Sunday, April 26, 2015

Ako ay Nagpaubaya (Tula)

Ako ay nagpaubaya
Sa patawid na matanda.
Natuto ako kay Ima
Na bus driver sa hilaga.

-Beverly Wico Siy

Ang tulang ito ay isang dalit. Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula sa Pilipinas. Binubuo ito ng walong pantig kada taludtod at apat na taludtod kada saknong. Ito ay may isahang tugmaan.


Nagwagi ng Ikatlong Gantimpala ang tulang Ako ay Nagpaubaya sa ikapitong linggo ng patimpalak na Dalitext kay Nanay 2015. Ang tema ng patimpalak ay Make Your Nanay Proud (MYNP). Maraming salamat kay Sir Frank Rivera na isa sa hurado at siya ring nag-text sa akin tungkol sa patimpalak. Maraming salamat din sa sponsors: UNESCO-ITI, Radio Balintataw, DZRH at MYNP Foundation, Boy Abunda.

No comments: