Friday, September 6, 2019

sanaysaya website/blog

gusto ko nang umpisahan ang sanaysaya website/blog. kaya lang magiging magastos ito. kailangan ko ng financier. kailangan ko ng magbabayad sa mga contributor. ako na ang bahala sa curating at editing at proofreading. pero dapat may matatanggap ang contributors.

gusto ko na ring umpisahan ang pagkakaroon ng book shop. or book shelf. puwede ko sigurong umpisahan sa badcafe ni diane. life is short. gawin na lahat ng gustong gawin. huwag nang masyadong matakot. minsan lang tayo mabuhay, be reckless.

ano pa ba ang mga gusto kong gawin? wala na akong masyadong goal para sa mga anak ko. they will be ok. so focus na lang ako sa mga bagay na pangarap kong gawin.

once again, universe, i call on your powers to guide me. thank you!

No comments:

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...