Friday, October 25, 2019

the road to 1M

mga besh, nadeposit ko na kanina ang huling hulog for my 1m in stock market challenge!

!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!

tapos na, finally. omg!

hahaha!

yahoo!

sabay-sabay na dumating ang mga collectible. at medyo nagulat din ako na maaga ang pagbabayad sa akin ng isang raket. nagulat ako na maaga dahil... kailan lang iyon, september to be exact. sobrang salamat po, universe.

a few weeks ago nagbe-breakdown na ako dahil sa panic. at sa pagod. dahil kahit anong kayod gawin ko, lagi pa rin kaming kapos. iyon pala, bubuhos ang biyaya pagkatapos ng time period na iyon. parang joke talaga ang buhay, ano? tetestingin ka kung hanggang saan mo kaya. buti di pa ako naloloka.

salamat din sa asawa kong sinakyan ang sagad-sagaran kong pagtitipid, si poy Ronald Verzo! nagtiis siya na wala kaming yaya at kasambahay. siya lang ang araw-araw na naiiwan sa bahay at sa mga bata. siya nagluluto, siya nag-aalaga, kababuyan na ang itsura ng bahay namin noon, hahaha, pero tiniis niya talaga dahil wala kaming mahanap at ayoko pang magkasambahay, higit sa lahat, sayang ang ibabayad sa kasambahay. birthday gift ko rin itong 1m in stock market sa kanya. mayo pa ang kanyang birthday. happy 40, papa p!

salamat din sa anak kong si ej Sean Elijah Siy dahil ang laki ng natipid ko sa kanyang pag-aaral at talaga namang pinagbutihan niya ang kanyang pag-aaral, kahit public school siya all the way. nagtapos siya on time sa PUP at magaganda ang kanyang grades. nakapag-abroad din siya nang ilang ulit dahil sa kanyang sports na wushu, hindi ako pinagagastos niyan sa mga international competition, siya pa ang nag-uuwi ng pasalubong sa amin. wahoo! salamat, salamat, ej! ikaw na ang next na magbubukas ng account sa col, ha?

salamat din sa mother in law ko, si muma. siya ang first teacher ko at siyang nagtiyagang magturo sa akin noon tungkol sa stocks, year 2009 ito. zero knowledge ako, mga besh. malikhaing pagsulat major ako, di ba? matik 'yan, walang gana sa mga numero-numero. math 1 lang ang math namin sa buong college life. tres ang grade ko, hashtag respect. pasang-awa talaga. si muma, tyinaga ako. diyaryo pa ang gamit niya sa pagtuturo sa akin, ine-explain niya ang meaning ng bawat column sa stock market page ng malalaking diyaryo, at kung paano basahin ang maliliit na number doon. kung di dahil sa kanya ay di ko matututuhan ang life hack na ito, ang stock market. baka kung ano ano na ang pinasok kong investment instrument na baka di pa safe kung di niya ipinakilala sa akin ang stocks.

most of all, salamat sa sarili kong nanay, si tisay! dahil sa kanya, natuto akong mag-ipon nang bongga. ang galing mag-ipon ng nanay ko. napapalago niya ang maliit. pinakita niya sa amin na basta panay ang pagsusubi ng pera, lalago at lalago ang anumang maliit. ang tipid niya, ilokana ba naman, at determinado lagi siyang palaguin ang anumang hawak niyang pera. sa legit man o hindi na paraan, hahaha. alam n'yo ba na nagpapa-piso net siya sa bahay niya noon, nagbebenta ng ice tube at nagba-buy and sell ng bote ng gin (iyong nilalagyan ng mantika). ang tawag nga namin sa bahay niya ay junkshop hotel sa dami ng bote, sako-sakong bote. di na rin tumataya sa sugal si tisay, errr... let me correct that, di na siya tumataya nang malaki sa sugal hahahahaha.... natutuhan ko rin sa kanya na kung may gusto ka, paghirapan mo ito. natutuhan ko rin sa kanya ang konsepto ng katarungan sa pamamagitan ng kasabihang kung may isinuksok ka, may aanihin ka. ano raw? haaahahaha. iyong nanay ko ang nagturo sa aming magkakapatid na para ka mabuhay, kailangan matutuhan mong lumangoy nang mag-isa. tanga ka pag nalunod ka, hahayaan ka talaga niyang malunod, ganon. lahat ng uri ng diskarte, sa kanya ko natutuhan. thanks, universe, for giving us tisay!

sa lahat ng bumili ng libro namin at sa lahat ng nagbigay ng raket sa akin at kay papa p, daghang salamat. may kinahinatnan ang inyong ibinigay. hinding-hindi nawaldas, hindi nasayang, kahit isang sentimo.

ano nga pala ang feeling? sobrang relieved! at nadagdagan din ang aking confidence. potek, kaya pala naming ma-achieve ang 1m na yan, sino ang mag-aakala? me nararating din pala talaga ang todong-todong pagkukuripot ko! at higit sa lahat, pag di mo pala talaga inumpisahan, hindi mo matatapos. malaking tulong din ang isinusulat ang new year's resolution. napapaalalahanan ka every january ng target mo or ng goal mo.

#dahilmaydagatnamayayinpa
#theroadto1minstockmarket
#ayokonangmagingstarvingwriterstarnalangpuwede?

i think i'll write a book about this journey. ang title: 'wag tanga sa stock market. tungkol iyan sa mga katangahan ko hahaha medyo makapal itong libro, siguro tatlumpung dangkal, sa dami ba naman ng mga mali kong desisyon sa stocks.

gusto ko rin magsulat tungkol sa mga pagtitipid kong radikal nang maituturing dahil extreme, kuripot overload, tipidity at its finest, only for the dugong ilokanoxchinese people!

salamat sa lahat ng sumubaybay sa journey ko na ito, sa journey namin ni poy. kung kaya namin, mas kaya ninyo.

bday gift ko rin ito sa sarili now that i am turning 40 come december 2019. yes, originally, sa december pa dapat matatapos ang challenge, pero ginawa ko talaga lahat, times two lahat ng effort, matapos lang ito nang mas maaga. kaya i also have to thank myself for that. thank you, self. ikaw na.

but, seriously, you bebang deserve a pat on the back. a haplos on your hair. and an ice cold beer.

shet, walwalan na!

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...