Wednesday, June 6, 2012

first day high (the 2012 edition)

akala ng mga estudyante, sila lang ang naghihihilab ang tiyan kapag patapos na ang bakasyon, palapit na ang pasukan. di nila alam, doble ang hilab-hilan ng tiyan ng sarili nilang mga magulang.

dahil kelangan nitong maglabas ng pera para sa mga pangangailangan sa eskuwela. by hook or by crook.

noong lunes, ginising ko nang maaga si EJ. rare ito, very rare! wala pa kasi siyang uniporme. hindi na kasya sa kanya ang mga uniporme niya last year. at yung mga polo niya, grayish black na. kaya kahit medyo kasya pa sa kanya, bakat bilbil lang naman, puwede pa. puwera na lang nga, dahil sa kulay nito, para siyang taga-Earist kapag suot-suot niya ang mga polong iyon. (gray po ang uniporme ng Earist.)

kaya nag-decide ako na bago lahat ng uniporme niya for this year.

Sa Qmart muna kami bumili. isang polo white large size- P140 at isang pantalon na itim, size 31 daw-P260.

sabi ng tindera, ba't isang pares lang?

magdi-divisoria po kami.

ito naman! pareho lang naman ang presyo. di na lang dito?

ngumiti lang ako sa tindera at nagpasalamat. dahil alam ko at alam ng belt bag niyang namumuwalan sa pera, na hindi totoo ang kanyang sinabi.

anyway, itong pagpunta ko sa divi tuwing pasukan ng klase ay parang nagiging tradisyon ko na. Nung bata si EJ, siya ang kasa-kasama ko. siya ang pinapapili ko ng disenyo ng gagamitin niyang notebook. para naman inspired ang bata magsulat sa notebook. (nagkamali ako ng akala hahahaha)

last year, si poy ang kasama ko. this year, ako lang mag-isa.

7pm na ako nakarating doon pero buhay na buhay pa rin ang divi. yun nga lang, sarado na ang karamihan sa mga stall kung saan mura talaga ang bentahan ng gamit at uniporme. sa kanila, puwede ang retail sa wholesale na presyo. kaya sinuyod ko talaga ang mga kalsa-kalsada roon at nakabili naman ako ng mga kailangan ko.

1 pc polo white large-P130

nagkamali ako rito. kasi ikalawang stall ito na napagtanungan ko. yung una, P140 daw. yung ikalawa, P170. siya yung ikatlo. kaya nung pumayag siya ng P130, sabi ko, pwede na. pero nalimutan ko na last year, di nalalayo sa size ng polo ni ej ngayon, P90 lang ang bili ko. kaya malamang di nalalayo sa P100 lang ang last price neto.

nung tumatawad na ako ng P120, ayaw. sabi ko, tatlo po ang bibilhin ko. ayaw pa rin. nahiya naman ako na hindi bumili sa kanya kaya bumili na rin ako ng isa. sabi ko, yung dalawa, sa iba ko na lang bibilhin.

lakad-lakad pa ako, nakakita ako ng stall na P130 ang turing sa polong hanap ko. pinilit ko nang pinilit ang tindero na gawin na lang na P120 kasi dalawa naman ang bibilhin ko. ayaw rin niya. hanggang P130 lang daw. mababa na raw 'yon.

e, hindi ako umaalis. kasi sa paglalakad ko, P130 na talaga ang pinakamababa (pauwi na ako nang maka-spot ako ng P100 na polo, aysus.) kaya pinilit ko na lang si kuya. P120 na po. sige na po. kuya naman, e.

tumigil siya. tumingin siya sa akin. bumuntong hininga. alam kong tindero lang siya pero feeling ko big deal sa kanya ang sampung hinihingi ko. baka may quota or something.

tapos dahan-dahan niyang ibinalot sa plastic ang dalawang polo. kinuha ang bayad ko at inabot sa amo niya. sabi niya:

dalawang medium na polo.

sinuklian ako ng P60. bale P240 ang kinuha sa akin. napatingin ako sa kanya.

hala, large yun, e. sa isip-isip ko. naka-discount ako pero nagsinungaling naman si kuya dahil sa akin.

FOUL. sabi ng budhi ko. halagang bente? bebang, ha? utang na loob.

kinuha ko ang dalawang polo at tinanggal ang plastic na bigay ni kuya. ibinalik ko kay kuya

ang plastic.

kasi earth warrior ako. me dala akong sariling mga plastic. at eco-bag.dun ko nilagay ang mga polo. magagamit pa ni kuya ang plastic bag niya sa ibang buyer.

hindi ko isinoli ang benteng sobra. hindi ko rin isinoli ang dalawang large na polo. alam ko, pag ginawa ko 'to, siya ang malilintikan. lilinis nga ang konsensiya ko, e siya naman, mawawalan ng trabaho, wag na lang. eto yung sitwasyon na thanks but no thanks.

nagpasalamat na lang ako nang sobra kay kuya. tapos mabilis na umeskapo sa scene of the crime. nag-sticky note ako sa utak ko, 'wag na 'wag mo na 'tong gagawin.

mga two stalls from kuya, me nagtitinda naman ng pantalon. sa katatanong ko sa mga previous na stall, ang range ng presyo ng pantalon ay: P180 hanggang P250.

Dito sa stall na napili ko, P180 agad ang turing.

wala na pong discount, tanong ko.

sige, sige, pero hanggang P170 lang, sabi ng tindera.

P160 po?

ay, hindi kaya.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Inilabas ko ang pantalon na binili namin ni EJ sa Qmart. May ganito po bang size?

Oo. meron.

Te, P160 na lang.

Hindi po, e.

nagkatitigan kami. face off.

sige, sabi niya, itanong nyo po doon. inginuso niya ang isang maputing lalaki. matangkad at medyo gold-gold ang buhok. sa itsura niya, mukhang siya ang may-ari. katabi niya ang isang may edad na lalaki. parang assistant.

kuya, kako. baka po puwedeng P160 ito?

Miss, sabi nung pogi, hindi puwede. tapat na. mababa na 'yan.

Sige na po, kuya.

Hindi talaga, e.

P165? tapos tumingin ako sa assistant niya. Kuya, P165 na lang. patawarin n'yo na po ako.

tumingin si kuya kay boss pogi.

O, siya. P165. para maging suki natin si mam.

ngumiti na ako nang todo. salamat po, kako.

chinese kayo, Mam?

opo. pero kalahati lang. sa isip-isip ko, oo na, kuripot na kung kuripot.

kumuha na si assistant ng pantalon. isinukat ko against ej's qmart bought pants. sakto. pag tumangkad si ej nang isang libag next month, bitin na sa kanya ang pants. wala na akong matatastas sa laylayan. dudugdugtungan ko na lang. itim na bond paper. saktong-sakto kasi talaga 'tong pants na 'to. you get what you pay for, remember?

1 pc black pants- P165

next: school supplies.

pagdating ko ng divi, nadaanan ko na 'tong tindahan na 'to. malapit sa 168. pero di ko pinansin kasi kako sigurado akong marami pa akong makikita diyan. pero kakaikot ko, mga retailer na lang ang nagbebenta. at pagkaganon, mas mahal ito nang konti at halos wala nang mapagpilian kasi pare-pareho na ang tinda ng lahat.

so dito sa stall na ito, bumili ako ng mga sumusunod:

2 one whole intermediate pad
2 1/2 lengthwise pad
2 1/2 crosswise pad
2 1/4 crosswise pad
2 eraser tape
1 permanent marker
1 black ballpen
1 blue ballpen
10 notebook

lahat-lahat: P270

napakabait ng nag-assist sa akin dito. isang babaeng ordinaryo ang mukha pero hindi ang paggawa. thank you, te. sayang at di ko nalaman ang pangalan mo. may you live a fruitful life.

next, brip.

wala nang brip ang anak ko. sira-sira na. ako kasi ang taong hindi mahilig bumili ng underwear para sa sarili. halos lahat ng panty ko, bigay. PERO HINDI NAMAN SECOND HAND. (well, may mangilan-ngilan. galing ke kim, ke incha. at sa nanay ko. iiiiwww... 'no? pero pag galing ka sa household na puro panty ang laman ng hamper, ng batya, ng sampayan at ng kabinet,di mo na minsan madi-distinguish kung alin ang alin. pikit-mata sabay suot na lang.)

so pati yung pagbili ko ng underwear kay ej, ka-level lang ng sa akin. bihira lang akong bumili. bumibili lang ako kapag halimbawa, wala na talagang masuot si ej kinabukasan. na-side a, b, c, d na niya ang brip niya. at wala na siyang pambahay na shorts para ipang-alternatib. lulugo-lugo na akong bibili sa pinakamalapit na groserya o sa Qmart. (thank you qmart. di totoong sa sm ang linya na 'to: youve got it all for us.)

e nung maliit si ej pwede pa sanang pahiramin ng panty ko sakaling maubusan siya ng brip, kaso ngayon, hindi na. binata na. alam na ang kaibhan ng salungganisa sa salungguhit. kaya bumili na rin ako ng bagong brip niya sa divi.

pasilip-silip ako sa mga stall. at finally nakakita ako ng nagbebenta ng brip na matino. baleno ang tatak ng ibinebenta nila. una kong naisip, pota, pirated kaya 'to? kasi hindi ko talaga bibilhin! respect for IP is really a way of life. tiningnan ko ang kahon. mukhang ok naman. tiningnan ko ang mismong brip, ok naman. actually ang ganda ng quality. magkano? P170 per box. 3 brip sa isang box. mahal 'yon para sa akin. pero wala akong idea kung magkano ito sa mall. ang alam ko, bench: P399 ang isa.

sige. baka naman hindi peke. tiningnan ko ang nagtitinda: lola na chinese. sino sa atin ang nakakita na ng lolang pirata? wala. wala, di ba? kaya nagbayad na 'ko.

3 pcs. brip: P170

nag-ikot-ikot pa ako sa divi. lampas-lampasan na ako ng tutuban. nakarating ako sa bandang tabora street. nakarating din ako sa part na papuntang tondo. bumili ako doon ng ready to eat na indian mango.

1 pack with 4 pcs indian mango: P20
asin na may dinurog na sili: libre

nakakita ako ng wedding gown na maganda. P4500 daw sabi ng tindera. at least me idea na ako. di pala masyadong mahal, e. pero putcha, isang araw ko lang susuotin, P4500? hay.

moving on...

nakakita ako ng saging.

1 1.5 kilos saging: P35

pumihit na ako pabalik. gutom na 'ko. mga 830 na neto.

nadaanan ko ang mga kariton na nagtitinda ng notebook at iba pang school supplies. announcement nila: P8.00 lang notebook pero di pwedeng notebook lang ang bibilhin. yung isa naman: P8.00 notebook tahi plus accessories.

kaya pala mura yung notebook, tatagain ka sa accessories! mahal ang scotch tape. mahal ang plastic cover. ang clay, gunting, yellow pad. ano kaya yun? well, marketing scheme nila 'to. pero nakakatawa kasi, must buy! hahahaha pero ang natutuwa naman ako dito, lahat ng nakakariton na school supplies seller, ganon ang gimik. wala akong nakita na hindi ganon. ibig sabihin, united sila. para nga naman, mapipilitang bumili sa kanila ng iba pang schools supplies yung buyer. hindi lang notebook ang bibilhin.

tindero't tindera yan sa divi. united ha. kasi alam nilang sila rin ang magbebenefit. kaya naman ewan ko na lang dito sa mga writer sa pinas. hangga't madi-divide ang mga sarili, divide! ayun, kaya napaka-weak e, di makapag-demand masyado sa industriya.

ayyy... werk mode tuloy ako.

moving on.

nakakita ako ng jelly sandals. ang mura kaya bumili ako. tagal ko nang gustong magkaganito kaya lang namamahalan ako. pero bumili ako ngayon kasi


1 pair jelly sandals: P25 onli!

(pag-uwi ko sa bahay, me punit yung side ng pang-kaliwang paa. you really get what you pay for. ganon talaga.)

sa mga nadaanan kong nagbebenta sa kalsada, tumingin-tingin pa ako ng brip. pandagdag ba. nakabili naman ako sa isang masungit na tinderang parang buwisit na buwisit sa akin tuwing huhugot ako ng brip sa nakasalansan niyang paninda.

eto:

1 pc boxer shorts: P50
1 pc short na may persona ng brip: P50
1 pc brip na itim: P35

mga chinese ang tatak niyan. poh het-mah ban chot or something like that. palagay ko e orig to. china made pero orig. di nakakakonsensiya.

pagdating sa dulo, as in isang kembot ko na lang, nasa dyip na ako, nag-decide akong magmeryenda muna. bumili ako kay manang ng:

1 bote ng fruit soda: P10
1 fita: P7

peborit kong gawin to, 'yung magmemeryenda pagkatapos mamili, reward sa sarili kasi ang galing manghingi ng discount.

me dalawang batang naglalaro sa likod ko. baka mga apo ni manang. nagbibilang sila ng pera. bungkos-bungkos na pera. P20, P50, P100. kako ba't pinapahawakan ng gan'to ang mga bata? busy si manang paglingon ko sa kanya. inaabot niya ang barya ng lalaking bumili ng ice tubig.

pag me mam-bully sa mga bata, baka bigla na lang hablutin yung pera nila! tinitigan ko ang dalawa. wala silang ginawa kundi magbilang ng pera. parang driver na nagbibilang ng kita for the day. nilawayan pa nung batang lalaki yung mga daliri niya. sabay bilang. bilang. bilang. bilang.

maya-maya, tumayo 'yung batang babae. inuupuan pala niya yung wallet niya. dinampot n'ya 'to at ibinuka. do'n isiniksik ang kanyang bundle ng pera. tumayo 'yung batang lalaki. ipinagpag ang hawak na pera sa sarili niyang palad. inangat niya yung garter ng shorts niya at inipit dun 'yung bundle ng pera. mabilis silang naglakad papunta sa kung saan ako nanggaling.

taas-noo 'yong dalawa, ungos pa ang dibdib. mukhang reding-redi para sa midnight shopping.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...