Sunday, June 3, 2012

iba pang detalye (excited lang kahit sa 2014 pa naman)

give aways: mga pinagpipilian:

1. bookmark. siyempre 'yong medyo kakaibang bookmark, hindi lang 'yong basta gawa sa papel. ang una kong naisip ay 'yong gawa sa katsa at hugis babae at lalaki. meaning dalawang bookmark ang matatanggap ng lahat. kaso naisip ko, alangan namang sa isang libro gamitin ang dalawang bookmark na ito. kung gagamitin ito, malamang paghihiwalayin 'yong dalawang bookmark. e, kami 'yon. simbolo namin. anyway, nag-google ako ng bookmark, ay andami at sobrang gaganda ng ideas.

2. magnifying chorva. hindi ko alam ang tawag dito pero this could serve as a bookmark as well. para siyang rectangle, kalahati ng perang papel ang size at medyo makapal lang nang mga 10x. namamagnify niya 'yong binabasa mong text. Very useful ito. ako e nag-uumpisa nang paglabuan ng mata. siyempre ganon din siguro ang mga kaibigan namin. at mailalagay pa nila ito sa wallet nila. perfect for senior citizens din.

3. cloth book cover. me nakita akong ganito sa daiso. P66 yata ang isa.

4. journal. eto kasi medyo magastos at matrabaho. pero mas gusto ko 'to. bawat page ay merong isang linya from a filipiniana book. kami ang magpapa-print at magpapa-bind. o di ba magastos? pero baka puwede itong i-job out sa papemelroti hahahaha kasi may nakikita akong mga notebook nila na puwedeng maging pattern nito.

5. books. pero ngayon ko lang na-realize, i wouldn't be encouraging people to buy books. imagine, ipamimigay lang namin? hay. parang nalungkot ako. mula ngayon, naisip ko dapat talaga, maging aware ang mga tao, learning is necessary. reading is part of learning. and to be able to get good reads, one must allocate budget for this. DAPAT ANG LIBRO, BINIBILI. Hindi ipinamimigay, hindi hinihingi. so, ayun.

6. pencil. sabi ni poy, gusto niya ng all white na pencil tapos patatatakan namin ng poy at beb 2-14-2014. sabi ko magandang idea 'yan. at kung matutuloy ang journal, puwede nang 'yon ang partner.

venue:

nung biyernes, me hearing ang isang proposed ordinance regarding books sa QC Hall. details will be spilled in the next blog entry. (UPDATE: ETO NA YUNG SINASABI KONG DETAILS http://babe-ang.blogspot.com/2012_05_01_archive.html)

So ba't ko binanggit dito? kasi kasama namin do'n si sir max gomez. siya ang nagsilbing representative ng PEPA.

siya rin ang may ari ng C & E Publishing. at meron silang mega-bookstore along Quezon Avenue. At katabi nun ay ang Dolcelatte, isang Italian resto na sila rin ang nagmamay-ari.

saka ko lang naalala na me function room nga pala sila. malaki at very presentable. At hindi na problema ang catering! me restawran na, e.

chineck ko ang kanilang website. napaka-italian ng mga pagkain. siyempre, italian restaurant nga, e. pero i mean, hindi ako komportable na ang ise-serve ay italian food sa kasal namin. so parang off. kumakain naman ako niyan pero bihira lang. pag me nag-treat lang, ganyan. pero 'yong pipiliin ko talaga para sa sarili kong okasyon, hindi siguro.

pero anyway, promising ang venue. libre pa ang gamit ng LCD projector at wifi connection. (kasi usually ay product presentation or business meetings ang hino-hold dito. tatlo ang function rooms. yung 2 maliit. yung 1, pang dalawang daang tao.

marami sa mga ikinasal at ikakasal, hindi alam ang place na 'to. (I've read about a hundred threads sa mga forum, typical na venues lang ang alam ng mga bride, nakakalungkot. kaya ang mamahal ng mga singil sa kanila.) they might want to consider this. the website is www.dolcelatte.ph.

maganda ito kung katulad namin, book theme din ang wedding o ang party kasi ang entrance nito ay nasa bookstore ng C & E. at napakaganda ng bookstore na 'to. as in. sobra talaga. imagine, ang pagpasok at paglabas ng guests ay nalilibutan ng books!!!

ang spacious, ang liwanag, ang lamig dito. ang problema lang, kaya siguro ito hindi sikat ay puro medical books at iba pang technical books ang kanilang ibinebenta. kakaunti lang ang filipiniana at ang children's books. (pabulong: but it's worth a visit! walking distance from QC Ave MRT station, Mcdo side. noong nagtuturo pa ako sa uste, isa ito sa mga pinapuntahan ko sa mga estudyante ko. gusto ko kasi malaman nilang hindi lang sa mall matatagpuan ang mga bookstore.)

2. Atrium ng National Printing Office kung saan naroroon ang National Book Development Board.

after ng QC hearing, nagpunta kami ni Ser Zaldy sa NBDB (nagre-rent sila sa National Printing Office) para mag-submit ng requirement ng FILCOLS. kaso hindi pala nadala ng boss ko ang papers. so babalik na lang kami one of these days. pero niyakag ko na rin si Ser Zaldy na mag-lunch doon. Sa me NPO Canteen. Pinag-usapan na rin namin ang kanyang nalalapit na exhibit sa Chef's. (Sana talaga matuloy!)

Paglabas namin ng canteen, dumiretso na kami sa entrance/exit. At doon ko lang na-realize na napakaganda ng atrium ng NPO. May dalawang badminton court dito at sila 'yong napansin ko pagpasok namin. Hindi ko napansin 'yong grandeur ng lugar.

Noong paalis na kami, wala na ang mga manlalaro kaya napagmasdan ko nang maigi ang atrium. maganda ito. pabilog, mataas ang kisame at maaliwalas. puwedeng pagdausan ng mga party o wedding reception. naimagine ko agad ang design ng lugar. me stage din. ginagamit pala ito minsan sa Christmas Party ng NPO.

pero mainit. electric fan lang, di puwedeng aircon-an dahil me malaking part ang lagusan ng mga tao at hagdan.

nevertheless, nag-inquire ako kung pinapaupahan 'yon. Hindi raw sabi ng guard. Pero try ko raw magtanong sa admin. Pagdating namin sa admin, 2nd floor 'yon, bumaba raw ako sa property. e di pumunta kami sa property. ayon kay Engineer (I forgot his name but I wrote it down somewhere), bakit hindi raw NPO multipurpose hall ang upahan namin?

nakita namin ito sa taas, katabi ng admin. Medyo mababa ang kisame pero maliwanag naman at maluwag din. 5k daw ang renta rito, whole day na. at dahil daw ito sa use of aircon.

Aba, mura. malamang mura din ang atrium kung ipaparenta nila.

sa atrium po kaya? me nagrenta na po ba riyan?

wala pa. hindi pa namin nararanasan ang may mag-inquire para diyan. lalo na para sa kasal.
pero baka puwede. anong araw ba 'yan? kasi kung weekday, hindi kayo papayagan at makakasagabal kayo sa operations namin.

friday po 'yon, Ser, kako naman. at hapon na po. baka po 5pm onwards.

ay tamang-tama. puwedeng puwede pala. kaya lang kailangan ninyong i-orient ang caterer ninyo na 'wag na 'wag mag-iiwan ng kahit na anong kalat dito. dadalhin nila ang lahat ng dumi nila. at kailangan din, kayo na bahala sa paglilinis ng area pagkatapos ng event.

opo, opo. tuwang tuwa na ako at this point. gulay, ang dali naman ng requirements! tinanong ko na: mga magkano po kaya ang bayad?

mga dalawang libo siguro. kasi wala naman kayong gagamiting aircon, e. pahihiramin na lang kayo siguro ng mga industrial fan para hindi mainit.

OMG! ang mura! sobrang mura talaga. at katapat pa ito ng entrance ng National Book Development Board. O di ba, patok pa rin sa book themed wedding!

nakakatuwa.

malaki ito kaya puwedeng-puwede mag-bookfair. maraming space para sa mga magbebenta ng books.

at isa pa, libre ang parking! maraming maraming parking! isa ito sa mga kelangang i-consider kasi siyempre, may mga dadalo na de sasakyan. kung kami ay magve-venue sa walang parking space, inconvenience pa 'yon sa mga bisita.

regarding sa init, pagsusuutin ko na lang ng summer clothes ang mga bisita. trunks? bikini? game. magse-serve din kami ng malalamig na pagkain: ice cream, haluhalo, malamig na sinigang, malamig na laing, malamig na lumpiang shanghai at siyempre ang requirement sa lahat ng handaan: kanin. malamig na malamig na kanin, bangkay ang pamantayan. mamimigay din kami ng pamaypay. walang tatak ng kahit na sinong politiko para di mag-init ang ulo ng mga tao.

tinext ko agad si poy. me venue na tayo. excited much?

pero may mga pero siyempre. pero number 1: hindi kilala ang lugar. ikaw ba narinig mo na ang national printing office? hindi, di ba? maliligaw ang mga tao.

pero number 2: malayo ito sa san agustin church. mga isang oras ang biyahe. at friday yon. halimaw ang trapik. at valentines pa!!! wala namang malapit na motel sa NPO pero kahit na, lahat ng tao, nasa labas ng kalsada papunta sa mga date-date. baka ma-late ang program kasi nga baka maipit lang ang lahat sa trapik.

pero number 3: walang room doon para makapag-make out freshen up ang bride at groom. opis 'yon, e.

sabi ni poy, magrenta na lang daw kami ng bus para siguradong makakarating ang mga bisita. nge. e di sayang din ang pera? magkano ba ang bus ngayon? 15k? ibibili ko na lang ng dagdag na pagkain!

ang nakikita kong mga solusyon dito:

solusyon number 1: awareness campaign. ako na, ako na ang magiging ambassador ng national printing office. magpapagawa ako ng milyon-milyong mapa mula sa san agustin papunta diyan sa NPO na yan. magfe-facebook ako. mag-email at text brigade. mananawagan sa radyo at tv, tingnan ko lang kung maligaw pa ang mga bisita namen.

solusyon number 2: magpalit ng simbahan. me magandang simbahan sa may lantana cubao. super ganda ng kisame. (makisame pala talaga akong tao.) pero wala naman kaming emotional attachment dito sa simbahan na 'to. so baka di masyadong feasible ang solusyon na 'to.

solusyon number 3: agahan ang kasal para di papatak ng rush hour ang biyahe ng mga tao.

anyway, sabi ni mam andrea, dumating si mam nung kami ay papalabas na ng NPO, malayo pa naman daw kaya baka magbago pa ang isip ko. oo nga.

3. chinese garden. maganda rito. andaming puwedeng photo opps na lugar. favorite ko yung parang hall na me mga kasabihan/salawikain sa tatlong wika: chinese, english, filipino. meron ding maliit na falls, may mga bridge at merong yung parang chinese na pabilog na bahay na gazebo.

puwede raw ang wedding reception dito ayon sa inemail kong taga admin ng luneta park, 18k ang bayad kasama ang kuryente. malaki rin ang space kaya puwedeng-puwede maghold ng book fair. ang problema lang, feb 14 ito, nakakalungkot naman kung isasara ang puntahan ng lovers o lovebirds ng kamaynilaan dahil lang sa amin.

pero ang maganda rito, alam ito ng lahat. saan ang reception? sa luneta po. o di ba? ang gusto ko rin dito, yung mga kaibigan naming hindi na nakakabisita ng luneta, mabibisita ito. ang ganda na kaya ng luneta. ang linis. bago na ang flower clock. modern na. pasikat ang fountain. puwede nang makalakad dahil sa extended bridgees sa higanteng mapa ng pilipinas na nakahimlay sa tubig.

2 comments:

Maru said...

excited na excited na ako dito dahil sa theme!!! waaah!!! ang saya saya ko!!! :))

babe ang said...

hahahahaha te, magbebenta ka ng mga aklat mo sa book fair ha see you maru

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...