kagabi, napuyat ako kakanood ng mga video tungkol sa financial management at literacy. isa sa mga napanood ko ay ang video ni chinkee tan tungkol sa 5 signs na yayaman ka. ito ang sabi niya:
1. may goals
2. nag-iipon
3. iniisip ang pagpapalago ng ipon
4. disiplinado pagdating sa pera
5. determinadong magtagumpay
ang ganda ng 5 niyang sinabi pero sa number 1 ako pinakana-struck. sabi niya, kapag goal oriented kang tao, mas iniisip mo ang present at future. hindi ka masyadong nagbababad sa nakaraan.
tama! oo nga, pag goal oriented ka, lahat ng energy mo, papunta sa mga gusto mong mangyari, sa hindi pa nangyayari. kasi gusto mong hubugin ang path papunta sa direksiyon na gusto mo. ang galing, ano?
sayang oras kung lagi mong iniisip ang past. sayang din ang energy mo kung wala kang goals kasi ibig sabihin, hindi ka focused. busy ka pero sabog ang efforts mo. so dapat malinaw sa iyo ang goal mo, para lahat ng efforts mo, nag-aambag para ma-achieve mo ang goal mo.
napansin ko dati, noong nag-iipon lang ako at walang goal na amount, kung magkano lang ang maipasok sa ipon kada buwan, ayos na. kabagal-bagal tuloy lumago ng ipon. saka kapag may nag-birthday, withdraw ng pera mula sa ipon. kapag may kailangan bayaran, unang-unang nababawasan ang ipon. so back to almost zero lagi.
ngayon, andami kong distraction, pero dahil malinaw sa akin ang goal ko, napakadali sa akin na pumili ano ba ang dapat gawin ngayon o bukas o next week. ang katwiran ko, maabot ko lang ang goal ko, puwede na akong magwala hahaha, for example, may mafi-free up na 24k every month kasi di ko na kailangang maghulog sa stocks, so iniisip ko, konti na lang. tiis-tiis. after that, magpapagawa na ako ng mga sapatos, ng mga bisikleta ng bata, ng mga payong na sira, ipon na para sa pagpapagawa ng garahe para maging sala, mas regular nang magbabayad kay ancha hahaha, sasagutin ko na entirely ang mga therapy ni dagat, bibili ng sasakyan, bibili ng property, mamasyal kasama ang pamilya. kailangan lang maabot muna ang goal.
Tuesday, September 10, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment