Friday, September 13, 2013

costume party itey!

bukas, sa launch ng marne marino, ako ay naka overall at dilaw na helmet. gagayahin ko ang suot ni marne sa aking pambatang aklat.

naisip ko kasi na mas maa-aattract ang mga batang hindi ko kakilala kapag may naka-costume sa aming booth. sana nga maging effective. sana dumugin kami. sana marami kaming mabenta.

hindi ko pa nabibili yung overall. kasi naman, nagpatumpik tumpik pa ako noon. nakakita na nga ako ng isang overall sa may recto, di ko pa binili. ang mahal, e. P450. pero yun nga, kanina, naisip ko, hindi lang naman ito gagamitin nang isang beses lang. kaya puwede na rin. ano ba naman yung P450 kung maaaliw naman ang batang posibleng maging reader for life dahil sa isang aklat-pambata?

kaya si poy luluwas nang maaga bukas. siya ang bibili ng overall para sa akin. doon din, sa may recto. tapos dadalhin niya ito sa mibf, pati na ang dilaw na helmet (na binili ko rin sa recto sa halagang P100) at doon kami magkikita, doon na ako magpapalit ng damit. me talk kasi ako sa letran bukas, 730am. tungkol sa fiction writing ang talk. matagal na itong naisked kaya di puwedeng di ko attend-an. bigla biglang nagtext ang vibal na aabot daw ang marne para sa launch. ayun! magpapa moa na ako pagkatapos ng letran!

noong sept 7 naman, sa aklatan 2013, naka bridal gown ako to the highest level. as in gown. belo na lang ang kulang.

ang nag-sponsor ay ang larrina's bridal collection, isang shop sa may scout borromeo, south triangle, QC. (magkakaroon ako ng hiwalay na blog entry tungkol dito bilang pasasalamat sa kanilang pagpapahiram ng gown.)

originally, naisip kong gawin ito para sa MIBF. last year kasi meron silang mibf ambassadors. kasama diyan si tado, si stanley chi at si ramon bautista. naisip ko, wala silang babae. puwede kaya akong mag-apply? at book loving bride ang gusto kong maging peg! dahil una, book loving naman talaga ako hahaha at ikalawa, ikakasal na ako sa disyembre! so swak na swak. pati makakatulong din ito sa pagpromote ng sequel ng mens world dahil tungkol iyon sa quest para sa tunay na pag-ibig.

so kinontak ko sina mam karina at mam gwenn ng anvil para malaman kung puwede akong mag-apply bilang mibf ambassador. sabi ni mam karina, hindi raw siya sigurado kung may mibf ambassadors pa this year. sabi naman ni mam gwenn, kontakin ko si mam tinet ng primetrade asia dahil ito raw ang nagde-decide hinggil sa mibf ambassadors. tinanong ko kung puwede akong humingi ng endorsement letter kay mam gwenn. kasi di naman ako kilala ni mam tinet. at di ko rin siya kilala, baka di seryosohin ang offer ko! ang sagot sa akin ni mam gwenn, di daw nila puwedeng gawin ang mag-endorse dahil napakarami daw nilang writer. baka raw may magtampo sa mga ito.

so hindi ko na ito inisip. wala, hindi nga siguro talaga puwede.

lungkot na lungkot ako nang ikuwento ko ito kay poy. tapos sabi niya, bakit hindi mo na lang yan gawin sa aklatan? pakiusapan natin si mam nida. baka pumayag siya.

aba'y oo nga naman! tutal, ako naman ang magho-host ng event. mas marami pang exposure ang aking book loving bride peg!!!

so kinontak ko si mam nida (ng visprint at ang organizer ng aklatan 2013) at umoo siya agad. tuwang tuwa siya, pati na si kyra, ang kanyang assistant. kakaiba raw yung naisip ko. sabi ko pa, puwede kayang gumawa kami ng parang poster na ako ang tampok, naka bridal gown and all?

puwedeng puwede!

ayun na! here comes the bride sa Aklatan. naku ang saya, andaming natuwa sa suot ko. at andami ring nagpa-picture. na-curious din sila sa aking libro. marami din ang napabili out of curiosity ahahaha!

weee!

wagi!


No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...