Tuesday, September 10, 2019

mga natutuhan ko sa 2019 National GAD Budget Forum

Noong Sept 6, 2019, from 9am to 5pm, ako ay nasa TIEZA MULTI-PURPOSE HALL, 6F TOWER 1, DOUBLE DRAGON PLAZA, EDSA, PASAY CITY para dumalo bilang representative ng CCP sa 2019 National GAD Budget Forum.

Three sessions were held led by speakers from Philippine Commission on Women.

Session 1 was overview of the GAD Agenda (GAD Strategic Framework and GAD Strategic Plan) by Ms. Nharleen Santos-Millar. Session 2 was about updates on GAD Planning and Budgeting Submission Process by Ms. Anette E. Baleda.
Session 3 was instruction on how to use the Harmonized Gender and Development Guidelines (HGDG) in GAD Planning and Budgeting by Dir. James Arsenio Ponce. After all the sessions, there was an open forum moderated by Mr. Raymond Jay Mazo featuring all the speakers plus Ms. Honey M. Castro of PCW-CAIRMD. The members of the audience from the Army, DOH, and some LGUs were very active in getting answers for their queries. At the end of the open forum, a closing session was held. All the key points were synthesized by PCW Dep. Dir. Kristine Balmes.

Ano ang key points na natutuhan ko sa forum na ito?

• Ang mga batas sa Pilipinas at international laws ay guide sa pagbuo ng GAD agenda.
• Sa pagtalakay ng gender issue, dapat client-focused at organization-focused ang isang government agency.
• Root cause ng gender issue ang dapat lutasin ng isang proyekto.
• Sa paggawa ng vision at mission para sa GAD plan, sumangguni sa vision at mission ng sariling ahensiya.
• Maraming success stories na may kinalaman sa GAD. Kadalasan sa mga ito ay hindi makikita sa accomplishment reports, pero dapat ay dino-document para magsilbing inspirasyon sa iba.
• Magandang may GAD term report o GAD magazine para documented ang lahat ng proyektong GAD.
• Dapat may GAD agenda and bawat ahensiya para sa calendar years na 2020-2025.
• Dapat sumangguni lagi sa social media accounts ng PCW para laging updated.
• 15 years old na ang HGDG. Ubos na ang printed version nito, mag-download na lang mula sa PCW website para sa sariling kopya.
• Paano malalaman kung gender responsive ang isang proyekto? Gamitin ang HGDG.
• Paano mag-attribute ng proyekto sa GAD fund? Check each activity batay sa HGDG grade. Pag 4 and below ang score ng isang proyekto, hindi ito qualified na ma-attribute para sa GAD fund.
• Dapat may isang empleyado na regular ang nakatutok sa GAD activities ng ahensiya para ito ang focal person at tuloy-tuloy ang mga proyekto at daloy ng impormasyon sa kanya mula sa PCW patungo sa iba’t ibang departamento at division ng sariling ahensiya. Bawal na COS lamang ang empleyadong nag-aasikaso ng GAD, kasi kapag natapos ang kontrata niya ay mapuputol ang continuity ng documentation at projects.
• Ipasok sa IPCRF ang pagtatrabaho ng employees para sa GAD activities.
• Puwedeng i-compute ang number of hours na itinrabaho ng isang empleyado para sa GAD activities as GAD fund.
• Kung ang isang project ay di maisasara sa isang taon, mai-attribute pa rin ang pondo nito sa GAD fund kung may GAD issue itong nire-resolve.
• May designated time na bukas ang portal ng PCW for submissions. Hindi ito laging nakabukas, hindi laging naghihintay sa submissions.
• Kung hindi makita ang sector ng sariling ahensiya sa HGDG, gamitin ang general checklist sa HGDG.
• Dahil walang arts and culture na sector sa HGDG, gagamit ang CCP ng general checklist sa HGDG.
• Para sa GOCC, ang deadline ng pagsusumite ng GAD documents sa PCW ay sa Sept. 30.

Ano ang naiisip ko tungkol sa forum na ito?

Maayos at conducive ang venue. Mabilis ang registration. Sapat at angkop ang materials para sa lahat ng dumalo. Aktibo ang mga kapwa participants. May pagkain, at libre pa. Nang magkulang ang oras sa open forum/Q and A, hinikayat ang mga participant na may tanong pa na lapitan na lamang ang mga speaker para makakuha ng mga sagot. Madali namang nagawa ito ng mga participant.

Mahuhusay magsalita ang mga speaker, lalo na si Dir. Ponce. Pagod na ang participants, dahil patapos na ang araw pero naitataas niya ang energy ng mga ito dahil masaya ang kanyang pagtalakay sa kanyang paksa. Napaka-realistic din ng kanyang mga sample.

Pero, nagkulang sa oras pagdating sa open forum at Q and A sa dulo ng program. Napakarami pa ang participants na gustong magtanong.

Isa sa mga nagtanong ay mula sa army. Bilyon daw ang budget nila sa ammunition, sa bala, paano raw nila ia-aattribute ang 5% nito sa GAD? Napapaisip ako sa laki ng pondong inilalaan ng gobyerno sa mga bagay na pumapatay ng tao at nakakasira ng mga property.

Well, bilang kasapi ng CCP GAD Technical Working Group, makakatulong sa akin ang mga natutuhan ko sa forum na ito. Malaki rin ang maitutulong ng mga natutuhan ko sa pag-a-attribute ng CCP projects and activities para sa GAD fund. Kaya lang, ang unang dalawang session ay masyadong general ang pagtalakay sa GAD. Marami sa mga tinalakay ang alam ko na dahil sa mga dinaluhan kong trainings at seminar sa GAD. Palagay ko ay medyo kulang ang metodolohiya: lectures with Powerpoint presentation na medyo general, plus open forum/ Q and A after all the sessions, para sa akin ay kulang pa ito.

Ano ang recommendations ko?

Ang bawat government agency ay may pagka-unique, at hindi laging applicable ang mga general na pagtalakay patungkol sa GAD.

Sa palagay ko, mas maganda kung mas maliit na grupo at mas ispesipiko ang pagtalakay sa mga paksa na bahagi ng event na ito. Halimbawa, lahat ng science-related na ahensiya o sektor, pagsamahin sa isang event na gaya nito. Nang sa gayon, sa talakayan ay di nalalayo ang kanilang mga usapin sa isa’t isa at nang sa gayon ay nare-resolve ang mga issue dahil tiyak na magkakaugnay naman ang mga ito.

Ang pinagagawa ng PCW ay GAD research at application ng research (GAD activities, projects and programs).

Kaya ang paggawa ng GAD agenda, plan at budget ay nangangailangan ng skills ng isang researcher. Kailangang ma-realize ito ng bawat ahensiya para mas maiksi ang oras na gugugulin sa pagte-train ng empleyadong itatakda bilang GAD focal person. Sa buong araw na forum na ito ay di nabanggit ang salitang research o ang salitang researcher. Kaya palagay ko ay wala sa mind set ng mga participant ang pagiging researcher kaya rin marami ang nahihirapan na intindihin ito at ang mga concept na kaugnay nito.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...