these past few days, na-realize ko na marami sa mga gusto ng ikinakasal, tulad kong bride, ay puro lang kaartehan.
nalulungkot ako kasi parang gusto ko ang mga nakikita kong photos ng bridal gown, style ng venue, bridal hair and make up, prenup video, bridal photoshoot at iba pa sa websites, magazines at blogs. ang ku cute ng mga detalye. ang gaganda ng kanilang kasal. parang perfect. kung magiging ganito rin ang kasal ko, feeling ko sasaya rin ako.
pero ngayong ako na mismo ang nag-aasikaso ng mga ito, naiisip ko na most of these are waste of money, resources, energy. nagmo-mobilize kami (ni poy) ng mga kaibigan/volunteer para sa aming kasal. para lang sa aming kasal. humihingi kami ng marami at sari-saring pabor para sa aming kasal. para lang sa aming kasal. andami naming binibili at hinahanda para lang sa aming kasal. andaming gastos para lang sa aming kasal.
i mean, sino nga ba ang makikinabang? kami lang dalawa ni poy. that fact makes me sad.
noong huwebes, nasa sta. clara de montefalco parish ako, sa may pasay. super lapit sa libertad lrt station. magulo rito, maraming sasakyan at tricycle, maraming side walk vendor, maraming karinderya, matao, parang malaking palengke na may mga major road sa gitna. ganyan ang peg.
hinihintay kong magbukas ang opisina ng parish church para kumuha ng baptismal certificate ko, na isa sa mga requirement ng magpapakasal sa simbahan. sa lugar na iyon, P. Burgos St., Pasay, nanirahan ang magulang ko noong 1980 at doon nga ako bininyagan, sa simbahan na iyon.
dahil sa tagal ng paghihintay ko, 2 hrs ang lunch break ng opis, nagpasya akong magtingin-tingin muna sa mga kalapit na sari-sari store. kaliwa't kanan ang tindahan na ang target customer ay mga estudyante ng sta. clara parish school at ng katapat nitong st. mary's academy.
isa sa mga tindahan doon ang nabilhan ko ng cute na ipit sa buhok at isang headband na dilaw. sabi ko puwede ko itong gamitin sa shooting ng prenup video namin sa linggo. bumili rin ako ng pambura at ilang sipit na may design na puso. kako puwedeng gamitin ang sipit na ito para sa pag-hang ng pictures namin sa araw ng kasal. maganda ito pag piniktyuran.
pagkabayad ko, lumipat ako sa kabilang tindahan. gusto ko pang mamili. naisip ko kelangan ko ng shok-shok na medyo sosyal tingnan, at isa pang headband na me bulaklak, para ulit sa prenup shoot sa linggo. para maganda ako tingnan sa video.
sa kabilang tindahan, andaming abubot sa buhok ang naka-display. naghirap ang loob ko kung 'yong pansagalang puting hair accessory ba ang bibilhin ko o iyong brown na headband na may puting bulaklak. antagal kong pinag-isipan ito. mga sampung minuto akong nakatayos sa tapat ng goods.
biglang nagkagulo sa labas. may sumisigaw na ale. yuung sigaw niya ay iyong tipong parang nanganganak. lumabas ako at automatic na hinanap ang may ari ng boses. isang babaeng mataba ang sumisigaw mula sa loob ng isang tricycle. pinagtitinginan na siya ng lahat. sumisigaw na rin ang driver ng tricycle. hindi kasi sila makadaan, kabit-kabit ang mga sasakyan. kaming mga nakatingin, nanatiling nakatingin.
sa isip-isip ko, shocks, pano to. baka mapaanak yong babae sa tricycle.
antrapik talaga, walang galawan. patuloy sa pagsigaw ang ale, humihingal siya at umiiyak. nakakapit siya sa may tengang bakal ng tricycle, tingin siya nang tingin sa kandungan niya. tapos mag-aangat siya ng tingin. masisindak sa hindi gumagalaw na mga sasakyan.
finally, umusog nang konti ang mga sasakyan. umarangkada nang konti si manong driver. napatapat na sila sa tindahan. sa tapat ko mismo.
hindi pala manganganak ang babaeng sumisigaw. sa kandungan niya ay isang batang lalaki ang nakahiga. parang estatwa. dilat ang dalawang mata.
shet worse pa ito sa panganganak, sa isip ko. tinitigan ko ang trapik. andaming nakaparadang kotse at tricycle sa tabi ng sidewalk. wala talagang madaanan. iyong mukha ng ale, pilipit na talaga, parang napapairi sa hirap. hiyaw siya nang hiyaw. walang kawawaan iyong hinihiyaw niya. ako man, baka kung anong ingay na lang ang gawin ko sa ganoong sitwasyon.
umusad ang mga dyip, ang mga kotse, ang mga kapwa tricycle. sumisigaw pa rin ang ale. sa isip ko, mas mabilis kaya kung itakbo na lang niya ang bata? gaano ba kalayo ang ospital na pupuntahan nila? ano na ang estado ng bata? may pulso pa ba? mayamaya, wala na sila sa paningin ko. siguro nakasingit-singit sa trapik hanggang makarating sa paroroonan.
bumalik ako sa loob ng tindahan. nawalan ng ganda ang mga tinitingnan kong palamuti sa buhok.
kanina lang ang laki ng problema ko: alin sa dalawa ang mas maganda? alin sa dalawa ang mas sulit? alin sa dalawa ang dapat piliin? tapos ano, biglang me ganitong eksenang susulpot sa tabi ko?
binabagabag ako ng konsensiya. oy, bebang, kaartehan mo lang ha utang na loob. me mas malalaking bagay pa kaysa sa iniisip mo ngayon. me mas malalaking bagay pa. tulad ng buhay at kamatayan.
Saturday, August 17, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment