Thursday, September 19, 2019

rebyu para sa librong biyak

rebyu ni rita de la cruz

Naniniwala akong makukumpleto ko ang 36-book challenge ko ngayong taon. Ano ba naman yung 3 libro sa isang buwan? May kaibigan ako na nag 100-book challenge (8-9books/mo). Susme maning-mani. Kaya nga challenge! 😅 Sa mga panahong ito nakapagbabasa lang ako sa gabi o kaya kapag nakatambay sa coffeeshop. Isang order ng machiatto para 2-4 na oras na pagbabasa. Sulit na! Di na lugi sa akin ang Starbucks nito. 😆 Kahapon, natapos ko ang 3 librong ito.

"Biyak" (Montanano and Siy) - Binasa ko 'to kase sobrang sikat ng illustrator ng librong 'to. Batikan sa larangan ng literatura. Ang dami na niyang nalathalang libro pero first time niyang maglabas ng book illustration. Isang rebelesyon para sa akin na magaling ka palang gumuhit Bebang! Fan mo na talaga ako noon pa. Buti talaga ikaw ang nag-edit ng tesis ko sa gradskul. Isang karangalan! Ang ganda ng play of words sa kuwento. Coming of age story ng isang batang babae. Gusto ko ang humor. Mabilis at magaan basahin.

"Niyebe ng Kilimanjaro at Iba Pang Mga Kuwento" (Hemingway) - Ang totoo ay nanibago ako noong binbasa ko ito. Nabasa ko na yung ibang kuwento ni Hemingway pero sa Ingles. May mga pagkakataon na bumabalik-balik ako sa mga pangungusap upang arukin ang kahulugan. Gaya na lamang ng salitang "sagimuymoy". Hanggang ngayon di ko alam ang saling salita nito sa Ingles. Sobrang lalim. Pinakapaborito ko sa koleksiyon ang "Sa Dakong Maliwanag, Dalisay" (A Clean, Well-Lighted Place"). Ito ay tungkol sa isang matanda na laging inaabot ng gabi sa isang cafe. Ang ganda ng tema ng existentialism sa kuwento. Salamat Jing sa librong ito. Medyo dumugo ang ilong ko pero ang dami kong natutunang bagong salita.

"In The Pond" (Ha Jin) - pinaka na-enjoy ko ang librong ito. Isa si Ha Jin sa pinaka paborito kong manunulat sa kasalukuyan (bukod kina Murakami at Follett). Ang gaan niyang magcompose ng kuwento kahit na mabigat ang tema. Para lang siyang naghahabi ng mga salita na naging isang napakagaling na naratibo. Ito yung libro na nahirapan akong bitawan kase sobrang ganda talaga. Hindi ko naramdaman ang pagdaloy ng oras. Madaling araw na pala.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...