so ayon kay pnoy, "malinis" daw si abad, ang secretary ng department of budget and management.
paanong nangyari iyon? hindi ba pera ng bayan ang P10 billion na nakulimbat ni napoles at ng iba pang opisyales ng gobyerno? sino ba ang nag-release ng pera na iyan na ganyan kalaki? hindi ba DBM? Kaninong lagda ang hinihintay bago mairelease ang perang galing sa DBM? di ba kay abad?
so ano itong paandar ng malacanang na "malinis" si abad?
utang na loob.
paulit-ulit na lang na niloloko ng pamahalaan ang bayan. kaya tuloy nawawalan na ng tiwala ang lahat sa pamahalaan.
at kay abad, hay naku lord, wag nang magmalinis. alam mong nakukulimbatan ka ng pera. wag nang magmaang-maangan pa. hindi ka tanga. kung tanga ka, ilalagay ka ba diyan sa dbm?
umamin ka na. me consent mo yan. yang lahat ng paglabas ng pera sa ahensiya mo.
kaya imposibleng "malinis" ka.
Thursday, May 29, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
2 comments:
aba, bebang. hinay-hinay lang. ingat sa iyong kalusugan. :-)
Hello, Louise! hahaha! e sino naman kasi ang matutuwa rito? huli na, maang-maangan pa ang abad na to hahaha
kumusta sa mga tsikiting patrol natin at kay marge
Post a Comment