Noong 27-29 Agosto 2014, ako ay nasa Leyte para magturo ng basics ng tula at magkuwento tungkol sa aking paglalakbay bilang isang manunulat, sa mga elementary at high school student ng Leyte. National Book Development Board ang nag-imbita sa akin at pinamagatang Booklatan sa Bayan ang event. Kasama ko rito si Bb. Daryll Delgado na isang manunulat na tubong-Tacloban, at ngayon ay naninirahan na sa Quezon City.
Sa pag-iimbita at pag-aasikaso sa amin, nagpapasalamat ako kina Mam Ciela Cayton, Executive Director, Camille dela Rosa, Deputy Executive Director, Wilfred Castillo, Director IV, Salvador Briola, Project Development Officer III at Bb. Marfe de Castro, Project Development Officer I.
Kakaiba ang workshop na ito para sa akin. Dito ko naisip, may kongkretong silbi talaga ang tula kahit sa modernong mundo at panahon.
Kayrami kong natutuhan mula sa mga participant! Maraming salamat sa inyo, mga batang Leyte.
************************************************************************************************************************
Ang mababasa ninyong mga tula sa baba ay produkto ng unofficial session na naganap sa San Fernando Central School sa Tacloban.
Unofficial, kasi ganito, pagdating namin sa venue noong 27 Agosto 2014, idinaos ang turn over ceremony o ang simbolikal na bersiyon ng pagbibigay ng NBDB ng mga libro sa San Fernando Central School (SFCS). Ang mga libro ay para sa itinatayong library hub doon. Nagkaroon din ng copyright talk para sa mga guro at principal ng buong Tacloban.
Pagkatapos ng copyright talk (na ibinigay ni Wilfred "Boss Wi" Castillo), bumaba na ako para tingnan ang kuwartong gagamitin namin para sa afternoon session. Mag-aalas-onse pa lang iyon ng umaga.
Nakita ko sa baba ng SFCS ang isang classroom na pagkaganda-ganda, bagong-bago. At may nakaantabay pang screen para sa LCD Projector.
Pumasok ako sa loob at nakita ko ang ilang estudyanteng nakaupo, mga bente sila. Naroon din ang kanilang guro, nasa likod ng classroom. Tanong ko, kayo ba ang makikinig sa session namin mamya? Walang imik ang mga estudyante. Sagot ng guro, Mam, hindi po. May klase lang po sila ngayon dito.
Classroom pala ng mga bata ang pagdarausan ng aming session.
Nakipag-usap ako sa in charge sa event, si Sir Ariel Makabenta. Sabi niya, meron daw silang LCD Projector, hinihintay lang na maibaba ito at mai-set up para sa hapon.
Napansin ko na nakatanga lang ang mga bata. Nasa likod ang kanilang teacher pero mukhang abala ito sa ibang bagay. Tinanong ko sila, may klase pa ba kayo? Nagkatinginan ang mga bata. Walang sumagot. Ang teacher ang tinanong ko, Mam, may klase pa po sila? Sabi ng teacher, wala na. Hinihintay na lang nila ang uwian. Kako, anong oras ang uwian? Alas-dose pa raw.
Aba, sayang ang oras ng mga bata! Kaya sabi ko, puwede po bang magturo na lang ako ng tula sa kanila? Pasusulatin ko po sila ng maikling tula? Sige po! Sabi ng teacher.
Kaya lumarga ako sa harapan at iyon nga, inumpisahan ko ang pagtuturo ng tanaga.
Later on, nalaman ko na Grade VI students na ang mga bata. Wala kasi sa itsura nila. Parang mga Grade III pa lang sa height at built ng katawan. Hmm... kulang ba sa sustansiya ang mga tulang nai-produce nila? Kayo ang manghusga!
Heto ang mga akda ng mga estudyante:
Sa bansang Pilipinas,
Napakarami ng batas.
Kaya tayo’y matapat
Sa mga taong hirĂ¡p.
-Illisha Rose Q. Amistoso, 12
San Joaquin Central School
Nakilala si Raprap
At siya ay sumikat
Sa pagkuha ng perlas.
Nakawat* n’ya ang lahat.
*Nakawat-nanakaw
-John Paul A. Mendiola, 12
San Joaquin Central School
Mayro’ng mga alahas
Na napakaliwanag.
Ay! Parang alitaptap
Na nagpakalat-kalat.
-Sharrybelle Angela A. Cayas, 12
San Joaquin Central School
Sa bahay kong nagliyab,
Mayroon doong pugad.
Ako ay napaiyak
At ako’y nagkakabag.
-Marvin Estolano, 12
San Joaquin Central School
Nakita ko ang ahas.
O, kay ganda ng balat.
Si Omar ay kinagat!
Ito ay nagkasinat.
-Laarni Nicole R. de Veyra, 12
San Joaquin Central School
Pagkainom ng alak,
Si Andre ay nataktak.*
Siya ay nagkasugat
Sa masama n’yang palad.
*nataktak-nahulog
-Janica O. Codilan, 12
San Joaquin Central School
May batang umiiyak,
May hawak siyang lollipop.
Binigyan ko ng gatas
At siya ay lumakad.
-Irish Necel Gobenciong, 12
San Joaquin Central School
Nakatira sa dagat,
Nakababad sa alat,
Ako ay sumusulat,
Araw ma’y sumisikat.
-Ma. Veronica P. Asedillo
City Central School, Tacloban
Godsend*
May nakita akong dad
Bumili siya ng gatas,
Bumili pa ng aklat.
Pag labas, s’ya ay hubad.
*Godsend-isang tindahan sa Tacloban na biktima ng malalang pagnanakaw pagkatapos ng bagyong Yolanda
-Russel M. Durante, 12
San Joaquin Central School
Ako ay may bulaklak
Doon sa tabing-dagat.
Siya’y namumukadkad.
Siya’y sumalipadpad*.
*sumalipadpad-nagpasayaw-sayaw sa ere
-Brylle Aldrich M. Escober, 12
San Joaquin Central School
Tumingin ako kay Dad,
Uminom s’ya ng alak.
Ang baso ay nabasag,
Si Baby ay nasugat.
-Althea T. Eval, 12
San Joaquin Central School
Manghuli ka ng sapsap
Para iyong malasap
Ang dagat na maparat.
Pag may halo*, sasarap.
*halo- iba pang sangkap, halimbawa ay gulay.
-Roderick B. Cantanero, 12
San Joaquin Central School
Ilang tala:
Inedit ni Beverly W. Siy ang ilang akda.
Isinalin ni Daryll Delgado sa wikang Filipino ang ilang salitang Waray at ipinaliwanag niya ang ilang icon mula sa Leyte.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment