Sunday, September 22, 2013

Saturday the 14th

September 14

Hindi na ako nakatulog pagdating namin sa bahay nang September 13, 11 p.m.

Kasi naman, kailangan kong basahing muli ang mga akda na isasalang kinabukasan, sa 9th Varsitarian Creative Writing Workshop na gaganapin sa UST.

Nagkape ako nang matapang. Kasing-ingay ng papansin na traysikel ang puso kong nagpa-palpitate. kapag napapapikit ako habang nagbabasa, tumatayo ako.

Pag di ko ginawa ito, tiyak na hindi ko matatapos ng 2nd reading ko. ayaw ko namang olats ako sa pagbibigay ng comments sa mga akda kinabukasan.

Pagdating ng 3:30 a.m. finally, natapos ko ang pagbabasa sa mga akdang filipino. nahiga ako saglit at nakatulog. Pero nagpa-ring ako nang 4:30 a.m. kasi gusto kong magdyip papuntang uste. at para di ako abutan ng trapik, kelangan mga 5:00 o 5:30 ng umaga, nakaalis na ako ng bahay.

pagdating ko sa Uste, mga 7:15 a.m., halos kumpleto na ang mga kakatayin na fellows. Hinintay namin si Eros. sinubukan kong matulog sa may isang kuwarto sa opis ng Varsi kaso sadyang maingay at madaldal si Bien, isang Varsi writer at siyang nakikipag-coordinate sa akin the whole time. nakipagkuwentuhan na lamang ako at humingi ako ng kape. feeling ko talaga, kelangan ko nang i-dextrose ang kape or else, makakatulog ako sa gitna ng talakayan namin.

dumating si Eros bago mag-8:00 ng umaga, ang takdang pag-uumpisa ng workshop.pero nalaman namin na hindi pala binasa ng mga fellow ang lahat ng entries sa workshop. requirement ito sa lahat ng workshop. kailangang nabasa ng fellow ang lahat ng akda ng kanyang kapwa fellow. hindi lang naman kasi dapat ang mga panelist ang nagkokomento sa mga akda kundi pati na rin sila. ang sarili nilang perspective ang mayroon sila na siyempre wala ang iba, at wala kami. kani-kaniyang perspective yan e

so binigyan namin sila ng isang oras para magbasa ng mga akda sa kanilang kit. sinubukan ko pang matulog pero wala talaga, kuwentuhan kami, masaya naman. kumain na lang ako ng ibinigay na sandwich nina bien at grace (ang future gf ni bien) habang kausap ang mga varsi writer.

9:00 am, start na

kabado ako dahil first time kong magpa-panel sa workshop na ito. originally, ang sked ay ako ang unang magfa-facilitate ng workshop. tapos si eros tapos ako uli.

pero since first time ko nga, nakiusap ako kay eros na kung puwedeng siya na ang mauna. pumayag naman ito at agad na nag-lecture hinggil sa plot, sa characterization with matching graphs, curves, lines at iba pa. wah. di ko kaya 'yon. wala akong inihandang ganon. magle-lecture pala ako? sabi ni eros, ay hindi naman. kung ano lang ang gusto mong talakayin.

nang ako na ang magsasalita, itinampok ko ang himig at ang wika. ito palagay ko ang aking strength kaya dito ako mag-ooperate. (nakuha ko yan ke boy abunda, wag na wag kang mag-o-operate sa basis ng iyong weakness. laging dun ka sa basis of your strength, sabi niya.)

nagkomento ako sa himig ng unang piyesa (kulang ang pamagat) na tungkol sa middle child na ginawa na ang lahat, di pa rin naa-appreciate ng nanay. maganda ang wika nito, mahusay sa estruktura, malinaw ang daloy ng mga pangyayari at thoughts. very psychological. ang problema, sobrang dami ng reflection part. so parang naging essayish ito. at ang pinintasan ko sa lahat, yung himig nga. kasi paawa ang himig ng persona. e palagay ko, marami na ang nagsulat sa ganung himig. hindi na uso 'yon ngayon. napakastig ng mga kabataan para magpaawa effect sa magulang na hindi appreciative. parang masyadong nasa safe side ang akda, yon ang tingin ko. kulang sa inobasyon.

noong ako na, pinagsalita ko ang lahat hinggil sa positive at negative traits ng sumunod na akda. alitaptap ang pamagat ng akda. tungkol naman ito sa isang yuppie na lilipat sa bagong tirahan at habang nagpa-pack ay nakita ang mga gamit niya noon, yung mga lumang garapon in particular. biglang nag-flashback ang kanyang kabataan.

katulad ng akdang kulang, may pagka-meditative/reflective ang akda kaya mukhang sanaysay at hindi maikling kuwento. pero maganda rin ang wika nito, pati ang estruktura. mas may estilo ito kaysa doon sa kulang. kasi ito, tinangka ng may akda na gumamit ng metaphor sa kanyang salaysay. 'yon nga lang, nasobrahan siya sa metaphor. tatlong magkakaibang bagay/hayop ang ginamit niya para pagkumparahan ng kanyang isip, pangarap at sarili.

ang nangyari tuloy, may contradicting siyang statements. nakakalito ba.

nag-break kami nang 1 hour pagkatapos ng alitaptap. niyaya ako ni eros na mag-dropby sa creative writing center ng uste. e tutal naman, ilang minuto rin ang kailangang palipasin (at tumalab na ang caffeine, wala na antok ko) sumama na ako.

naabutan namin doon si mam jing hidalgo at si sir toots aguila! pagkatapos ng klase ni mam jing ay nagtanghalian siya sa pantry kaya nakasama namin siya nang matagal. dumating din si mam becky para makasabay sa tanghalian.

pagsapit ng 1:30 pm, bumalik na kami ni eros sa varsi office at nagpatuloy ang aming workshop.

itong huling piyesa para sa fiction ay mahaba ang pamagat at nasa banyagang wika pa kaya di ko na matandaan ang pamagat. pamagat lang naman. i remember the story very well. tungkol siya sa isang lalaking na-in love sa kapwa niya lalaki noong panahon ng Amerikano at Hapon. nang mawala ang mahal niya, ipinadala ito sa ibang bansa para mag-aral ng medisina, nakakilala siya ng isang babae, na eventually ay maiibigan niya at mamahalin.

isang nurse ang babae. sa bandang huli, malalaman niya na umuwi na pala ang lalaking mahal niya bilang isang doktor at nakasama niya sa ospital ang nurse na mahal ng bida. wala namang umibabaw na friction dito. pero ang ending kasi ay pinasabog at gumuho ang ospital kung saan naglilingkod ang dalawa. naulila siya nang dalawang beses sa isa lamang na pagkakataon.

di maganda ang wika ng akda, very pilit, halatang di nanaliksik ang awtor. hindi kapani-paniwala ang ilang eksena doon at hindi ako, bilang reader, maka-attach sa bidang tauhan kasi hindi naman ipinakikilala ng akda ang bida. inilarawan na ng awtor ang lahat, pati ang mabagsik na tatay ng lalaking minahal ng iba, pero nalimutan ng awtor ang mismong bida!

ano ba ang itsura nito? ano ang okupasyon? at iba pa.

sa ermita ang setting nito pero di ko naramdaman ang ermita maliban na lamang sa okasyunal na pagbanggit sa tabingdagat na nagdadagdag sa romantisasyon ng mga eksena sa akda.

maraming kapalpakan ang akda pero sa tatlong piyesa, para sa akin, ito ang pinakamalapit sa fiction. ito rin ang pinaka-ambitious. napakahaba ng piyesang ito, 27 pages yata! para sa akin, dakila ang pagtatangka ng may akda na sumulat ng historical fiction nang may kontemporanyong paksa: ang homoseksuwalidad. hindi lahat ng kabataang manunulat, may ganitong uri ng ambisyon.

sabi ko nga sa workshop, binabati kita, malayo ang mararating mo. (hindi namin kilala ang bawat awtor ng mga akda, sa dulo na lang sila nagpapakilala).

sana lahat ng kabataang manunulat, ganito, mas mapangahas sa anyo, sa paksa at tumatalakay sa kasaysayan.

to be continued...




No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...