Friday, August 30, 2019

ano ang kahulugan ng idyoma o talinghagang bukambibig na mabilis pa sa alas-kuwatro

ito ang sabi sa FB post ng NCCA ngayong Agosto 30, 2019:

National Artist Nick Joaquin once explained that the phrase “mabilis pa sa alas cuatro” (faster than four o’clock) was connected with the siren or whistle of the old Insular Ice Plant that used to be close to the Pasig River, in an area where the present Metropolitan Theater, Quezon Bridge and Manila Post Office now stand.

The ice plant’s siren sounded thrice daily: at 7 a.m. to signal the start of work; at 12 noon to signal the lunch break; and at 4 p.m. to signal the end of work. Manila was less noisy then, so people who heard the ice plant’s siren worked their days around these signals, too. “Mabilis pa sa alas cuatro” referred to the 4 p.m. siren.

Source: Looking Back by Ambeth R. Ocampo (https://opinion.inquirer.net/86932/the-iceman-cometh)

#BuwanNgWika
#KulturaPH

📷 Ang tampok sa larawan ay Insular Ice Plant & Cold Storage, circa 1910 (Courtesy of John Tewell)

Thursday, August 29, 2019

First Love (Maikling Kuwento ni Beverly W. Siy)

Pinakapaborito kong bahagi ng prom ang paghahanda at pag-aayos ng sarili. Hindi
kasi ako napagastos. At wala rin naman kasi akong panggastos.

Bihira akong magladlad ng buhok, kahit halos hanggang baywang ang buhok kong
sing-itim ng gabi. Bakit? Puro kasi kuto, ’tsaka ayoko ’yong suklay nang suklay, kaya naman
mula elementary hanggang high school, lagi lang akong naka-pony tail. Idol ko si Olive Oyl
sa hair style.

Para sa JS prom, nagsuyod ako maghapon-magdamag para lang makapagladlad ako
ng buhok. Tapos nag-practice ako sa harap ng salamin kung paanong luminga-linga habang
pinasasayaw ang sariling buhok. Nakatapat pa ako sa electric fan habang nakangiti sa
salamin, tuloy ay parang hinahangin na kurtina ang buhok ko, akala mo, masarap haplusin.
Wala akong headband. Walang tali. Walang ispre-spray net. Walang gel. Walang pomada. Ni
laway, wala. Ako, ang buhok ko, at isang henerasyon ng mga itlog ng kutong wala nang
magulang, all set para sa JS Prom.

Hindi rin ako nag-make up. Talo ko pa ang Boyoyong clown kapag nalalagyan ng
make-up ang mukha. Meron yata talagang ganoon na mukha, lalong sumasagwa kapag
nalalapatan ng kolorete. Kaya ang putla-putla ko nang araw at gabi na iyon. Pero ayos lang.
Mas gusto ko nang mapagkamalan akong white lady kaysa Boyoyong clown.

Hindi rin ako nag-gown, na siyang ikinukuwento ng mga kaklase kong isusuot daw
nila sa JS. Ayoko, dahil baka hindi ko kayang dalhin ang ganoon kagarbo at ganoon ka-
feminine na damit. Ayoko ring mag-practice pa ng paraan ng paglakad. Sayang ang oras.
Magbabasa na lang ako ng Sweet Valley Twins.

Isa pa, wala akong pambili o pangrenta man lang ng gown. Kaya naghanap na lang
ako ng disenteng damit, iyong malinis, walang tastas, walang butas at walang sobrang
himulmol, mula sa kabinet ng pinsan kong si Donna. Nakakita ako ng damit na hindi ko alam
kung paano ipaliwanag.

Kulay: navy blue.
Tela: cotton.
Burloloy ng damit: dalawang gintong butones na sinlaki ng piso, sa gitna ng dibdib
nakapuwesto.
Piraso: isa, isang buong mahaba kasi magkarugtong ang pantaas at pambabang bahagi.
Kamukha: bestida at pantalon, bestida ang pang-ibabaw tapos, pantalon naman, imbes na
palda, ang makikita sa dulo ng bestida. Ano ba ang tawag diyan? Bestilon? Pantestida?

Simple ang damit, pero mukha pa ring elegante. Hindi ko alam kung bakit. Baka dahil
sa nagsusuot. Ako ’yon, ako ’yon, ano be?

Eto ang napag-usapan namin before JS.

Meeting time: 5pm
Meeting place: gate ng school, kasi mga tatlumpung kandirit lang ang layo nito sa hotel na
pagdarausan ng JS Prom
Sino-sino: Ako, Eris, Loti, Cocoy, Nestor, Betong, Paeng, Jessie-dog, Ling, Lizbeth, Borre at
Analyn

Nagdyip ako papunta sa school. Wala namang hassle, hindi ako pinagtinginan o
pinagbulungan ng mga kapwa ko pasahero. Kasi ’yong damit ko, parang casual na rin kung
tutuusin. Dagdag pang nakalugay ang buhok ko at wala akong make up. Siguro, kung
napukaw ko ang pansin ng ibang pasahero, ang naisip nila ay masyado akong maganda at
malinis para sa palengkeng pupuntahan ko.

Nang magkita-kita na ang magbabarkada, napabunghalit ng tawa ang mga lalaki, mga
gago. Pinagtawanan nila ang mga kaibigan naming naka-gown at kuntodo make up. Baliktad!
Kung sino pa ang mga talagang nag-effort-effort-an at nakahanda para sa JS, iyon ang
pinagtatawanan. At kaming mga walang kalatoy-latoy ang mukha at suot, siyang nagtatawa.
Itong mga lalaking hambog at pasimuno ng lahat, walang ayos-ayos. Pinakintab lang ng gel
ang mga buhok. O baka nga tubig lang iyon, hindi gel. O baka something. O baka _________
(Fill in the blank.) Iyong iba sa kanila, nakarolyo pa ang mahahabang manggas. At nakalabas
ang laylayan ng mga polo. Tuck out. Parang matandang lalaking na-stress sa trabaho, gano’n.
Siguro, isang paraan iyon ng pagre-rebelde. Nila. Namin. Anyway, pagkatapos ng laitan mula
anit hanggang cuticle, lumarga na kami.

Habang naglalakad, nilapitan ako ni Borre at bumulong sa akin. “Tingnan mo si
Analyn,” sabi niya.

Kaklase namin si Analyn. Maganda siya, pero walang nagkaka-crush sa kanya.
Simple lang kasi siya. Walang ipinapahid sa mukha during regular days. Simple ang buhok,
straight, itim, hanggang tenga. Simple manamit. Pag civilian kami, shirt at maong lang siyang
lagi. Pati bag niya, simple. Knapsack na itim, walang design, walang bulsa.
Pero nang gabing iyon, lumitaw ang ganda ni Analyn. Naka-make up siya’t pink ang
talukap ng mata. Naka-gown siyang pula, malobo ang pambaba.

Siguro, may crush si Borre kay Analyn. Nilingon ko si Borre. At sabi ko, “Oo nga.
Bagay sa kanya ang suot niya.”

“Pero tingnan mo ’yong sapatos,” dagdag ni Borre.

Tiningnan kong mabuti ang paanan ni Analyn. Ang suot niyang sapatos ay ang sapatos niya
sa eskuwela. Bulldog na itim at kulu-kulubot.

Lumingon uli ako kay Borre. Nang magtama ang tingin namin, tumawa siya. At batay
sa tono ng tawa niya, parang gusto niyang mag-duet kami ng tawa. Pero hindi ako natawa.
Wala namang nakakatawa.

Na-scan ko tuloy si Borre nang wala sa oras. Mula ulo hanggang paa. Poging-pogi
siya sa barong niya. At ang pantalon ay parang pinagawa pa para lang sa okasyong ito. E, ang
sapatos?

Maitim. Makintab.

Perfect si Borre.

Kaya pala.

Pero hindi pa rin ako tumawa. Ni hindi ngumiti. Inunahan na lang tuloy ako ni Borre
sa paglalakad. Siguro, nawirduhan siya sa akin.

Habang nakatalikod siya, doon ako napaisip. Ayun pala ang hindi bagay sa buo
niyang get up: budhi na maitim, parang bulok na sapatos.

Sa Manila Midtown Hotel ang aming JS Prom. Ito ay isang three-star hotel sa puso
ng Ermita-Malate area. Pero dahil mababaw ang kaligayahan namin noon, ang tingin namin
dito ay five-star hotel na. Sikat.

Mayroon itong 21 floors at 500-600 na kuwarto. Malaki at engrande, para sa akin.
Wala pa naman kasi akong napapasok na ibang hotel noon. Malay ko ba sa Shangri-la Edsa?
Dusit Hotel? Heritage? Manila Peninsula?

Turista ang market ng Manila Midtown. Iyong mga turistang haling na haling sa
sunset ng Manila Bay at sa mga night club ng Ermita.

Malapit ang Manila Midtown sa bahay namin. Walking distance lang. Kaya kampante
ang tatay kong makakauwi ako nang maaga at hindi mapapaano sa kalsada.

Pagdating sa hotel, nanibago ako. Hindi lang sa elegance ng venue kundi pati sa
hitsura ng mga tao. Ang mga teacher namin, kilo-kilo ang make up sa mukha. Pati ang mga
lalaking teacher. Hindi na nga namin makilala. Ang mga walang cleavage, nagka-cleavage,
singlalim ng Lagusnilad. Ang mga teacher na may permanenteng kunot sa noo, naplantsa ang
mukha.

Ang mga estudyanteng babae, iba-iba rin ang get up. May mukhang prinsesa. Kulang
na lang ay tore. May mukha rin namang katulad ko, mamamalengke. Kulang na lang ay
bayong, saka putik sa sakong.

Ang ibang lalaking estudyante, naka-lipstick. Binansagan tuloy silang bading. At
’yong mga tunay na bading, medyo malungkot, kasi agrabyado sila. Ni-require silang
magdamit-lalaki. Pero ang iba kong schoolmate na bading, hindi nagpasindak. Pinagana ang
pagiging malikhain. Since hindi sila makapag-gown, nag-ipit na lang sila ng mga bulaklak sa
tenga. Hindi sila mapagbawalan ng mga teacher. Ano nga naman ang masama? Ang babango
tuloy nilang tingnan sa mga picture.

Doon sa hotel na namin pinlanong magkita ni Denden.

Si Denden? Siya ang first love ko. Fourth year high school na nang maging kami. Isa sa mga
CAT (Citizens’ Army Training) officers noon si Denden. Doon kami nagkakilala. Mabait
siya sa girls. Hindi niya kami pinaparasuhan, no sit-ups, no push-ups, no ear pumps, maski
magkamali-mali na kami sa pagsunod sa mga command niya. Doon ako nainlab.
Marami sa mga kaibigan ko ang nagsasabing di kami bagay, hitsura pa lang. Pangit daw si
Denden, mukhang tsonggo. Pero nang mga panahong iyon, para sa akin, siya ang
pinakamagandang hayop sa balat ng lupa.

Brown ang balbunin na balat ni Denden. Kulay-uling naman ang alon-alon niyang
buhok na super-iksi dahil sa haircut requirement ng CAT. (Ito na yata ang tanging misyon ng
department na ’yan, ang manita ng mahahabang buhok ng boys. Mas karapat-dapat itong
tawaging Hair-CAT.) Makapal ang kilay niya. Akala ko nga dati, may bangs siya. Wala pala,
kilay pala ’yon. Weakness ko ang boys na may makapal na kilay, para kasing lalaking-lalaki,
at saka serious type ang hitsura. Laglag ang panty ko pag nakikita ko ang sabog na kilay ni
Brad Pitt o kaya ang mala-gubat na kilay ni Jomari Yllana. Matangos ang ilong ni Denden.
Mamula-mula ang matambok niyang pisngi. Rosy cheeks? Hindi, mas mukhang hadhad.
Heartshaped naman ang labi niya. Perfect smile kapag itinerno sa mapuputi niyang ipin.
Sa height naman, di kami masyadong nagkakalayo. Mas matangkad ako nang konti sa kanya.
Kapiranggot lang, mga dalawang dangkal lang. Sa built naman ng katawan, lamang siya ng
tatlong almusal sa butiking Pasay.

Paano naging officer ang isang bonsai at tingting na tulad ni Denden? Ayon sa kanya,
idinaan niya sa sipag maski nagmistula na siyang aliping saguiguilid noong 3rd year kami. 0o
nga pala, ninong niya ang CAT Commandant ng eskuwelahan.

Galing sa ibang section si Denden. Hambog ang mga kaklase ko. Nilalait nila ang
mga estudyanteng wala sa star section, ang section namin.

Weakness ni Denden ang subject na English. Nahihilo raw siya pag nakakakita ng
English words. Kapag periodical test, sabay sa pagmemeryenda namin ang pagrerebyu.
Ginagawan ko siya ng reviewer para makapaghanda siya nang mas maigi sa aktuwal na
exam. May mga salitang hindi niya maintindihan. Minsan, inaabot kami ng uwian sa
pagpapaliwanag ko sa mga ito.

Pero malaki ang talent ni Denden sa Drafting. Ito ’yong pagdo-drawing ng iba’t ibang
perspective o anggulo ng isang bagay. Halimbawa, ang front view ng cube o kaya side view
ng cube na may uka sa gitna o kaya top view ng cube na korteng hagdan. Dito siya magaling.
Patunay nito ang matataas kong grades. Siya yata ang taga-drowing ko.

Kapag recess, magkatapat kaming lagi sa canteen. North Pole at South Pole ang tawag
sa amin. E, ano? Basta, hindi kami naghihiwalay. Tambay din kami sa gym kapag walang
klase dahil sa PTA meetings o Teachers’ Conference o Committee Meetings ng teachers.

Tinagurian kaming Unlikely Love Team ng Taon nang minsang maabutan kami ng mga
kaklase ko sa 711 na malapit sa amin. Tuloy lang ako sa pagpaypay kay Denden at pagpunas
ng likod niya (pawisin kasi si Denden). Inismiran ko ang nang-alaskang mga kaklase, “Inggit
lang kayo. Tse!”

Umabot sa isang sako ang love notes na ipinadala ni Denden sa akin. “I love you,
honeysweet.” “Take care to your house.” Lagi ko siyang pinapayuhan na hindi kasalanan ang
magsulat ng love note sa wikang Filipino. Pero makulit pa rin siya. “Honeysweet, congrats
your being Best in Conduct.” “I’m missing your presence in beside me.”

Minsan, nagtampo siya sa akin. Di ko na kasi napigil ang tawa ko. Sabi ng love note
niya, “With you, I have self-confident.” Sabi ko, gawin niyang “self-confidence”.

Kinabukasan, natanggap ko ang love note of the day sa isang Hello Kitty na stationery,
“Thanks for always. With you, honeysweet, I have self-confidents.” Susmarya.

Mula nang maging kami, sinasabayan niya ako sa pagpasok sa gate ng school.
Maghihintayan kami tuwing umaga sa tabi ng gate. Kung may oras pa, nag-aalmusal kami sa
tindahang malapit. Nagsusubuan kami ng biko at iisa lang ang straw ng buko juice namin.
(Pero madalas, hindi na ako nakikihati, para mas marami siyang makain at nang tumaba-taba
naman siya nang konti.) Pagkatapos, sabay kaming papasok sa gate.

Isang araw, bago ang guwardiya ng eskuwelahan. Estrikto ito. Sinisita niya ang lahat
ng estudyante. Hindi siya ngumingiti. Ang walang ID, hindi makalusot sa gate. lkinabit ko
agad ang ID ko. Maluwalhati naman akong nakapasok. Si Denden, hinarang ng bagong
sekyu.

“ID mo?” dumadagundong ang boses ng guwardiya.

“Eto po.” ipinakita ni Denden ang ID niya.

“I-pin mo,” sabi ng guwardya.

Buong luwang na ngumiti si Denden. Ipinakita niya sa guwardya ang mapuputi
niyang ipin.

Umamin si Denden na dumalas ang pagmemeryenda niya dahil sa akin. Lagi ko
siyang niyayaya sa canteen, karinderya o kaya ay bakery na malapit sa eskuwela. Minsan,
pinuntahan namin ang bagong bukas na bakery. Malinis at hi-tech ang gamit nila sa paggawa
ng iba’t ibang tinapay. Nakasalang noon ang mga empanada sa lutuan (’yong may umiikot na
metal bars). Hhmmm... katakam-takam, fresh from the oven.

“O, anong kakainin mo?” thoughtful na tanong ni Denden.

“’Yang empanada? Masarap kaya ang filling niyan?” tanong-sagot ko.

Nakatitig si Denden sa iniinit na empanada sa lutuan. “Hindi siguro. E kung ikaw ang
isalang sa lutuan na ’yan, masarap ba ang feeling mo? Masasaktan ka, mapapaso,” seryoso
niyang paliwanag.

Bihira naman kaming magkagalit. Isang malaking tampuhan namin ay noong intrams
sa eskuwelahan. Hindi ako nakasali sa volleyball team dahil ayaw niya akong pagsuotin ng
shorts na siyang uniporme ng mga player. Hindi puwedeng nakapantalon o kaya palda. Nang
siya naman ang maglalaro para sa basketball team midget division (para sa mga kasing-cute
niya ang height), gumanti ako.

“Hindi ka puwedeng magsuot ng shorts. Pag ginawa mo ’yan, hiwalay na tayo!”
panakot ko. Pero papayagan ko naman talaga siyang maglaro.

“Alam mo namang matagal ko nang pangarap ang makapaglaro sa intrams natin, e!”
kakamot-kamot siya ng ulo.

“Ako rin naman. Pero dahil sa shorts na binawal mo, buong araw lang akong
pasigaw-sigaw para mag-cheer. Ni hindi ako nakahawak ng bola.” mataray kong sumbat.

Hindi siya umimik. Kinabukasan, sa laro nila, bangko siya maghapon dahil ayaw
siyang ipasok ng coach sa court nang naka-jogging pants. Nakonsensiya ako. Binawi ko na
lang iyon sa pagiging dedicated personal tutor niya sa English.

Nasubukan ang partnership naming sintamis ng wine, sintatag ng sunshine nang
dumating ang Junior-Senior prom. Ayaw kasi ng daddy kong um-attend ako noon.

Napakamahal daw ng ticket. Isang libong piso. Taong 1995. Twenty six pesos is to one ang
dollar rate. At wala raw kaming ekstrang pera para sa sosyalang hilaw tulad ng JS Prom.
Pera din ang problema ni Denden. Kaya naman nag-tipidity moments na kami, binawasan na
namin ang pagmemeryenda. Hindi na kami nagbubuko juice sa umaga. Sa library na kami
tumatambay at hindi sa canteen. Pinababayaran ko na rin ang intermediate pad na dati ay
hinihingi lang sa akin ng buong section tuwing may seatwork o exam. Piso, isa. Buo, one-
fourth man, one-half lengthwise o crosswise pa ’yan. Magdala sila kung ayaw nilang
magbayad. Dito na rin nalagas ang koleksiyon ko ng Funny Komiks. Naibenta ko isa-isa.
Hanggang sa wala nang matira dito. Sinabak na rin ni Denden ang paglalako ng brownies ng
tita niya. Seven ang isa. Five ang puhunan. Ang dos, subi na niya. Siyempre, ako ang mas
maraming naibenta.

Di pa rin umaabot ng dalawang libo ang kita namin. Pinutakti pa kami ng problema:
bukod sa pambayad sa prom ay ang pambili ng isusuot na damit at sapatos. Kaya ko namang
gawan ng paraan ang damit ko, pero kung ano-ano ang kapritso ng mga kaklase ko para mas
mapaganda pa raw ang prom, porke dapat daw makilala ang nasa star section, kaya dapat
daw, pare-pareho kaming may shades o kaya pare-parehong may scarf. Kaya kinulit ko pa
rin ang tatay ko. Sabi ko, “Dad, anong silbi ng high school life ko kung hindi ako makaka-
attend ng JS? Isang libo lang naman.”

Napayuko ang tatay ko. Kaya sumundot pa ako. “Dad, biruin mo, ako lang ang wala
roon kung sakali. Lahat ng third year at fourth year, a-attend. Ano na lang ang maisisingit ko
kapag nagkuwentuhan na ang mga kaklase ko pagkatapos ng JS na ’yan? Wala?” Natutunan
ko ang pagdadramang ito kanonood ng Mara Clara sa hapon.

Dahan-dahang nag-angat ng mukha ang aking erpats. Ayan, nasusukol ko na yata
siya. Nagpatulo ako ng isang patak ng luha. Sa kanang pisngi lang muna.

Sabi niya, “Oo, anak, wala. Walang himala. E, sa wala tayong pera, e. Kahit
magpatulo ka ng isang litro ng luha diyan, wala akong maibibigay sa iyo,” singhal ng daddy
ko, parang si Kevin Cosme lang.

Eyng. Napaatras ang susunod na luha sa tearduct ko.

Pero pagkaraan ng ilan pang ganitong eksena at ilan pang patak-patak ng luha sa
magkabila kong pisngi, natinag ko rin ang kanyang pusong sintatag ng bato, sintibay ng
semento. Pumayag na rin siya, yes. Inunti-unti nga lang niya ang pagbibigay ng perang
pambayad sa tiket ng JS. Pa-fifty-fifty. Minsan, bente. Sabay naming kinausap ni Denden ang
teacher-in-charge. Pumayag naman na installment na lang ang bayad para sa prom.

Dumalas din ang kupit-hingi ko sa daddy ko. Pambayad ng Lakas-Diwa current events
journal, pambili ng nakapaketeng katsa, gunting at pattern para sa proyektong apron,
pambayad sa membership ng Filipino Club, Math Club at kung ano-ano pang club na wala
namang proyekto sa buong school year kundi pakontes sa balagtasan at newspaper drive.
Saka lang ako nakabili ng ticket sa JS noong deadliest deadline na talagan ng bayaran.

Bukod sa pambayad sa prom at ang pambili ng damit at sapatos na isusuot, isa pang
pinoproblema namin ay... ang height ni Denden. Umigting ang pagnanais ni Dendeng
tumangkad para sa espesyal na gabi ng JS Prom.

“Epektibo ba ang growth ball, ’yong gamot na pampatangkad?” usisa ni Denden.

“Kung effective ’yon. supermodel na sina Winona Ryder at Roderick Paulate.
’Andami yata nilang pambili no’n!” sabi ko.

“Sabi ng kapitbahay namin, ’yong kaibigan daw ng pinsan ng kaklase niya, uminom
ng apat na growth balls at tumangkad nang three inches pagkatapos. Pero, leeg ang humaba
sa kanya, hindi binti,”sabi ni Denden.

“O, handa ka bang magmukhang giraffe sa JS natin?” natatawa kong hamon sa kanya.
Palinga-linga si Denden nang mamataan ko. Nagsasayaw ang mga ilaw sa kagubatan
ng kanyang kilay. At sa kagubatan din ng kanyang bigote. Mukha siyang mamamatay-tao.
Gano’n kasi siya kapag nag-iisip nang malalim at kapag seryoso. Parang naiinip na ‘ata sa
pagdating ko. Pero kapag nakangiti na siya at kitang-kita ang mapuputi at pantay-pantay
niyang ngipin, nag-iiba na ang kanyang aura. Nagmumukha na siyang politiko. Mala-Mayor
Sanchez. Nilapitan niya ako. Dahan-dahan.

Nasolusyonan nga namin ang pambayad sa prom at ang iba pang gastos para sa prom.
Pero wala kaming nakitang solusyon para sa height niya. Dahil sa suot kong sapatos na may
mataas na takong, mukha akong prinsesang may akay na duwende. Bobombahin na naman
kami ng tukso ng mga kaklase niya’t kaklase ko. Kaya nagpalit na lang ako ng shoes. ’Yong
flat na lang ang isinuot ko.

Masaya iyong pagpunta ko sa prom ay alam ko na kung sino ang partner ko. Tingin
ko, mukhang tanga ’yong mga walang partner sa JS. Pero noong JS na, mas masaya ’yong
mga walang partner. Hindi sila nako-conscious. Kung makatawa sila, labas tonsil at ngala-
ngala, pati esophagus. Kahit paano, nainggit ako. Kasi, ayun ako, buntot nang buntot sa
partner at ’yong partner ko rin, buntot nang buntot sa akin.

Nakasama ko si Denden buong gabi. Nagkuhaan kami ng retrato kasama ang barkada.
Noong tapos na ’yong program proper, nagpatugtog sila ng sari-saring kanta. Pati, siyempre,
mga love song.

Niyaya ako ni Denden na sumayaw noong pinatugtog na ang kantang So Many
Questions ng Side A. Nagkuwentuhan kami habang nagsasayaw. Siyempre, nagbubulungan
lang kami (excuse ’yong masyadong maingay ang paligid). Nakukuryente ang tumbong ko
sa tuwing lalapit ang bibig niya sa tenga ko.

Niyakap ko siya at niyakap din niya ako. Gano’n, di ba, pag nagsasayaw? ’Yong girl,
nakalambitin ang dalawang kamay sa leeg ng guy, ’yong guy, nakahawak sa baywang ng girl.
Pagkatapos ng kanta, lumabas kami sa hall kung saan ginaganap ang JS prom. Namasyal
kami sa loob ng hotel, hanggang sa magkayayaang sumakay ng elevator. Mataas ang hotel
kaya matagal-tagal din bago nakaakyat ang elevator sa tuktok. Pero lahat ng floor, pinindot
namin. Kusa lang na bumubukas at kusa ring sumasara ang pinto nito papaakyat.
Magkahawak-kamay lang kami, pero parehong namamawis ang mga kamay namin.

Papaano, kami lang dalawa ang sakay ng elevator na pinapalibutan ng salamin. Pababa na
ang elevator sa ground floor nang magsalita siya. “I love you, honeysweet.” Tumingkayad si
Denden sa abot nang kanyang makakaya ’tsaka niya ako hinalikan sa labi. Bigla kong naalala
ang kissing scene nina Patrick Swayze at Demi Moore sa pelikulang Ghost.
Ang tamis ng kiss sabay hug. Kiss sabay hug. Kiss sabay hug. (Hindi namin naisip
kung may hidden camera doon!) Pero ang pinakanaaalala ko, wala pang pindutan na
nangyari. Nanatiling nakasara ang pinto ng elevator.

Siguro, parehong humihiling ang puso namin nang sandaling iyon. Sana luma ang
elevator para bumagal ang pagbaba nito. Sana mag-brown out. Sana ma-stuck kami forever
and ever. Sana...

Humintong bigla ang sinasakyan namin. Awtomatikong nagkalas ang aming mga labi.
Bumukas ang pinto ng elevator at bumulaga ang ilang schoolmate namin. Naku, naiwang
nakalambitin ang mga braso ko sa leeg ni Denden. Napayuko kami at patakbong lumabas ng
elevator. Papikit-pikit ako sa hiya, pero anong luwang ng aking ngiti.

Pagbalik namin sa ballroom, nagyuyugyugan to the max ang sangkatauhan, sa saliw
ng Ice, Ice, Baby at Always, na pinasikat ng Universal Motion Dancers. Hindi mo alam kung
feel talaga nila ang kanta o sarkastiko ang pagsasayaw nila. Maya-maya, me dumapo na
pandesal sa mukha ni Denden. At pag-ikot ko, sa mukha ko naman. Paghakbang ko, may
naapakan akong malambot. Pandesal! Aba, pandesal here, there and everywhere.

Ay, ang mga sutil kong schoolmate, nakapalibot sa table ng pagkain. Nandoon ang
kanin, menudo, at pritong tilapya na may mayonnaise. At isang bundok ng pandesal.
Pinalipad nila ang mga ito. Naghagalpakan kami at pasimple na ring gumaganti ng
bato ng pandesal. Inumpisahan ko kay Borre.

Natural, na-high blood ang mga teacher. Food fight sa gitna ng pinagpipitaganang JS
prom?

Saglit na naantala ang yugyugan, dahil sinermunan kami ng isang guro. Ang masakit
doon, gumamit siya ng mikropono at doon pa siya sa stage nagsermon. Sabi niya, “Ang
gugulo ninyo. Hindi na kayo nahiya.”

Tingin ko, iyong ginawa namin ay reaksiyon lamang sa inihain sa amin. Ang mahal-
mahal kasi ng tiket tapos napakasimple lang naman pala ng pagkain. ’Yon nga, may pandesal
pa. Money-making scheme lang ba talaga ang JS na ito?

Ito rin ay isang patunay na hindi pa panahon para sa mga tulad naming teenager ang
ganoon kapormal na okasyon. Ibig sabihin, puro kalokohan at good time pa ang laman ng
utak namin. Hindi pa sosyalan at pabonggahan. Kaya hindi pa dapat umasa ang mga teacher
na magbe-behave kami tulad ng inaasahan nila sa loob ng ilang solid na oras.
Sana nakibato na lang sila ng pandesal.

Pagkatapos ng JS prom, nagyaya ang isa kong kaklase, si Cocoy. Joy ride daw
hanggang sa bahay nila, sa Las Piñas. Maghahatinggabi na ’yon. Sumama sina Paeng, Abet,
Nestor at Betong. Kami lang ni Eris ang sumama mula sa girls. Hindi na ako nagpaalam sa
dadi ko, alam kong hindi niya ako pasasamahin. Isa pa, babalik naman agad kami. Dumaan
ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Denden kaya bumaba siya ng sasakyan para magpaalam sa
magulang. Kaso, hindi na siya nakalabas ng bahay. Sa bintana, umiling lang siya nang
nakaismid, itinuro ng dalawang daliri ang dalawang mata at iniikot sa hangin, at nasundan ko
ang labi niyang nagsasabi ng “sa dati.”

Minsan lang akong makapaglakwatsa sa malayong lugar kasama ang mga kaibigan,
joy ride pa. Bihira ang may kotse sa high school noon. Pick up truck ang sasakyan ni Cocoy.
Feel na feel namin ang pagsalubong ng hangin sa aming mga mukha habang bumibiyahe.
Gumuhit sa kahabaan ng Roxas Boulevard ang kinakanta naming Wishing Wells ng
Eraserheads. Ikalawang linya pa lang, swak na: Forget the real world a while…

Halos isang taon lang ang masasayang araw namin ni Denden. Totoo palang some
good things never last. Pagsapit ng graduation, marami nang bagay ang naghiwalay sa aming
dalawa. Noong bakasyon, wala nang klase kaya dumalang ang pagkikita namin (i.e. wala ng
baon para maipamasahe at makapag-meet). Sa kolehiyo, nasa Quezon City ang eskuwelahang
pinasukan ko. Mga dalawa hanggang tatlong oras ang biyahe. Si Denden nama’y
kinailangang kumayod habang nag-aaral. Nahirapan na kaming magkita at magkausap.
Talaga yatang pinaglalayo kami ng tadhana. Hanggang sa tuluyan na lang nawala ang
relasyon namin. Ang feelings sa isa’t isa. Ang lahat.
Sayang.

Kung sino man ang nagsabi ng first love never dies, tama siya sa tingin ko. Parang
isang milenyo ang tagal ng kiss sabay hug na iyon, pero sa totoong buhay, wala pa yatang
isang segundo. That night, paulit-ulit kong binalikan ang first kiss na iyon sa elevator. Pasikat
na ang araw, gising pa ako. Huli kong naalala, napipi na ang unan sa pagkakayakap ko,
nakatulog akong nakaharap sa bintana, at sa buwan. Hanggang ngayon, pagkatapos ng halos
limang taong hindi pagkikita, naaalala ko pa rin si Denden at ang mga gimik, bungisngisan,
at kulitan namin. Hindi ko alam kung dahil mag-isa ako ngayong nagpapalaki ng anak ko.
Pag unang pag-ibig kasi, pareho pang walang muwang ang mga puso, sincere ang
pagmamahalan, ideyal ang relasyon. Noon, parang lahat ng bagay sa mundo ay sa amin lang
nakasentro, sa akin at sa first love kong si Denden.

Pagdating sa bahay nina Cocoy, ni-raid namin ang ref nila. Nagpalaman kami ng ilang
hiwa ng Eden Cheese sa tasty na natagpuan sa mesa. Nagtimpla ng juice. Nagbukas ng bote
ng Coke at Sprite. May nagplanong lumabas para bumili ng tapsilog sa kanto. Nagkantahan
uli, naggitara pa sa sala. Nagising tuloy ang nanay ni Cocoy. Lumabas ito ng sariling
kuwarto. Nang makita kami (dalawang babae) ay isang malaking O ang binuo ng bibig niya.
Malaki talaga. Kasinlaki ng plato.

Hinarap niya si Cocoy. Bakit daw siya nagsama ng babae? Anong oras na ba? Hindi
raw ba kami hahanapin ng mga magulang namin? Ano raw ang ginagawa namin doon?
Wala naman kaming maisagot dahil naka-off na ang katwiran machine sa aming mga utak.
Agad kaming inihiwalay sa boys. Pinahiram kami ng mga lawlaw na t-shirt at pilit na
pinatulog sa isang kuwarto, kahit na gising na gising pa kami sa sugar ng softdrinks na
kasasayad lang sa aming lalamunan. ’Yong boys, doon sa kuwarto ni Cocoy nagpalipas ng
oras. Kinabukasan, wala nang almu-almusal, daliang ipinahatid kami sa kanilang driver.
Nauna ako kay Eris na bumaba sa 711 na malapit sa bahay namin. Namataan ko kasi si
Denden na nakaupo sa loob at pilit na iminumulat ang mata.

“Denden! Hindi ka umuwi?”

“’Yan din ang tanong ko sa ’yo.” Pakiramdam ko, nagagalit na sa akin noon si
Denden kahit mahinahon ang tugon niya. Tinanong niya ang detalye nang mga nangyari
noong gabi. Hindi ko alam kung naniniwala siya. Wala na akong pakialam, pagod ako sa
puyat.

Sinabayan niya ako sa paglalakad pauwi. Pagdating sa bahay namin, noon ko na-
realize kung gaano kabigat ang ginawa ko.

Buong magdamag palang nagtatatawag ang dadi sa mga kaklase ko. Akala niya, e
napaano na ako. Kaya’t pagkakitang pagkakita sa akin ng dadi ko, lumuha siya? Hindi po.
Ubod lakas niyang pinaghahahagis sa kalsada ang mga damit ko. Bumalik na raw ako sa
pinanggalingan ko.

Naiyak ako sa pagkakapahiya sa mga estranghero. Siguro mukha akong babaeng
kamatis sa pamumula ng mukha ko habang nagpupulot sa gitna ng kalsada ng mga t-shirt ko,
pantalon, uniform, bra, panty (hindi bale sana kung malinis iyong naihagis).
Naiyak din ako dahil nahihiya ako sa dadi ko sa ginawa kong iyon. Oo nga naman.
Hindi ko na siya iginalang nang magpasya akong hindi sabihin sa kanya kung saan ako
pumunta o pupunta. Pero bakit hindi niya muna ako pinakinggan bago niya ako
ipinagtabuyan?

Naiyak ako dahil maituturing na milagro ang pag-uwi kong iyon nang ligtas, ni walang
isang guhit ng sugat sa katawan o sa isip. Noon ko lang din kasi napagdugtong-dugtong ang
takot at galit ng dadi ko at ang mga nangyari nang buong magdamag.

• • Si Cocoy ang nagmaneho ng sasakyan, hatinggabi, mula Maynila hanggang
Las Piñas. Si Cocoy, tulad ko, fifteen years old.

• • Lumipas ang gabi na ang kapiling ko, bukod sa nag-iisang kaibigang babae, ay
mga kaklaseng lalaki. Na buti na lamang ay hindi masasamang tao o hindi pinasok ng
kung anumang topak nang gabing magkakasama kami.

• • Walang nakakaalam sa iba naming kaklase kung saan kami nagpunta. Parang
news black out nga naman.

Dinampot ko ang mga nagkalat kong kagamitan. Takot na takot ako na may maselang
gamit akong maiwan. Mabilis ding hinakot ni Denden ang mga gamit ko at isinilid sa
maletang itinapon din ng dadi ko. Pinakalma niya ako sa bangketa. Iniwan ako’t pumasok sa
aming bahay.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa loob o kung gaano katagal si Denden doon.
Basta lumabas na lang siya kasama ang dadi ko. Itinayo ako ng dadi ko at inakay papasok sa
loob ng bahay. Binuhat ni Denden ang maleta at iniwan ito sa may pintuan. Siguro nakita rin
ni dadi ang nakita ko kay Denden noon sa CAT. “Your beautifulness is lovely,” bulong ni
Denden sa akin. Pinilit kong lumingon para ngitian siya. Pero hindi ko nakita ang mukha ni
Denden. Matangkad na siya sa pintuan.

Wednesday, August 28, 2019

summary ng portfolio ko sa stock market

7 stocks -all red

Range ng loss ay 2.85% to 57.74%
Loss in terms of pesos-315,196.41

Puhunan ever since nagstart ako magcol until now- 956,000

2019 Earnings from january to august- 73,600

first earning aug 2019

sa wakas,may earning for august! akala ko zero!

12,800 + ang earnings ko from sale of ecp, 4300 shares.

average is 10 something, let's say 11 pesos na.

nabenta ko sa halagang 13.98 each.

medyo matagal ito, kasi may pa lang ay may ecp na ako, so mga 3 months waiting time.

biglang nag-spike ang ecp today. as high as 16+ hindi ko alam kung bakit. ganon din ang now,biglang taas from 1 peso.

ang nakuha kong pera kanina ay ibinili ko ng bpi, 690 shares @ 86.85

i also deposited 10k bilang hulog ko for july 2019. ibinili ko ito ng ecp@0.67 kanina. let's wait and see.

LILA


ni Bebang Siy

Noong March 2007, nagkaroon ng multi media exhibit ang Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo ((LIRA) sa Ortigas Library featuring the female members of the organization who practice multi media arts tulad ni Maningning Miclat at Vivian Limpin na parehong painter, Kora Dandan Albano (illustration), Pamela Maranca (photography), at ako dahil nagsusulat ako ng radio drama, at nai-produce ito noon. Ang pamagat ng exhibit na iyon ay LILA.

LILA dahil kulay ito ng matris at LILA dahil malapit din sa pangalan ng organisasyon.

Napakaganda ng pangalan na LILA dahil bukod sa kulay ito at bulaklak, ang isa pa palang kahulugan nito ayon kay Sir Rio, ang National Artist for Literature at ang aming founder, ang ibig sabihin nito ay melting pot. Dito nagtatagpo-tagpo ang lahat.

Nagsimula ang pagbuo sa LILA bilang libro noong 2013. Iminungkahi ko kay Phillip Kimpo Jr. na maglathala kami ng isang kalipunan ng mga tula ng babaeng members ng LIRA. Si Phillip ang pangulo ng LIRA nang taon na iyon. Kasi naman, iilan ang babaeng kasapi na nakakapaglabas ng sariling koleksiyon. Sa LIRA, puro lalaking kasapi ang nagkakalibro ng tula.

Maraming dahilan kung bakit. Sa karanasan ko, nanay muna ako bago empleado/trabahador bago manunulat bago org person o taga-LIRA. Nanay duties first, before anything else. Solo parent ako for 15 years. Ngayon naman ay dalawa pa ang toddler ko, ang isa ay normal, ang isa ay autistic.

Ang iba pang dahilan ay kakaunti noon ang babaeng members, di rin masyadong active sa LIRA, bihirang makapagpabasa at makapagpa-workshop ng sariling akda at bihirang makapunta sa taunang workshop para sa mga baguhang makata kung saan may oportunidad din upang makapagsuri ng tula ng iba.

Kumakain ng oras ang LIRA. At kakaunti ang oras ng babaeng makata para sa kanyang sarili, para sa mga pangarap niya. In general, bihira na kaming magkaoras para tumula at magsuri ng tula. Nakakapagsulat ng tula, oo, pero bibihira. Kaya paisa-isa ang aming output.

Sige, tanggapin na nga natin, paisa-isa kung ganon.

Kaya isinilang ang Lila. Itinalaga ko ang sarili bilang coordinator, at kinausap ko noong Mayo 2013 si Mam Rebecca Añonuevo para maging editor nito. Anim na buwan kaming nag-anunsiyo, nag-promote, nanghikayat.

Layunin ng koleksiyon na
1. maipakita ang husay sa panulat ng mga babaeng kasapi ng LIRA
2. maipakita ang estetika ng mga babaeng makata,
3. maibahagi sa publiko ang pinakahuling obra ng mga babaeng tumutula sa kasalukuyan,
4. makapag-ambag sa panitikang kinatha ng kababaihan,
5. at higit sa lahat, makapag-ambag sa panitikang Filipino.

Ang tatayog ng layunin, ano? At feeling ko, matutupad ang lahat ng iyan, kahit na paisa-isa lamang tumula ang babaeng LIRA. Nasa pagtitipon sa mga paisa-isang tula ang kaganapan. Nasa pagbubuo ng
koleksiyon.

Ang orihinal na plano ay ilathala ang digital at printed editions ng Lila sa ilalim ng Librong LIRA at ilunsad ang mga ito sa ika-30 anibersaryo ng organisasyon na idinaos noong Disyembre 2015. Kaya tuwang-tuwa ako noong 24 Agosto 2013, exactly six years ago today, nang makatanggap ako ng isang submission sa email. Limang tula mula kay Mary Gigi Constantino.

Pero sa kasawiampalad ay iyon na pala iyon. Isa. Wala nang ibang nagsumite kundi si Gigi.

Walang koleksiyon na malalathala dahil hindi sapat ang materyal. Pansamantalang nabaon sa limot ang proyekto.

Pero may mga proyektong hindi ka mapakali hangga’t di mo natatapos, di ba?

Alam n’yo kung bakit?

May nagpása sa Lila: isa.

Kahit isa lang iyan, isa pa rin iyan. Isang babae na may mga tula at gustong maglathala.

Kaya noong Hulyo 2017 ay ikinuwento ko ang project na ito kina Louise Adrianne O. Lopez at Roma Estrada. Sila ang nagbigay ng ikalawang buhay sa proyektong Lila.

Nag-meeting kami't nag-usap face to face, kung saan-saan, sa CCP, sa Cafe Alicia sa Vito Cruz, sa Jollibee, minsan sa email, sa group chat, at Messenger.

May editor kami na napusuan, ngunit sa sobrang busy nito ay di siya natuloy mag edit ng lila, ang ending ay pinangatawanan na namin nina louise at roma ang libro bilang mga editor nito.

Kinausap namin si Aldrin Pentero, ang presidente ng LIRA (nang taon na iyon, at hanggang ngayon), at excited din siya para sa Lila. Kinausap namin ang Librong LIRA kung game pa rin itong maglathala. Ngunit may nakapila pa pala rito kaya hindi na nito maa-accommodate ang Lila.

Pero hindi ako natinag. Ngayon pa ba? Ang sabi ko kina Louise at Roma ay saka na namin problemahin ang publisher kapag nariyan na ang koleksiyon. Sa isip-isip ko, worse comes to worst, nariyan naman ang Balangay Productions, isang munting production company ng asawa kong si Ronald Verzo. Makakatanggi ba siya sa akin?

Nag-call for submissions kami uli sa social media, sa emails, sa messenger. Todo suporta si Aldrin at ang iba pang miyembro ng LIRA.

Sa wakas, dumagsa na ang submissions.

Nagpasiya rin ang grupo na pumili mula sa mga tulang nalathala ni Maningning Miclat. Miyembro siya, at dangal ng Lila ang makasáma sa koleksiyon ang kaniyang tula. Napagpasiyahan din ng grupo na humiram ng likhang-sining ni Maningning upang itampok bilang cover artwork ng Lila. Ang napili namin mula sa website na maningning.com ay ang “The Tree is Awakened by the Memory of Her Leaves.” Pumayag ang kaniyang pamilya sa pamamagitan nina Mam Alma Cruz-Miclat at Banaue Miclat-Janssen nang ihingi namin ng permiso ang mga napili naming tula at ang nasabing artwork.

Finally, nabuo ang LILA noong 2018.

Pero may humabol pang problema!

Nang kausapin ko si Ronald na ilathala na lamang namin ito sa pamamagitan ng kaniyang Balangay, natural, umoo siya. Ang estratehiya ng Balangay ay maglalathala muna ito at magbebenta ng isang manipis na libro na pang-young adult. Si Joshelle Montañano ang writer, ako ang ilustrador. Ang kikitain dito ay siyang ipang-iimprenta namin ng Lila.

Hayun, awa ng Diyos, nag-flop ang Biyak. At naantala na naman ang LILA.

Pero 2019 pala ang tunay na taon ng Lila.

Nagkita kami ni Aldrin sa general assembly at eleksiyon ng LIRA nitong June, napag-usapan ang Lila at doon muling nanariwa ang idea na ilabas ito bilang isa sa mga proyekto ng organisasyon. Di naglipat-buwan ay kinumpirma sa akin nina Aldrin at ng VP na si Dok Joey "Joti" Tabula na LIRA na ang sasagot ng imprenta ng manuskrito, at may financial support din ng Merck (through Dok Joti). Napagkasunduan din namin na co-publisher pa rin ang Balangay dahil ito ang magbabayad sa mga editor, contributor, layout artist, at ng copyright fee para sa cover.

Nagkaroon kami ng group chat: ako, Louise, Roma, Aldrin at Joti, doon pinag-uusapan ang mga bagay na may kinalaman sa manuskrito hanggang sa tuluyan na itong mabuo. Pati ang launch doon din pinag-usapan.
Six years mula nang unang pinlano!

Mula sa initial na limang tula, mayroon na itong 86 na tula.

Mula sa isa ay mayroon na itong 36 makata na galing sa sari-saring background. May literature teachers sa college, communication teacher sa college, executive sa health sector, IT expert, children’s book illustrator, lifestyle writer, high school teacher,film producer, CPA, empleyado ng department of National Defense, empleyado ng Komisyon sa Wikang Filipino, PR person, multi-media artist, museum assistant, physical therapist, painter, haciendera, food writer, travel writer, copywriter, retired cpa, consultant sa ad agency, playwright, nanay na full time government employee, market research analyst, MA student, tv show producer at agriculturist.
Ganyan ka-diverse ang mga makata.

Kaya tamang-tama talaga ang title ng ating libro, hindi ba? LILA, melting pot, dito nagsasama-sama ang lahat.

Iniaalay namin ang LILA sa lahat ng babaeng tumula, tumutula, at gustong tumula.

At para sa lahat na nasa mundo ng pagtula at panitikan, huwag tayong bibitaw. Napakahirap mabuhay ngayon. Mas kailangan ng kapwa natin ang panitikan. Dahil dito matatagpuan ang dahilan para magpatuloy sa buhay.

— BEVERLY W. SIY
24 Agosto 2019
Maynila

*Binasa ni Bebang Siy noong ilunsad ang LILA Mga Tula sa Amethyst Room, Manila Diamond Hotel, Roxas Boulevard, Manila.

Tuesday, August 20, 2019

Ano-ano ang hinihinging impormasyon?

kagabi sa MRT Taft, napansin ko ang napakalaking karatula ng MRT admin hinggil sa pagbibigay ng libreng sakay para sa mga estudyante. Kailangan pala ng student pass. Para makakuha ng student pass, kailangang mag-register sa DOTr.

Ano-ano ang hinihinging impormasyon?

anong tren ang sinasakyan
buong pangalan
email address
student number
educational level
cellphone number
school at address nito
email address ng parent/guardian
buong pangalan ng parent/guardian

kailangang mag-upload ng picture ng estudyante at certificate of registration sa eskuwela, naroon ang home address at course at iba pang detalye.

kinilabutan ako.

may nangangailangan ng datos tungkol sa ating mga estudyante.

at libreng sakay sa mga tren ang ipinapain nila para makuha ang mga datos na ito.

sino ang diablong nagbebenta ng kaluluwa ng kabataan natin?

oa na kung oa. sigurado akong may humihingi ng ganitong database sa gobyerno natin. bakit? para saan?

ano bang meron ang gobyerno natin sa ngayon? database ng senior citizens at persons with disability. mga hindi maipambabala sa gera.

datos na hinihingi ng MRT/DOTr

Isa pa palang puwedeng makinabang sa mga datos na hinihingi ng MRT/DOTr sa mga estudyante na gustong maka-avail ng libreng sakay:

mga hacker

hinihingi ang pangalan ng magulang, e di ba, tanong sa bank transaction ang pangalan ng nanay mo?

hinihingi ang cellphone number, e di ba, verification na ngayon ang cellnumber para sa online transactions?

huwag tayong masyadong tanga sa ganito, guise.

Saturday, August 17, 2019

bahabay

baha, aug 3, 2019 sa habay, bacoor at sa loob ng subd namin.

ang unang video ay nang makauwi ako from ccp pa-bacoor na.

ang ikalawang video ay same day, nang paluwas ako papuntang phil readers and writers festival sa raffles makati.

mas mataas ang baha kinaumagahan, hindi na ako makaupo ng side car dahil inaabot na ng tubig ang puwit ko. mabuti at may side car pa rin na bumibiyahe. 80 pesos lang ang naibayad ko dahil iyon na ang lahat ng barya ko. pero kung mayroon pa akong loose change, siguro 100 na, sakto, ang aking iniabot. normally, 10 pesos lang ang sakay. at bente kung hanggang 711 ng mariche, pero tama lang na may dagdag ang bayad dahil napakahirap ng ginagawa ng mga pedikab driver pag baha. delikado pa. itnutulak niya habang nakalublob din sa maruming baha ang sidecar makarating lang pasahero sa may sakayan.

habang nasa gitna kami ng tirona highway ay may biglang humawak sa kanan kong binti, nagitla ako, ano iyon? nakalubog ang binti ko sa baha kaya di ko agad ito nakita. damang-dama ko ang bigat, akala ko ay tao na pumipigil sa akin na bumiyahe paabante. unti-unti kong inangat ang aking binti. and huwat did i see? drumroll please!

napakatabang diaper wrapped around my leg! ansabe ng bacon sa hotdog?! kaloka!

pagdating ko ng raffles hotel, makati, naglaba nagkuskos at nagkula ako ng sarili kong hita binti paa sa cr nilang napaka-posh, pangmansiyon ito. kasehodang mukha akong naliligo sa may harap ng lababo sa ginagawa ko, wala akong pakialam. kulang na lang ay mag-walling ako't sumigaw ng andumi dumi dumi koh! anobah!

erk. yik. ngilo sa diri.

sir ricky lee's latest work: ricky lee film scriptwriting workbook

during the launch of sir ricky lee's latest work: ricky lee film scriptwriting workbook

trivia:

1. si meryll soriano ang nag-cover design, nag-aral siya sa london ng visual arts communication something.

2. ang peg ng cover ay wasakin o banggain mo ang kahon.

3. until 530 pm lang ang launch at book signing, pero past 8pm na nang maubos ang mga nakapila para magpapirma kay sir ricky. although bumaba siya ng main lobby pero sandali lang iyon. mahaba talaga ang pila ng mga bumili ng book.

4. ginagamit ngayon ng fellows ng scriptwriting workshop ni sir ricky ang nasabing libro.

5. hindi mabibili sa mainstream bookstores ang libro. sa asst lang ni sir ricky na si sir jerry makakabili.

6. si sir ricky din ang nag-publish nito.

7. isang batch ng workshoppers ni sir ricky lee ang nagtipon ng materyales na ginagamit nila sa workshop, then isang batch ang nag-digitize, then another batch ang naghanda ng manuscript for printing. in short, labor of love.

8. ito yata ang first workbook in film scriptwriting na gawa ng isang pinoy.

9. dumating si agot isidro sa launch. ang ingay niya hahaha medyo gusto sanang sawayin kasi nasasapawan ang interview portion nina sir ricky at erika sa may harapan

10. gawa ng isang national artist ang painting na nasa likod nina sir ricky hahaha natakpan ng tv. ang title ng artwork ay the builders. sori po.

11. tawang-tawa si sir sa interviewer na si erika sa tuwing mag-uumpisa ang tanong nito sa mga salitang... maaari po bang.... masyado raw kasing pormal!

salamat po sa lahat ng sumuporta sa launch na ito.

dedma na kay marie kondo, lets buy and buy, books and books.

libro ni dr. michael kho lim

sa discussion ng libro ni dr. michael kho lim during cinemalaya, aug 4, silangan hall.

trivia:

1. kaunti lang kaming nakarating, mga 30.

2. ang ganda ng discussion. napakahusay ni michael magpaliwanag.

3. tinalakay niya ang problema sa distribution ng pelikula sa pilipinas lalo na para sa mga independently produced films gaya ng sa kanila, ang pepot artista ni clodualdo del mundo.

4. after ng cinemalaya noon ay hindi na nila alam kung saan pa puwedeng ipalabas ang pepot artista. puro hollywood films ang kinukuha ng mga sinehan.

5. naalala ko sa puntong ito ang problema ng mga writer at indie publisher. napakahirap nilang makapasok sa mainstream bookstores dahil andaming papeles na kailangan doon at ang laki ng napupuntang cut sa bookstore. luging-lugi ang writers at indie publishers. in short, challenge din sa literary community at publishing industry ang distribution ng books.

6. dahil daw sa karanasan nila sa pepot artista ay naisip ni michael na aralin ang puno't dulo ng challenges sa distribution sa pinas. inaral niya ito bilang bahagi ng akademikong pangangailangan sa phd niya sa australia.

7. alam nyo ba kung ano ang puno't dulo? ang taste ng pinoy. dahil ito very western pa rin. so pagbabago sa ating taste ang sagot dito.

8. at policy. naniniwala si michael na bukod sa taste, kultura at likas na pagkamakabayan ng mga koreano, napakalakas na suporta ng gobyerno rin ang dahilan kung bakit waging-wagi ang film making industry ngayon ng south korea. distributed worldwide ang mga audio visual products nito at tinatangkilik hindi lang ng mga korean kundi pati ng mga taga ibang bansa.

9. isa sa mga target reader ni michael ay ang mga tao sa gobyerno na gumagawa ng policy.

10. 100 dollars ang isang kopya ng libro dahil ito ay print on demand. sa germany pa ipinalilimbag.

11. although palgrave macmillan ng uk ang kanyang publisher.

12. ang title ng libro ay philippine cinema and the cultural economy of distribution.

13. bff ni michael ang nagpakilala sa kanya sa audience. ang ganda ng kuwento niya about the beginning of their friendship. magkasama sila sa production ng pepoy artista at si michael daw ay tipo ng tao na gagawa at gagawa ng paraan para maalpasan ang isang problema.

14. kaibigan pala ni michael si jona cham lago, friend ng friend kong si ime. at si rachel tesoro na ka-batch ko sa unang up writers workshop na nilahukan ko. small world. matagal na nawala si rachel, nag-alangan pa akong batiin siya during the discussion. akala ko kasi ay kamukha lang.

bloody moon

last aug 10, nagkuwento ako sa commune, makati tungkol sa pukiusap. grrrl gang manila ang organizer at si alice sarmiento ang nag-imbita sa akin.

wala akong expectation sa hapon na ito. as in hindi ako nag-research about the organizer/the group. at noong nag-pm si alice na may kasunod akong speaker, saka ko lamang nalaman na may kasama pala akong magsasalita sa hapon na iyon. wala talaga akong idea for this event.

the venue: ang ganda ng commune, nakarating ako doon nang isang bus lang mula sa cavite ang sinakyan, ayala na bus. bumaba ako sa may glorietta at naglakad ako sa kahabaan ng makati avenue hanggang jupiter. malapit ang commune sa kanto ng jupiter at makati ave. si teacher fiona ang nagturo sa akin paanong makarating doon. commune is a coffee shop and a co-working space. maliit siya sa baba or so i think (baka maluwag naman pero ang damng chairs and tables), pero maluwag siya sa 2nd floor, as in parang may malaking sala sa 2nd floor. may veranda rin sa 2nd floor and people kept coming starting at 4pm onwards. so may steady clients siguro sila. at noong nagliligpit na kami, a group of guys and girls started hanging balloons. mukhang may magbibirthday. i ordered latte around 150 pesos. napakasarap niya at gusto ko yung mug kung saan ito isinerve. nga lang pag-uwi ko, medyo sumama ang tiyan ko. baka di ako sanay sa mahal na kape hahaha

the audience: there were around 10 to 12 ladies, mostly working women in their 20s, 30s, 40s. may lawyer, may govt employee, may advocate ng rights ng mga batang babae, may writer (si alice!), may foreigner (si amber! at isa pang babae na si dona naman ang kakilala), may sales agent, naroon din ang buong group ng sinaya cup (audrey and her business partners/friends), there was a mom who brought her baby and toddler, there was a mom athlete (swimmer) who went there with her daughter. most of them looked sosyal for me. at batay din sa pananalita nila, halos lahat sila nag-iingles, hahaha so feeling ko mga soshalin ito. i tried to mumble some sentences, pero wala, lagi akong nako-conscious sa grammar, i always ended up using taglish phrases! so nag-filipino na lang ako! mabuti naman at wala namang problema sa kanila.

the talk: ang talk ko ay tungkol sa pagsasalin ng pukiusap, hango ito sa version na pinresent ko sa prwf 2019 at sa salin event nina wennie sa uste. iilang slides lang din ang aking ipinakita, mabuti na lang at may kopya ng pukiusap sa mismong event, nagbenta ang grrrl gang manila, naipaliwanag ko ang iba't ibang bahagi ng libro at naipakita ko ang magaganda nitong ilustrasyon. i discussed the process, zoom out, then process ng pagsasalin ng mga salita, zoom in. i discussed how i used the humor to bridge the gap of two cultures (sweden and filipino), dahil likas na palatawa ang mga filipino, masayahin, in short. i think, na-amuse at nanggigil din ang members of the audience sa inilahad kong kasaysayan ng diskriminasyon sa puke na siyang tampok sa libro.

the second speaker: it was dona esteban tumacder. isang payat na babae na napakagaslaw in a graceful way. she kept opening and closing her thighs, at noong una, naasiwa ako, sabi ko, ano ba ito, parang di mapakali. but later on, during her talk, mesmerized na ako hahaha now i found out bakit siya ganoon gumalaw. ito anglarawan ng isang tao na nakapa-intact at napaka-lapit sa kanyang loob. she understands her body very well, her own rhythym and everything. and she became beautiful and more beautiful as her talk progressed. sabi ko, shit ang tali-talino naman nito. bakit ngayon ko lang nalaman ito. sabi niya, lagi nating naa-associate sa mga pangit na salita ang menstruation o ang pagreregla. its time to change our perspective and way of thinking. she went on to discuss the many phases that a woman's puson undergoes: shedding phase, luteal phase, etc. etc.

overall experience: i highly recommend this activity not just to women but to men, as well. ang ganda. i feel so empowered. i have discovered a lot of things about my body. i feel so lucky that i have matris. that i shell out an egg every month and the bahay-bata lining crumbles if there was no sperm cell that penetrated the egg.

sabi nga ni dona, yung renewal phase na nagaganap sa kalikasan ay nagaganap din sa loob natin, sa matris natin. nariyan ang pagtubo ng mga dahon, ang pagkaluoy nito at ang tuluyang pagkatanggal sa pagkakaugnay sa tangkay at balakay.


tugon sa headline ng diyaryo na: mukhang militar ang mga trabahador mulang china


di ko alam kung naikuwento ko na rito na sa line of work ko, may nakilala akong lalaking cultural worker mula sa china. siya ay nagsilbing parang apprentice sa isa sa mga department ng ccp. nag-o-observe siya at ipinakikilala sa kanya ang mga proseso ng aming ahensiya, ipinakikilala siya sa aming lahat at nalalaman niya ang aming mga pangalan at kung ano ang mga ginagawa ng bawat division.

siya raw ay nagtatrabaho sa isang govt agency sa china na directly related sa performing arts at theater. nang time na iyon ay kalalabas lamang ng VLF book 3 namin kaya nainteres ako kung ano ang puwede naming maging ugnayan sa kanilang ahensiya. so nag-set ako ng meeting with him. one on one.

ano-ano ang mga nalaman ko?

1. napakalaki ng populasyon nila ang sumusuporta sa mga palabas sa teatro. hello, beijing opera!

2. mas type ng mga chinese ang teatro kaysa sine.

3. naisasanla ang script. sabi ko, literal ba na printed copy? oo raw. nilalagay sa vault.

4. napakalaki ng respeto nila sa writers, lalo na sa mga playwright.

towards the end of our meeting, tinanong ko kung saan na siya nakapasyal. sa puerto galera daw. sabi ko, you should try scuba diving. there are lots of nice diving spots in puerto. sabi niya, yes. i know i always go there to dive.

naantig ang scuba diver in me. pinagyabang ko pa na technical diver din ako noon. Dahil ito sa ex kong may-ari ng dive center, libre lahat, dahil siya ang dive instructor ko at kanya ang dive center, hello, i am sam, as in samantala galore, di ba? sayang ang pagkakataon.

ano ang technical diver? ito iyong pumapatos sa malaliman na dive, lagpas 100 meters ganern, at sumusuot sa mga lumubog na barko. at minsan, sa mga kuweba. kailangan ng napakaraming training, skills, at dahil mahal ang equipment, ang training fees, ang renta ng boat, mahal din ang bawat dive, mahal ang mga lisensiya, yes, hindi lang siya isang lisensiya, dahil bago ka tuluyang makapag-technical diving, dadaan ka sa parang hagdan. kailangan mo ng lisensiya 1 bago magkalisensiya 2, and so on and so forth!

alam n'yo, sagot niya? i know.

technical diver si koya. siniguro ko pa ito, mga besh, dahil kako baka mali lang ang intindi niya sa ingles ko. pero tama raw ako. tango siya nang tango nang inisa-isa ko ang mga nagagawa ng tech diver.

nayanig pagkatao ko, nayanig pagka-pilipino ko. mga tatlong minuto yata akong walang imik.

kakaibang kumbinasyon! sigaw ng utak ko. may mali. may mali! cultural worker, pero technical diver? hindi. imposible. unless tulad ko itong samantala galore din ang peg, tipong may ex din na may dive center at libreng nakakakuha ng mga training, equipment, lisensiya!

anong ginagawa nito sa pilipinas?

siguradong-sigurado ang lahat ng neurons ko nang mga sandaling iyon... may mino-monitor ito sa karagatan ng aking bayan.

agad kong tinapos ang meeting. ok, sir, see you around. tindig ako. napatitig din ako sa pansit na inihain ko sa kanya pagdating namin sa meeting area. ni minsan nga pala ay di niya ito ginalaw.

Friday, August 16, 2019

payment blues sa ccp

hi, how are you? ako? madalas pa ring malungkot. pero lumalaban. sobrang busy ko ngayon sa mga personal book project. kasabay ng mga project sa opis. medyo nangangarag na ako sa opis, andaming sumasablay na bagay. andami naming payables na hindi mabayaran dahil sa mga estupidong rule. halimbawa, kailangan may special power of attorney para ma-claim ko ang check ng tao na hinayr namin for a project.

kung may bank account, bakit di na lang bayaran nang direkta ng cashier ang mga tao? una, hindi na trabaho ng artistic ito. trabaho na ito ng mga taga-financial services. kaya dapat, sila ang gumawa ng paraan para makapagbayad sa mga tao. ang ginagawa nila, nire-require nila ang mga tao na magpunta sa ccp para i-claim ang sariling check. as if, napakadaling magpunta rito. ako nga na 1.5 to 2 hours lang ang biyahe papasok ng ccp ay iritang-irita sa biyahe, paano pa kaya ang iba?

grabe. napaka-old school ng mga nag-i-implement ng estupidong rules na ito. kung hindi makakapunta ang tao ay puwede namang mag-special power of attorney at ipanotaryo ito. e magkano ba ang notaryo? 100 to 200 pesos. dito lang sa kanto ng vito cruz at taft ang may 30 pesos na notaryo, na tinatanggap ng ccp! at kailangang dalhin ang notarized special power of attorney dito sa ccp para mabigyan ako ng power na ma-claim ang check. guess what magkano ang courier? 75 to 150 pesos, depende sa distansiya. so pagagastusin mo ang tao na kailangan mong bayaran, nakakaloka.

sa ibang govt agency, balita ko, puwede na ang bank to bank transaction. so tinanong ko kung puwede ba ito sa ccp. una, mas efficient. pangalawa, mas safe. ang nakuha kong sagot, hindi raw kasi kami ordinaryong govt agency. parang gocc kami, under kami ng gcg (government commission for the goccs). andaming kiyeme, nagiging anti-artist tuloy ang rules sa pagtanggap ng bayad.

siguro sa lahat ng division dito, kami ang pinakakawawa. ang mga writer kasi ay makakapagbigay ng serbisyo at akda nila nang hindi nagpupunta sa ccp. mabubuo ang libro nang hindi sila nagpupunta sa ccp.

unlike ang mga direktor, performer, singer, dancer, lahat sila, makakapunta ng ccp para sa kanilang performance or show, kaya posibleng pisikal nilang ma-settle at mapirmahan ang mga kontrata at iba pang dokumentong pinansiyal.

so, paano na iyan? ano ang dapat gawin? ganyan na lang, agrabyado na lang kami?

isa pa, may pataw na 120 pesos na reprocessing fee kapag na-stale ang check. e hindi naman laging narito sa metro manila ang mga tao na babayaran namin. posibleng nasa sulok sila nga kapuluan. o kaya ay nasa abroad. so paano nila makukuha ang check nila in 180 days (ang haba ng buhay ng isang check)? dapat i-scrap na ang P120 na reprocessing fee. kasi hindi naman perpekto ang sistema ng payment ng ccp. hindi bukas ang cashier's office kapag sabado at linggo. hindi rin naman ito bukas nang beyond office hours, 8am to 5pm lang ito.

kaya sana, huwag nang parusahan financially ang mga tao na dapat namang bayaran ng ccp. dapat scrap ang 120 pesos reprocessing fee. ang mga tao na kailangang bayaran ng ccp ay hindi nangangarap na ma-stale ang check nila. so, huwag na silang parusahan for reprocessing it. saka kung ang isinusumbat nila ay ang tagal at hirap ng pagproseso nila para lang magka-check ang isang tao, bakit, pinapatawan ba sila ng parusa ng artist kapag late ang payment sa kanila? humihingi ba ng additional payment ang mga artist? nagcha-charge ba ito ng interes for the delay? hindi naman. so dapat, fair lang. patas lang. walang penalty-penalty. wala nang reprocessing fee.



Sunday, August 11, 2019

slam book ang peg

▪️First Job - clerk/office staff
▪️Dream Job - medical doctor
▪️Astrological Sign - Sagittarius
▪️Favorite food - sinigang, pipino, cream o, singkamas
▪️Favorite dogs- wala
▪️Favorite footwear- tsinelas na goma
▪️Favorite candy - iyong sampalok ang flavor
▪️Favorite Ice Cream - cookies and cream
▪️Pet Peeve - umuuga na mesa, himulmol sa damit, bagong gamit lalo na kung puwede naman 2nd hand, pampasikip lang sa bahay ang mga bago, dumi sa mukha ng kausap (di ko alam pano sabihin sa kausap), mayayabang na tao, mga salbaheng tao na nagpapanggap na mabuting tao, bat di na lang panindigan ang kaitiman ng budhi di ba, mga tao na sumusunod nang literal sa rules (nalaglag na iq kakasunod sa rules)
▪️Your Vehicle Color - green, green kasi mga pedikab dito sa amin
▪️Favorite holiday- lahat, kasi walang pasok, nakakapahinga
▪️Night owl or early bird - gabi, madaling araw
▪️Favorite day of the week- monday, day off ko pa rin
▪️Tattoos - wala
▪️Like to cook - wala
▪️Can you drive a stick shift - stick shaft keri hahaha
▪️Favorite color - mga kulay ng bugambilya, yan nga motif sa kasal namin noon
▪️Do you like vegetables - oo okra sitaw kangkong
▪️Do you wear glasses - hindi pa, yehey
▪️Favorite Season - nov dec jan feb,walang masyadong ulan

Saturday, August 3, 2019

Tampisaw (sanaysay tungkol sa pagkatha ng isang libro)

ni Beverly W. Siy

First time kong magsasalita tungkol sa It’s Raining Mens.

Isa ito sa mga libro ko na pinakamatagal na nabuo. Mga two years. Handa na ang mga rekado pero inabot pa rin nang dalawang taon ang pagsasalansan nito. Bakit?

Background muna. Ito ay sequel ng it’s a mens world, isang koleksiyon ng sanaysay tungkol sa kabataan ko. Dahil childhood nga siya, naisip ko na sundan ito para ikuwento naman ang mga nangyari nang tumanda na ang Bebang Siy sa It’s a mens world.

Ang It’s raining mens ay tungkol sa mga lalaki sa buhay ko nang adult na ako. But of course, hindi lang ito tungkol sa mga lalaking may romantiko akong kaugnayan. Nariyan ang isang essay ko tungkol sa pinakulong ko na lalaki, dahil nagpakita ng titi niya sa bangketa, nariyan ang akda ko tungkol sa isang lalaking bulag na na-encounter ko sa bus at nakita kong bumaba ito sa bus at naglakad sa maling direksiyon, sa lasing na lalaking may buhat na sanggol sa LRT, paskong-pasko.

Marami ding akda ang tungkol sa mga lalaking naging karelasyon ko. May tungkol sa puppy love, sa TOTGA, sa lalaking nakabuntis sa akin, sa isang ex at sa aking nakatuluyan.
Ang tawag ko sa koleksiyon na ito ay autobiographical collage. Lahat ng nasa loob, based sa totoong tao at pangyayari. Pero ang mga akda ko ay nasa iba’t ibang anyo: may tula, may radio drama, may short story, may storyline proposal. At karamihan ay sanaysay o essay, (short and long). Conscious ako sa mga genre na ito noong binubuo ko ang libro. Kaya nang i-nominate ang librong ito sa National Book Awards, hindi nila alam kung saan ito ikakategorya. Hindi puwede sa maikling kuwento, hindi puwede sa nobela, hindi puwede sa CNF o sanaysay. Alam ninyo, kung saan ito ipinasok? Sa kategoryang antolohiya. Ito raw ay anthology of works, pero ng iisang writer. Kakaiba!

Naging finalist lang ang it’s raining mens, talo na naman ako for the second time, pero ok lang. importante ang award pero mas natuwa ako na kahit paano ay nasindak ang sistema nila ng pagkakategorya ng libro.

Anyway, rewind tayo sa panahon na inihahanda ko na ang manuscript, na-realize ko na napakahirap pala nitong buuin.

Bakit?

Dahil marami akong aaminin sa mambabasa. Kasama na ang katotohanan na ako ay namangka sa dalawang ilog. Just like all of us here, may mga image tayo na gustong i-project bilang mga tao at bilang mga writer. May image ako na gustong i-project, at definitely, hindi ang pagiging two-timer. No.

Take note sa mga ni-reveal ko sa librong ito:

1. hindi issue sa akin ang nabuntis ako, in short, disgrasyada. Kasama po ako sa stat ng teen pregnancy noong 1998,

2. hindi issue sa akin na hiwalay ako at a young age, mag-isang nagpalaki ng anak at a young age,

3. hindi issue sa akin na napaka-adventurous ko pagdating sa relasyon, in short, minsan, ako ang nagpapa-cute sa tao na gusto ko, minsan, ako ang lumalapit o ako ang naghahabol. Sa dila ng mapanghusga, malandi ang kategorya ko,

4. hindi issue sa akin kung ma-perceive ako bilang porn writer o mahilig sa porn, or manyak na babae. I wrote about Eli, a woman who had a sexual relationship with a virgin guy, someone na hindi naman niya karelasyon. Again, sa dila ng mapanghusga, malandi ang kategorya ng Eli na ito. Pero hindi issue sa akin iyan.

Hindi ako nahirapan sa mga isyu na iyan.

Saan ako nahirapan? Noong na-realize ko na ibabahagi ko sa mambabasa ang ginawa kong panloloko sa kapwa.

Dumating ako sa punto na ayoko nang ilabas ang libro dahil alam kong huhusgahan ako ng mga tao. Alam kong masasabihan ako nang masama, mapapahiya ako. Kahit anong jumble ko sa timeline, wala, e. Talagang malalaman ng mambabasa na may pinagsabay akong dalawang lalaki sa buhay ko.

Tapos, nakausap ko pa ang marketing manager noon ng Anvil, si Mam Gwenn. Nabalitaan niya ang sequel na ito ng It’s a mens world. Sabi niya, ang hirap naman i-market niyan, Bebang. Hindi ko iyan maibebenta sa eskuwela.

Ay, totoo naman! Pero wala akong pangarap na bumenta ang libro ko sa eskuwela! Que horror! Ano ang sasabihin ng mga madre at pari na supervisor ng mga school?!

Therefore, ano ang nag-udyok sa akin na ipagpatuloy ang proyekto na ito?

Para sa royalty? Para sa pera? Para ba sa panitikan? Para sa bayan?

Hindi.

Ang tanging nag-udyok sa akin na ilabas pa rin ito bilang isang libro ay ang pagnanasa na malaman kung paano ito tatanggapin ng mambabasa. Gusto kong marinig ang feedback nila. Pag ang isang tao, nagbasa ng ganitong libro, ano kaya ang magiging reaksiyon niya? Magagalit? Manghuhusga? Matutuwa?

So far, awa ng diyos, puro maganda ang naririnig ko at nababasa.

Gino-google ko ang sarili ko, at muli, awa ng diyos, wala pa akong nabasang judgmental sa mga nakasaad sa libro na pinaggagawa ko.

Sa mga pampanitikang event gaya nito, may mga lalapit sa akin at magpapapirma ng it’s Raining Mens. Ang iba, magpapa-picture pa.

So far, awa ng diyos, wala pang nagsasabi sa akin na, uy, malandi ka, uy, manloloko ka, bastos ka. Manyak. Wala pa.

Hindi ko rin alam kung bakit. Wala naman akong balak magtanong o mag-survey.

Kaya sa mga gustong sumabak sa CNF, ang reality TV ng panitikan, ‘wag kayong matakot. Takot ang number 1 na pumipigil sa mga libro na nasa inyong puso at utak.

Isiwalat ninyo ang lahat. Kahit ang pinakamarumi ninyong kasalanan. Ibilad ito sa sikat ng araw.

Huwag matakot sa sasabihin ng iba.

Ano ang natutuhan ko sa paglalabas ng librong ito?

Marunong magpatawad ang mga mambabasa, siguro ay dahil ikaw at siya ang nakikinabang sa liwanag ng katotohanan.

Friday, August 2, 2019

for my talk about gender

i have random things on my mind:

1. madalas na nagsusulat ako ng mga bagay-bagay na hindi ko pa nababasa, i mean, i sometimes create because i find a gap and i create to fill that gap.

2. ang it's a mens world ay nag-ugat sa isang ideya pagkabasa ng libro ni bob ong na abnkkbsnplako. sabi ko, kaya ko ring gumawa nito, at tungkol sa mens dahil walang nagsusulat tungkol sa mens sa ganitong paraan.

3. so ganon ako laging mag-isip. i write to fill a gap. i write because i want to help in creating a balanced world for us.

4. nakikita ko ang kabuuan, nakikita ko ang problema, at ang pagkatha ang nakikita kong solusyon dito.

5. na-realize ko ito a few days ago. ibang-iba ang intro ni roma sa lila sa intro ko. she tackled the history/background of filipinas writing filipino poetry. sabi niya, dahop sa ganitong koleksiyon. binanggit din niya ang lahat ng libro na inilabas ng lira, binanggit din niya ang male gaze. na for me ay medyo makaluma. i think, lira women did not think about the male gaze nor antagonizing male gaze when they wrote their poems. they just wrote. nagsulat lang, nag-express ng trip. ako, i tackled the process of coming up with the book.

hey im tired, kanina pa. hindi ako dapat magpanggap na ayos lang ako. i need to get some rest.

but before signing out, id like to share that lila is going to be launched na! on aug 24. yahoo! august is a lucky month!

4th draft ng ccp historical marker

ALAY SA SAMBAYANANG FILIPINO NOONG IKA-8 NG SETYEMBRE 1969, ANG SENTRONG PANGKULTURA NG PILIPINAS AY BUNGA NG ILANG DEKADANG PAGPUPUNYAGI NG MARAMING ALAGAD NG SINING NG PILIPINAS, KATUWANG ANG MGA OPISYAL NG PAMAHALAAN UPANG MAKAPAGTATAG NG ISANG TANGHALANG PAMBANSA, UPANG MAGKAROON NG NATATANGING LUNAN PARA SA ORIHINAL AT PINAKAMAHUHUSAY NA PRODUKSIYONG ARTISTIKO MULA SA IBA’T IBANG BAHAGI NG KAPULUAN, UPANG MAGSILBING SINUPAN NG DIWANG FILIPINO NA IPINAPAHAYAG SA PAMAMAGITAN NG SINING AT KULTURA, AT UPANG MAGING ISANG INSTITUSYON NA PATULOY NA TUTUKLAS, LILINANG AT MAGTATAGUYOD NG TALINO, TALENTO, AT LIKHA NG SUSUNOD NA SALINLAHI NG MGA FILIPINO PARA SA LAHAT.

ITINAYO SA PAMAMAGITAN NG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 30 NOONG 25 HUNYO 1966 SA PATNUBAY NG UNANG GINANG IMELDA ROMUALDEZ MARCOS AT AYON SA DISENYONG PANG-ARKITEKTURA NG PAMBANSANG ALAGAD NG SINING NA SI LEANDRO V. LOCSIN.

pinatawag ako sa corporate planning division, nandoon pala si sir endriga, miyembro ng ccp board of trustees. dala niya ang mga draft at ipinapaliwanag niya sa akin kung bakit hindi puwedeng ang isa sa mga iyon ang dapat na gawing historical marker. so sabi niya, ipag-combine ko ang teksto ng nhcp at ang ilang bahagi ng 3rd draft. ito ang kinalabasan.

pero na-realize ko na, kaya kami hirap na hirap dito ay dahil sinusundan namin ang nhcp format. tapos napaisip ako kung historical ba ang ccp. hindi naman. therefore, bakit kailangang humingi ng permit sa kanila for the historical marker? ang ccp ay mas heritage or cultural. so either ncca or something else. wala namang naganap na makasaysayan sa ccp, e. kung meron man ay makasaysayan sa larang ng sining at kultura.

in short, walang kailangang habulin ang ccp sa nhcp. therefore, kahit anong format ay puwede!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...