Saturday, August 10, 2013

neighbore

lagi na lang may something to say ang kapitbahay namin.

bebang, yung sampay nyo, tuyo na, dapat ipinapasok nyo na yan.

bebang, yung gate, bantayan nyo pag gabi kasi kayo naman ang huling pumapasok lagi.

bebang, yung anak mo, nagpapasok ng kaibigan dito tapos pinaakyat sa bintana nyo. delikado yang ginagawa nya kasi baka manakawan tayo sa ganyang paraan.

bebang, sino 'yong nagpukpok kagabi? grabe, hatinggabi na, may nagpupukpok pa? nakakaistorbo.


at madalas din silang magparinig.

ang alikabok naman! maglinis! maglinis tayo!

(makalat ang bahay namin, totoo yan pero since hindi naman siya nakakapasok dito, ang tinutukoy niya ay ang mga bintana ng mismong harapan ng bahay namin. talagang maalikabok ito dahil mahirap itong linisin. baket? nakaharang ang sandamakmak nilang halaman at plant box sa harapan ng bahay namin. kailangan at least dalawang tao ang kikilos para lang maiusod ang mga halaman at makatayo sa tapat ng harapan namin at maluwalhating mapunasan ang inirereklamo niyang alikabok. don't get me wrong. mahal ko ang mga halaman at halamanan pero hindi madaling galawin ang mga ito. kaya wag na siyang magrekla-reklamo sa alikabok ng sarili naming bintana. tutal, bintana naman namin 'yon at tutal hindi naman din siya willing na iusod at buhatin isa-isa ang mga halaman niya at plantbox! hay, etsoserang halamanera!)

anyway, moving on, ang latest na sounds like reklamo ay eto:

Kapitbahay: bebang, yung pusa nyo, nakita kong may kagat-kagat na daga.

Ako: (di ako nakasagot, kasi ang naiisip kong sabihin e, ate, kung may butanding po dito sa compound natin, baka po yun ang kagat-kagat ng pusa namin.)

Kapitbahay: (napansin yata na parang joke ang isinusumbong niya sa akin. napatigil din siya. tapos maya-maya, nagsalita uli) baka kasi umuwi sa bahay ninyo ang pusa nyo, dala-dala ang daga.

Ako: (di pa rin nakasagot. pero ang naiisip kong sabihin, e, ate, natural, sa bahay namin uuwi yan, dito siya nakatira, e. pero naiinggit ba kayo sa pasalubong sa amin ng mahal naming pusa? o sige, since marunong naman akong makisama, tig-50-50 tayo. hatiin natin ang pasalubong niya. crosswise, para talagang patas. keri na ba yon sa inyo?)

hay.

siguro sa mga susunod na araw, eto naman ang sasabihin niya sa amin:

bebang, yung pinto nyo, may door knob.

at pag nagkakotse kami, eto:

bebang, yung gulong ninyo, bilog.

bored ka sa buhay mo, te? bigyan kita ng problema diyan, e.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...