Ang sasakyan namin na minaneho ni Wendell ay hindi natrapik at hindi rin nabaha. Pero binabagyo ang dibdib ko sa kaba sa tuwing dadaan kami sa mapupunong lugar. ang takot ko lang na mabagsakan kami ng sanga. mabuti talaga at nakauwi kami nang maayos at ligtas nang gabing iyon.
pero ang ikalawang sasakyan na minaneho ni kuya edmund ay naantala ng uwi sa bahay. hinatid nila sa makati sina mae at bumbo. at doon pa lang, hanggang tuhod na baha na ang kanilang sinagupa. pero umpisa pa lang iyon ng kalbaryo. dahil ang karamihan sa mga sakay ng ikalawang sasakyan ay taga maynila pala. as in si maru ay taga tayuman. si rap ay taga morayta at si weni, taga espanya.
ang pinakahuling hinatid ay si jon na taga pasig na sa awa naman ng diyos ay isa sa mga lugar na hindi binaha nang bongga.
.
awang awa ako sa manila delegates. si rap, naputulan ng tsinelas dahil gusto na talaga niyang umuwi kaya ipinusta na ang lahat-lahat sa baha, hala lusong, habang pasan ang mga equipment na pang-shoot (mahal ang mga yan!). si maru na may 6 month old na baby, buti at hindi baha papunta sa mismong bahay nila e ginabi na, nahirapan kasi ang sasakyan na maghanap ng malulusutan na daan papunta sa tayuman. si wennie naman, nilusong ang baha na lampas-tuhod din para lang makauwi at nang maipagpatuloy ang naantalang pagtse-check ng papeles ng mga estudyante niya.
wala na nga ba talagang solusyon ang baha? ano ba ang dapat gawin para mawala ang baha? ano ang solusyon, na kahit paunti-unti lang na makakabawas sa baha, keri na. o kahit matagal na panahon ang kailangang gugulin, keri na. ano ang solusyon?
bago ko sabihin ang mga sariling panukala, gusto ko sanang
1. pagpapataas ng lugar.
naranasan ko ito nong nasa ust ako. andaming construction noon sa loob at labas ng unibersidad para pataasin ang mga sidewalk. iyong magiging mother in law ko ay naiisip ding magpataas ng sahig ng bahay nila sa bacood, sta. mesa. never pa kasi silang binaha doon sa loob ng mahigit 40 na taong pagtira doon. neto na lamang. nang pagdating ng ondoy, ng habagat at ng maring + habagat. kaya ngayon, ang naiisip niyang solusyon ay ang pagpapataas ng kanilang sahig.
2. pagtira sa mataas na lugar.
ang pagtira sa condo o kaya sa bahay na may elevated na ground floor. yan ang isang solusyon na naiisip ng mga pinoy. kaya ang mga pinakabagong apartment ay laging mas mataas sa karaniwan. ang pagtatayo naman ng mga condo sa metro manila ay hindi mapigilan. kabila-kabila ang open house, ang mga launching. mga ready for occupancy na!
ang mga solusyon na ito ay panandalian lamang. hindi nito nasusugpo ang baha. nakakaiwas lamang tayo sa mga baha sa limitadong panahon. babalik at babalik ang tubig, ayaw man natin o gusto. at kung ipipilit natin na solusyon na nga ito, patataasin lang natin nang patataasin ang ating mga tirahan pagdating ng araw.
heto ang mga naiisip kong solusyon:
1. efficient na drainage system
once and for all, tutukan na sana itong talaga ng mga kinauukulan. lalo na iyong mula sa mga city sa pilipinas.
2. ipagbawal ang pagtatayo ng anumang estruktura at pagtatabon ng lupa sa anumang uri ng anyong tubig.
wag na sanang magpasimuno ng reclamation-reclamation area ang gobyerno. wag nang manghinayang ang mga real estate developers sa magandang lokasyon, pabayaan na ang tubig sa kanyang sariling lugar. wag na siyang agawan ng sariling tahanan.
3. tanggalin na ang anumang estrukturang nakatayo sa mga lugar na malapit sa tubig. at least 10 meters sana mula sa tubig ang i-allot para sa bakanteng espasyo.
ito ay para mas makahinga ang tubig. para mas marami pa siyang dadaluyan bago ang mismong mga bahay o anumang estruktura.
4. ikulong ang lahat ng nagkakalat.
mapupuno ang kulungan pero keber. para matuto na once and for all ang mga kababayan natin. bukod sa mababawasan ang baha dahil mababawasan ang babarang basura sa mga kanal at imburnal, mas lilinis pa ang paligid.
5. payabungin ang mga probinsiya para hindi nagsisiksikan ang mga tao sa city.
kaya walang madaanan ang tubig sa city kasi lahat ng espasyo doon, tinatayuan ng mga gusali at iba pang estruktura para sa mga dweller ng city. kasi nga nagdadagsaan ang mga tao sa city.
sa probinsiya na lang magtayo ng mga business district. wag nang magdagdag ng tren sa city. ibuhos na lang ang pondo (para dito, sa mga tren-tren) sa mga probinsiya. puro na lang metro ang sentro. pwe. kaya nangaglulunod sa baha ang mga tao rito, e. namumuwalan na ang city, sige, saksak pa rin nang saksak dito ang mga tao.
6. i-relocate ang mga binabaha
kahit pa 400 years na ang unibersidad, kung matindi namang sakripisyo ang hinihingi nito sa lahat ng populasyon nito, aba'y iwan na ang lokasyon ora mismo. importante ang lokasyon pero mas may importante pa ba sa buhay?
traumatic ang ma-stranded lalo na kung akala mo ay lulubog ang kinatatayuan mo in a matter of minutes dahil sa walang harabas na ulan.
ang provident village, dapat hindi na pinaninirahan ng tao. dapat diyan gawing parke na lang. bilhin na lang ng gobyerno ang lahat ng bahay diyan. bigyan ng magandang pera ang mga naninirahan diyan para ma-compensate naman ang kanilang kasawian. e wala, e. nadenggoy sila ng developer. tapos para makabawi naman ang gobyerno sa developer, tanggalan na yan ng lisensiya at pahirapan nang bongga pag nag-apply uli ng lisensiya.
yung mga lugar na binabaha sa bulacan, ganun din ang dapat na gawin sa mga iyan. gawin nang parke lahat. ay wala, paano ka mabubuhay sa isang lugar na all year round ang baha? wala kang kuryente, me pangamba ka sa tuwing uulan, babagyo. anong uri ng buhay iyon? i-relocate na lang sila ng gobyerno sa mas magandang lugar. ganun talaga. masakit man sa mga naninirahan doon dahil doon sila ipinanganak, nag-aral, nainlab, nagkapamilya, etc. pero wala, e. kalikasan na mismo ang kanilang kalaban.
7. maximize the use of bodies of water.
bat ba puro kalsada ang bini build at puro kotse ang sasakyan? andaming daraanan sa tubig, o! ang tubig, hindi lang iniinom o siniswimmingan, puwede ring gamitin as transportation. magbangka tayo, wala pang polusyon. sa vienna nga, e tourist spot pa yan.
pero siyempre, dapat equipped ang bawat pilipino ng swimming skills. at dapat marami ang life vest. marami ang mamamatay kung araw-araw na mode of transportation ang tubig.
para sa akin, kung pabalik-balik ang isang bagay, ibig sabihin, bahagi ito ng kalikasan. kailangang gumawa tayo ng paraan para ang bumabalik na ito ay hindi na makasalanta sa atin. at hindi nakapang-uumit ng buhay.
bumaha man ay hindi na ito aabot sa pinakamahahalagang lugar. kasi wala na sa lugar na pinagbabahaan ang mga importanteng lugar na yan.
partial pa lang ang listahan na ito. pag nakaisip pa ako ng solusyon, dadagdagan ko pa ito. sana makatulong!
No comments:
Post a Comment