Monday, September 29, 2014

Mula sa mambabasang si Abbie Abs

Dahil mas gusto kong napaglalaanan ng oras ang komento ukol sa pagbasa (at katatapos na pagbasa) ng It's a Mens World at It's Raining Mens. Mas kakikitaan ng kariktan sa positibong pananaw ang parehas na libro ukol sa pagiging ina kay EJ. Hindi lahat ng ina marahil ganito ang reaksyon at pananaw ukol sa natatanging yugto sa buhay ng mga kababaihang iniraraos nang mag-isa ang kanilang mga anak. Salamat sa dalawang librong nagbigay-bahagi at sumasalamin sa iyo hindi lang bilang isang manunulat, kung hindi isang babae at isang ina. Salamat sa pagmulat sa katotohanan, pag-aaantig sa aming mga puso (at pagkiliti), at pagbigay ng halakhak sa iyong mga akda. Tunay ngang ang panitikan ay sumasalamin sa buhay ng bawat nilalang.

Friday, September 26, 2014

Mula sa mambabasang si Mark Joseph Arisgado

May kilig at kirot ang sense of humor ni Ms. Bebang sa kanyang aklat na It’s Raining Mens. Subalit sa kabila ng pait na maaaring ihatid ng iba’t ibang uri ng pagmamahal, maganda pa rin ang pangako ng pag-ibig sa atin. At masarap pa ring sumubok.

Mayaman sa karanasan --- maging totoo o likhang-isip --- ang aklat na mag-iiwan ng luha sa mambabasa, luhang dulot ng saya o sakit. Hahayaan ka ng aklat na sumilip sa buhay niya bilang ina, bilang anak, bilang nobya, bilang mangingibig. Isa ang aklat na ito sa mga nabasa kong aklat na ayaw kong bitiwan. Una ko itong binuklat sa MRT at LRT patungong Museo Pambata noong Miyerkules at di ko naramdaman ang hirap ng biyahe dahil sa aliw na ibinibigay ng bawat pahina! (Natapos ko siyang basahin kagabi.) Ito ang aklat na matapos mong basahin ay nais mong ipabasa sa iba upang sila rin ay maapektuhan --- kurutin at kilitiin.

Salamat, Mark! Wah, muntik na akong maiyak dito sa isinulat mo!

Wednesday, September 24, 2014

mula sa mambabasang si Janella Julio

good day po sobrang natutuwa po talaga ko sa mga gawa niyo lalong lalo na po yung its a mens world meron pong part na sobrang nakakarelate ako sa mga naging kaganapan sa buhay mo. ang cool po talaga , hindi nio po pinapahirapan yung mga mambabasa na intindihin yung gawa niyo. sana mameet ko din po kayo someday sana madami pa pong sumunod na librong ma publish mo

Maraming salamat, Janella! Magparami tayong mga uring mambabasa!

Mula sa mambabasang si Darwin Medallada

Mam, ang ganda naman ng It's Raining Mens, totoong mas mainam nga ito dun sa It's a mens world. Una, dahil ang karamihan sa kwento mo dito sa aklat ay iyong buhay single parent mo na at ang buhay may asawa. In short, matanda na. Tsarot lang.

Katulad ng dati ay may mga kwentong natatawa ako at binabalikan ko para basahin ng paulit - ulit (mga times three) tapos tatawa ulit ako. Hindi ko alam kung natural ang pagpapatawa at pagsundot sa puso ng mambabasa, pero nalungkot ako dun sa kwento ng things to do, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niyo sa anak niyong si EJ. At masama ba kung natatawa ako sa mga kwento ng Upa, It's Private, Sapin sa paa 1, 2 at 3 at hikaw at ako. Hindi ako babae pero bakit nagustuhan ko ang akda mo katulad ng mensahe mo noong pirmahan mo ang libro? May madyik ka nga talaga Mam. At isang tanong na lang, saan ka po kumuha ng malikhaing pagsulat sa Filipino? Naisip kong mag-aral ulit at kahit minsan naman sa buhay na 'to ay gawin ko man lang ang talagang gusto ko: ang pagkuha ng kursong gusto ko talaga noon pa.

Congrats uli dito ng marami sa bagong akda niyo Mam. Sulit ang bawat pahina ng libro, ang maiikling kwento, ang gagaling ng pagkakagawa nung Silent Movies at Birhen. Pati yung Love Story. huhuhu!

PS: Hindi ako naiyak pero talagang nakakapanggising po ng puso ang gawa mo. Inspirational. hehehe

Pahabol: Madaming aral sa libro. At sadyang mahilig mamroblema ang mga babae sa kanilang susuotin. Sapin sa paa. hahaha!

Darwin, daghang salamuch!

Mula sa mambabasang si Jam Cedeno

Grabe maam dalawa palang yung nababasa ko sa it's raining mens pero grabe sobrang nakakamangha na agad hahaha napaka kulit kung pano kayo magkwento ang galing maam! Salamat at congrats po pala sa isa nnmn na magandang libro!

Jam, salamat. Sana makalampas ka ng birhen hahahaha

Tuesday, September 23, 2014

Mula sa mambabasang si Von Howard "Po" Villaraza

Inuulan ng mga kalalakihan o mga lalake sa buhay ni Bebang (Michael, gangdee, Alvin, Ronald, Poy).

Pag-ibig, pag-asa, at pagbabago ang resulta sa mga pag-ulan ng karanasan sa buhay ni Bebang.

Dahil sa maalindog niyang kaalaman sa pagsusulat si Bebang ay sadyang inulan ng kalalakihan sa mga karanasan ng kanyang buhay at para magkaroon ng sequel ang It’s A Mens World.

Totoong magkakasakit ka kapag inulan ang iyong bunbunan lalot kung ikaw ay isa ng senior citizen.

Totoong biyaya rin ang hatid ng pag-ulan sa mga bukirin. (lalot bukirin ng kaligayahan, haha!)

Totoong ulan din ang makapag-papasaya o makapag-papalungkot depende sa iyong love life.

Hapdi, kirot, tuwa’t saya ang hatid ng ulan sa paglalakbay na mala-Maze runner sa buhay ni Bebang resulta’y positibong pananaw at katuparan ng mga pangarap.

Tara na! silong na sa payong ni bebang at uulanin ka ng swerte!...

Paborito ko ang Emails2, A Love story, Pa pa pa, The Proposal, There's beauty in darkness, Rabbit Love, Present, sizzling Sisid,, Silent movie, Happy sad, Ronald Everywhere, Pakiusap!...

Nakaguhit ba sa ating mga palad ang tadhana ng ating buhay pag-ibig at relasyon?.

Huminge na ng payo at tamang diskarte kay Binibining Bebang, ang super cool at Love Guru ng aklat.

Praktikal, walang keme, prangka, at positibong pananaw ang istilo niya sa pagharap sa mga suliranin at pagsubok sa buhay. Saan niya nakuha ang husay sa pagpapayo? ciempre sa kanyang karanasan at hilig sa pagbabasa.

Sa mga SMB jan o malamig ang magiging Pasko, eto na ang solusyon sa inyong problema sa pag-ibig o relasyon.

Sa akin pananaw kaya ito Nuno dahil dapat natin igalang ang mga payo sa atin ng mga nakakatanda at nakaranas na ng mga karanasan sabi nga ay "We learn from our experience".

Maraming salamat, Po! Patuloy tayong tumangkilik ng akdang Pinoy, mabuhey!

Sunday, September 21, 2014

Mula sa mambabasang si Danieson Gonzalvo

Ate Bebang! Sobrang ganda ng "It's Raining Mens" as in! Iyak-tawa ako eh. Napaka-totoo. Salamat sa mga kwento, tapos ko na yung libro :)

Sept. 19, 2014

Opo naman! Actually iba-blog ko itong libro. Grabe, hindi pa ako nakatawa nang ganun kalakas dahil sa isang libro. Buti na lang na sa loob ako ng kwarto at mag-isa, kasi kung sa cofee shop o sa restaurant ko siguro binasa, baka napagkamalan na akong baliw. Success sya, Ate Bevs. Salamat ulit sa sequel!

Sept. 20, 2014

Daghang salamat, Danieson. Sana magkasalubong uli tayo sa peyups.

Saturday, September 20, 2014

Mula sa pangulo ng Cavite Young Writers Association na si Karl Orit

Air and sounds lang tumbok agad! HAHAHAHA. Bentang-benta!
Sept. 18, 2014
9:13 pm

Yes, remember ateng letter sender na nagtatanong kung paano niya sasabihin sa asawa niya 'yong gusto niyang gawin nito sa kama. May pa-air-air pang sound effect sa salita! Hahaha! Kaya bentang-benta sa akin! Good morning!

Sept. 19, 2014
7:17 am

Natapos ko na parehas (yellow and blue nuno sa puso). Sobrang happy hormone inducing ang epek. Pero may amats - 'yong nagsulat. Joke. Haha, congrats nang marami ulit, Beb. Winner na winner ang gawa mo. :)

Sept. 19, 2014
7:20 am

Maraming salamat, Karl. Napakabuti mong kaibigan. hahaha!

Thursday, September 18, 2014

Mula sa mambabasang si Po ng PRPB

Nakaka-touch sa It's Raining Mens ay ang A Love Story. Ayaw ko nga lang ng titik. Gusto ko ng CENSORED. Hahaha! Gusto kong makagawa ng microscope!
Gusto ko rin ang Emails 2. Sana makatagpo rin ako ng magiging kasama ko sa aking paglalakbay.

17 Sept. 2014
11:05 pm

Hello, Po! Thank you, thank you. Makakatagpo ka rin ng para sa iyo. Gagawin kitang searcher, hahaha!

Thursday, September 4, 2014

Mula sa Mambabasang si Theresa Eloriaga

Hi po ms. Bebang! Ako po si Theresa Eloriaga. Isa po akong 4th year Fine Arts student sa UST. Isa po sa mga requirements upang makatapos ay ang paggawa ng thesis at ang category po na pokus ng aking thesis ay Book Illustration. Kakapalan ko na po ang mukha ko. Nais ko po sanang humingi ng permiso mula sa inyo sa paggamit ko ng It’s A Mens World bilang librong gagawan ko po ng mga illustration. Sinabihan po kami na magpadala ng pormal na sulat sa publisher ng napili naming libro upang ipaalam na tampok ang isang libro sa ilalim ng kanilang publishing house sa thesis na nais namin gawin. Kaya naman naisip ko rin po na sumulat sa inyo at humingi ng paalam bilang may akda at hati kayo ng Anvil Publishing sa karapatang-ari ng It’s A Mens World. Nakalakip din po sa email na ito ang pormal na sulat na ipinadala ko sa Anvil.

Kung nagtataka po kayo kung bakit ang libro niyo ang nais kong gamitin, simple lang po ang dahilan. May nagrekomenda sa aking basahin po ang It’s A Mens World at nang mabasa ko po ito ay naging instant fan niyo po talaga ako. Alam ko pong marami na po kayong narinig na papuri at komento tungkol sa inyong libro pero sasabihin ko pa rin po na bilib ako sa’yong angking tapang na ibahagi ang buhay mo sa aming mga mambabasa at syempre bonus na ang napakakwela niyo pong paraan ng pagkukwento. :D Nakarelate ako at sobrang nainspire kaya talagang mula sa umpisa, bawat titik, bawat salita, bawat pangungusap sa bawat pahina ay inabangan ko po talaga hanggang sa dulo ng iyong pasasalamat. Pramis! :D

Kaya po isang napakalaking karangalan po sa akin kung papayag po kayong mafeature ang It’s A Mens World sa thesis ko po. Mahalaga po kasi at sa tingin ko ay makakaapekto kung may basbas po mula sa’yo ang paggamit ko ng iyong libro. Nais ko rin po sana kasi kayong makunan ng panayam.:D Bilang paglilinaw po pala ay anumang bahagi ng It’s A Mens World ay hindi ililimbag at ipagbibili sa kahit anong paraan. Tampok lamang po ito bilang libro na gagawan ng illustrations at advertising campaign. Sana po ay pag-isipan niyo. :) nakuha ko po pala ang email address niyo sa inyong blog. Kung may nais po kayong linawin o itanong ay maaari niyo po akong replyan sa email na ito o makontak sa numerong 091XXXXXXXX. Maraming salamat po sa inyong oras!

Lubos na humahanga,

Theresa :)


Maraming salamat dito sa makabagbag-damdaming liham, Tere! Email-email, ha? See you soon.

Wednesday, September 3, 2014

Diona Mula sa San Joaquin

Noong 27-29 Agosto 2014, ako ay nasa Leyte para magturo ng basics ng tula at magkuwento tungkol sa aking paglalakbay bilang isang manunulat, sa mga elementary at high school student ng Leyte. National Book Development Board ang nag-imbita sa akin at pinamagatang Booklatan sa Bayan ang event. Kasama ko rito si Bb. Daryll Delgado na isang manunulat na tubong-Tacloban, at ngayon ay naninirahan na sa Quezon City.

Sa pag-iimbita at pag-aasikaso sa amin, nagpapasalamat ako kina Mam Ciela Cayton, Executive Director, Camille dela Rosa, Deputy Executive Director, Wilfred Castillo, Director IV, Salvador Briola, Project Development Officer III at Bb. Marfe de Castro, Project Development Officer I.

Kakaiba ang workshop na ito para sa akin. Dito ko naisip, may kongkretong silbi talaga ang tula kahit sa modernong mundo at panahon.

Kayrami kong natutuhan mula sa mga participant! Maraming salamat sa inyo, mga batang Leyte.

*******************************************************************************************************************************

Ang ikalawang session namin ay ginanap sa San Joaquin Central School sa Palo, Leyte.

Heto ang mga akda ng mga estudyante:


Diona mula sa San Joaquin
Madilim ang paligid
Nang ako ay mag-igib.
Tuhod ko ay nanginig.

-John Rey A. Tobias, 12
Liberty Elementary School


Sumusunod s’ya agad
Sa trabaho ma’y sagad
At sa araw ay bilad.

-Ma. Angelica G. Sevilla, 11
Tanauan II Central School


Ang bata’y nanganganib
Sa malulubhang sakit.
Dapat siyang masagip.

-Mickylla Claire M. Tupaz, 10
Macupa Central School

Ang batang sawingpalad,
Ayan, palaging tamad,
Kaya s’ya’y nakabilad.

-Kaye L. Vinculado, 10
Lamak Central School


Sa kuwebang masikip
Doon ay walang tubig.
Ayoko nang bumalik.

-Joesam T. Yu, 11
La Paz Central School


Akho si Nena Vavoy,
Nagsasalithang vulol.
Gustso ko nang uminom.

-Angelica Mae C. Salatan, 11
Tunga Central School


Kakauwi pa lang…

Pakibuksan ang ilaw.
Kukunin ko ang sitaw,
Ilalagay ko sa sabaw.

-Jyllyn Gayle Mendoza, 11
Tanauan I Central School


Nandiyan na si Edith,
Nakakita ng yagit.
Ito’y kanyang kinulit.

-Carl Joseph S. Fuerzas, 12
Matalom North School


Ang aso ay tumahol
Dahil ito’y nagutom.
Natakot tuloy si Boy.

-Mabeth M. Lugasan, 11
San Jose Central School


Sobrang ingay ng tambol!
Galit ang asong ulol!
Kahol ito nang kahol!

-Hannah Joy C. Kahano, 11
Daniel Z. Romualdez Memorial Elementary School


Mayro’ng dalawang langaw
Na palaging maingay
Sa ulo ng kalabaw.

-Nickson Andrew G. Tejones, 11
Binongtoan Central School


Guro ay laging galit
Sa malalaking bibig
Ng batang makukulit.

-Dawn Marie Julianna V. Murillo, 11
Palo I Central School


Daan

Ang kanyang mga damit,
Isinabit sa lubid,
Tuyong-tuyo sa init.

-Sherika Abundo, 11
Inopacan Central School


Nagsusulat si Dan-Mark,
Biglang may lumagapak.
May multong pumalakpak!

-Shama Becera, 11
Libertad Elementary School


Ang batang gutom,
Kumain ng lechon.
Ang panghimagas ay butong.*

*butong-kinayod na buko

-Maria Jansheen V. Semblante, 12
Hindang Central School


Tumayo na sa sapin,*
Magbenta ng kakanin
Upang may makakain.

*sapin-telang inilalapat bilang higaan

-Louise Raquim P. Verona, 11
Gabaldon Central School


Sa malaking bahay,
Maraming alalay,
Sa gawain ay sanáy.

-Justin Julienne Jo. Almeria, 12
Pawing Elementary School


Walang kamalay-malay
Si Tatay na may patay
Doon sa kapitbahay.

-Angelica A. Navarra, 9
Granja Central School


Mayroon akong biik.
Ito’y ubod ng liit.
Kulungan ay masikip.

-Nicolas M. Echavez, 10
Mac Arthur Central School


Nawala ang aking bag.
Hanap ako nang hanap,
Nandoon na sa dagat.

-Janine Clarisse Antaran
San Joaquin Central School


Pag-aaral ay dapat,
Mamaya na ang usap.
Tayo na at magsikap.

-Jean Lourd B. Misa, 11
Cassidy Elementary School


Tinapay na malaman,
Di naman malinamnam.
Hayun, nakatiwangwang.

-Cindy D. Luego, 29
Teacher, Palompon South Central School


Si Biki na makulit,
Ayaw niyang makinig
Sa may malaking bibig.

-Benjielyn L. Estremos, 27
Teacher, Palompon North Central School


Sa bundok na madilim
Nandoon si Mang Libid.
May bahay na maliit.

-Kemart E. Villegas, 10
Capoocan Central School


Mga lugar na liblib,
Mga bato ay dikdik,*
Hayop ay mababangis.

*dikdik-

-Mhel Christele P. Palmares, 10
Sta. Fe Central School


Ang aso ay nagutom
Kaya siya ay tumahol.
Napakain na ngayon.

-Mary Rose N. Abanes, 9
Leyte Central School


Si Rosa ay may hardin,
Tinaniman ng butil,
Tumubo ang yellow bell.

-Reina G. Aureo, 11
Bato Central School


Kain tayo ng pansit
Habang tayo’y naka-sit.
Ay! Nalaglag na! Wit it!

-Chezka Dannielle B. Alve, 12
Alang-alang I Central School


Si Jayson ay naratol*
Nang umiyak ang baboy
Dahil ito ay bahol.*

*ratol-nagulat
*bahol-malaki at mabigat

-Johanna Maraie F. Remandaban, 12
Tabango Central School


Ako ay nabibilib
Sa batang nasa tubig
Kahit s’ya’y nasa gilid.

-Herlyn A. Terano, 11
Burauen South Central School


Mayroong isang kawal,
Sobra ang kanyang yabang!
Lagi s’yang may kaaway.

-Darlene Jehan C. Balais, 11
Barugo II Central School


Sina Tatay sa bukid
Ay gumawa ng lubid
Na gamit sa pagtawid.

-Marielle Ann M. Atarca, 11
Barugo I Central Elementary School




Ilang tala:

Inedit ni Beverly W. Siy ang ilang akda.
Isinalin ni Daryll Delgado sa wikang Filipino ang ilang salitang Waray at ipinaliwanag niya ang ilang icon mula sa Leyte.

Tanaga Mula sa Tacloban 2

Noong 27-29 Agosto 2014, ako ay nasa Leyte para magturo ng basics ng tula at magkuwento tungkol sa aking paglalakbay bilang isang manunulat, sa mga elementary at high school student ng Leyte. National Book Development Board ang nag-imbita sa akin at pinamagatang Booklatan sa Bayan ang event. Kasama ko rito si Bb. Daryll Delgado na isang manunulat na tubong-Tacloban, at ngayon ay naninirahan na sa Quezon City.

Sa pag-iimbita at pag-aasikaso sa amin, nagpapasalamat ako kina Mam Ciela Cayton, Executive Director, Camille dela Rosa, Deputy Executive Director, Wilfred Castillo, Director IV, Salvador Briola, Project Development Officer III at Bb. Marfe de Castro, Project Development Officer I.

Kakaiba ang workshop na ito para sa akin. Dito ko naisip, may kongkretong silbi talaga ang tula kahit sa modernong mundo at panahon.

Kayrami kong natutuhan mula sa mga participant! Maraming salamat sa inyo, mga batang Leyte.

************************************************************************************************************************

Ang mababasa ninyong mga tula sa baba ay produkto ng unofficial session na naganap sa San Fernando Central School sa Tacloban.

Unofficial, kasi ganito, pagdating namin sa venue noong 27 Agosto 2014, idinaos ang turn over ceremony o ang simbolikal na bersiyon ng pagbibigay ng NBDB ng mga libro sa San Fernando Central School (SFCS). Ang mga libro ay para sa itinatayong library hub doon. Nagkaroon din ng copyright talk para sa mga guro at principal ng buong Tacloban.

Pagkatapos ng copyright talk (na ibinigay ni Wilfred "Boss Wi" Castillo), bumaba na ako para tingnan ang kuwartong gagamitin namin para sa afternoon session. Mag-aalas-onse pa lang iyon ng umaga.

Nakita ko sa baba ng SFCS ang isang classroom na pagkaganda-ganda, bagong-bago. At may nakaantabay pang screen para sa LCD Projector.

Pumasok ako sa loob at nakita ko ang ilang estudyanteng nakaupo, mga bente sila. Naroon din ang kanilang guro, nasa likod ng classroom. Tanong ko, kayo ba ang makikinig sa session namin mamya? Walang imik ang mga estudyante. Sagot ng guro, Mam, hindi po. May klase lang po sila ngayon dito.

Classroom pala ng mga bata ang pagdarausan ng aming session.

Nakipag-usap ako sa in charge sa event, si Sir Ariel Makabenta. Sabi niya, meron daw silang LCD Projector, hinihintay lang na maibaba ito at mai-set up para sa hapon.

Napansin ko na nakatanga lang ang mga bata. Nasa likod ang kanilang teacher pero mukhang abala ito sa ibang bagay. Tinanong ko sila, may klase pa ba kayo? Nagkatinginan ang mga bata. Walang sumagot. Ang teacher ang tinanong ko, Mam, may klase pa po sila? Sabi ng teacher, wala na. Hinihintay na lang nila ang uwian. Kako, anong oras ang uwian? Alas-dose pa raw.

Aba, sayang ang oras ng mga bata! Kaya sabi ko, puwede po bang magturo na lang ako ng tula sa kanila? Pasusulatin ko po sila ng maikling tula? Sige po! Sabi ng teacher.

Kaya lumarga ako sa harapan at iyon nga, inumpisahan ko ang pagtuturo ng tanaga.

Later on, nalaman ko na Grade VI students na ang mga bata. Wala kasi sa itsura nila. Parang mga Grade III pa lang sa height at built ng katawan. Hmm... kulang ba sa sustansiya ang mga tulang nai-produce nila? Kayo ang manghusga!

Heto ang mga akda ng mga estudyante:


Sa bansang Pilipinas,
Napakarami ng batas.
Kaya tayo’y matapat
Sa mga taong hiráp.

-Illisha Rose Q. Amistoso, 12
San Joaquin Central School


Nakilala si Raprap
At siya ay sumikat
Sa pagkuha ng perlas.
Nakawat* n’ya ang lahat.

*Nakawat-nanakaw

-John Paul A. Mendiola, 12
San Joaquin Central School


Mayro’ng mga alahas
Na napakaliwanag.
Ay! Parang alitaptap
Na nagpakalat-kalat.

-Sharrybelle Angela A. Cayas, 12
San Joaquin Central School


Sa bahay kong nagliyab,
Mayroon doong pugad.
Ako ay napaiyak
At ako’y nagkakabag.

-Marvin Estolano, 12
San Joaquin Central School


Nakita ko ang ahas.
O, kay ganda ng balat.
Si Omar ay kinagat!
Ito ay nagkasinat.

-Laarni Nicole R. de Veyra, 12
San Joaquin Central School


Pagkainom ng alak,
Si Andre ay nataktak.*
Siya ay nagkasugat
Sa masama n’yang palad.

*nataktak-nahulog

-Janica O. Codilan, 12
San Joaquin Central School


May batang umiiyak,
May hawak siyang lollipop.
Binigyan ko ng gatas
At siya ay lumakad.

-Irish Necel Gobenciong, 12
San Joaquin Central School


Nakatira sa dagat,
Nakababad sa alat,
Ako ay sumusulat,
Araw ma’y sumisikat.

-Ma. Veronica P. Asedillo
City Central School, Tacloban


Godsend*

May nakita akong dad
Bumili siya ng gatas,
Bumili pa ng aklat.
Pag labas, s’ya ay hubad.

*Godsend-isang tindahan sa Tacloban na biktima ng malalang pagnanakaw pagkatapos ng bagyong Yolanda

-Russel M. Durante, 12
San Joaquin Central School


Ako ay may bulaklak
Doon sa tabing-dagat.
Siya’y namumukadkad.
Siya’y sumalipadpad*.

*sumalipadpad-nagpasayaw-sayaw sa ere

-Brylle Aldrich M. Escober, 12
San Joaquin Central School


Tumingin ako kay Dad,
Uminom s’ya ng alak.
Ang baso ay nabasag,
Si Baby ay nasugat.

-Althea T. Eval, 12
San Joaquin Central School


Manghuli ka ng sapsap
Para iyong malasap
Ang dagat na maparat.
Pag may halo*, sasarap.

*halo- iba pang sangkap, halimbawa ay gulay.

-Roderick B. Cantanero, 12
San Joaquin Central School


Ilang tala:

Inedit ni Beverly W. Siy ang ilang akda.
Isinalin ni Daryll Delgado sa wikang Filipino ang ilang salitang Waray at ipinaliwanag niya ang ilang icon mula sa Leyte.

Tanaga Mula sa Tacloban 1

Noong 27-29 Agosto 2014, ako ay nasa Leyte para magturo ng basics ng tula at magkuwento tungkol sa aking paglalakbay bilang isang manunulat, sa mga elementary at high school student ng Leyte. National Book Development Board ang nag-imbita sa akin at pinamagatang Booklatan sa Bayan ang event. Kasama ko rito si Bb. Daryll Delgado na isang manunulat na tubong-Tacloban, at ngayon ay naninirahan na sa Quezon City.

Sa pag-iimbita at pag-aasikaso sa amin, nagpapasalamat ako kina Mam Ciela Cayton, Executive Director, Camille dela Rosa, Deputy Executive Director, Wilfred Castillo, Director IV, Salvador Briola, Project Development Officer III at Bb. Marfe de Castro, Project Development Officer I.

Kakaiba ang workshop na ito para sa akin. Dito ko naisip, may kongkretong silbi talaga ang tula kahit sa modernong mundo at panahon.

Kayrami kong natutuhan mula sa mga participant! Maraming salamat sa inyo, mga batang Leyte.

*******************************************************************************************************************************

Ang unang session namin ay ginanap sa San Fernando Central School sa Tacloban.

Heto ang mga akda ng mga estudyante:

Tanaga mula sa Tacloban

Lugar namin sa Taal,
Lamang-dagat ay mahal.
Tao’y nagtutulungan
Nang yaman ay makamtan.

-Jacynth Mae Gamba
Bliss Elementary School

Doon sa aming bayan,
Lagi nang may sapakan.
Kahit na walang laban,
Patuloy ang bakbakan.

-Kyla Jeanne O. Ngoho
A.P. Banez Memorial Elementary School

Nulatula

Dito sa bayan namin,
Tao ay nagigising,
Hindi alam ang gagawin,
Titig lang sa salamin.

-Rhecca Mae Alfanta
Nulatula Elementary School


Paboritong Balyuan:
Kakaibang daanan
Ang sementong tapakan.
Di ko malilimutan.

-Jose Andrew R. Olbisano
Leyte National High School


Bayan ko ay Sagkahan,
Na nagsisilbing tirahang
Nagbibigay ng buhay
Para sa ‘king tagumpay.

-Connie B. Merin
Sagkahan National High School



Sa amin ay malinis
Walang peste o ipis.
May sampalok at tambis,
Mga tao’y makinis.

-Janamarey Victoria M. Penaranda
Manlurip Elementary School


Dito sa ‘ming barangay,
Tulong ay umaapaw,
Puso ng iba’y bukal,
Di sila nag-alangan.

-Erika Setosta
San Jose National High School


Pag-uwi ko sa bahay,
Mayroong isang dollar.
Sabi ko sa Maykapal,
“Ito’y aking inasam.”

-Lovely Julia M. Bag-ao
Basper Elementary School


Kuya ko’y laging bigo
Dahil siya’y mabaho.
Di siya naliligo
Kaya s’ya nagtatago.

-Samantha B. Zosa
Panalaron Central School


Merong lalaking tsuper,
Pangalan niya’y Toper,
Sumusulat sa pader,
Nakatira sa Basper.

-Jhon Edcel O. Calites
Tacloban National Agricultural School



Sa Barangay Bagacay,
Naro’n ang aming bahay.
Ngiti doon ay panay
Kahit saan ka malagay.

-Jamaica Mae B. Verano
Tacloban City National High School


Itinuring na bahay
Ang nasa Caibaan.
Pamilya’t kaibigan
Ang ligaya ng lugar.

-Hannah Rose M. Cuaderno
Marasbaras National High School


Maharlika*

Isang daang madilim
Ngunit maraming gising.
Hindi ka maaaliw
Dahil sa mga rocker.

*Maharlika- isang major na kalsada sa Leyte

-Anna Patriz N. Bareja
Marasbaras National High School


Para sa aming bayan,
Ako ay nagdadasal
Na laging matugunan,
Aming pangangaylangan.

-Kathleen Kaye Rostata
Tigbao-Diit Elementary School


Bakuran ay malinis,
Walang ahas at ipis,
May tambis at kamatis,
Prutas, hayop ay labis.

-Lorie Jane E. Dela Cruz
Tagpuro Elementary School


Sa barangay ng Iscan,
Laging nagtutulungan.
D’yos lang ang tatawagan,
Problema’y lalampasan.

-Phoebe Toni Arteche
Scandinavian National High School


Sa aming lugar sa Bliss,
May bumisitang ipis
Na laging nagbibihis
para maghanap ng chicks.

-Danica P. Gaata
Mercyville Elementary School


Gising sa umagahan,
Masaya ang Sagkahan.
Mga bata sa daan,
Sila’y nagtatawanan.

-Andreah Lorraine M. Labadia
Rizal Central School


Sa bahay na masikip,
Kahit ito’y maliit,
Basta at may internet
Ulo’y di mag-iinit.

-Patricia Mei Bianca D. Abrenatia
Cirilo Rey Montejo National High School


Ang GB* ay malinis.
Ito rin ay tahimik.
Mayro’n doong pag-ibig
At mabuting mag-isip.

*GB-

-Angelica Sofia Romae A. Priaz
V&G dela Cruz Memorial School


Kaming taga-Fisherman,
Palaging nagwa-Waray.
Minsa’y nag-iibigan,
Minsan ay away-away.

-Arnold A. Catuday
Fisherman’s Village Elementary School


Doon sa Pericohon,
Aso ay tumatahol,
Tao ay nagmomotor.
Hilig nila ay kangkong.

-Marielle Flores
San Fernando Central School


Sa Barangay Pangarap.
Kapitan si Mang Brolap.
Siya’y taong maagap,
Mabait sa mahirap.

-Joshua Clint A. Deloso
Sta. Elena Elementary School


Sa daang lubak-lubak,
Nagsasaya ang lahat.
Sasakya’y nanghagilap!
Nasagasaa’y apat.

-Shaine Shaine Abuda
San Jose Night High School




Ilang tala:

Inedit ni Beverly W. Siy ang ilang akda.
Isinalin ni Daryll Delgado sa wikang Filipino ang ilang salitang Waray at ipinaliwanag niya ang ilang icon mula sa Leyte.

RWTO translation project approved!

Yehey! Maraming maraming salamat po, Lord. Super.

Nagkita kami ni Mam Karina sa huling araw ng UMPIL Congress, Agosto 30, 2014, sa UP College of Mass Comm Auditorium. At lakas-look kong tinanong sa kanya kung may feedback na si Sir Ambeth Ocampo sa aking sample na salin ng RWTO.

Sabi ni Mam, "yes! He liked it so much. hindi ko ba na-email sa iyo ang sabi niya?"

Wah! lundag na ako nang lundag sa tuwa. para akong baliw doon, tawa kami nang tawa ni Poy. hahaha! andoon din si beng at si mam jeanette coroza at ang dalawa niyang anak na sina miggo at aya.

tumbling to the max ang puso ko, woho!

at dahil lukaret akong tunay, hiningi ko kay mam karina ang email na nagpapatunay na natuwa nga si sir Ambeth. heto ang pumasok sa aking email today.




From: "Ambeth R. Ocampo"
Date: August 13, 2014 at 2:31:47 PM GMT+8
To: Karina Bolasco
Subject: Re: Sample na salin sa akda ni Sir Ambeth Ocampo

Winner!
What do you think? It reads very well. Not the academic Filipino that will surely kill the book





OMG.

OMG.

OMG.

Sobra akong speechless.

Basta, salamat po sa lahat ng biyaya. Salamat, 2014. Salamat. Salam.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...