Friday, September 20, 2013
Friday the 13th
Napakasaya ng nagdaang MIBF 2013. Lantutay ako sa pagod pero okey lang. Keri lang. Kasi nakapagpasaya naman ako ng kapwa.
Noong Biyernes, 13 Setyembre 2013, from 10 am to 12 noon, sa main stage ng MIBF, SMX Convention Center, Mall of Asia, inilunsad ng Chikiting Books/LG & M Corporation (an imprint of Vibal Publishing) ang aking Marne Marino kasabay ang iba pang aklat ng nasabing publisher: ang Bonggang Bonggang Batang Beki, Sandwich to the Moon, Photo Album at iba pa.
Wala ako sa Grand Launch, sayang. Sobra pa naman akong excited dahil first children’s book ko si Marne! Noon ay nasa library ako ng Letran High School, nagto-talk sa members ng kanilang Book Club tungkol sa pagsulat ng horror story na ang setting ay Letran.
Nagkaroon ako ng problema sa iskedyul. Matagal nang nai-set ang talk ko sa Letran. Dapat ay August nga ito kaya lang, naospital ang aking contact sa library na si Mam Jem. Nang magbalik siya, nai-set ito nang Sept. 13. Umoo ako kahit alam kong MIBF season ito, wala namang nagsabi sa akin na may mangyayari palang Grand Launch ang Vibal that same day. Nang malaman kong Sept. 13 din ang Launch ng Vibal, umaga rin, nagulat ako.
Pero hopeful pa rin akong makakarating ako sa Launch. Sa Letran, 7:30 am ang umpisa ng aking talk. Dalawang batch daw ang aking audience, at tag-one and a half hours ang bawat batch. Calculate-calculate. Pung. 10:30 am, tapos na ‘ko. Magta-taxi na ako after para makaabot pa ako ng 11:00 a.m. sa MIBF. Tinext ko si Miss Carla ng Vibal para sabihin na ihuli na lang ang pagpapakilala sa aklat na Marne Marino. Oo, anya naman.
Excited na excited ako. Bumili ako ng dilaw na helmet sa Recto a few weeks ago. Binilhan ako ni Poy ng pulang overalls (sa Recto din). Aakyat ako sa main stage na ang suot ay ang damit ng bidang si Marne sa cover ng aklat. Matutuwa ang mga bata, siguradong maku-curious sila sa akin at eventually, sa hawak kong libro.
Pagdating ko sa Letran HS Library, wala pa ang audience ko. Nagkuwentuhan muna kami ni Mam Jem, sa kanya ko nalaman na magkakaroon pala kami ng break, from 9:00- 10:30 a.m. Oh my God. Nalungkot ako't nanghinayang. Hindi ako aabot nang 11:00 a.m. sa MIBF. Pero di bale, kako, ‘andoon sa launch sina Ronier Verzo (illustrator) at Poy, (translator at boypren ko ever!). Di bale, di bale. Makakapag-picture-picture sila, ayos na rin.
Right after ng ikalawang talk ko, nagpasalamat na ako kay Mam Jem. Ibinaon ko na lang ang bigay niyang lunch, sa MIBF na lang ako kakain. Gusto ko nang makita si Marne. Ito rin kasi ang unang beses na makikita ko ang akdang ito in book form. Woooh, wooh! Excited lang talaga.
Pagdating ko doon, sinalubong ako nina Poy at Ronier (Jo ang palayaw niya). Hindi raw nai-announce ang Marne sa main stage. kinausap ko si Carla.
Aba, aba, bakit hindi naipakilala si Marne sa main stage? (Issue talaga sa amin ‘to? Kami na ang mga stage mother ni Marne hahahaha!)
Sinong nagsabi, tanong-sagot ni Carla. Ako pa mismo ang nagkuwento sa audience kung tungkol saan ang Marne.
Ay, sori. Bingi lang pala ang dalawang 'to, hahaha!
Anyway, nagdesisyon kami (ako, Poy at Jo) na magtanghalian muna bago maglako ng Marne. Para mas may energy, di ba? Sa CR kung saan kami nagtanghalian, nagpalit ako ng damit. Red overalls na.
Siyempre, pinagtitinginan ako ng ibang customer doon. Pero keber. Ilegal ba sa isang magandang diyosa ang mag-red overalls? Hahaha! Hindi, so ayun. Pagsapit ng 2:00, bumalik na kami sa Vibal booth. Mula noon hanggang magsara ang MIBF, nagbenta kami nang nagbenta sa lahat ng dumadaan sa Vibal booth. Lako, actually, is the correct term, para talagang isda ang turing ko sa aklat namin.
Mam, Sir, bili na po kayo. Ako po ang may akda. Pirmahan ko po pag bumili po kayo ngayon. Siya po ang illustrator, pipirmahan din po niya.
Marami ang naku-curious pero hindi bumibili. Pero marami rin ang natutuwa. At nagpapa-picture. At finally, bumibili. Pero halos lahat ng bumili nang araw na ‘yon, kaibigan at kakilala namin ni Poy, hahaha! Okey lang. I’m happy to see our friends at the MIBF. Kuwentuhan nang konti, piktyuran nang konti. Natatawa sila sa ginagawa ko. Natatawa sila sa costume ko. Natatawa sila sa mga pose ko. That’s good. Dahil natatawa rin ako na natatawa sila.
Bago tuluyang magsara ang MIBF, lumipat pa ako sa booth ng Anvil. Naglako rin ako ng Mens doon, sa mga nagmamadali sa pamimili kasi nga closing time na.
Mens, mens, regla po, regla kayo diyan, sabi ko. Susunod-sunod lang si Poy sa akin. Tapos magtatawanan kami. Me mga napapalingon kasi sa akin, natatawa, tapos ayun na, tuloy-tuloy kong iaalok sa kanya ang aklat. Me isa akong napabili! Isang babaeng mukhang estudyante. Yes.
I’m so happy, umuwi man kami na sobrang pagod. Knock out nga kami sa bus, kasi that Friday, 4:30 pa lang ng umaga, gising na ako, 5:30 a.m. bumibiyahe na ako pa-Letran. So mga 10:00 ng gabi, sa malamig na kutson ng bus pa-Quezon City, tulog na tulog ako, kami.
Ay, teka, first day pa lang namin iyon sa MIBF 2013!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment