Wednesday, October 16, 2019

ano ang mga dapat na nasa kontrata ng isang manunulat o tagasalin

tinanong ako ng journalist na si ana santos, ano ba ang mga dapat na makita sa isang makatarungan na publishing contract.

ito ang sagot ko, live list ito, meaning, from time to time ay dapat i-update:

1. sa creator ang copyright (sa visprint, sa creator ito. ano ang ibig sabihin? posible ito. if your publisher tells you otherwise, magduda ka na)

2. may expiry ang contract, may end date. or may x number of copies lamang ang puwedeng ilathala ng publisher at siyang covered ng present contract. sa balangay, sa 100 copies lang nakatali ang author namin. after 100 copies ay another contract na naman ang pag-uusapan.

3. ang tao na kausap mo regarding your work ay dapat nasa kontrata din ang pangalan. either as owner of the company or as witness. meaning, dapat pipirma din siya sa kontrata. huwag sa staff lang ng publisher makipag-usap. hindi iyan mananagot sakaling may mangyaring masama sa kontrata mo o sa dealings mo with the company.

4. i.d. details ng mga pipirma sa kontrata. government issued i.d. dapat like passport, postal id, sss id, gsis id, umid id, etc. mas magandang maghanda ng photocopy ng id para ibigay sa publisher.

5. ilan ang print run per edition (sa anvil, usually, 1k copies per print run)

6. kanino ang rights to transform the work like translation, or transformation from book to film, etc. (sa visprint, sa creator ito, ang galing ano? iyan ang best practice!)

7. ilan ang compli copy for the creator (dapat meron. huwag papayag na walang compli copy ang creator)

8. per copy sold, magkano ang royalty ng creator (sa anvil- 10 to 15% para sa writer, sa vibal- 10% sa children's book writer)

9. posibleng may kahati ka sa royalty, for example, sa mga children's book, may publishers na pinaghahati sa 10% ang writer at ang illustrator, so tig-5% each.

10. kailan matatanggap ng creator ang royalty (sa anvil, tuwing march, sa visprint, 4x a year! sa vibal, pag nagalit ka lang at pag nagsocial
media ka, saka sila magbibigay ng royalty hahahaha) at paano (through bank deposit ba o papupuntahin ka pa sa opis nila? sa visprint at anvil, parehong direkta na ang deposit sa bank account ko ang mga royalty from them)

11. sinasabi din sa kontrata na kahit kailan basta within office hours ay puwede kang mag-inspection ng accounting documents na may kinalaman sa books mo.

12. confidentiality- delikado ito. this might work against you. dahil baka sa confidentiality clause, di ka puwedeng mag-disclose ng detalye ng kontrata sa ibang tao. posibleng inaapi ka na, di mo ito maibahagi sa iba dahil sa clause na iyan. kung ako sa iyo, ipatanggal mo iyan. kung maayos ang publisher, di siya dapat matakot, wala nang confidentiality from your end, ano? dapat may kalayaan kang ibahagi ito sa iba, huwag lang sa social media or sa general public.

13. dapat din, hindi gagawa si creator ng produktong makakaapekto sa sales or directly competes against his/her own work with a publisher. paano naman kikita niyan si publisher kapag ipinamigay mo nang libre ang trabaho mong ilalathala nila?

14. notary segment, para may pormal na basbas ng batas ang kontrata.

15. kung kontrata ng tagasalin, dapat nakasaad sa kontrata na kikilalanin ang tagasalin sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang pangalan sa cover ng akda. (ito ay mungkahi ni rise, isang book lover at writer mula sa palawan!)

16. may sales o royalty report from publisher bago sila magbigay sa iyo ng royalty mismo.

17. magkano ang presyo ng libro kapag ang creator nito ang bibili mula sa publisher.





2 comments:

Rise said...

magagamit ito ng mga manunulat. siguro pwede rin ito sa mga tagasalin? pwedeng dagdagan na nakalagay ang pangalan ng tagasalin sa pabalat ng aklat. tapos nakalagay kung paano hatiin ang royalty sa pagitan ng awtor at tagasalin.

mrjryy said...

Hi, Rise! Kumusta?! Ok, ilagay ko iyang sinabi mo. Salamat, ha?

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...