na bored na naman. Sasabay ang tugtog sa pagbagal ng kilos ni Lailani. Isa na lang ang natirang uod. May darating na lalaki, may dala siyang malaking malaking buslo (gawa sa kawayan na butas-butas), lalagyan ng maraming uod.
Supplier: Hello, Lailani. Delivery!
Lalabas ang mga fresh na uod mula sa malaking buslo ng lalaki. Magko-crawl ang mga uod papunta sa tindahan ni Lailani.
WORMS:
Fish love us,
Small medium and large.
Healthy and wriggly,
We are so yummy!
Why don’t you try one?
On top of an ice cream,
Lick and have fun!
Lailani: (bibilangin ang worms, magtatala sa notebook.) Heto po ang bayad. Salamat po. (Aalis ang supplier.) Ang dami nito. Paano kaya ako makabenta nang mas mabilis? (Pause.) Aha, alam ko na! (Prepares to shout, moderates voice.) Ehem…ehem.. (Uubo ubo pa, hahaplusin ang lalamunan.) Do…re…mi…mi…mi…(Louder.) Do re miiiii! Higanteng ibon! Aaaa! Higanteng ibon! (Super super exaggerated way, super scared, parang maloloka na).
Magdadatingan ang mga tao. Panic mode.
Mga passerby: (sabay-sabay) Nasaan? Nasaan? Nasaktan ka ba, Lailani? May natangay ba ang higanteng ibon? Kumusta ang mga uod?
Lailani: tuturo sa langit. Ayun po. Ayun.
Mga tao: Asan? Asan?
Lailani: Ambilis pong nakalipad, e.
Mga tao: Anong itsura?
Lailani: Anlaki po, parang eroplano.
Tao: Ha? E, pa’no nagkasya rito?
Lailani: Hindi po pala, mga kasinglaki lang ng tao. Mga kasinlaki po ninyo. Tapos (Goes on describing the guy, then lahat ng tao titingin sa guy.). Hindi, biro lang po. (Lalakasan ni Lailani ang boses niya.) Nakakatakot po talaga! Ang pakpak po niya, kasinlaki ng bubong namin. Pula po ang mga mata niya. Napakahaba ng kanyang tuka, kulay pula rin. Matatalim ang kanyang mga kuko. Kulay pula rin. Kulay dugo.
Mga tao: Aaaa! (magkakagulo, may mangingibabaw na boses.) Kailangan nating humingi ng tulong. Baka hindi lang uod ang dagitin no’n. Baka pati mga bata! Baka pati tayo! (Magkakagulo uli, super scared mode, maglalabas ng mga cellphone, magraradyo, tatawag sa telepono. Nire-report ang higanteng ibon na nakita sa tindahan ni Lailani. Habang abala ang iba sa pagre-report sa mga authority, ipakita na nagbebenta si Lailani ng mga uod niya. Isa-isa itong mabibili. Ipakita na tuwang tuwa si Lailani at ipakita na nagkakamal siya ng salapi. Hahalikan pa niya ang pera. At tatawa siya silently.)
Dadating na ang mga taga media. May mga camera at mike, pagkakaguluhan si Lailani para mainterbyu siya pero ibebenta niya lang ang mga uod, hindi kailangang may boses itong part na ‘to kasi ang mangingibabaw na boses ay ang ala-Mike Enriquez na reporter.
Reporter (Pormal na pormal sa itaas na bahagi ng katawan pero nakapuruntong at rubber shoes naman.): (Ala-mike enriquez) Narito po tayo ngayon sa tindahan ni Lailani. Napaulat na nakakita si Lailani ng higanteng ibon na nagtangkang dumugin at ubusin ang lahat ng uod. Nangangamba ang mga tagarito na pati bata ay dagitin ng higanteng ibon. Kasama po natin si Lailani ngayon. (Unti-unting lalapit kay Lailani na busy pa rin sa pagbebenta ng uod niya.) Lailani, totoo bang nakakita ka ng higanteng ibon?
Lailani: Hindi po.
Lahat: Ano?
Lailani: Opo. Wala naman talaga akong nakitang higanteng ibon! Joke ko lang po ‘yon. (Tatawa.)
Reporter: Aba, niloloko mo ang lahat ng tao rito. Sinungaling ka pala!
Lahat: Oo nga! Tinakot mo lang kami. (halatang inis na inis ang mga tao.) nag-abala pa kaming mag-report sa mga pulis at media! Ano ka ba, lailani? Sinungaling! Sinungaling!
Lailani: Kayo naman, hindi na mabiro! Joke lang nga po ‘yon. E, alam po nating lahat na wala naman talagang higanteng ibon!
Lahat: Tara na nga , mga kasama! Iwanan na natin ang batang ito. Napakasinungaling! Nakakainis! (Mag-aalisan, iiling-iling.)
Maiiwan si Lailani, ubos na ang kanyang paninda. Marami siyang hawak na pera. Darating agad ang supplier. May dala uling malaking-malaking buslo, puno ng uod.
Supplier: Hello, Lailani. Delivery!
Lalabas ang mga fresh na uod mula sa malaking buslo ng lalaki. Magko-crawl ang mga uod papunta sa tindahan ni Lailani.
WORMS: Fish love us,
Small medium and large.
Healthy and wriggly,
We are so yummy!
Why don’t you try one?
On top of an ice cream,
Lick and have fun!
Habang nagda-dance number ang mga worm, biglang darating ang isang higanteng ibon: ang pakpak, kasinlaki ng bubong. Pula ang mga mata. Napakahaba ng tuka, pula rin. Matatalim ang mga kuko. Pula rin. Kulay dugo. Tumakbo na sa takot si Supplier.
Lailani: (Hindi makapaniwala.) Higanteng ibon? Higanteng ibon! (Walang sound from this part onwards. Magma-mouth lang siya ng linya.) Aaaaaa! Tulungan n’yo ‘ko! Tulong! Ang mga uod! Ang mga uod! Tulong!
Isa-isa nang dinadagit ni Higanteng ibon ang mga uod. (Someone from the production may ask a child from the audience to provide the sounds/voice of Lailani.) Uubusin ng higanteng ibon ang lahat ng uod ni Lailani. Sigaw lang nang sigaw si Lailani. Silent sigaw (from the actress). Until pagbalik ng higanteng ibon, akmang si Lailani na ang dadagitin. Biglang lights out. End.




Friday, May 4, 2012

The Proposal

“Akyat tayo ng pulag,” yaya niya out of the blue.

“Tara,” kako naman, walang kaali-alinlangan. Kasi out of the blue. At parang suntok sa buwan. Kaya di mangyayari.

Pulag? Ang gastos kayang akyatin no’n. ‘Ala kaming ekstrang pera. ‘Alang equipment, tent, hiking boots, power tungkod at iba pa. Ang meron lang kami, dal’wang basyOng bote ng Minute Maid, baunan ng tubig. Pulag? Ang hirap kayang akyatin no’n. ‘Ala kaming exercise-exercise. ‘Alang preparation. Konting lakad lang, hingal-matsing na si Poy. Ako, konting hakbang lang, hingal-monkey-eating eagle na. Pulag? Ang ginaw kaya do’n. ‘Ala kaming heavy-duty na damit, jacket at pantalon. Ni kapote, wala kami. Umuulan pa naman do’n. Payong, meron. Pero meron bang umaakyat ng bundok nang nakapayong?

Malayong mangyari ‘to. Kaya umo-oo lang ako. Last year pa ‘tong pag-aya niya sa akin at pagkatapos ng taon, wala na siyang binabanggit tungkol dito. Ako nga rin, nalimutan ko na, e.
Pero nang papalapit na ang summer, pabanggit-banggit na uli siya ng Pulag. Tango lang ako nang tango. Ang summer ko ay nakalaan para sa pagsusulat. Kaya wala sa isip ko ‘to. Andami kong backlog! Kelangan ko ring tapusin ang ipinangako kong raining mens. By summer. By hook or by crook. Sabi ko sa sarili ko. Promise. Tapos ‘yan!

Pero seryoso pala talaga siya. Naghagilap na siya ng petsa ng climb. Ang napili niya ay April 28. Kailangan daw nasa tuktok kami ng Mt. Pulag that particular day. Sabi ko, me petsa pa, aba, totoo na ‘to. Ano na bang meron kami bukod sa Minute Maid empty bottles and ever reliable umbrellas?

Tent!

Pero sa housemate namin ‘yong tent. Binili niya 'yon para sa sarili niyang hiking activities and other sexual physical-related activities. Nagka-tent lang si housemate, nagyayaya na ‘tong boypren ko mag-Pulag?

Hmmm… there must be something something.

“Ba’t April 28? Ano ngang meron?” urirat ko.

“’Yan ang araw na nagkakilala tayo.”

Oooohh.

Hindi ko na matandaan kung anong petsa kami nagkakilala. Hindi na rin niya matandaan ‘to sa pagkakaalam ko. Meaning, nag-research siya. Huwa. So… there must be something something, really.

The date is significant + Pulag is something magical.

Anakngpalasingsingangmayengagementring! Magpo-propose ‘to. Magpo-propose sa ituktok ng bundok. I can feel it.

Pero me problema.

“Anong petsa uli?”

“April 28,” anya.

“Me engagement este, me gagawin na ‘ko sa araw na ‘yan. Me werk ako 'tsaka kasal ni Russ, alala mo?”

“ Oo nga pala,” ladlad balikat niya. “E, di ‘yong sunod na weekend,” nag-light up uli ang mukha niya, parang kay James Yap nang ma-annul ang kasal kay Kris.

“Okey. Okey.” Tango-tango lang ako uli.

Nag-umpisa siyang maghanap ng mga kasama. Bumuo siya ng FB group para dito. Nagset din siya ng jogging kada umaga. (Isang beses lang ito nagawa. Kasi, napagdesisyunan naming jogging is too much. Ibang exercise ang pinili namin. ‘Yong mas masarap gawin. ‘Yong konti lang ang indayog ng katawan pero todo pa rin kaming pagpapawisan. Lakad every day. ‘Wag green minded, wholesome ‘to.) Unti-unti na rin siyang nag-ipon para sa climb. Siya lang. Sabi ko, siya naman ang me gusto, e. Pero sige, I will help him save money. Hindi na ako bumili ng Zagu mula noon. Para makatipid. Kahit na nanginginig ako sa gabi kapag di ako nakakahigop ng Zagu. Bumili ako ng bag recently. Para makatipid, japeyks lang binili ko: Diyansport ang tatak. Diyan ko lang binili, sa tabi-tabi. Keber na sa trabaho, ano ba naman ‘yong sa intellectual property at copyright organization ako naglilingkod 8 hours a day, 5 days a week, 4 weeks a month? Anything para sa minamahal.

Pero sa totoo lang, siya sobrang excited. Ako, hindi. Gusto ko nang mag-asawa, oo. Wala na kaya ako sa kalendaryo. Pero thank God, nasa thermometer at multiplication table pa naman ang edad ko. Pero ayoko neto. Ayoko ‘tong gagawin niyang pagpo-propose sa Pulag. (Kung magpo-propose nga siya, ha?)

Baket, aber?

Dahil may sarili akong plano. (EVIL GRIN.)

At gusto ko, ‘yong plano ko ang matuloy. At hindi sa Pulag ‘yon magaganap. Sa Everest. Joke lang. Sa Smokey Mountain. Ba’t ba? Wala pang nagpo-propose diyan I bet. Unique talaga. Higit sa lahat, true to my nature: third world.

Pero joke lang uli.

Basta somewhere.

Surprise, ba’t ba?

Noong isang gabi, kinausap ko siya. Kelangan makasiguro ako.

“’Wag kang magpo-propose sa Pulag, ha?”

“Oo, ‘no? Hindi. Hindi talaga. Feeling ka, a.”

“Ayoko talaga, Poy.”

“Oo nga, hindi do’n,” natatawa niyang sabi.

“E, sa’n?” tanong ko.

“Dito. Will you marry me?”

Joke. Di n’ya tinanong ‘yan. Di ko rin naman tinanong ‘yong “E, sa’n?” Anyway, in-assure niya akong di siya magpo-propose.

Pero sinundot ko pa rin siya. “E, ba’t sobra ka mag-organize nito? Depo-deposit pa ng pera. Research-research nang bongga. Me pre-climb meetings pa. Me L tayo every single night. (Lakad. Oo, naglalakad kami sa gabi.) Buong-buo na ang perang gagastusin nating tatlo ni EJ. Nag-shopping ka na rin, kahit mag-isa ka lang no’n, ng makakapal na jacket, halagang P50 each. Nag-advance order ka pa sa Papadad’s ng spicy adobo, pagkain ng lahat sa Pulag. Minu-minuto kayo mag-meeting ni Wendell. Baka magpo-propose ka talaga! ‘Wag, ha? ‘Wag na ‘wag. Pinaghahandaan mo nga yata, e. ”

“Hindi talaga. E, sa gusto kong walang hassle ang climb natin, ba’t ba?”

Tameme ako. Kasi di ko alam kung matutuwa ba ‘ko o malulungkot.

Wednesday, May 2, 2012

WIPO Asia-Pacific Regional Symposium on Capacity Building in the Field of Copyright and Related Rights, in short WERK WERK WERK




Notes ko sa event na ito:

Copyright is essential to creativity.

Creativity is essential to humanity.

Naimbento ang copyright/IP para maiwasan ang mga scheme ng mga taong mahilig sa free riding.

Pag nagke-create ka, nagpo-promote ka ng diversity. And in turn, nagke-create ka ng
respect for others.

Importante ang copyright kasi makikita ito sa mga industriya: greeting cards, public lending of books, festivals, internet. Lahat yan, nakaka-generate ng income.

When talents are turning into jobs, you need copyright to protect the people behind the talents (and eventually) the jobs.

Binabago ng digital technology ang paraan ng paglikha ng mga copyrighted material. Pati ang paraan ng pagdi-distribute dito at ang paraan ng pag-consume.

Dahil dito, malaking challenge tuloy ang pag-control sa paggamit ng mga copyrighted material.

Ang Ascof Lagundi ay isang university based research na kinomersiyalays ng isang pharma company.

Ang National Library ng Pinas ay depository ng mga copyrighted material. Nasa batas natin ito, na sila ay depository ng mga copyrighted material. Pero hindi required ang magdeposit ng copyrighted material para lang magkaroon ka ng copyright over your work.

Ang certificate of copyright registration ay isang ebidensiya na nakapag-deposit ka ng trabaho mo sa National Library.

Ang sampung satellite office ng IPOPHL ay tumatanggap na rin ng copyright registration services. Kasi walang branch ng TNL na puwedeng mag-asikaso nito. Kaya sinalo ng IPOPHL ang bulk ng work.

Madaming copyright issue sa mundo ng advertising.

Tinatrabaho ngayon ng IPOPHL ang isang cultural IP policy.

Pati manuscripts ay may resale rights din. Kapag ang manuscript ay ibinentang muli, dapat magkaroon ng porsiyento ang creator. Hindi iyon mabebenta sa isang certain amount kung hindi dahil sa IP na nakapaloob dito.

Ang Berne convention ay binuo para mag-provide ng uniform manner of protection as much as possible.

May mga limitasyon at exception para sa edukasyon. At dapat bigyang focus ito. Kasi sa totoo lang nagiging palusot ang fair use dahil for educational purposes daw. Ang laging sagot namin ng boss ko diyan, estudyante ka at pupunta ka sa National Book Store. Kailangan mo kasi ng ballpen para makapag-notes ka sa klase. Puwede mo bang sabihin sa cashier, libre na po ‘to, ha? For educational purposes naman. SIYEMPRE, HINDI! E, bakit kapag para sa authors natin, hindi makapagbayad ang mga damuhong ito?

Dini-discuss ngayon sa international level ang mga limitation and exception sa paggamit ng mga copyrighted material ng mga visually impaired people (VIP, panalo!), persons with disability at library.

Siyempre, pinu-push na magkaroon ng mas flexible na copyright law para sa VIPs.

Ang standing committee sa copyright and related rights (CRR) ng WIPO ay masigasig na pino-promote ang dialogue among stakeholders (siyempre pa, kasama diyan ang writers!!!)

Magkakaroon na rin sila ng survey tungkol sa national legislation on voluntary registration system. Hindi ko lang alam kung may kinalaman ba ito sa licensing. Or baka ‘yong registration ng copyrighted material ang tinutukoy.

Pino-promote din nila ang mga national study. Mga research tungkol sa CRR. Na sobrang kulang sa ating bansa. Ang mga ganitong study raw ay makakatulong para ma-update ang ibang bansa re: best practices.

According to 2012 studies, sa Pinas, 11% ang contribution to employment ng copyright based industries. At 5% naman ang ambag nito sa GDP natin. Ang laki niyan, ha? Budget na ‘yan ng DepEd.

Sabi ng Australianong si Scot Morris, for every 1% increase sa copyright protection, nagkakaroon ng 6.8% increase in foreign direct investment.

Maganda ring i-promote ang cultural tourism. I so agree!!! Umpisahan na sa Palawan, por diyos por santo. Dito natagpuan ang unang tao sa Pilipinas, ibig sabihin, developed na developed ang kultura dito bago pa me mga dumayo. Ngayon, puro wonders of nature lang ang pino-promote ng gobyerno? Hmp! Super sayang!

Pag pumirma sa Berne Convention ang isang bansa, automatic itong nagkakaroon ng international system for protection of authors’ rights at trading system para sa mga produkto at serbisyong protektodo ng copyright. Pumirma po ang Pinas 1951 pa. So long ago, my gulay.

Pag may maayos na enforcement infrastructure (meaning madaling hulihin ang nagkasala at patawan ng parusa), madali nang makakapag-enforce ng rights ang mga copyright holder.

Ang trabaho ng CMO: license, collect and distribute. Eto pala ang work ng FILCOLS. E sa Pinas di puwedeng mag-license. Wala pang masyadong alam ang mga tao tungkol sa CMO. Nasa-shock sila na me ganitong nilalang. Kaya puro copyright awareness muna.

Habang nagto-talk si Mr. Morris, may isang internet service provider daw sa Australia ang nahatulang liable for illegal downloading. Ang nagpasimuno ng reklamo: Australian content providers group. Sa kanila nakikipag-negotiate ngayon ang mga internet service provider.

Napatunayan kasi na naaapektuhan ang industriya ng mga content provider na ‘to dahil sa mga unathorize downloading.

Sa ngayon, they are coming up with code of conduct for internet service providers. Kasi gusto ng mga ISP na ito na maging content provider din sila. So they have to maintain good relations with sources of contents. It’s really all about business!

Ayon sa isang APRA study, ang music sa restaurant ay may direct relationship sa consumers’ perception, sa atmosphere ng kainan at sa willingness ng customer na gumastos.

Ang mga akda/work ng indigenous at traditional artists ay ino-auction sa European countries for millions of dollars! (huwaw!) Kaya naman merong UNESCO convention on the protection and promotion of the diversity of cultural expressions. Ang makikinabang dito ay ang mga kapatid nating alagad ng sining mula sa rural areas. Dapat matulungan natin ang mga kapatid natin para makapakinabangan nila ang pagiging indigenous at traditional nila. Advantage nila ito.

Maraming ambag ang collecting societies sa development ng lipunan, kultura at industriya. Nakakapagpa-contest sila, nakakapagbigay ng mga grant, nakakapag-organize ng mga festival, nakakapag-showcase at nakakapag-export ng talents at talino, nakakatulong sa pagpo-promote ng mga ito, nakakapagbigay ng mga award para sa recognition ng mga talent.

Tingnan ang pag-export ng music bilang opportunities.

For copyright awareness campaign, mas ok kung mag-focus sa isang sector lang.

Mamili rito: consumers, gov’t agencies, schools, universities, small and medium enterprises and many more.

Gumamit at gumawa ng mga web resource, maghalal ng copyright ambassadors

Itinatag ang ACTA, Anti-counterfeiting trade agreement dahil sa dami ng counterfeit at pirated goods.

WTO= World Trade Organization, TRIPS= Trade Related Aspects Intellectual Property Rights, APACE= Asia Pacific Copyright Systems Enhancement Program. In short, may mas malaki pang mundong ginagalawan ang mga akda/sinusulat natin. Sangkot ito sa trade dahil ito ay isang produkto.

Noong 2nd Asia Copyright Conference (2011), na-discuss ang pagkakaroon ng standardization at sharing ng structure ng mga copyright registration system. Sa ngayon kasi, kanya-kanya sa bawat bansa.

Baka raw magkaroon ng centralized na administration sa pamamagitan ng international collaborations. Kasi baka mas makita ng mga copyright owner ang advantages ng paggamit ng copyright registration systems.

Nangyayari ang mga copyright infringement dahil sa pagdevelop ng technology. Kaya dapat din ma-improve ang mga copyright system.

May measures tungkol sa pag-regulate ng mga kaso ng infringement sa ibang bansa. Kasi
turf ng iba ‘yon. At doon sila usually nalulugi. Ang solusyon nila, mega na major major pa na awareness campaign.

Since 1993, APACE gives assistance to each country for the establishment of domestic laws, strengthening controls and developing copyright management societies.

May trust fund sila at nakatuon sila sa developing countries na nasa Asia and the Pacific Region. Pinas ‘yon! Puwede sigurong makahingi ng tulong dito ang FILCOLS?

Hindi sineseryoso ng publiko ang copyright infringement ayon sa isang report mula sa ibang bansa. Oo nga! Dito rin! Bakit nga ba? E, kasi wala namang nako-convict!

Advance na ang bansang Mongolia, gusto nila, makakolekta sila ng royalty for online use.

May incentive activity ang government ng Mongolia pra sa CMO ng literary works. Sana dito rin sa Pinas. Calling IPOPHL! Hahahaha

Sa Mongolia, pati law schools, binibigyan ng training tungkol sa copyright. Dito rin, sana! Umpisahan natin sa UP?

Sa Nepal, hindi rin alam ng mga creator ang kanilang rights. (Same with Sri Lanka, hindi raw interesado ang mga creator na malaman ang kanilang mga rights.) Olats din daw ang enforcement agencies sa Nepal. They plan to inject the copyright lessons in school and academic curriculum. Puwede ring gawin dito ‘to. Umpisahan natin sa UP?

Sa Pakistan, krimen ang infringement. Kahit walang warrant of arrest, arestado ka.

Copyright is lifetime of authors plus 70 years. Sa Sri Lanka ito. Sa atin, 50 years lang.

Thailand copyright office is being supported by WIPO, JCO, Sweden at Korea.

May 29 collecting societies sa Thailand!!! Andami! Problema tuloy nila, nag-o-overlap ang pangongolekta ng fees. Ang saya! Lipat na ang FILCOLS dun! Hahahaha

Isa sa pinakamagandang report ang Thailand. Very updated at hindi vague ang mga tinalakay niya. Nakatuon sila sa mga isyu.

Ang event na ito ay parang evaluation ng assistance division ng WIPO. Chine-check nila kung meron pa silang hindi na-address na mga problema noon.

Puwedeng mag-translate ng mga published material ng WIPO. Sulat lang sa kanila para magpaalam.

Study visits to Japan CMOs are encouraged.

May libreng course ang WIPO Academy. Tungkol ito sa copyright. Online ito, may mentor-mentor daw. Free siya, ha? I will avail of this one of these days. Tara na, sayang ang opportunity. Lahat daw, welcome.

Ang isa sa mga problema: we have wonderfully written laws pero hindi naman ini-implement.

Me mga lumulusot at nagpapalusot kapag walang sapat na technical standards at digital rights management.

School ang ideal na target for copyright awareness para generational ang pagbago sa mind set.

Ang ilang gov’t agencies ay violator mismo ng IP laws. Dapat sila nga ang mag-lead. They should pay. Sino ang ibinigay na example? Ang mga politician, ‘yong mga gumagamit ng copyrighted materials sa kampanya nila.

Ang mga CMO, more than 100 years na. Lagi pa ring nakaka-adjust sa nagbabagong environment. E, pa’no ngayong digital times na?

Mas mataas ang individual administration ng rights. Kasi dahil sa digital age, dumidiretso na ang mga user sa mismong creators/copyright holders.

Advise sa mga CMO, gusto ng mga user, makilala nila kung sino ang gumawa ng mga work na kanilang ginagamit. So mahalaga ang database. Advantage kapag may ganito ang isang CMO.

Sa digital age kasi, simple at straightforward ang mga activity. Dapat ang CMO, ganito
rin ang quality ng service lalo na ngayong digital age. Para legal pa rin ang steps na pipiliin ng users.

Ngayong digital age, wala nang physical borders. Kaya dapat ang mga CMO, magsama-sama through regional alliances at iba pa. Para mas madali silang mahanap ng user at para mas madali ang mga pag-uusap. Malalaki na rin ang mga user (example, Google, Apple, etc. etc.)

Ito ang present challenge talaga: mabalanse ang proteksiyon para sa creators at ang pag-develop ng creative industries.

Ang pagda-download ay reproduction din. Direct lang ang ginagawa mo. Kasi noon, ang reproduction, me namamagitan pa. ‘Yong publisher. Ngayon, wala na.

Access to internet is access to info pero hindi ka pa rin allowed to do illegal activities. Parang free speech. Oo puwede mong sabihin ang gusto mong sabihin, pero kapag minura mo ako o kaya siniraan mo ako, puwede kang kasuhan kasi taliwas ‘yon sa batas.

Sa US daw, sinasamantala ito ng mga abogado. Wala nang warning-warning, basta na lang nilang hinahabla ang mga violator. Kasi doon sila kumikita!

Sa Singapore, publishers ang naglabas ng pondo para makapagtatag ng RRO.

Kung mababa ang recruitment of members ng isang CMO, okey lang. Unahin ang key rights holders. Hindi kailangang target-in lahat. Sa Singapore, small writers ang sumali noong una. Later na lang nagsisali ang malalaking banga. (banga talaga?) Tapos collect agad then distribute. Sila na ang lalapit para magpa-member. Money talks, sabi ni KT Ang.

Kulang na kulang ang teaching materials re: IP. Dapat mag-develop ang WIPO.

Sa Australia, hard at soft copy ng work ang idinedeposito sa National Library nila.

Google worked with libraries and digitized all the collection of the libraries.

Google is negotiating na magbayad na lang ang user for the content pero sila pa rin ang search engine for the said books. Hindi pumayag ang mga publisher. Wow! Copyright holders rock!

Maganda na magkaroon ng copyright awareness film featuring creators. Personal level ang atake sa film. What does copyright can do for them? (tamang-tama ‘yong naiisip naming video re: copyright na ang tampok ay heirs! We are on the right track!)

Sabi ni KT Ang, FILCOLS should join forces with FILVADRO so that we can license the universities.

Kung may tanong hinggil sa post na ito, email lang ako: beverlysiy@gmail.com

Tuesday, May 1, 2012

Post Post Office




Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng sandamakmak na insight sa tour na ito. Ang gusto ko lang,

1. maipasyal ko ang tatlo sa pinakamalapit kong kaibigan ngayong nandito sila sa Pinas at
2. ang maka-bonding sila.

Sa Post Office ko sila kinaladkad. Pito kami:

Ako
Poy- BF ko
Russ- BFF
Janice- Fiance ni BFF Russ that time, ngayon wife na
Tristan- BFF ni Russ from Pangasinan
Eris-BFF
Ron-BFF

Noong una, gusto ko lang din na makita ni Poy ang likod ng Post Office. Hindi kami dinala doon ni Rence Chan noong April 15, ang aming Postal Heritage Tour. Sa Arroceros Park niya kami dinala, na isa rin namang enchanting na lugar kasi kakaibang Ilog Pasig ang bumulaga sa 'min paglusot namin sa mga puno-puno sa Arroceros Park.

Ito namang binabanggit ko na puwesto para maangguluhan nang maayos ang Post Office (PO), naisip ko, magandang mapuntahan ni Poy. Bago man lang maging hotel ang Post Office. Sa June kasi, isasara na ito. Uumpisahan na ang pagre-repair at ang pag-construct ng mga dapat i-construct para mai-convert bilang Fullerton Hotel ng Singapore ang iconic na building na 'to. (Ops, sa mga gustong sumali sa Postal Heritage Tour, pumunta lamang sa Liwasang Bonifacio sa ikatlong linggo ng Mayo, 12:30 ng tanghali. Libre 'to, no joke, no hidden charges! Kailangang magpa-register pero kahit hindi naka-register, sa totoo lang, pinasasama na rin kapag sumipot doon.)


Anyway, so ayun, since gusto kong makita ni Poy ang likod ng PO at gusto kong makasama ang mga BFF ko, ba't hindi na lang pag-isahin ang mga lakad? So ginather ko ang mga utaw last week at nagkita-kita kami sa monumento ni Bonifacio sa tapat ng fountain. (Plaza Lawton ang tawag do'n no'n, named after Henry Lawton na mahusay na heneral during the American time. Napatay siya ng isang Pinoy sharp shooter. Sori naman. Kumbakit sa kanya ipinangalan ang Plaza, ewan ko sa mga ninuno nating baliktad mag-isip. Buti na lang, pagpasok ng 1970's, tinawag nang Liwasang Bonifacio ang lugar. Kaya andun ang magiting na Supremo.)



So...mabagal kaming lumarga papasok ng PO. Piktyur kami nang piktyur. Sabi ko, friends, countrymen, samantalahin n'yo na at in a few days, isasara na 'to. At sa muli nitong pagbubukas, di na 'to post office. Hotel na. Ibang-iba sa nakagawian natin.



Pagdating sa loob, inikot namin ang lobby. Nandoon pa rin ang exhibit ng stamps na sobra kong kinagiliwan nang una kong makita at nang una akong makarinig ng lecture tungkol dito. Suwerte 'tong mga kasama ko. Last week na pala ng exhibit do'n, naabutan pa nila! So, explain-explain ako nang konti kasi wala 'yong lecturer that afternoon:



1. Ang bahagi ng sobre na pinaglalagyan ng To, From at stamp ay tinatawag na cover. May mga nangongolekta ng cover at pinag-aaralan ang mga ‘to.

2. Ang mga cover na nagmula sa panahon ng pananakop ng Hapon sa Pinas ay napaka-rare. Kasi nang time na ‘yon, lahat ng sulat ay pinagsususpetsahan na may mga mensaheng sumasalungat sa gobyerno led by the Japs. Konti lang ang nagpapadala ng mga sulat/cover kasi ang sinumang mapagsuspetsahan ng mga Hapon, pinapatay. May mangilan-ngilang sulat ang nakalusot. At ang ilan doon ay kasama sa nabanggit na exhibit.

3. May mga tao na inaaral ang mismong nakatatak sa mga cover. Halimbawa ay ang slogan o logo na tangan nito. Ang nasa exhibit ay evolution ng mga slogan at logo na ginagamit ng PO.

4. Isang collection ng mga kakaibang stamp ang makikita doon. ‘Yong sa Canada, ang perforation ng stamps ay kahugis ng dahon na simbolo ng bansang ito. Meron ding stamps na 3D, glow in the dark, scented, gawa sa silk (Thailand), gold plated, silver plated, heart shaped, embossed at iba pa.

5. May isang collection doon na tungkol naman sa pre-stamp era sa Pinas. Noong wala pang stamp, ano ang itsura ng mga sobre? Malalaki ang sulat, parang font na Lucida handwriting. Kasi ‘yong mga balahibo pa ng manok ang panulat noon, makakapal ang bawat titik. Nakasulat doon sa cover ang To at From siyempre, tapos petsa kung kelan dinala sa post office ang sulat at kung kailan ito tinanggap sa post office na malapit naman sa addressee. Noon daw ay trust system lang. Magbabayad ka for a service na hindi pa ginagawa for you (sending), kumbaga, ine-entrust mo lang ang letter para maibigay sa addressee. Tapos ‘yong addressee will also pay for the service pagka-deliver ng sulat sa kanya.

Etcetera, etcetera. Feeling tour guide talaga.


Ewan ko lang kung namamangha rin sila sa mga pinagsasasabi ko. Basta ako, sobrang amazed hanggang ngayon. Me mga gan'to palang uri ng pagtingin sa mga sulat, stamp at sobre.


Bumaba kami, piktyur-piktyur uli sa hagdan. Tumuloy kami sa Parcel Area. Itinuro ko ang mga bakal na nakaharang sa counter. Mukhang matitibay dahil original daw ang mga bakal na 'yon. No'ng unang panahon pa. Walang binago. Wala ring linis-linis.


Itinuro ko rin ang mga electric fan do'n na nakakaeskandalo ang kapal ng dumi at alikabok. Iisipin mong di 'to ginagamit mula pa nang panahon ni Lawton but no, ginagamit ito ng staff doon, na mukhang kapanuhan din ni Lawton. Ino-on ang electric fan slash alikabok and hika maker araw-araw na ginawa ng Diyos except Saturdays, Sundays and special holidays.


Lumipat na kami sa Philately Museum at Library. First time ko rin itong napasok. Last time na nandoon ako ay sarado ito. Sunday, hello?


Na-meet namin si Mam Nena de Guzman, librarian yata siya doon. Hinayaan niya kaming mag-ikot-ikot sa museong maalikabok (na naman, hay. Ubo...ubo...ubo!). Ando'n ang mga lumang gamit ng PO: typewriter, telepono, weighing scale at marami pang iba. As in mga gawa pa ito sa bakal. Mahigit siguro sa dalawampu ang mga antigo doon. Kapag ibinenta sa antique shop o ipa-auction, di biro-birong halaga ang makakamit. Ano't binubulok lang dito, walang nakakakita kundi iilang tao?



Malapit sa entrance ng Museum ay mga stamp na naka-mount katulad ng sa stamp exhibit sa may lobby. Si Pope John Paul II ang feature. May mga kabinet sa buong kapaligiran. Paghila ni Poy sa nakausling handle ng isang kabinet, bumulaga ang isang parang naka-laminate na poster ng mga stamp. Guatemala, ang sabi. Paghila niya ng isa pa, Japan.


Naku, iba't ibang stamps mula sa iba't ibang bansa pala ang lahat ng 'yon.


'Ando'n lang at nakikipag-party-party sa mga alikabok at lamok?


Tiningnan ko uli ang lahat ng kabinet sa paligid namin. Massive ang collection na 'to. Bakit ando'n lang? Ba't nakatago? Nag-iisa lang ang Philately Museum sa bansa. Kung ganon, sa'n na 'to dadalhin? Kasama ba sa ni-lease ng Fullerton Company ang bahaging ito ng PO? I-showcase kaya nila ang collection na 'to pag hotel na ang building? Isama sa cultural tour ni Carlos Celdran? Patok sigurado.


Sabi ni Poy, dapat me isang advocate ang opisinang 'to para naman hindi mapunta sa wala ang collections. I agree. Sana may isang masigasig na stamp lover na magsulat tungkol dito at mangampanya para mapanatili ang museum sa nasabing area. Sana makagawa siya ng paraan para maipakita ang lahat ng ito sa marami pang iba.



Pumasok na kami sa library. Puro catalogue ang nandoon, tsaka mga magasin. Nandoon din ang ilang mga libro tungkol sa stamp. Karamihan daw ng dumadalaw doon ay estudyante at researcher.Sayang, kung nalaman ko lang 'to noong nagtuturo pa 'ko, isa 'to sa mga pinapuntahan ko sa aking mga estudyante.


Halos lahat ng laman ng library ( na one room affair) ay nakatali na. Aalis na raw kasi sila. Kumbaga, pack up na. Pack up. At during our visit, sabi ni Mam Nena, di pa rin niya alam kung saan na siya ililipat. (Less than two months at wala pang kaalam-alam ang empleyado mo kung sa'n mo na siya dadalhin? Que barbaridad!)



Sayang. Talaga. Ambait pa naman ni Mam Nena. Ibinenta pa nga si Russ kay Janice dahil Pangasinan din pala si Mam Nena. Sabi niya, mabait at maasikaso raw ang mga lalaking Pangasinan. Tawa lang nang tawa ‘yong dalawa. Nag-blush pa nga kasi hindi sila tinantanan ni Mam Nena!


Inimbitahan din kami ni Mam Nena na mag-avail ng mga philately bulletin. Katabi ng library ang Stamp Design Office. At sabi ni Mam Nena, kapag may special design ang stamp ng Pilipinas, may inilalabas na bulletin tungkol dito. 'Yon nga, Philately Bulletin. One page lang 'to at nandoon ang details kung paanong ginawa ang isang design at siyempre kung magkano ang partikular na stamp na ‘yon. Para talaga siya sa mga collector ng stamp.


Heto ang mga kinuha naming bulletin:

1. Carlo Caparas collection-mga front page ng komiks, ginawang stamp: Totoy Bato, Pieta at iba pa.

2. UP Centennial-ikinuha ko rin nito si Tristan at si Eris (wala pa si Eris at si Ron nang time na 'to, late!)

3. Valentine Special- heart shaped na stamp ang feature, sabi ko, 'yon na gift ko kila Russ at Janice hahahaha

at

4. Front ng simbahan ng Gumaca, Quezon-gusto 'to ni Poy, sinubukan pa nga naming bumili ng stamp pero ubos na raw.


After the museum and library stroll, pumunta na kami sa may likod ng PO, sa canteen area. 'Yon din, 'yong mababang structure na 'yon ay luma na. Siyempre, kasabay na itinayo ng PO. Sabi ng tour guide namin noon, sinadya raw na mababa ang iba pang structure sa paligid ng PO Complex para mag-stand out ang PO main building. Para magmukha itong mas enggrande.



Ipinakita ko rin sa mga kasama ko ang super daming brown envelope from PLDT na hindi nakarating sa mga addressee, for a number of reasons: moved out, no forwarding address, incomplete address at iba pa. Noong Postal Heritage Tour, isang kasamahan namin ang nagbukas ng isang brown envelope. Curious din ako pero ayoko namang ako pa'ng magbubukas ng sobre. Kaya buti na lang nagbukas siya ng isa. Notice pala ‘yon para sa shares ng stockholder ng, I assume, PLDT rin siyempre. Tapos sabi pa ng isa naming kasamahan, baka raw dahil meron nang email, hindi na pinupursiging makarating ang mga ito sa addressees. Oo nga. Nawawalan ng urgency at significance ang mga gan'tong mail dahil sa teknolohiya. Naku. Pero ganon talaga.


Times change.


Ga’no kadami ‘yong sobreng nakatambak do’n? Five figures siguro. Minimum 10,000.


Tumingala ako sa Post Office main building. Bigla akong nalungkot na gagawin nang hotel ang Post Office. Puwede pala ‘yon, kahit ga’no ka kaimportante noon, sa isang iglap lang, ipasasara ka na. O kaya ililipat. Or worse, titibagin ka. Bukas, makalawa, wala ka na.

Puwede pala 'yon.

Hindi na kasi kumikita ang PO at masyado nang malaki ang lugar para sa kanilang operations. Sa isang banda, tama lang naman na mag-evolve na rin ang function ng building. At ang building mismo. Para maging significant pa rin ito. Hindi naman puwedeng gawing government office kasi ganon din, magde-decay din ito eventually. Ang hina ng gobyerno sa maintenance! Lalo namang hindi puwedeng gawing school dahil marami ang masisira sa dami ng estudyante at sa activities para sa kanila. Kung isang malaking museo naman, hindi ito magiging income-generating. Maintenance pa lang, malaki-laking amount na ang kailangan. (Sabi ni Rence noong tour namin, milyones na ang utang ng PO sa tubig dahil marami nang butas at sira ang mga tubo ng PO. Hindi naman maipagawa dahil malaking pera rin ang gagastusin.)


Pabalik na kami nang finally, dumating na ang mag-asawang Eris at Ron. Do’n namin nalaman na magkakilala pala sina Eris at Tristan. Yep, small world. Magka-block sila noong Stat pa ang course ni Eris. Later on, nalaman namin na naging magkaklase kami ni Tristan sa Philo I. Siyempre, wala pang pansinan noon, isa ako sa ireg (short for irregular) ng klase nila. Di ko na maalala ‘yon, actually. Pero definitely, naging magkaklase kami: ako, Eris at Tristan noong mga 16 years old pa lang kami. Weird, ‘no?


Anyway, naglakad uli kami pa-lobby. Sabi ko, piktyur-piktyur pa. Tinour ko uli si Ron sa may exhibit ng stamps. Sina Russ at Tristan, nasa gitna ng lobby. Tumingin-tingin ng puwedeng bilhin from the Stamp Group (group ni Sir Rence). Si Janice, nasa upuan sa gilid, may kausap sa telepono. Sabi ni Russ, di pa raw kasi ayos ang ilang detalye para sa kasal nila. E, sa Sat na ‘yon. Kaka-rattle nga naman.


Nagpiktyur-piktyur pa uli kami sa labas ng PO bago kami tumulay papuntang Escolta. Naglakad kami hanggang sa makarating sa Savory. Nadaanan namin ang Burke Street na ang landmark ay isang Mini-stop, ang City College of Manila na nasa isang lumang building, ang Calvo Building (dating building ng GMA 7) at ang Capitol na dating sinehan, ngayon abandonadong estruktura. Pasyal, gala hanggang sa makarating kami sa Ambos Mundos, super lumang restawran sa may Recto, as in 1880s pa. Naghapunan kami sa tapat no'n, lumang restawran din, same management, at masayang nagtapos ang aming gabi.



Neto ko nang na-realize na symbolical din ang post office tour sa akin at sa aking matatalik na kaibigan. Nagpunta kami doon para makita sa huling pagkakataon ang isang bagay na nakasanayan naming makita sa personal, sa diyaryo, sa TV, sa internet. Icon ang building na ‘to. Sino sa 'min ang nakaisip na someday, titigil na 'to sa pag-iral bilang kanlungan ng mga sulat? Sino sa 'min ang nakaisip na magiging hotel ito in the future? Siyempre, wala.


Dinala ko sila sa isang lugar kung saan may pagbabagong magaganap. Massive na pagbabago. Nariyan pa rin ang building pero iba na ang building na haharap sa lahat bukas, makal'wa.


Unconsciously, hinahanda ko na pala ang sarili ko (at sila) para sa mga mangyayari sa pagkakaibigan namin. Pinagbaba-bye ko na pala ang sarili ko (at sila) sa dating anyo ng friendship namin. Na sa totoo lang, until now, ay pumapatay sa pagmamahal ko para sa matatalik kong kaibigan.


Parang post office lang, hindi nakasabay ang utak ko sa takbo ng panahon at ng sitwasyon.


Para sa akin kasi, ang best friend ay best friend ay best friend pa rin. Mananatiling ganon. At ganon. Kahit wala na sila, iniwan na nga ako, malayong lahat, ganon pa rin, okey? Wala pa ring iwanan kahit saan. Mangangarap nang sabay-sabay. Wala pa ring sikre-sikreto. Ikaw pa rin ang laging una. Nariyan pa rin sa petsa at oras na kailangan mo. I was simply fucking myself with expectations. Hindi nag-sink in sa akin, for the longest time, na malaki ang nagagawa ng distance sa mga relasyon, maging sa pinakamatitibay na pagkakaibigan.



Tulad ng napakarangyang gusali ng post office, nariyan pa rin ang ugnayan, nariyan pa rin ako, sila, definitely. Pero kailangang dumaan sa pagbabago. Sa isang massive na pagbabago. Para makasabay sa takbo ng panahon at ng sitwasyon. Para manatiling significant sa lahat. At para manatiling buhay.


Ang pinagkaiba lang namin sa building na 'to, June pa ang umpisa ng pagbabago niya. E, 'tagal pa no'n. 'Tong sa 'kin, sa 'min, puwede namang now na.



Eris, Russ at Ron, maraming salamat sa napakaraming taon ng pagkakaibigan. Pagbalik n’yo uli sa Pinas, i-treat n’yo ‘ko sa Fullerton Hotel Post Office Branch, ha?


Me post card kaya silang ii-issue? Kung meron, padadalhan ko kayo. With sangkatutak na stamps, of course! Para lagi n'yo pa rin akong maaalala, milya-milya man ang ating distansiya.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...