last wednesday, nagpasundo ako kay poy sa letran at dumiretso kami sa office ng ermita catholic church. kukuha na ako ng kopya ng aking certificate of confirmation.
3:00 pm kami dumating doon at isang babae lang ang naabutan namin sa opisina. pina-fill out niya ako ng maliit na form. agad ko itong ginawa at pagkatapos ay ibinigay na sa kanya ang form. sabi niya, saglit daw dahil lumabas ang taong in charge.
niyaya ko si poy sa loob ng ermita catholic church. ang ganda pala talaga nito.
kahit noon pa, parang heaven ang tingin ko sa kisame nito. maputi ang kisame at sobrang taas, parang makakahinga ka talaga nang maluwalhati. andaming sculpture ng anghel (na puro ulo lang). walang masyadong clutter ang altar kasi si nuestra senora de guia lang ang nasa sentro nito.
me mga salitang pax et bonum sa may arko sa altar, mula nang magsimba ang pamilya ko doon ay paulit-ulit ko nang binabasa ang mga salitang ito pampalipas ng boredom. pero hanggang ngayon e hindi ko alam ang kahulugan ng tatlong salitang yan!
tatatlo ang laman ng simbahan. isang lalaki sa likod. isang babae't lalaki sa may bandang gitna (parang di magjowa pero ang taimtim mag-usap, nakakunot ang noo nilang dalawa). pumuwesto kami ni poy sa harap. sabi ko, anlaki pala nito. akala ko noong bata ako, maliit ito. at noong magpabalik-balik ako dito noong malaki na ako'y hindi naman ako nalalakihan dito. siguro e dahil sa tao. pag matao, nagmumukhang maliit ang simbahan? ngayong kaunti ang tao, it really looks magnificent.
anyway, nag-picture-picture ako. umupo kami nang saglit pa. nagkanya-kanya kami ng dasal ni poy. lumabas kami nang may dumaan na lalaki sa altar, mukhang staff ng simbahan dahil pagdaan niya sa electric fan ay inayos niya ito nang konti at chineck pa niya ang mga kable.
dumako kami sa rebulto ni mama mary na nasa loob ng isang man made na kuweba. umupo kami sa tapat nito, sa may bandang unahan ng isang garden.
sabi ko sa kanya, uy poy, diyan ako natutong mag-chinese garter at magbending body!
playground ninyo ito noon? tanong-sagot niya. ang tinutukoy niya ay ang panahon na nag-aaral pa ako doon, sa ermita catholic school.
oo! ayan, puro damuhan yan noon! tapos pag nagsawa na kami sa kakalaro, aakyat kami diyan. itinuro ko ang man made na kuweba.
buti di kayo nasisita?
ewan. ayan kinakapitan pa namin ang mukha ni mama mary para makapasok kami sa pinakagilid ng kuweba. tapos alam mo, maglolokohan kami. pagkapasok namin sa pinakasulok ng kuweba, sisigaw kami ng AHAS, AHAS! tapos paunahan kaming magpadausdos pababa. tilian, takbuhan tapos babalik kami diyan sa garden. another round of limbo rock o ten twenty uli.
bat kaya binago nila yan? konti na lang ang damo, o.
ewan.
lumapit ako sa counter ng opis (kung saan ako nag-fill out ng maliit na form). wala pa rin daw ang in charge. hintay-hintay daw kami.
bumalik ako sa may mama mary. nagpiktyuran kami uli tapos niyakag ko si poy na maglakad sa school ground.
nag-umpisa kami sa likod ng opisina ng simbahan. malawak pa rin ito at malinis. pero sa may bandang likuran ay may puting structure na hindi ko nakikita noon. may mga lalaki doon na nakatayo, nakaupo at iyong iba ay naglalakad papasok sa structure. iyong isa sa kanila, papunta sa kinatatayuan namin.
e, curious talaga ako. tinanong ko itong mama na ito.
kuya, ano po iyan?
a, yan? dorm tsaka boarding house para sa mga seaman at OFW.
ha? kanino po yan?
dito sa simbahan.
a! wow ang galing may dorm na. (oo nga naman, ang mahal ng mga hotel-hotel dito. kung galing ka sa probinsiya at me kailangan kang asikasuhin dito, saan ka makikituloy?)
mura lang diyan, sabi pa ni kuya. pero kailangan may seamans book ka o kaya passport ng OFW.
wow!
nakakatuwa! pero ang weird ng setting kasi school yun, e. i mean, hindi ba iyon nakakatakot para sa mga bata? andami-daming adult sa school ground nila na hindi naman nila kilala?
hindi ko na iyon tinanong. pero may napansin akong isa pang structure sa tabi ng dorm. kulay orange naman ito.
e yan po kuya, part din yan ng dorm?
a, hindi. bahay yan ng mga pari. pag may mga conference sila dito, puwedeng diyan tumuloy yung mga pari.
parang dorm din pero para naman sa mga pari! ang galing, me ganito na sa dati kong school? nakakatuwa naman! wala niyan noon, e. iniisip ko nga noon kung saan naninirahan si monsignor pedroza. sa likod ng altar? sa school clinic namin? may kama doon, e. baka!
anyway, nag-thank you na ako kay kuyang generous sumagot. nagpunta naman kami sa may parking lot, na nasa harap ng school. nagpa-picture ako doon. nakita ko rin sa signage na early 1900 pa pala naitatag ang eskuwelahang iyon. aba, historical pala ang aking school!
may dumaan na aleng naka-office uniform. tinanong niya ako kung ano ang kailangan namin. na-curious siguro sa akin, sino ba ang aleng ito na picture nang picture, parang turista? ipinaliwanag ko na dati akong estudyante ng ECS at doon din ako sa church na iyon kinumpilan kaya kumukuha ako ngayon ng kopya ng aking kumpil certificate.
hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, tinanong ko kung kilala niya ang isa sa dalawang teacher na naaalala ko: si mam marcy p. lomibao.
ay, oo! dito pa rin siya nagtuturo. andiyan nga siya ngayon, e.
wah! si mam!
omg, ilang taon na nga ba mula nang huli ko siyang makita? 23 yearS? kilala pa kaya niya ako? hahaha ano na kaya itsura ni mam? medyo chubby-chubby iyon noon, maikli ang buhok, kulot-kulot ang buhok, me salamin sa mata, maiikli ang braso, malaki ang boses, maliksi!
sinamahan kami ni mam na naka office uniform papunta sa registrar ng school. ipinakilala niya kami sa isa pang office girl doon. si mam pala ay nagwo-work din sa ECS. itinuro niya sa akin ang office niya. ayun. doon sa pinaka sulok ng quadrangle. malapit sa library. kahilera nito ang mga classroom namin noon.
di nagtagal, lumabas si mam (the office girl number 2) para tawagin si mam marcy. ayun na, dumating na ito.
omg, omg hahaha salamat na lang sa camera talaga. nagpapicture ako sa sobra kong tuwa!
ganun pa rin si mam, stout, may salamin pa rin at maikli pa rin ang kanyang buhok. boy cut. medyo dumami ang kanyang wrinkles. pero naaaninag ko ang mga ngiti niya sa klase namin. ang paraan ng pagtawag niya sa amin. naalala ko bigla ang mga classroom naming maaliwalas, maluwag at malinis.
hello, how may i help you? sabi niya
mam! si beverly siy po ako! prep hanggang grade 3 po ako noon. medyo magulo po yung family namin noong andito pa kami pero me kapatid po ako na nag-aral din dito. si columbia siy. younger batch po siya. yung nanay ko, maliit na babae, alala nyo? binato ng pizza ng tatay ko diyan sa may garden noong christmas party. diyan po yung bahay namin. sa may kanto, iyong tindahan po ng chinese.
aa... oo! oo! naalala na kita! ikaw nga. kumusta ka na? akala ko kung sino.
nagkuwentuhan na kami. andami niyang ibinalita sa akin. wala na raw elementary doon. two years na. wala na raw kasing enrollee. bigla kong naalala ang pinaglipatan kong elementary school sa may malate, yung pcu union elementary school. ito rin ang hinaing ng guidance counselor naming si mam nadal. ang konti konti na ng kanilang enrollees ngayon. kaya tumanggap na rin sila ng sped students. at hindi rin daw malayo ang possibility na mag-fold up ang elementary level nila. omg.
bat ganun? yung mga school ko dati, may posibilidad na mawala sa hinaharap.
pagpapatuloy pa ni mam marcy, kakaunti na lang din ang enrollee sa high school. highly commercialized na kasi talaga ang area dito. wala nang bahay-bahay. wala nang community.
oo nga naman. wala na yatang nakatira sa plaza tower, residential area yun kahit paano. yung mga maliliit na bahay sa faura, puro restawran na ngayon. yung mga kaklase ko dati na nakatira sa may gilid ng ECS, sa itaas ng mga tindahan ng painting, wala na rin. nagsilipatan na sila.
alam ko maraming bahay-bahay sa cortada. kaso naman, puro muslim yata sila doon :(
chika pa ni mam, iyon daw isa kong kaklaseng lalaki na malaking bulas, nakabuntis daw ng guidance counselor.
huwat, guidance counselor? pano nangyari yun?
oo nung 12 years old siya, niligawan niya yung guidance counselor namin.
ha? hindi ba child abuse yun? 12 years old lang yung kaklase ko nun, a!
e ganun talaga. anlaki na ng anak nila ngayon. asa states na nga yung kaklase mo.
ay, sayang. ampogi pa naman nun! hahahaha
marami pang ichinika sa akin si mam. katitibag lang daw ng building sa may court. akala mo dati, anlaki ano? ayan lang pala, anliit-liit lang. itinuro niya sa akin ang bakas ng tinibag na "building." bakas na lang ang naabutan ko. hay. nakakalungkot. doon pa naman ang classroom ko nang huling taon ko sa ECS.
ichinika ko rin kay mam ang nangyari sa buhay namin. kinondens ko na at baka abutin kami ng year 2045! bilang pagtatapos, ibinida kong writer na ako at babalikan ko siya doon one of these days para bigyan siya ng kopya ng aking aklat. sa aklat na yon, lalo niyang maaalala ang pamilya ko, panigurado.
bago kami bumalik ni poy sa opis ng simbahan, piniktyuran ko uli si mam. parang di ako makuntento. kung puwede nga lang i-dwarf siya at ilagay sa bulsa ko, malamang ginawa ko na. ewan ko ba. para kasing i never had a childhood. andali ko kayang tumanda nang maghiwalay ang parents ko. kaya siguro nagkukumahog ako na balikan ang lahat ng naaalala kong magaganda noong bata ako. siya, iyong school na yun, yung garden, yung mga kaklase ko, lalo na si joanne at rowena na naging ka-close ko talaga. saka si cecille na anak ng photographer sa may l. guerrero st. asan na kaya siya? curly pa rin kaya ang buhok niya? si mama mary, yung simbahan, yung nagtitinda ng sampagita (na nakita ko pa doon nang araw na iyon! tindero pa rin ng sampagita!) yung mismong mh del pilar st., yung arquiza st., yung mga kanto doon. yung gate ng school.
dati siguro wala lang sa akin to. at baka nga iniiwasan ko pa. awkward years, e. pero ngayong malaki na ako, ito yung mga tao, bagay, lugar na nagpapainit ng puso ko.
pagdating namin sa opis ng simbahan, naroon na ang in charge. kaya lang, may iba siyang ina-assist. mag-aalas kuwatro na noon pero keri lang. masigla kaming bumalik sa upuan, para doon sa mga naghihintay. nagkuwento pa ako nang nagkuwento kay poy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment