Wednesday, January 30, 2013

Bagong Taon, Bagong Buhay


Ambango ng royal flush na nasa akin.
Basta’t umulpot at bumukadkad ang ten
Nitong aking Ace, King, Queen at Jack na flower,
Mapipitas ko na ang premyong bente mil.

Ngunit ano ito at panay ang ngiti
Ng mga kalaban kong kasingbusisi?
Ang inaabangan ng aking daliri
Ay na kay Vice kaya na suri nang suri?

Buo na ba ang baraha ni Abet Wahl?
Wari ay nagagalak ang kanyang kilay.
Si Ben Iling na sinta kong kaibigan,
Ipinampaypay pa ang lima n’yang pandan!

Lord, alam kong bihasa silang talaga
Pero ang premyo, sa ‘kin dapat mapunta.
Pambili ng handa para sa pamilyang
Ilang araw ko nang hindi nakasama.

Ang mam-bluff at magtimpi: sakit sa ulo,
Ayoko nang mag-poker. Last ko na ito.
Ang ipinapangako ko po sa Inyo:
Bagong taon, bagong buhay, bagong ako.

Pag nasilip ko na ang sampung bulaklak,
sasambulat ang aking pasasalamat.
Hanggang langit ang ingay ko at halakhak
Katunog ng mah-jong-an diyan sa tapat.

Isinulat ko ang tulang ito para sa MP 215, isa na namang penalty course ko sa UP. Ang teacher ko ay si Vladimeir Gonzales at ang ibinigay niyang assignment ay: sumulat ng isang awit (tulang may labindalawang pantig at apat na taludtod) tungkol sa alinman sa column A AT column B.

Column A Column B

poker pag-asa
sili-sili pagpapakumbaba

Kakatayin ang tulang ito sa Sabado, Feb. 2. Wish me luck!

Monday, January 28, 2013

Mga Batang Makata mula sa Lupang Pangako

Kahapon, nagturo ako ng tula sa mga batang taga-Gawad Kalinga, Cox Village, Payatas B, Quezon City. Na-shock ako nang makitang dalawa lang ang nagpatala sa writing workshop. Ang iba raw ay lumipat na sa Arts and Crafts. (Late si Ate Bebang, hmp!)

Noong umpisa, nahirapan akong i-introduce ang konsepto ng tugma sa dalawa kong workshopper. Inumpisahan ko kasi ang lahat sa may impit at walang impit. E, medyo komplikado ito dahil kahit araw-araw itong nararananasan ng mga Pilipino, hindi sila aware sa impit-impit na iyan.

Ang impit ay glottal stop. Parang may naiipit sa bandang lalamunan at ngala-ngala mo kapag bumibigkas ka ng salitang may impit. Paano ko ‘yon ipapaliwanag sa mga bata?

Anyway, nakausad naman ako mula rito. Humingi lang ako nang humingi ng mga salitang nagtatapos sa a at tinatanong ko sila kung may impit ba iyon o wala. So grouping-grouping muna kami ng mga salita according to sound of the last syllable.

Ang saya ko nang makapagsulat sila! Burger ang paborito nilang pagkain kaya tungkol dito ang isinulat nina Ryan at Shara. Naisip kong mas madali siguro kung tugmang katinig muna ang ituro ko. Kaya pinalista ko na rin sila ng mga salitang nagtatapos sa –ot, -ok, -is at iba pa. Tapos ay pinagawa ko sila ng tula tungkol sa mga salitang inilista nila. Nasa baba ang resulta.

May iba pang dumating na mga bata sa session namin. Kaya habang sumusulat ng ikalawa/ikatlong tula sina Ryan at Shara, tinuruan ko ang mga bagong dating.

Basahin at namnamin ang kanilang mga akda. Enjoy!

(Ito ang sample ng tugmaang walang impit sa "A".)

Ang Tungkol sa Aming Papa, Mangga, Santa at Bola

Bumili kami ng burger kasama si Papa.
Bumili rin kami ng santol at mangga.
Nakita namin noong Pasko si Santa,
Maglalaro sana kami ng batuhan-bola.
-Ryan O. Palmones, 11 taong gulang, Grade 5 student sa Lupang Pangako Elementary School



Ben-10

Niligtas ni Ben-10 ang buntis.
Ang buntis ay kumain ng mais.
Ang mais pala ay panis.
Kaya bumili uli siya ng mais na matamis.
-Ryan O. Palmones, 11 taong gulang, Grade 5 student sa Lupang Pangako Elementary School


(Ito ang sample ng tugmaang walang impit sa "O".)

Sa Payatas-Aklan

Nakakita kami ng multo.
Sumakay kami sa malaking lobo.
Bumagsak kami sa bato.
Nabukulan kami sa ulo.
-Ryan O. Palmones, 11 taong gulang, Grade 5 student sa Lupang Pangako Elementary School


(Ito ang sample ng tugmaang may impit sa "A".)

Naggawa si Papa ng bintana
Upang makakita ng tala
Ngunit ito ay nabasa
Baka nasabuyan ito ng suka.
-Merry Grace F. Candido, 12 taong gulang, Grade 4 student sa Lupang Pangako Elementary School

(Ito ang sample ng tugmaang walang impit sa "O".)

Sa Court

Pagkatapos naming maglaro ng sipa, naglaro kami ng lobo.
Kumain din kami ng puto.
Bigla kaming nakakita ng multo.
Tumakbo kami at nabangga namin ang lolo.
-Shara Marie C. Andres, 10 taong gulang, Grade 4 student sa Lupang Pangako Elementary School


Sailor Moon

Si Sailor Moon ay kulot.
Ang kanyang aso ay may mahabang buntot.
Ang kanyang kaibigan ay kumain ng balot.
Ang kapatid niya ay kinagat ng surot.
-Shara Marie C. Andres, 10 taong gulang, Grade 4 student sa Lupang Pangako Elementary School

(Ito ang sample ng tugmaang walang impit sa "A".)

Paborito kong Burger na May Itlog

Pagkatapos kong kumain ng burger na may itlog, kumain ako ng mangga.
Ang ketchup ng burger ay natapon sa kurtina.
Gumawa ako ng drama.
Pero ako pa rin ang nagtapon ng lahat sa basura.
-Shara Marie C. Andres, 10 taong gulang, Grade 4 student sa Lupang Pangako Elementary School

Basketball

Minsan, naglalaro ako ng basketball nang nagpapanik
Dahil nakatama ako ng biik.
Pagkatapos mag-basketball, kami ay nagpiknik.
Ang dinaanan namin ay kalsadang batik-batik.
-Jhon Vincent R. dela Bajan, 12 taong gulang, Grade 6-Meteor, Lupang Pangako Elementary School

Tungkol sa Pag-aaral

Kahit laging tag-araw ang panahon,
Nag-aaral ako taon-taon.
Kinse ang aking baon-baon.
Kapag kumakain ako, walang natatapon.
-Jessa Martinico, 12 taong gulang, Grade 5 student sa Lupang Pangako Elementary School

Pasahan

Pumunta kami sa iba’t ibang pook.
Pagkauwi namin, nakawala ang manok.
Nakita namin sa lamesa, saging na bulok.
Nahuli na ako ng pasok, nagpasahan na sila ng notebook.
-Jeralyn Libores, 9 na taong gulang, Grade 3 student sa Lupang Pangako Elementary School

Pagkatapos ng buong umagang pagsusulat at workshop, time to present na. Siyempre pa, ang stage mother persona ko ay biglang nag-take over. Piniktyuran ko sila habang tumutula sa harap. Pagkatapos ng bawat tula, marami ang tumatawa mula sa hanay ng mga Pinoy na volunteer at pumapalakpak talaga sila sa mga workshopper ko (Meron kasing Korean, Taiwan at Australians na volunteers, e hindi naman sila maka-relate dahil sa wikang Filipino sumulat ang lahat ng bata).

O di ba, one proud mama lang ang peg?

Congratulations, kiddos! Hanggang sa uulitin!


Ang mga tula ay ipinost dito nang may pahintulot mula sa lahat ng may akda.

Friday, January 25, 2013

Unti-unting mararating....

yay nagkakakorte na ang mga pangarap hahahaha

ninongs and ninangs na naabisuhan na

sir rio
sir vim
mam marot
mam ruby
sir joaquin
mam jeanette

bukas kakausapin ko si sir ricky. at eemail ko na ngayon si mam alma.

gown-si tin na raw. shocked ako kasi akala ko ay joke lang yun. but no, mapilit ang generous na tin ocenar. at ako naman ay willing recipient hahaha

cake-mam becky. nagkita kami nung isang araw, di ko napaalala nahiya ako e

souvenir-mga kapatid ni poy, i really want bookmarks crocheted by mam linda bulong, isang writer from ilocos, ang alam ko sideline niya ito.

bridal car- museo pambata mobile library (ay, may konting cash out ito. 5k. kailangan ko nga palang ipaaalala sa kanila ang napag-usapan namin!)

program management-philip kimpo, jr. siya ang bahala sa order ng mga magpe-perform sa wedding reception

hosting sa wedding reception and program-eros and eris

photography-rita, wasi and beng i love you friends

performers- ej (wushu), sir joel malabanan, lira poets, to follow na yung iba. sabaw na ang utak ko.

avp ng prenup- jon lazam

lcd projector-media monsters/wendell clemente

invitations-mam nida/visprint

super thank you talaga para sa super friends! HUGS!!!

Thursday, January 24, 2013

Para sa mga kalahok ng Pinoywrimo (November 2012)

Para ito sa Pinoywrimo participants. Pero ito rin ang gagamitin kong structure para sa talk ko bukas sa PNU. Tungkol naman 'yon sa maikling kuwento. Yey! Nakatapos din!



Mahal na kalahok ng PINOYWRIMO:

Binabati kita sa iyong pagsali sa challenge na ito. Pero bago ang lahat, gusto kong mag-sorry at ngayon ko lang naisulat ang mga tip sa pagsusulat ng nobela. Matagal magproseso ang utak ko basta’t para sa sulatin. At hindi na rin ako nagulat na hindi ako nakaabot sa deadline na ibinigay ni Tina Matanguihan(November 15 paaaaa). Kaya, sori na.

Maiba tayo, alam mo ba na ang una kong aklat ay isang erotikong nobela at halos limang buwan ko itong isinulat? Hindi pa kasama diyan ‘yong conceptualization phase na, unfortunately, ay mas matagal! Kaya naman, isang mabigat na challenge talaga itong ginagawa o ginawa mo sa PINOYWRIMO. Saludo ako sa ‘yo.

Ngayon, dadako naman tayo sa aking munting payo sa pagsusulat ng nobela.

Tatlong bagay lang ang gawin mong interesante at solb ka na sa nobela mo.

1. Tauhan

Siyempre, dapat ang tauhan ay interesante. Di ba laging tauhan ang pinakanaaalala natin sa mga paboritong babasahin at pelikula? Sinong makakalimot kina Ibarra, Maria Clara, ang mag-irog na Florante at Laura, kay Eponine ng Les Miserables, kay Nemo?

Kung boring ang tauhan mo, sino ang mahahalinang magbasa ng kanyang activities, likes, dislikes, crush, thoughts, feelings, everyday life?

So kailangan talaga interesting ang ating tauhan.

Pero hindi naman kailangang lagi siyang explosive. Baka naman lahat na isangkap mo sa tauhan mo para lang maging unforgettable siya at interesting tapos wala namang meaning at koneksiyon ang trabaho at characteristics niya doon sa buong naratibo ng nobela. Ay, walang kuwenta ‘yong ganon.

Kasi puwedeng-puwede namang pangkaraniwan lang ang iyong tauhan. Tulad mo, tulad ko, tulad ng simpleng mamamayang Filipino. Pero magiging unique pa rin siya at interesante kung lalagyan mo siya ng kakaibang ugali o katangian para mag-stand out sa tauhan ng iba pang nobela.

Sa nobela kong Mingaw, isang pangkaraniwang mag-asawa lang ang mga bida ko. Childhood sweethearts sila na sobrang adik sa pagsusulatan sa isa’t isa. Kahon-kahong love letters at sweet notes ang ibinunga ng kanilang relasyon. After some time at di na mapigil ang panggigil, napasubo sa maagang pag-aasawa ang dalawa kasi nabuntis si babae. Nang magkaanak sila, tulad ng karaniwang pamilya, gusto nila ng magandang buhay kaya nag-decide na mag-abroad si lalaki.

O, di ba, napaka-common ng mga tauhan na ‘yan? Pero ano ang catch? ‘Yong pagkaadik nila sa pagsusulatan! Na siyang naging sagot sa problema nilang mag-asawa. Ano ang problema? Tatalakayin ko mamya sa number 2.

Alam mo, natural sa mambabasa ang ma-focus sa tauhan ng isang nobela. Kasi minsan, ginagamit niya ito para sukatin ang sarili. Habang nagbabasa, tatanong-tanong siya sa sarili: Masama ba akong tao kumpara sa tauhan na ito? Kung ako ang mapunta sa sitwasyon niya, gagawin ko rin ba ito? Para palang ako ‘yong bida, mahilig mag-travel mag-isa!

Lahat naman ng tao, may kakaibang kombinasyon ng ugali at katangian. At 'yan ang ilalapat mo sa iyong mga tauhan. Kahit gaano sila kaordinaryo pero may kakaiba naman silang ugali plus katangian (yes, para bagang combo meal), tiyak na maho-hook sa iyong tauhan ang mambabasa.

By the way, ang tauhan ay hindi kailangang laging tao. Puwede itong maging bagay, hayop, pagkain, bahagi ng katawan, lugar at iba pang category sa Pinoy Henyo. So many to choose from, di ba? Pumili ka ng isa at bigyan siya ng unique na combo meal (ugali + katangian), ayan, may interesante ka nang tauhan.

2. Conflict o problema

Kung walang problema, walang nobela. Kaya kailangan, magkaroon ka niyan. Ang nobela, parang life, tandaan mo. Pag tayo, nawalan ng problema, ay, ang saklap, sobrang boring ng buhay natin. Ano, kain, tulog lang? Anong uri naman ‘yan ng buhay? Na-imagine mo? So dapat, may problema tayo whatever happens.

Unfortunately, hindi nabibili ang problema. (Kung meron lang nito sa 711, naku, tiyak na magiging opisyal na tambayan na ‘yan ng mga writer.) Kailangan talagang pigtasin ito mula sa isip. Makaisip ka lang ba ng problema, solb ka na? Hindi, a. Kasi hindi lang basta problema ang dapat mong ihain sa isang nobela, kundi problemang super interesante. Ibig sabihin, very challenging, hindi para sa ‘yo o sa mambabasa kundi para sa tauhan mo.

Sa isang maikling akda ng manunulat na si Eros Atalia, may conflict ang pisikal na katangian ng bida sa pangarap niya sa buhay. Gustong-gusto niyang maging mahusay na holdaper. Ang problema, ngongo siya, at maralita, walang perang pampaopera ng cleft lip! Minsan siyang nangholdap ay pinagtawanan lang siya ng mga hinoholdap niya. Ang problema niya, hindi siya sineryoso ng mga tao pag sumigaw na siya ng "olnap no!"

Sa nobela ko naman, ‘yon ngang Mingaw, ang naging problema ng batambatang mag-asawa ay ang zero sex life pag-abroad ni lalaki. No’ng time na sinusulat ko ang Mingaw, nagtataka ako kung bakit walang sumeseryoso sa problemang ito ng mga OFW at ng mga asawa nilang naiiwan sa Pinas. Bakit parang hindi ito natatalakay? Mayroon bang mga forum para dito? May concrete steps ba ang gobyerno para dito? Ang laking problema nito, ha? Imagine, kaliwa’t kanan ang ilegal na relasyon dahil nga sa seksuwal na pangangailangan ng isang tao lalo pa’t nagkaasawa na siya bago mag-abroad. At ilang pamilya ba ang nawawasak ng mga ilegal na relasyon na ‘yan? Ilang bata ang napo-produce ng mga ‘yan? Hindi kaunti. Kaya hindi biro at dapat lang na seryosohin.

Anyway, sa Mingaw, ang problema nila ay kung paano maiibsan ang pangungulila ngayong magkalayo na sila. Ang solusyon ng bidang mag-asawa ay isulat ang kanilang mga desire sa isa’t isa. Di ba nga adik sila sa sulat-sulat? So, ayun, nagpalitan sila ng mga erotikong sulat/email. Doon nila idinetalye ang mga dati nilang ginagawa sa kuwarto at ang mga plano nilang gawin (sa kuwarto pa rin) pag-uwi ng lalaki mula sa abroad. So nagkakaroon ng release sa sexual tensions ng kanilang katawan. (‘Yan naman ang magic ng writing. Nakakapag-release ng kung ano-ano.) Sumapat ba sa problema ang naisip nilang solusyon?

Secret.

Joke lang.

Mababasa mo sa ibaba ang sagot.

Balik tayo sa writing, so dapat relevant ang conflict sa mga tauhan lalo na sa mga bida at kontrabida. At dapat din, realistic. Realistic hindi sa lipunan mo kundi realistic para sa tauhan at sa lipunang ginagalawan nila. Kunwari malaki ang conflict, bibigyan mo naman ng higanteng tools at equipment ang mga tauhan para makatulong ang mga ito sa paglutas ng conflict.

Tandaan ang mga batayang uri ng conflict:

Conflict sa sarili o sa loob,
Conflict sa kapwa
At conflict sa kalikasan.

Para maging interesante, puwede mo ring i-combo meal ang dalawa o lahat ng conflict na iyan para sa iyong tauhan. Basta ba, realistiko nilang malulutas ang inilatag mong mga problema.

Puwede mo ring lagyan ng mga subplot para mas maging interesting ang problema.

Sa Mingaw, nagkaroon ng relasyon si husband sa kasama niya sa pabrika sa Korea. Ang karelasyon niya ay isang tipikal na single Pinay, mabait, maambisyon at mabilis mainlababong tunay. Si wife, nagkarelasyon sa tatay ng estudyante niyang pre-schooler. Biyudo ang tatay ng estudyante at malaon nang naghahanap ng magmamahal sa kanilang mag-ama. Actually, kapwa sila naghahanap ng pagmamahal nang time na nagkalapit sila sa isa’t isa (si wife at si biyudo).

Puwedeng ituring na pang-hook sa mambabasa ang mga subplot pero ‘wag mong kalilimutan na subplot lang sila. Bigyan mo sila ng moments to shine sa iyong nobela pero ibalik mo pa rin ang 100% ng atensiyon ng mambabasa sa paglutas ng mga bidang tauhan sa problema later on. Kumbaga, ang mga subplot, tools mo lang iyan para hindi maumay ang mambabasa pero at the same time, supportive ang subplot sa pagharap ng mga bidang tauhan sa kanilang problema.

(Si Eponine at ang kanyang buhay ay isang magandang halimbawa ng subplot! Hay, kapapanood ko lang kasi ng Les Miserables.)

3. Wika

Kung boring ang wika mo, hindi ka dapat maging manunulat. Ke tula ang sinusulat mo o maikling kuwento o dula o nobela o sanaysay, kung boring ang wika mo at paraan ng pagpapahayag, I say quit. Now na.

See, ang pagsusulat ay laro sa mga titik, salita at pangungusap (TSP). Ang mga pintor, ang nilalaro nila ay shades, shapes at colors. Tayo, mga titik, salita at pangungusap (TSP) kaya dapat hindi ka mauubusan ng palaro gamit ang TSP.

Lagi mo ring isasaisip ang iyong mga tauhan kapag naglalaro ka na ng TSP. Hinding-hindi mo mapaghihiwalay ang TSP sa kapaligiran o lipunan ng iyong mga tauhan. Unless, ang gusto mong gawin ay comedy o absurd. Halimbawa, ang setting mo ay panahon ng Kastila pero jejemon ang wika ng lahat ng tauhan pati ng buong nobela. Puwede. (Hindi ka naman makukulong or something.)

So paano ba maglaro? Try mo ito: sabihin sa “mapaglarong” paraan na mahal ng bida mong tauhan ang teacher niyang hunk na chef sa culinary school. Gagamit ka ba ng mga salita mula sa milieu ng tauhan mo: luto, umuusok, mainit, hiwain ang hotdog, garnish, nagmumurang kamias, sauté, serve hot? E, paano kung hindi pala type ni hunky chef ang bida? At kailangan mong sabihin ‘yon nang hindi nanggagaling mismo sa bibig ni hunky chef! Gagamit ka ba ng TSP na tadtad ng ganito: mantikang tulog, ibabad sa malamig na tubig, banlawan muna ang ingredients, ihalo nang ihalo hanggang matuyo?

Eto pa: kunwari naman ang bida mo ay isang bagong dive instructor (teacher ng scuba diving) na may kahindik-hindik na karanasan sa mga librarian noong siya ay paslit pa lang. Tatalon na sila sa dagat nang matuklasan niyang librarian pala ang kauna-unahan niyang estudyanteng tuturuan ng scuba. Subukan mong isulat ang damdamin ni dive instructor kapiling ang librarian sa ilalim ng dagat. Paano ba inilalarawan ang fear sa ganitong pagkakataon? Pagsasanibin mo ba ang TSP mula sa mundo ng scuba divers at ng librarians?

Importante rin ang consistency sa wika all through out the novel. Ang wika kasi ang lumilikha ng mood o ng ambience. Halimbawa sa pelikula, umpisa pa lang, alam mo na kung horror o suspense ang pinapanood mo, tama? Kasi ‘yong anggulo ng mga shot, ‘yong lighting, ‘yong kulay ng mga bagay-bagay, ‘yong make up ng tauhan, nakakatakot agad, parang di mapapakali ang puwit mo.

Sa nobela, sa pamamagitan ng TSP mo lang maipapakita ang lahat ng ito. Kung horror o suspense ang isinusulat mo, makakatulong kung ang pipiliin mong TSP ay may negatibong kahulugan o iyong nagdudulot agad ng fear. ‘Wag mo nang hintayin na ang sitwasyon ang maging nakakatakot. Gamit ang wika, ipahiwatig mo agad na nakakatakot ang babasahin kahit sa umpisa pa lang ng iyong nobela.

Ayan. Matatapos na ang letter ko! So remember, sa pagsusulat ng nobela, tatlo lang ang bagay na kailangan mong gawing interesante: ang tauhan, ang conflict o problema at ang wika. Hindi ‘yan madali, alam ko, dahil katakot-takot na pag-iisip ang dapat na ibuhos dito. Pero gayon naman ang pinakapaborito nating mga babasahin, di ba? Mga bunga ng masinsing pag-iisip ng malikhain AT MATITIYAGANG nobelista.

Good luck at pakaaabangan ko ang iyong mga akda, kalahok ng PINOYWRIMO!

Hanggang sa muli,
Bebang Siy

PS Kung may violent reaction, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com.


Reservations

Noong nagpa-reserve kami (15 Enero 2013), me pumasok na weird na feeling sa akin.

'Yong nag-asikaso kasi sa amin sa office ng san agustin church sa intramuros ay napaka-indifferent, impersonal na ale. heto kami sobrang excited at novice na novice (ay wala pang kinakasal ni isa sa pamilya namin hahahaha first sa magkakapatid sa side ko at sa side niya), at nangangailangan ng matinding payo dahil hindi na available ang oras na gusto namin sa petsang napili namin.

lilipat ba kami ng araw? before or after the chosen date? okey bang magpakasal nang maagang-maaga o late na late para lang available pa rin ang simbahan before or after the wedding? advisable ba kung sisiksik kami sa sunod-sunod na kasalan? paglabas namin ng simbahan, may nakasunod na bang entourage ng ibang tao? okay ba 'yon? saan kami magsasabuyan ng bigas, barya at confetti? paano ba ang bulaklak sa aisle? papalitan ba ito every wedding? may nagpapakasal ba nang tanghaling tapat?

andami naming tanong pero hindi namin maitanong kasi 'yong babae sa san agustin church office, talagang ipinapakita niya na busy siya. nag-i-stapler, nakikipag-usap sa isang officemate, nagsasalansan ng papeles, nagsusulat, nagco-computer, nagka-calculator. ni hindi siya tumitingin sa amin.

nag-angat lang siya nang tingin nang una kaming pumasok at nagtanong. dito po ba nagpapa-reserve para sa kasal? tiningnan niya kami tapos iniabot na ang reservation notebook. ayun na. hindi na kami tiningnan uli.

hay. wish ko lang talaga sana mas sensitive ang mga taong inilalagay sa ganitong posisyon. napaka-emotional kaya ng kasal. at sa umpisa pa lang, sa pagpapa-reserve pa lang ng simbahan, sari-saring emotions na ang nararanasan ko, e simpleng bride to be lang naman ako, pano kaya para doon sa mga mas komplikado ang pinagdadaanan?

anyway, konti na lang ang slots na naiwan for weddings. sabi ko, sana 2pm para mga 4pm nandun na sa reception (malayo sa church ang una naming naisip na reception venue). tapos hanggang gabi na dun sa venue. dahil best ang venue na iyon kapag gabi.

kaya lang may nag-pencil reservation nang 2pm. at isang buong araw daw ang effectivity nito so bukas pa malalaman kung tutuloy ang nagpa-reserve o hindi.

kelangan daw naming bumalik sa kanya nang 530 pm kinabukasan (kasi 530 pm nagko-close ang office nila) para makapagpa-reserve at makapag-downpayment. Kasi till 530pm pa nila hihintayin ang naunang couple na nagpa-reserve. Kung mas maaga sila nagpunta, okay, mas maaga masasabi sa amin ng ale kung open na ang slot o hindi.

pero kelangan nandun kami, nakaantabay para malaman kung matutuloy nga ba sila o hindi.

suggestion ko, magpapa-reserve at magda-downpayment na po kami ngayon. 11 am. pero kung hindi matuloy ang naunang couple puwede po kayang ilipat na lang kami sa 2pm?

hindi raw puwede. kasi raw ibibigay niya sa amin ang resibo after naming mag-down. at kelangan palitan ang nakasulat sa resibo kung ipapalipat ang time slot.

sabi ko, iiwan namin ang resibo sa kanya para siya na ang magpalit ng time slot into 2pm (kung available pa nga ang 2pm time slot by tomorrow) tapos anytime during office hours any weekday, saka namin pipick up in ang resibo (with correction). at least hindi kami nate-tense na kelangan by tomorrow ay bumalik kami doon para mapapalitan ang oras. kasi nga puwede namang siya ang gumawa noon. ibibigay lang namin sa kanya ang resibo ngayon.

kung sakaling matuloy nga ang couple na nagpa-reserve sa 2pm time slot, e di as is. wala siyang babaguhin. itatago lang niya ang receipt na kapirasong papel lang naman. at hindi na kami mapapagod pumunta pa doon. babalikan na lang namin ang receipt kapag mas libre na ang oras namin.

hindi pumayag ang babae. hindi raw puwede yun. tapos sabi ni poy, hayaan mo na, tutal nasa maynila naman ako bukas, dadaan na lang ako rito. sinabi niya ito sa harap ng babae. hindi pa rin tumitingin ang babae sa amin. wala itong sinabi, ni ha, ni ho, busy talaga!

hindi na ako umimik. nainis ako kay poy. bakit niya naman babarahin ang suggestion ko? sa harap pa ng taong pinakikiusapan ko? di ba? e di tumangos ang ilong ng babae, lalong hindi mapakisuyuan ng kasimple-simpleng bagay?

doon na natapos ang pagpapa-reserve namin. nag-down kami (8k) at babalik si poy kinabukasan, dala ang resibo, para i-check kung tutuloy nga ang naunang couple o hindi. sabi ko, tawagan na lang muna niya ang san agustin bago siya dumiretso doon para di na niya kailangang pumunta ng intramuros sakaling matuloy nga ang couple na naunang nagpa-reserve sa 2pm slot.

dumaan kami kay sta. rita paglabas namin ng opisina. (kung papasok kayo sa loob ng san agustin, matatagpuan si sta. rita sa kaliwang bahagi sa pinakaunahan kapag humarap ka sa retablo/altar.) nag-thank you kami at natapos na ang unang hakbang.

ang sa akin lang, people who are into wedding events, especially the church/office people, should be more considerate when they deal with couples. dapat mas sensitive sila kaysa sa karaniwang tao. hindi dahil sumusuweldo sila mula sa mga wedding na ginaganap sa simbahan nila at tumatabo ng limpak-limpak na salapi kada oras ang simbahan sa bawat nagpapakasal, kundi dahil ang kausap nila ay mga taong pinili ang simbahang ito para maging bahagi ng habambuhay nilang pagsasama.









Tuesday, January 22, 2013

Anong petsa na?

yay! eto na! hahahaha 11am san agustin! dec 2013. ang petsa, secret pa muna hahahaha! ang clue, blockbuster ito! by the time na nakapag-downpayment kami (P8000), puno na ang sked ng church that day. meron nang 9 at 10 am.

meron nang 2, 3, 4 pm. ang 5pm ay para sa misa. bakante ang 6 at 7pm. pero sino naman ang gustong magpakasal nang ganyang oras? hahahaha ang didilim ng photos

ngayon, ang next na problem ay venue. di puwedeng masyadong malayo dahil gutom na ang mga tao by the time na matapos ang seremonyas.

heto ang mga pinag-iisipan namin:

1. tramway sa roxas boulevard-reco ni marie kagabi. at ni maru.

pros

mura! P200 plus lang buffet na. dami nang pagkain at one to sawa ang pagkain! so
kahit 300 ang pumunta, game!

malapit-lapit. along roxas boulevard lang. malapit sa traders hotel.

kung magkulang ng food, andiyan lang ang lutuan hahahaha! order lang nang order

cons

di ko alam kung may sapat na parking.

hiwalay ang bayad sa venue. medyo mahal kasi 3 hours lang ang kasama dun sa bayad. so pag lumampas ng 3 hrs, patak na. parang metro ang bayad.

di ko pa alam kung may sapat na space for x number of guests.

walang drinks yung P200+

di ko pa ito nakikita so di ko alam kung maganda. batay sa mga photo na nakita ko sa internet, mukhang maliit. pero mukhang presentable naman.

kelangan pa itong dalawin. dahil nga di ko pa nararating, di ko pa nakikita.

till 3pm lang pala ang venue kung kukunin namin ito starting 12 noon. naku e yung programa pa lang namin till 4am na e hahahaha

walang kinalaman sa aklat :(


2. ramon magsaysay

pros

malapit-lapit. along roxas boulevard lang. katapat ng diamond hotel kung di ako nagkakamali.

maganda yung place. though di pa ako nakakapasok dito, maganda ang nakikita kong photos sa internet. maganda rin ang feedback ng mga bride dito.

foundation ito so kung sakali man na magbabayad nga kami, mapupunta naman sa foundation ang bayad.

malawak yung place.

me library sila. baka puwedeng ibaba ang ilang shelf para sa background ng stage!

cons

ang alam ko mahal dito. pero may plano na ako. puwede akong mag-propose sa kanila ng project through kiel. yey! good vibes, good vibes!

ayun lang yata ang con dito

3. kaisa

pros

napakalapit sa church

may library sila, pwede rin siguro ibaba ang ilang shelves for the background? hahahaha

gusto ko ito kasi cultural. museo! hello! fan ako ng museo na ito.

very well-maintained.

cons

mahal dito. 35k ang venue. pero magpo-propose kami kung sakali.

baka sarado ito sa araw ng aming kasal :(

pang-250 ang venue. baka sakto lang kaming lahat dun hahaha pano na ang pangarap kong book fair?


hay. pero gusto ko talaga, sa isang library! pano kaya ito?

siyanga pala. right after naming magpa-reserve, nag-away kami ni poy. naku kinabahan ako. sabi ko, shet kaya ko ba to habambuhay? kaya ko bang magpasensiya? kaya ko bang wag maging mainitin ang ulo habambuhay? kinabahan ako. after a few days, nag-away uli kami. nag-may i come again ang mga tanong. tapos nag-iyakan pa kami ni poy. kaya ba natin to? habambuhay? paulit-ulit kami sa isa't isa.

tapos nahimasmasan kami. sabi namin sa isa't isa, hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan.

Wednesday, January 16, 2013

Aklas, ang literary folio ng PNU

Kahanga-hanga ang koleksiyong ito ng mga akda ng kabataang manunulat mula sa Philippine Normal University. Litaw hindi lamang ang husay nila sa paglalarawan ng mga damdamin, sitwasyon, at lunan kundi maging ang malalim na pag-unawa sa mga tunggaliang panlipunan. Nangangahulugan lang ito na kahit bata pa ang mga awtor ay gagap nila ang implikasyon ng mga tunggalian sa personal na antas at sa kanilang buhay bilang mga estudyante.

Bagama’t may pagkaseryoso ang kabuuan ng koleksiyon, mababakas pa rin ang siste sa mga akda sa pamamagitan ng pagsuri sa mga piniling:

a. paksa na nagre-range mula sa pagnanasa, pagpatay sa mga mamamahayag, kalokohan ng ilang alagad ng Simbahang Katoliko, pag-aagawan sa Gazzupra hanggang sa pagiging emo;

b. punto de bista na nagre-range mula sa mga biktima ng aborsiyon, promodizer sa mall, estudyanteng pumatay dahil sa inggit hanggang sa tindero ng yema at pastillas sa bus;

c. himig na nagre-range mula sa nagpapatawa, melodrama, palaban, nag-uurirat, sarkastiko hanggang sa napopoot;

d. at anyo na nagre-range mula sa tradisyonal na tula at kuwento hanggang sa flash fiction/dagli, concrete poem, tulang mukhang exam dahil sa multiple choice sa loob nito, at mga kuwentong hindi linear.

Magmumula sa hanay ng mga manunulat ng Aklas ang bagong dugo ng panitikang Filipino. Buong-buo ang pananalig ko rito.

-Beverly W. Siy
Manunulat

Thursday, January 10, 2013

Siynoto? by Skeeter Labastilla

Ang alam ko, may kakilala akong Bebang noong college. Naka shorts at T-shirt at madaldal, parang ang dami na nyang napagdaanan kahit magkasing edad lang kami. Hindi ko alam ang apelyedo ni Bebang. Hindi ko rin matandaan paano kami nagkakilala. At lalo namang di ko alam kung saan siya nakatira. Yun lang. Bebang.

From my recent trip in Dumaguete, nagdala ako ng pasalubong kay Sanda. Si Sanda ang una kong nakilala sa Dumaguete nung mga I'd Like to Travel Alone-days ko in 2006 dala dala ang Lonely Planet. Skeeter Labastilla of Room 134 ang una nyang sabi sa akin. Sya si Sanda Fuentes of Room 111. Dorm mate ko sa Ilang-ilang. Graduate ng Economics si Sanda, ako namay Graduate ng Communication Research. Wala kaming common friends. Ang common lang namin-libro. Binigyan ko sya ng Wander Girl by Tweet Sering noong 2007. Main character si Sanda sa librong yun. Graduate sa isang sikat na unibersidad, pinauwi ng Nanay sa probinsya para mag-manage ng Travel Agency. At ang pangarap niyang makapag-wander around ay isang malaking wonder when pa rin hanggang ngayon.

Habang umoorder ako ng kinilaw sa restaurant na minanage niya (na facing the sea), ay bigla niyang inabot sa akin ang librong manipis, na mali ang grammar ng title.

It's a Mens World.

"Ano to?" tanong ko.

"Pantapat ko sa Wander Girl...pakiramdam ko ikaw ang bida ng librong yan," sabi ni Sanda.

"Ano, wrong grammar? " sagot ko.

"Hindi...oo, parang wrong pero right."

Kahit puyat galing sa magdamag na Reggae Night sa Hayahay, agad-agad kong binasa ang libro pag-upo ko sa eroplano pauwing Manila. Bebang Siy. Siynoto?

Pamiliar ang style ng pagsulat ni Bebang Siy. Parang nung crush ko nung college na lahat nagsasabing bading pero ipinaglaban kong hindi. Si JP. Naging editor in chief sya ng Kule. Noong hindi pa siya sikat, kaklase ko sa sa creative writing. At paborito sya ng professor naming si Sir Vim Nadera. Uno ako nun, pati ang barkada kong si Rene Facunla. Na nung sumikat ay nagpalit ng pangalan. Ate Glow.

Chapter something near the end na ako ng libro nung nakarating ako ng bahay. The whole time, pinangarap kong sana makilala ko tong taong to sa personal. Parang nung nakilala ko si Tweet, kaswal lang. 5 years after ko nabasa ang libro nya, may wine tasting sa Makati. Rant ng rant yung kaibigan ko sa karelasyon nya. Ilang oras ko syang sinamahan pati yung high school friend nyang smart. Yun, pauwi't lasing na kami, saka ko nakuha ang pangalan ng friend ng friend ko. Si Tweet. Sarap i tweet.

Second to the last chapter na, nasa sofa na ako ng bahay. Parang nagbabasa ako ng sulat na hindi para sa akin. Tungkol ito sa email exchange ni Bebang Siy at isang Alvin. Yumanig ang mundo ko nung nabasa ko ang pangalang Eris. Bwakananginangshet.

Isa lang ang Eris na kilala ko. Barkada ko nung college. Sagada-mate at miyembro ng pinakamamahal kong grupo sa college—HINDI POP GROUP. Eris ang pangalan ng sinabi ni Bebang Siy na best friend nya. Eris! na walang apelyido. Bebang, na walang apelyido! Last chapter na. Siynoto!?

Nagtapos ang lahat sa isang napakalakas na hagulgol, nung nabasa ko ang ACKNOWLEDGEMENT.

Eris Nucum-Atilano.

Buong pangalan ng barkada ko nung college ang best friend sa totoong buhay ni Bebang Siy. Hagulgol dulot ng di ko maipintang karamdaman. Galak. Yun ata ang title ng feelings ko. Pwede ring gawing English translation na Closure. Isang malaking tuwa ko na nakilala ko ng lubusan si Bebang, na naka shorts at T-shirt at madaldal noong college, ay isang batang lumaki sa lansangan, lumaki’t nagsumikap, nadapa at bumangon, natakot at nakipaglaban, naligaw at nagmahal.

Isang buong pasalamat ko sayo Bebang, na pinanganak ka sa world na ito, at sa saglit na pagkakataon, ay nakilala kita ng lubusan.

Skeeter C. Labastilla

Ito ay ni-repost nang may permission mula kay Bb. Labastilla. Isinulat niya ito noong Agosto 17, 2012. (Pero ngayon ko lang nai-post!) Thank you, Skeeter! Happy 2013!

A WOMAN’S WIT AND PRUDENCE by Lablynn Yvette F. Bautista

A WOMAN’S WIT AND PRUDENCE: BEBANG SIY’S

“IT’S A MENS WORLD” IN A FEMINIST VIEW

by

Lablynn Yvette F. Bautista



A major paper submitted to Dr. Leonora Fajutagana of
University of the Philippines Los Banos
in partial fulfilment of the requirements for
COMA 201: Critical Approaches to Communication Studies


Los Banos, Laguna
October 19, 2012



I. ABSTRACT

This paper examines how a Filipina woman used her wit and prudence in freeing herself through writing. Bebang Siy’s book “It’s a mens world” is a collection of 20 essays, it tackles the life of an ordinary Filipina with Chinese ancestry, from her childhood memories to womanhood and more things. Through this book, I will analyze the writing style of the author, the political feminism in the book focusing on the five foci of woman’s writing and the essence of the book in our lives as a Filipina in a feminist view. The Reader Oriented Approach can also be seen in my analysis.

II. THE AUTHOR AND THE BOOK

A. Brief Introduction of the Author

Beverly Wico Siy a.k.a Bebang Siy was born on December 10, 1979 in Quirino, Manila. Her parents are Roberto Siy and Resurreccion Wico. She is the eldest of five daughters. Her father was Chinese and died from a heart attack when she was 15. Her mother is a Filipina.

She took up BA Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) in the University of the Philippines Diliman. She graduated cum laude in 2002. She immediately signed up for MA Filipino, major in Literature. Bebang became the youngest member of UMPIL or Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas' Board of Directors in 2004-2010. She also served as the president of Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) in 2007-2009. LIRA is the premiere and the oldest organization of Filipino poets who write primarily in the national language. She is a single mom to her son, Sean Elijah—“EJ” for short. She is the Executive Officer for Membership and Documentation of Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), an organization of authors and publishers that helps fight for the economic rights of copyright holders.

B. The Title of the Book: “It’s a mens world”

At first, one may think that the title is just a typographical or grammatical error but it’s not. The book portrayed a girl-woman’s experience of the world as her title would indicate. Some see it as a play on both the idea of males and the colloquial term for menstruation—mens. When I read the back of the book, I also share the same impression, that it evolves on the memories of the author during her first menstruation and at the same time maybe it’s a sarcastic way too of telling that our world is not really and only for men but for women also. I thought that the book of course is focused on how a girl, a lady, a woman lives in a world dominantly controlled by men. Lastly, I would like to believe that this book is another proof that the world could evolve in things that concerns only to us, woman.

On the other hand, I was privileged to ask the author on how did she come up on the title of this book and this is her answer:

“Ang orihinal na pamagat ng sanaysay kung saan ko hinango ang pamagat ng aklat ay Regla Baby. Parang nilaro ko ang term na Regal Baby ni Mother Lily (ang may ari ng Regal Films na siyang producer ng mga pelikula noon bago pa sumikat ang ABS-CBN, GMA Films at iba pa). Ang Regal Baby ay iyong mga artista na nila-launch ni Mother Lily. Napansin ko noong Regla Baby pa ang title ng essay, hindi siya ma-publish-publish. Hindi ko alam kung bakit. kung saan-saan ko na sinubmit at kung tama ang pagkakaalala ko pati sa Palanca. Talo! Isang araw, habang nakasakay ako sa dyip, bigla ko na lang naisip ang phrase na it’s a mens world. At sabi ng loob ko, puwede. Bagay naman sa essay ko. Kaya iyon. Inuna ko ang essay na ito kasi it sets the tone of the whole book. Na this book is something really personal, na it's about a girl/woman, na it's about living in other people’s standards, parang ganon. Kaya naisip ko, maganda na rin na ito na ang pamagat ng buong aklat. It will give you a glimpse of what the book is all about.”

C. Popularity of the Book

She’s often been compared to the popular pseudonymous best-selling phenomenon Bob Ong—but with ovaries. It’s a mens world has done well and its author is now sought after as a speaker, thanks to her offbeat humor and sparkling repartee. (De Vera, PDI 2012).

Like Bob Ong, Bebang Siy’s book is fun and easy to read but it will make you think of the underlying message of each sentence in her book. I believe, as an old fan of Bob Ong and a new fan of Bebang Siy, it is their conversational writing that hooked the public to read their books and appreciate its contents. The humor, prudence and the sarcasm in the way they write is like a pinched to us to see the message of reality that their books are shouting.

Reading this book is like talking to an old friend, looking in your own
photo album (memories), and seeing yourself through the author in one way or another. Everyone can relate to this book, not only women but also men. As Bebang Siy puts it:

“Maybe it’s because a big part of what makes Bob Ong funny is the language and the tone. I think that it’s the same thing that charmed my audience, the language, the tone and my being a woman, my sexuality. Walang babaeng ganito kabalahura (there’s isn’t another woman so outrageous). Sobrang candid siya at nasa wikang Filipino.”

Since Filipinos are very humorous, it’s not surprising why we appreciate authors like Bebang Siy and Bong Ong, the good thing is that their books are not only funny, their theme and message are also very inspiring and eye-opening.

III. THE POLITICAL FEMISM IN THE BOOK

A. Biological: The Woman’s Body

It is said that women’s bodies are their destiny. Meaning if we try to defy sexual roles, then we have to defy natural order. In this first essay, this belief is greatly shown in the following sentences:

“Magkilos-dalaga ka na kasi maliligawan ka na.”

“Pumasok ako sa kubeta. Sibibukan kong umihi. Doon ko nalaman na dalaga na pala talaga ako. Malungkot kong tinitignan ang mantsa sa panty. Ay, ang dami mo namang hinihinging kapalit. Demanding, parang ganon. Napakademanding naman pala ng pagdadalaga.”

In Philippines culture, when a girl has her menstruation already, she is no longer allowed to climb up trees or play with boys. Pagdadalaga (the transition to womanhood) brings in new meaning to every interaction. Here, we can see the impact of the changes that is happening on a woman’s body in her role to our society.
When I also have my first menstruation, I heard the same advice from the people around me. It can even be stressful and depressing if you’re not yet ready. Expectations are already set for you to follow. It was a big transition, from being a girl who can play and do anything freely to being a lady who is expected to meet the norms of the society. A lady or a woman should be prim and proper in her words and actions, even in our modern times today we are still expected to be more careful in our words and actions than men.
When you did the opposite (e.g. childish, talkative, flirt etc.), you can be
misunderstood. Indeed, being a lady entails a great responsibility.


B. Females Life Experience

Females’ life experience (ovulation, menstruation and then giving birth) influence their writing. This can be seen on the essay entitled “Ang Piso”.

“Hinatak ko si EJ at lumapit na kami sa pinto ng bus. Di ako mahilig makipaggitgitan sa mga pasaherong paakyat o pababa ng bus pero sa pagkakataong ito, hinarang ko talaga ang ilang lalaking paakyat para mas mabilis kaming makababa. Malabong paarangkadahin ni Manong ang bus kahit anung buset niya sa ginawa kong pagtungayaw sa kanya kasi me mga pasahero siyang hihintayin. Sayang din ‘yon. Pera din ang mga ‘yon.”

“Ligtas naman kaming nakababa, nakauwi. Walang bali, walang gasgas, walang nagdurugo kundi ang bulsa.”

“Noong bata ako, masakit ang piso. Ngayon, sumasakit ang puso ko dahil sa piso.”

By this time, the author is already a mother; she is very particular to the dishonesty of the bus driver and conductor regarding the fare since she is already a mother (a single mother that is living and providing their needs on her own). She is also very detailed in writing about their safety.

When I asked the author, how does being a mother and having a son affect her writing, this is her answer:

“Malaki. Maraming times na kaya ako sumusulat kasi gusto kong mabago ang mundo. Alam mo yon? 'Yong gusto ko, maging better ito. Kaya sulat ako nang sulat. Baka sakaling makatulong akong mabago ito. Kasi iniisip ko ang anak ko. Ilang taon na lang at siya na ang gagalaw nang mag isa sa lipunan. Mapapabilang na siya rito. Kaya hangga’t kaya ko at ng panulat ko, sulat lang nang sulat para makatulong ako sa pagpapaganda nito. Sa mga sinusulat ko, kahit mabigat at seryoso minsan, I always try to end with hope. Dahil may anak ako. Pag may anak ka, hindi ka puwedeng maging defeatist. Dapat fighter ka till the end. Hindi ka nawawalan ng pag-asa. Siguro 'yon din ang trait na gusto kong mamana niya.”

C. Discourse

According to this belief, women have been oppressed by male dominated language. Men’s definition of discourse has trapped women inside a male definition of female. It is natural for women to defy a male dominated language than just to adhere to feminine style of writing. This can be seen on the essay entitled “Milk Shakes and Daddies”.

“Kaya raw sila nag-away, mukha raw kasing pera ang Mami ko. Hingi raw nang hingi sa kanya. Akala raw ng Mami ko, may balon ng pera ang balun-balunan niya. Konting dukwang lang, me pera na. ‘Yang Mami ko raw, numero unong gastadora. Saan daw kaya dinadala ang lahat ng pera na ini-intrega niya? Aapat lang naman daw kaming anak nila. Libre na nga bahay, tubig, kuryente. Laking tipd noon, tama ba ako? ani Daddy. Bakit daw andami-dami pa ring gastos ng Mami ko?”

“May isang genius na nagsabi: manhid ang mga lalaki. At kasangga ako ng genius na ‘yan. Dahil etong tatay, inuulit-ulit pa ang mga ganoong eksena sa buhay ko.”

“Ang bagong lalaki raw ng Mama ko ay ganito ang pangalan. Blah-blah-blah. Ang mami ko raw, nang-aakit ng lalaki kaya nga raw mahilig ‘tong magpahaba ng buhok. Ang mga lalaki kasi, mas mabilis daw maakit sa mga babaeng mahaba ang buhok. Sabi pa ni Daddy, huwag daw akong tutulad.”

“Bakit ko nga ba susundin ang babaeng ‘to? Wala namang kuwentang babae. Wala naming kuwentang asawa. I therefore conclude, wala ring kakwuenta-kuwentang nanay.”

The first paragraph showed a complaint of the father about her wife to his child. Before, since the man is the one who primarily gives money, it is the wife who acts as the treasurer in the home. Even today, I believe even if the wife is already working, she is still the one who budgets all the expenses of the whole family. For me, the author was able to give justice to a scene that is normally happening in a Filipino household (especially to the poor family). How sad it could be for a plain housewife who did her best to budget the money their husband gives them and still being questioned on where did they spent it. If the husband is the only one working, the words can be worse, since it could mean that he has the right to question his wife.

The second paragraph indicates the author’s complain on his father’s routine speech about her mother.

On the third paragraph, we can see the misinterpretation a man’s words can make. It was shown how the father of the author has misunderstood or exaggerates her mother’s appearance. In the third sentence highlighted, there is a generalization about the men’s understanding on women who have long hair and its purpose.

The fourth paragraph shows the impact of her father’s opinion in the author. Today, we Filipinas still struggle against common problems such as machismo, patriarchy, sexism and sexual discrimination. Overall, the writing style of the author in this book cannot be classified as feminine; she is very honest, open and straight forward in telling her childhood experiences towards the reader. She is not even scared on saying the exact words her father used to describe her mother. Each word showed the reality, that these scenes really exist and that the words were really uttered not only by his father but by others as well. In the exact manner it was said by his father, she was able to communicate the underlying message to her readers. The parents’ opinion to each other greatly affects their child.

When I ask the author if she considered her writing as a feminine style, this is her answer:

“Hindi naman. Palagay ko hindi feminine ang style ko, hindi pa-gurl. Pero pambabae ang topic ko. Palagay ko rin, honest ito. Kaya kung honest, ibig bang sabihin noon ay feminine na? Hindi siguro. Pero madetalye ako. At nabasa ko somewhere na mas magaling ang mga babae sa pagbibigay at pagpansin sa mga detalye.”

D. The Unconscious

Whatever encourages a free play of meaning and prevents “closure” is regarded as female. Let us analyze the following lines below excerpted in the essay entitled “Sa ganitong paraan daw namatay si Kuya Dims”.

“Noong ibalita sa akin ni Mami na namatay na si Kuya Dims, parang may kung anong nilalang sa puso ko na nabigyan uli ng buhay. Parang may pumaradang isang bungkos ng eucalyptos sa ilong ko. Nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko, isa akong panaderong naglapag sa sahig ng libo-libong sako ng arina pagkaraang buhatin ito nang dalawampung taon. Anong ginhawa.”

“Sori pero natuwa ako. Dahil patay na si Kuya Dims.”

In the first paragraph, there is a play of meaning in the highlighted words. They are used figuratively. The last sentence above has the said “closure”; the reader was given a hint that there is a deeper story behind this sentence. The author has a big reason why she felt happiness in the death of this “Kuya Dims”. The follow up story is the author’s narration about her “sexual harassment/molestation”. In the end the author was able to free herself through writing; it is shown in the following lines:

“Ngayong wala na siya ay saka lamang gumaan ang dibidib ko. Kamatayan lamang pala niya ang dudurog sa pasan-pasan ng puso ko.”

“Nagsimula na akong magkwento tungkol sa eksenang iyon sa kubo. Inumpisahan ko sa boyfriend ko tapos, sa pinakamatalik na kaibigang babae. At heto ngayon, itinatala ko pa. Isinusulat bilang bahagi ng sariling kasaysayan.”

I think most of the readers admired the author the most in this essay. As a woman, it is not easy to disclose this kind of topic. This is a very sensitive issue that even today, many are still afraid to tell anyone (police authorities, families, and friends) that they experience this kind of situation or even worse. It is very humiliating that sometimes even the victims themselves stay in denial.

In a Catholic country like us, even if we are already in the modern times, the purity of a woman is still very important especially for those who still believe and follow conservative principles.

E. Social and Economic Conditions

Male and female write differently not because they are psychologically different but because they have different environments that influence their writing. This is shown in the essay entitled “Shopping”.

“Pumunta kami agad sa mga papel. Pinadulas ko nang pinadulas sa makinis at kulay-gatas na papel ang mga daliri ko. Pinagsasawa ko na. Alam ko kasing magaspang at kakulay ng umiiyak na langit ang bibilhin ni Mami para sa akin. ‘Yong tipong pamunas lang ng kaklase ko sa naputikan niyang sapatos.

Kailangan ko din ng pambura. Dumampot ako ng isa. Ulo ni Hello Kitty. Inaamoy-amoy ko ito nang lapitan kami ng isang saleslady. “Hindi sinusubo 'yan,” anya. Noon ko napansin, ang pakla-pakla ng ngiti n'ya. Siguro umaangil na rin ang pudpod niyang takong: “Tang’na, bilis-bilisan n’yo sa pagpili. Gusto ko nang umuwi.”

The paragraphs above showed the social and economic condition of the author. It can also be observed how detailed and descriptive the author is. If it’s a male writer, maybe we can expect a less detailed narration of the scene. Another possibility is that if other writers didn’t experience this personally and they do not give such importance to the description of the paper, the author can just use simple adjectives (old, new, expensive, cheap) instead of the highlighted word above. Indeed, the author wanted to emphasize their situation.

In the second paragraph, I think the author and her mother just ignore the saleslady since they will not buy the Hello Kitty eraser. If they gave a response to the rude attitude of the saleslady, I think the author will mention it in the story but since she ended it like that, I came with the conclusion that they just ignored the rude saleslady and left.

However, I believe the author wanted to help the readers realize how blessed they are if they didn’t experience such situation. As for me, I just did.

IV. WIT AND PRUDENCE: A WOMAN’S ARMOUR IN WRITING

Overall, this book shows how Bebang Siy was able to use her wit and prudence as her armour in freeing herself through writing. Away from the boundaries our society and norms sets, she was able to communicate the underlying messages of each word to her readers in a humorous way. In this book, she was able represent the modern day Filipina who is fearless, a fighter and feminist at heart.

In her essay entitled “First Date”, she was able to use her wit with sarcasm and criticism as basis of humor to give practical advices for any Filipina on their first date.

Unahin natin ang tungkol sa paggastos.

Para sa akin, dapat hati. Para walang utang na loob ang isa sa isa. Kung lalaki kasi ang magbabayad, magiging mas maingat ang babe sa pagpili ng oorderin o bibilhin. Baka hindi pa niya maorder o mabili ang gusto niya dahil maiilang siya sa katabing presyo ng item kasi nga hindi sya ang magbabayad.

Kung babe ang magbabayad, baka biglang maglaslas ng pulso ang lalaki dahil nasaan naman ang dignidad doon, diba? First date, babae ang nagbayad? Naman. ‘Wag. PLEASE.

She was able to show the reality of practical dating. She was able to express the woman’s anxiety on the payment issue. In the old days, the man is the one required to pay for all the expenses in their dates but today woman without embarrassing the man can also pay for herself. Woman today are more capable and practical and not only the man.

Ayos lang naman kung palpak ang first date. Wala naman talagang perpektong first date. Ang mas importante, hindi palpak yong taong ka-date. Ibig kong sabihin, walang sabit (tulad ni Ginoong Gasul) at higit sa lahat, masayang kasama.

The paragraph above uses criticism as basis of humor, however the main message is to be careful to guys like Ginoong Gasul (the authors previous date who eventually became her boyfriend but cheated on her, described by the author as unanong tabatsoy).

Bakit sa Maynila? Kasi kabisado ko ang lugar na ‘to. Syempre, mas maganda talaga kung kabisado ng babae ang pupuntahan niya. Sakaling weirdo ang pala o di kaya biglang tinubuan ng sungay ng kamanyakan ang ka-date niya, alam na niya ang daan pauwi o palayo sa kasumpa-sumpang ka-date.

This line is very interesting for me. This is a very important reminder for women on their first date. To choose a familiar place is to ensure your safety. We should know how to take care of ourselves.

Lastly, in her essay entitled “Asintada”, she gave a very inspirational
advice to her readers:

“Kung meron kang gustong patunayan, ihanda nang bongang-bongga ang sarili sa mga posibleng mangyari dahil siguradong may kapalit ito. Minsan ang kapalit ay maganda, minsan matamis. Pero minsan din ay mahapdi at minsan naman, maalat.”

“As in.”

As a woman, we all want to prove something to all the people around us but we must think carefully before making any decision especially if it’s a life changing one.

It’s good to laugh while reading, but when we were able to think and realize the deeper message of it, then the author succeed on her goal. In the end, I can only say that I really enjoy reading this book as a girl in heart and a Filipino woman. In this bloody world, we can heal all wounds through the grace of God and love from the people around us.


V. REFERENCES


De Vera, R. (2012, January 17). Funny Girl. Philippine Daily Inquirer online newspaper. Retrieved October 1, 2012, from http://lifestyle.inquirer.net/30079/funny-girl

Lim, R. (2011, November 12). Vagina Monologues. Manila Bulletin online newspaper. Retrieved October 1, 2012, from http://www.mb.com.ph/node/341000/vagina-monologue

Unknown (2012). Retrieved October 1, 2012, from http://manilaliteraryfestival.com/index.php option=com_content&view=article&id=3&Itemid=3



Ang akdang ito ay ini-repost nang may permiso mula kay Bb. Bautista. Maraming salamat, Lablynn! More power!




Wednesday, January 9, 2013

architecture sa manila memorial park

dinalaw namin ang tatay ko sa manila memorial park during the christmas season. papasok at palabas, lagi lang kaming naglalakad. siguro mga 1.5 kilometers din ang nilalakad namin.

di naman nakakainip ang maglakad nang ganun kahaba. kasi maraming makikita bukod sa mga halaman, bulaklak at puno.

heto ang ilan:





may butas sa gitna ng unang museleo (ung nasa unang photo), para siguro sa ililibing doon. kaya lang hindi naman kabaong ang laman, kundi basura! as shown in the last pic.

Sunday, January 6, 2013

Marne Marino in English and Filipino

Natapos ko na ang pag-e-edit sa translation ni Poy ng Marne Marino!

OMG. Sa wakas, nababawasan ang back log namin. 2013, here we come!

Wish us luck, friends!!!

Kung paano akong nagkaroon ng mens

Kung paano akong nagkaroon ng mens in five parts
ni Bebang Siy

Part one- 100% BEBENTA ITO!

Hindi ko inakalang magiging koleksiyon ng sarili kong mga sanaysay ang It’s A Mens World. Sa pinakasimpleng pag-uugat, nagsimula talaga ito as a book project, pero hindi akin kundi sa isang grupo.

Taong 2008 noon nang mag-publish ang Psicom ng Pinoy version ng Chicken Soup for the Soul, ito ay ang Sopas Muna 1. Binubuo ito ng mga sanaysay na isinulat ng members ng aming grupo, ang Panpilpipol. Pagkaraan lamang ng ilang buwan mula nang mailabas ang Sopas Muna 1, ang sabi sa amin ng Psicom ay isulat na raw namin ang Sopas Muna 2. (Hindi ako naka-monitor sa sales pero para abisuhan kami ng ganito, I guess, bumenta ang Sopas Muna 1.) Agad kaming nag-meeting, ang mga taga-Panpilpipol: ako, Wennie, Jing, Rita, Haids at Mar. Dito pinag-usapan kung ano ang magiging tema ng Sopas Muna 2 (childhood ang napagkasunduan) at tulad ng dati, tag-aanim na libong salita kami para makasapat sa 24,000 words per book na requirement ng Psicom. Sa anim na libo, bahala nang mag-budget ng number of words per essay ang bawat writer sa amin. Kung gusto kong magpasa ng anim na tag-iisang libong salitang sanaysay, puwede. Kung gusto ko ay isang mahabang sanaysay composed of 6,000 words, puwede rin naman. Ito ang naisip naming rule sa Sopas Muna 1 para iba-iba ang length of works sa loob ng aklat, at ito na nga rin ang napagkasunduan namin para sa sequel ng nasabing aklat.

Nag-umpisa kaming magsulat at nagtakda na ng deadline. Pagkatapos ng deadline ay isinalang namin ang aming mga sanaysay sa isang self-imposed workshop. Nag-meeting kami sa bahay ko, kanya-kanyang bitbit ng photocopy ng mga sanaysay, latag ng banig, tagayan ng balde-baldeng kape. Bawal antukin. Nagkatayan kami ng mga akda buong magdamag. Katayan talaga kapag workshop, hindi sinasanto ang mga relasyon, ang mga friendship, ang special memories. Maganda kung maganda. Retain! Palitan ang alanganin. Rewrite! Kung maraming alanganin, major make over! Pangit kung pangit! Tanggalin ang pangit!

Pero buti na lang at walang nagsolian ng kandila (ninong at ninang kami ng panganay ni Jing) bagkus ay lalong tumatag ang pagkakaibigan namin dahil lumabas na bonding time din naman ang mga workshop na ganito. Bukod doon ay gumanda pa ang koleksiyong nabuo namin. (Kaya 100% sure kami, bebentang muli ang Sopas Muna 2.)

Sa workshop na ito unang nasilayan ng ibang tao ang mga sanaysay ko na Nakaw na Sandali, Pinyapol at It’s A Mens World (na noon ay pinamagatan kong Regla Baby).

Excited kaming mga taga-Panpilpipol. Isa na namang aklat ang aming isisilang. Panglima na ito with Psicom kung sakali. Ang mga nauna ay:

1. Hilakbot (tungkol sa mga haunted house na binisita namin para sa aming research paper sa isang subject sa masteral course kung saan kami naging magkakaklase);

2. Haunted Philippines 8 (ang ibinayad sa amin sa Hilakbot, P15,000 na one time payment at divided by 6 pa ‘yan sa lagay na ‘yan, ay ipinanglakwatsa namin. Nagpunta ang buong grupo sa Sagada. Pagbaba namin sa Maynila paglipas ng ilang araw, inalok uli kami ng Psicom na magsulat ng aklat ng katatakutan. Ginawan namin ng horror stories ang mga napuntahan naming pasyalan sa Sagada. Ito ang laman ng aklat na HP 8.);

3. Haunted Philippines 9 (nag-isip kami ng bagong tema para sa 3rd horror book namin, at dahil uso ang ukay-ukay noon, second hand items ang aming naisip. Nag-field trip kami sa mga tindahan ng antique at segunda mano sa Cubao Expo para lamang dito.); at ang

4. Sopas Muna 1 (ang unang aklat namin na inspirational ang himig).
Habang nirerebisa ng bawat isa ang mga na-workshop na sanaysay, nakipag-ugnayan uli ako sa Psicom.

Sa telepono:

AKO: Good news po. Malapit na naming matapos ang Sopas Muna 2.
PSICOM: Ay, may kinuha na kaming ibang writers para sa Sopas Muna 2.
AKO: Wah!

Part two- JURASSIC BEAUTY

Ibinalita ko sa Panpilpipol ang sinabi ng Psicom at tulad ko, shocked na shocked din sila. Pero hindi kami nasiraan ng loob. Napagkasunduan naming ituloy pa rin ang pagpapalathala ng aklat pero sa pagkakataong ito, maghahanap kami ng ibang publisher.
Kaya lang, ang problema, hindi naging mabilis ang mga sumunod na hakbang. Naging abala kami sa kani-kaniyang gawain at hindi ko naharap ang tuloy-tuloy na pagka-copy edit sa mga sanaysay. (In short, medyo nabaon sa limot ang dream project ng grupo.) Isang araw, sabi sa akin ng pinagsisilbihan kong pamantasan, kailangan ko nang tapusin ang aking masteral course. Tatlong taon na kasi ako sa kanilang pamantasan at nahalukay nila ang sulat ko sa aming dekana noong unang taon ko sa paglilingkod bilang guro. Sabi ko sa sulat na ‘yon, tatapusin ko ang kurso sa loob ng tatlong taon, ang takdang probationary period.

Natakot ako siyempre. Kasi naman, ang layo-layo ko pa sa finish line. Mga five thousand na tumbling pa ang kailangan kong bunuin.

Pero hindi ako nasiraan ng loob.

Tutal, maganda naman ang rekord ko sa pamantasan, kasundo ko ang mga estudyante doon, natatapos ko ang mga ekstrang gawain na iniaatang sa akin, at aktibo ako sa departmento namin, baka kako makakasapat na ang pagpapasa ng mga grado sa dalawang subject na aking in-enrol that semester sa masteral course ko. Baka puwedeng mga grado na muna ang isumite ko sa aming dekana, saka na ang diploma.

Sa graduate school kung saan ako nag-aaral, tadtad ng INC (o incomplete bilang grado) ang aking rekord. Kaya naman major-major na pagsisikap ang ginawa ko para lang magka-numerical grade ako sa dalawa kong subject: ang isa ay Panitikang Oral, at ang isa, Seminar sa Editing, Kapirayt at Paglalathalang Pampanitikan. Itong huli, Seminar sa Editing at iba pa ay isa nang penalty course. Penalty dahil sobra na ako sa bilang ng taon ng pananatili sa grad. school. Tipong nakapila na ang pangalan ko sa mga iki-kick out nila dahil super-duper overstaying na talaga. Kumbaga sa pick up line…

Grad. School: Alam mo, para kang dinosaur.
Ako: Bakit?
Grad. School: Jurassic ka na, Ate.

Kelangan ko na talagang magkagrado at maka-move on sa mga subject-subject, utang na loob.

Si Sir Vim Nadera ang teacher ko sa nasabing penalty course. Ang huling requirement sa klase niya ay draft ng thesis. Nakupo. Ni paksa nga para sa thesis, wala sa hinagap ko, draft pa kaya?

Nakiusap ako sa kanya, kung puwedeng ang isumite ko na lang ay katulad ng isusumite ng mga kaklase kong ang major ay malikhaing pagsulat: collection of creative works, ganon, kahit na ang major ko ay panitikan at hindi naman malikhaing pagsulat.

Hindi raw puwede.

Nakupong nakupo. E, wala pa talaga akong kapaksa-paksa. Nag-panic ako. Paano, usapin ito ng trabaho. Usapin ng sahod. Usapin ng pera. DKP (Diyos ko po)! Di ako puwedeng mawalan ng trabaho. Ng sahod. Ng pera. Solo parent ako. At ayokong mamalimos ng pangkain namin ni EJ. Napabayaan kong talaga ang pag-aaral ko kaya hindi ako nakatapos sa takdang oras, oo na, sige na, pero kelangan ko talaga ng trabaho lalo na ngayon at magpakailanman. Hindi, hindi talaga ako puwedeng mawalan ng mapagkukunan ng kita.

Kaya muli kong kinausap si Sir Vim.

AKO: Sir, baka po puwedeng collection of creative works na lang po ang ipasa ko sa subject natin.
SIR VIM: Hindi nga puwede. Hindi ka naman malikhaing pagsulat, e.
AKO: Sir, wala pa po talaga ako sa thesis writing stage. Hilaw po ang maipapasa ko sa inyo kung pipilitin kong magsulat ng kahit ano pong para sa thesis sa ngayon.
SIR VIM: Hindi. Huwag kang makulit.

E, hindi ako nasisiraan ng loob, di ba, kaya humirit pa ako.

AKO: Sir, sige na po, pumayag na kayo. Tutal naman po, editing ang subject natin. I-check na lang po iyong quality ng editing ko sa sarili kong mga akda.
SIR VIM: Bakit ba ang kulit mo?
AKO: Sir, kasi po …

Sinabi ko na kay Sir ang totoo. Na hindi lang ito usapin ng grado. Usapin ito ng trabaho. Ng sahod. Ng pera. Ng buhay naming mag-ina. At naawa naman ang tabaching-ching at mapagpatawad kong guro.

SIR VIM: O, sige. Sige. Hay naku. Ba’t naman kasi… ilang taon ka na rito sa grad. school, a?
AKO: Wah!

(Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi. Pumayag siya. Pumayag. Woho! Ang kasunod ay mala-Pep Squad performances ko in the beat of UP Naming Mahal (kung saan ako nag-o-overstay nag-aaral): cart wheel, triple turn sa ere, jumping jack, running man, roger rabbit at scissor-scissor. Ang saya ko. Ang saya-saya ko.)

SIR VIM: Wah. Huwag ka munang magdiwang diyan. Me kondisyones, una, kelangan book-length ang ipapasa mo sa akin. Ikalawa,
kelangan publishable ang kalidad ng mga isusumite mo, hindi basta-basta, iyon tipong makapagpasa ka lang. Kuu, huwag na huwag kang magtatangka, Bebang, tandaan mo. At ikatlo, ang pinakamataas na gradong puwede mong makuha para diyan ay dos.

Dos? Sa masteral level, ang dos ay equivalent sa 74.45 %, meaning pasang-awang halos bagsak. Ngik. At bawal sa masteral level ‘yon. Lalong-lalo na ang kahit anong gradong mas mababa pa sa dos. Mapapatalsik ka sa graduate program pag ganon.
Either kelangan ko talagang pag-igihan ito nang bongga o ‘wag ko na lang ituloy ang pagsa-submit ng kahit ano kay Sir.

Magpapa-INC na lang ako uli. Oo, isa ring option ang magpa-INC. Sanay naman ako sa tatlong letrang iyan. Sa lahat na nga yata ng subject ay INC. na ang grado ko. E, ano ba naman ‘yong madagdagan ako ng isa pang INC.? Magbabago ba ang buhay ko? Hello?

Oo, anak ka ng tutong, oo, magbabago ang buhay mo, sigaw ng isip ko. ‘Te, mawawalan ka ng trabaho, ano ba? Mawawalan ka ng sahod, ng pera, ano ba? Bigla akong nagising sa katotohanan. I must grab this chance. It’s now or never.

AKO: Okey. Okey po, Sir Vim.

At umalis akong sindak na sindak at nanginginig ang neurons sa kaba. Kaya ko ba ‘to? Kaya ko bang makabuo ng ganong koleksiyon? Ano ba ‘tong napasok ko? Umurong na lang kaya ako? Pero na-imagine ko ang payslip ko, nagka-cart wheel, nagti-triple turn sa ere, nagja-jumping jack, nagra-running man, nagro-roger rabbit at nagsi-scissor-scissor palayo sa akin. Kaya hindi talaga option ang umurong. Eto na ‘to.

Part three- ANG SWIMMING POOL NG PIGHATI

Pag-uwing-pag-uwi, hinalungkat ko ang lahat ng nasulat ko sa mga journal ko, sa blog, sa computer, sa mga notebook pang-eskuwela, sa resibo, sa report card ng anak ko, sa pader ng banyo, sa lahat. Suyod. Isinama ko ang mga tula ko, kuwento, kuwentong pambata, sanaysay, dula, comics script, radio drama at kung ano-ano pa, tapos inihiwalay ko ang mga akdang sa palagay ko ay publishable. And for that, dalawa lang ang natira. Joke. Marami-rami din. Buti na lang.

Sinuri ko’t tiningnan kung ano ang namamayaning tema sa mga ito.

Pamilya. At childhood.

(Noon ko lang na-realize, mahilig pala akong magsulat tungkol sa pamilya ko. Andami ko kasing sama ng loob sa magulang, e. Parang sa sobrang dami ng dinaanan ko at ng aking mga kapatid, hindi pa pala ako nakaka-get over sa mga karanasan na ‘yan. Kaya siguro unconsciously sulat ako nang sulat tungkol sa kanila.)

Kasama sa nakalap kong akda ang mga sanaysay ko na para sana sa Sopas Muna 2. Pero unfortunately, kulang pa rin ang naipon kong akda. Hindi pa makakabuo ng isang aklat. Kaya nagsulat pa ako. Sulat, sulat, sulat. Pagkatapos ay nag-edit ako. Revise-revise. Edit-edit uli. Proofread. Parang kulang pa. Sulat uli. Edit. Revise. Proofread. Sulat. Revise. Edit. Proofread. Edit. Proofread. Walang pahinga. Ilang linggong ito lang ang ginagawa ko, wala nang iba, alang-alang sa grado. Ang intense. Kulay-estero na ang laway ko, amoy-pusali na ang kilikili ko, pati singit. Ayaw nang magpayakap sa akin ng anak ko, pero tuloy ang buhay: sulat, edit, proofread.

Nang matapos ang lahat ng ito, isinubmit ko na kay Sir Vim ang aking koleksiyon: It’s A Mens World. Taimtim ko itong kinausap, sa isip ko. Mens, anak, ako ito, si Bebang, ang nanay mo. Isinilang kita para sa matatayog na pangarap, kaya go for gold. Ye. Ye. Ye. Andito lang ako sa likod mo, magchi-cheer para sa ‘yo. Go, anak. Go, Mens. Para sa ‘yo ang mundong ito, kaya nga iyan ang ipinangalan ko sa iyo. It is your fucking world. IT’S A MENS WORLD.

Pagkaraan, sa wakas, dumating ang isang numerical na grado. From Sir Vim. Pasado. Yesssss. Anak ng dinuguang panty, numerical na, pasado pa? Ye.

Sinecure ko rin ang grado ko sa isa pang subject, ‘yong Panitikang Oral (na saksakan naman ng dami ang requirements: class participation, pitumpu’t isang reaction paper, isang final paper tungkol sa paksang pandisertasyon ang level, 688 exams, 43,239 quizzes, required din ang dugo’t pawis ng estudyante, apdo, atay, sikmura, gulugod, alulod, lahat na). Pagkatapos ay nagpunta ako sa pinaglilingkuran kong pamantasan para isumite naman ang katibayan na may grades na nga ako sa dalawang subject. Plano ko ring sabihin sa aming dekana na mag-e-enrol na ako ng thesis sa parating na semestre. “Makakapagtapos din po ako, huwag po kayong mag-alala,” ito sana ang peg ko.

Ni-renew ba ako?

Hindi. O, hindi. Nakatanggap ako ng thank you letter at the end of the semester. Itsura ko? Masahol pa sa cheerleader na dinaanan ng kabayong nagra-running man at nagro-roger rabbit. Ay, talaga naman. Hindi ko na alam kung saan ako babaling. Wala akong trabaho. Walang sahod. Walang pera. Wala pa akong diploma. Di nagtagal, nabalitaan ito ni Sir Vim. Sabi niya, ‘wag ka nang malungkot, Bebang. May manuscript ka naman. Maghanap ka ng publisher.

Oo nga.

Sobra na ang paglulunoy sa swimming pool ng pighati.

So ang first step ay alamin kung ano-anong mga publisher ang tumatanggap ng manuscript na tulad ng sa akin. In-email ko si Sir Jun Balde. Si Sir Jun ay consultant ng National Book Store. Isa siya sa mga tagapayo kung saang category nararapat ilagay ang isang aklat. Saang category nga ba maisisingit ang manuscript ko sakaling maging libro na nga ito? Malay.

Anyway, si Sir Jun din ang tagapangulo ng UMPIL o Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas kung saan matagal-tagal akong naglingkod bilang bahagi ng Secretariat at Board of Directors. Nakiusap ako kay Sir Jun kung puwede niyang basahin ang manuscript ko. Umoo siya agad pero kelangan daw, hard copy ang babasahin niya. Di siya sanay tumitig nang matagal sa computer screen. Dahil wala akong printer at wala rin akong ekstrang pera pamprint ng manuscript, sabi niya, makisuyo ako kay Sir Dan Pinto (SLN). Si Sir Dan ay kasamahan din namin sa UMPIL at dabarkads ni Sir Jun. Sabi ni Sir Jun, i-email ko lang daw kay Sir Dan Pinto ang file at ito na ang bahalang mag-print para sa kanya. ‘Yon nga ang ginawa ko at pagkaraan ng ilang linggo, salamat na lang at may mga Dan Pinto sa daigdig na ito, nag-email sa akin si Sir Jun.

Bebang,

Nabasa ko na ang iyong IT’S A MENS WORLD. Hindi lahat. Actually ‘yong intro, tatlong unang kuwento, and huli, Emails, at ilan sa gitna, for example tungkol sa First Date, Super Inggo, Hiwa, atbp. Hirap magsinungaling. Pero alam ko na halos ang laman, ang estilo, ang kabuuan para makapag-comment.

1. Di mo dapat tatakan na sanaysay ang mga piyesa. Creative non-fiction ito. Parang memwa (memoir) na parang mga kuwentong totoo/di totoo/ni-romanticize. Oks lang. Pero hindi sanaysay kundi kuwento, istorya.

2. Di kailangang ipaliwanag sa intro ang bawat nilalaman. Nakaka-spoil ng istorya. Pabayaan mo ang mambabasang manabik sa nilalaman nito. Dapat nga lituhin mo nang kaunti.

3. Magaan ang lengguwahe, nakakalibang basahin, kahit ang iba ay mga angst at spiel lang. Parang chiclit na gawa ni CENSORED (pardon the comparisson). Konti pa, magiging mas nakakatawa ka na kaysa kay CENSORED at definitely, mas totoo ang dating mo kaysa kay CENSORED. Di ka nga lang kasingkulit ni CENSORED.

4. May mga maaaring iklian. Halimbawa: Ang Aking si Uncle Boy. Puwedeng Uncle Boy o Si Uncle Boy lang, iyo naman talaga. May mga kuwento ring puwede pang paigtingin, para makapigil-hininga ang climax (na dapat naman talaga, dahil ang climax ay makapigil-hininga).

5. Ang bestseller ngayon ni John Updike na “My Father’s Tears,” na published posthumously, ay pulos introspection at stream of conciousness lang. Halimbawa ang kuwentong “The Full Glass” ay tungkol lamang sa baso ng tubig na gusto ng matanda na naroon na kung magto-toothbrush o iinom ng mga maintenance medicine. Ang “Personal Archaeology” ay tungkol sa mga bato-bato, damo, basag na plato, pako, kapirasong kahoy, basag na baso at bola ng golf, na nasusudsod ng kanyang paa habang naglalakad sa malawak na lupaing minana. Ganoon din sana ang estilo mo. Lalo ang pagme-mens ay napakapersonal na experience. Sana ni-research mo pa nang kaunti ang matatanda at sinaunang gamit sa mens, kung saan-saan at para sa ano ito ginagamit.

6. Maganda sanang nasa mga unang kuwento ang medical significance ng mens. Kung bakit kailangang dumaan sa ganitong experience ang isang batang babae. Pero dapat ay humorous ang pagkukuwento. Magpakuwento ka sa isang medical doctor. Hindi mo kailangang mag-take note. Maganda nga na kunwari ay layman’s understanding ng medical situations, para madaling magpatawa.

7. Dapat marami ring humorous situations sa pagme-mens. Halimbawa, ang mga heavy-days experience sa mataong lugar, sa eskuwelahan, sa unang date, sa unang pagtatangkang makipag-CENSORED. Hindi kailangang sa iyo nangyari. Kunwari narinig mo o nabasa o napanood sa sine na experiences.

8. Mag-interview ka rin sa mga lalaki. Ako, noong binata pa, naka-experience na ng CENSORED, CENSORED, CENSORED, CENSORED, CENSORED, CENSORED AT CENSORED PA. Sigurado, may mai-interview kang may ganoong experiences, pero dapat kasing edad mo para fresh at current ang language.

9. Pareho tayo, may pagka-plot-driven ang mga kuwento. Kailangang concisously habaan ang pagpapaliwanag ng saloobin. At dapat palaging namamayani ang sense of the ridiculous para magaan at humorous ang istorya.

10. Kailangang maliit lang ang size ng libro. Siguro kasinlaki lang ng Bob Ong books. Mahalaga ito. Kung manipis ang material mo, kailangang maliit ang size ng libro para kumapal-kapal ang spine ng libro. Sa ganoon, nababasa ang title kapag naka-display nang patagilid sa mga book shelf ng bookstore. Huwag aasa na naka-face-up ang display, lalo’t di ka pa naman si Stephanie Meyer o si Jessica Zafra.

11. Kung gusto mong mapansin ang title, alisin ang apostrophe at gawing: ITSA MENS WORLD. Maraming magtatanong kung anong salita ang ITSA. Tapos ang subtitle mo: Memwa sa Regla atbp (alliteration).

12. Kailangang unusual ang cover. Halimbawa, kung gusto mong sakyan ang kasikatan ng Eclipse, gawin mong itim ang cover ng libro, tapos may umaagos lamang na dugo, o sampatak na dugo. Mapagkakamalang vampire book! Ayos! Kung gusto mong erotic ang dating, itim pa rin ang background, ang retrato ay blurred na kapirasong seksing balakang na may bahid ng dugo (pero hi-definition ang dugo). Maipagkakamaling na-CENSORED ang nasa larawan! Puwede ring kakatiting na bahagi ng isang panty na may dugo. Kung gusto mong suspense ang dating, kunwari may kapirasong punit ang panty!

13. Sa likod, tiyaking naroon ang short description ng nilalaman. Huwag puro blurb. Mahalaga rin ito. Ang mga nagseset-up ng libro sa bestseller list at sa website ay kadalasan mga OJT at kinokopya lang ang nakasulat sa likod. Kung pangit ang text sa likod, pangit din ang nakasulat sa computer sa database. Ugaliin din na maglagay ng pinakamaganda at pinaka-seductive mong retrato sa likod para may face value at face recall sa mambabasa. Ang mga nagba-browse sa bookstore, pag di nagustuhan ang cover, ang susunod na gagawin ay titingnan ang likod ng libro. Kung di attractive ang nakasulat, at least seductive ang nasa retrato.

14. Tiyakin mong simple at medyo malalaki ang font para madaling basahin. Walang fancy wingdings o retrato na makaka-distract sa pagbabasa. Ibuhos mo na ang lahat ng kaartehan sa cover. Pag nasa loob na, kailangang buo ang focus ng mambabasa sa teksto.

Ayan, palagay ko may mapupulot ka na sa mga puna at sinabi ko. Puwede itong dalhin sa UST Publishing o sa Milflores Publishing. Pag nagdalawang-isip, ilapit mo sa Visprint, publisher ni Bob Ong, patulong ka kay CENSORED. Tatanggapin nila ito doon. Good luck!

Jun Balde
5jun2010

Part four- HAHAHAHA PUWEDE PO? HAHAHAHA PLEASE?

Tuwang-tuwa ako sa mga sinabi ni Sir Jun sa kanyang email. Agad kong ginoogle ang mga publisher na binanggit niya.
Una ay ang Milflores dahil marami-rami akong kaibigan na pinublish nito. Kaya lang, lahat naman sila ay connected sa UP as teachers. Baka ‘yon kako ang unang qualification ng authors nila. Ay, disqualified agad ako. Next.

UST Publishing. That time kasi, balitang naghahanap sila ng manuscript dahil kailangan nilang maka-400 books para sa Quadricentennial Celebration bilang unibersidad. Ang lakas ng loob ko, feeling ko, makakalusot itong Mens. Ngi. Kaya naman bigla-bigla rin akong nilukuban ng matinding hiya sa sarili. Pinatalsik na nga ako, e feeling ko tatanggapin pa rin ang manuscript ko, ano ba? Next.

Visprint. Sinong nilalang ang di nakakakilala sa publisher ni Bob Ong? Excited akong nag-surf sa kanilang website. Kaso, puno na pala ang schedule ng paglalabas nila ng bagong aklat. Year 2012 pa sila muling tatanggap ng proposal. Ganon karami ang nakapilang mga awtor sa Visprint, patok sa takilya ini.

Wala na pala akong ni katiting na pag-asang matanggap ng publisher nang taon na iyon, 2010.

Pero hindi pa rin ako nasiraan ng loob. Ginoogle ko ang Anvil Publishing. Siyempre, alam ko ang Anvil, andami kong aklat na Anvil at kasama ko sa UMPIL ang publishing manager nito na si Mam Karina Bolasco. At Filipiniana talaga ang pina-publish nila. Baka puwede. Baka lang.

Pagtuntong ko sa website nila, hinanap ko agad ang guidelines sa pag-submit ng manuscript. Ayun, detalyadong-detalyado pa. Nakikiliti na ang tumbong ko pagkat eto na, putik, eto na, mapa-publish na nga yata ako. Klik. Biglang sumulpot sa mukha ko ang deadline nila ng manuscript: January-March pala. Wah, e, Hunyo na. Next year na pala talaga kung saka-sakali.

Nagdesisyon ako sa isang iglap: tantanan na muna ang pag-aasikaso sa publishing-publishing na ‘yan. Kaya naman, parang aklat,
shelved na muna ang pangarap ko.

Pagdaan ng ilang araw, nagpunta ako sa isang meeting ng UMPIL. Hindi na kasi ako tatakbo bilang kasapi ng UMPIL Board sa parating na Agosto nang taong iyon, kaya nagtu-turn over ako ng mga dokumentong nasa akin pa. Nandoon sa meeting na iyon sina Sir Jun, Sir Vim at Mam Karina at siyempre ang iba pang UMPIL Board members. Tulad ng dati, pagkatapos ng meeting, kuwentuhan, salusalo at inuman ang kabuntot. Inusisa ni Sir Vim kung ano na ang nangyari sa manuscript ko. Ay, di wala, Sir, sagot ko, saka na po ‘yon, naghahanap po ako ng trabaho. Bilang reply, inginuso niya sa akin si Mam Karina, tapos nag-up and down, up and down ang mga kilay ni Sir. Buti na lang, sa ibang tao nakatingin si Mam, hindi kay Sir Vim. Tumawa lang ako. Naku. Ayoko i-approach si Mam. Nakakahiya. ‘Tsaka isa pa, allergic ako sa mga taong seryoso.

Natanong mo na ba si Mam Jing? Naghahanap sila ngayon ng manuscript, pangungulit sa akin ni Sir Vim.

Para saan? Biglang tanong ni Mam Karina. Nakalingon na pala siya sa amin. At ako na ang santa ng mga torpe, hindi ako nakapagsalita.

Si Sir Vim ang maagap na sumagot, Mam, may gusto pong sabihin sa inyo si Bebang.

Tumawa ako nang malakas. Baka kako, mabura ng lakas ng tawa ko ang mga lumalabas sa bibig ni Sir Vim.

Pero narinig pa rin ito ni Mam. Ano ‘yon? May mga works ka bang ipapa-publish? Tula? usisa pa ni Mam Karina habang kumukulubot ang sarili niyang mukha.

Dalawa na kaming tumawa ni Sir Vim.

Bakit parang nandidiri kayo, Mam? Tanong ni Sir Vim sa pagitan ng mga hagikgik.

Tawa rin ako nang tawa pero siyet lang, sa totoo, nahihiya ako, nanliliit ako. Kasi parang ibinebenta ko ang sarili ko noong point na ‘yon. Parang inilalako ko sarili ko.

Mam, hindi po. Hindi po, tanggi ko.

(Madalas kasing humorous ang mga tula ko, hindi tuloy sineseryoso. ‘Tsaka hindi pa ito makakabuo ng koleksiyon, kahit nga idamay pa lahat ng mga tulang naisulat ko since birth.)

Oo, Karina, hirit out of nowhere ni Sir Jun Balde. Nabasa ko na ang manuscript ni Bebang. Nakakatawa. Memoir siya.

Talaga, Bebang? Patingin nga. Mayroon kasing author na hindi nakapagpasa ng revisions kaya may slot kami para sa isa pang manuscript, sabi naman ni Mam Karina.

Automatic na bumuka ang bibig ko, gumawa ng walang sound na wah.

Gatong pa ni Sir Jun, parang Bob Ong nga ang pagkakasulat ni Bebang.

By this time, high na high na ako sa pinagsama-samang feeling ng hiya, panliliit, pagkamangha, stress, happiness, kaba at excitement kaya humalakhak na lang ako habang sinasagot si Mam, mapahiya man ako sa pagtatanong kong ito, at least mapapahiya akong humahalakhak. Haahahaha, puwede pa po ba, Mam Karina? Haahahaha Ie-email ko po agad sa inyo hahahaha ang koleksiyon ko kung puwede pa. Hahahahaha at puwede po bang Babe Ang hahahahaha ang gamitin kong hahahahaha pen name? Kung sakali lang naman po hahahahaha!

Biglang dumilim ang mukha ni Mam Karina. Nawirdohan siguro sa akin. Ha, ano? tanong niya.

Isa-isang naglaho ang mga hahahaha ko. Hindi na uli ako nakapagsalita.

Part 5- ANG TUNAY NA BEB ANG

Buti na lang sumingit sina Sir Vim at Sir Jun sa usapan namin ni Mam Karina. E, bakit hindi pa Beb Ang ang gawin mong pen name? Tanong nila sabay halakhak din. Ang masama, nahawa ang buong UMPIL. Tinatawag na nila akong Beb Ang pagkatapos ay hahalakhak ang lahat. Napapahalakhak na rin ako. Para naman kasing joke, pen name pa lang.

Pero biglang naging seryoso ang torpe kong sarili. Bebang, gagi ka, you must grab this chance. It’s now or never.

Kaya naman to make the long story short, ipinadala ko sa Anvil via email ang manuscript ko at nagustuhan naman nila ito. Beb Ang na nga ang magiging pen name ko. Haping-hapi naman ako, ke ano pang pen name ‘yan. Basta’t lalabas bilang isang buong aklat ang koleksiyon ko, ayos na ayos! Blessing sobra, di ba? Tinext ko agad ang mahal ko sa buhay.

Poy, s wkas, mgkka-Mens n ko! -Beb Ang

Isang araw, pag-uwi ko, may cake sa mesa, ma-chocolate ang bati sa akin: Congrats, Beb Ang! Nag-picture-picture kaming mag-anak bago sumugod sa cake. Ang saya kong tunay. At ang suwerte kong tunay. This is really is it is it.

Pero di nagtagal, may ilang glitch na bumulwak during the “menstruation” period. Matagal ang copy editing. Tengga is the right word. Natengga sa copy editing ang koleksiyon. Nakadalawang copy editor ako. ‘Yong una, di makatawid sa deadline dahil sa problema niya sa kalusugan. Ang dream copy editor ko ay abalang-abala naman sa ibang bagay, century bago mag-reply sa text at email. Natagalan bago ako nakahanap ng isa pang copy editor. Bukod dito, nagkaroon din ng miscommunication tungkol sa cover design. Iginiit ko na nakapili na ang mga manager/big shots mula sa unang set ng studies at hindi na kailangan ng panibago na namang set ng studies. Kakain na naman ng panahon kapag nagpagawa pa ng bagong set of studies, made-delay pang lalo ang paglabas ng mens. At ang pinakamalupit sa lahat ng glitch na ito: may nag-submit ng book proposal sa Anvil, Beb Ang ang pangalan. At tunay niyang pangalan ang Beb Ang. Inabisuhan agad ako ni Mam Karina, Bebang, hindi mo na puwedeng gamitin ang pen name mo. Malilito ang mga tao kapag naglabas na kami ng aklat niya.

Opo, Mam, kako.

Ay, anong magagawa ko, hindi naman ako ang totoong Beb Ang?

Agad akong nagpasya, gagamitin ko na lang ang tunay kong pangalan: Bebang Siy. (Well, almost tunay na pangalan...)

At para bagang signos! Pagkat sa maniwala kayo’t sa hindi, nagtuloy-tuloy na sa paglabas ang ano ko, dumaloy ito, lumigwak, umagos, hala ang ragasa nito sa mga bookstore sa sangkapuluan, hanggang ngayon. Kaya bumabaha na nga, ng mens. At plano ko ngayon ay lunurin sa mens ang buong Pilipinas.

Mahirap iyon, alam ko, tipong matagal, madugo, pero okay lang. Kakayanin ko ‘yan. Babae akong hindi nasisiraan ng loob.



Disyembre 2012
Kamias, Quezon City


*Ang paglalathala ng email ni Abdon M. Balde, Jr. para kay Bebang Siy ay may pahintulot mula kay G. Balde.

**Ang sanaysay na ito ay nalathala sa panitikan.com.ph noong Enero 2013 at kabilang sa exclusive content ng nasabing website.

Saturday, January 5, 2013

The Next Big Thing-A Chain Letter for Writers

Noong Disyembre, nakatanggap ako ng private message sa FB mula kay Eliza Victoria, ang manunulat ng A Bottle of Storm Clouds, isang koleksiyon ng maikling kuwento mula sa Visprint. (Heto ang kanyang website: sungazer.wordpress.com.) Sabi niya, magpapadala raw siya ng isang set of questions tungkol sa aklat ko o sa susunod kong aklat, kung meron, at kung puwede raw ay ipost ko sa blog ang mga sagot ko sa tanong. Kailangan ko rin daw ipadala ang set of questions na ito sa kapwa manunulat, limang lahat, at kailangan ding ipost nila ang mga sagot nila sa tanong sa kanya-kanyang blog o website.

Pumayag agad ako. Aba’y parang promotion na rin ito, hindi ba?

Pero bago ko sinagutan ang set of questions, naghanap ako ng limang kaibigang manunulat na mayroong aklat at blog/website. Heto sila:

Mar Anthony dela Cruz-tonton26.wordpress.com

Faye Cura-angfierranijuana.wordpress.com

Don Villasin-eggsceasetense.wordpress.com

Jason Chancoco- hagbayon.wordpress.com

Ariel Tabag-pakarsoniasseng.blogspot.com

Bisitahin ang kanilang website after two weeks to get to know more about their books and their writing process.

Sa ngayon, basahin na muna natin ang ilang detalye tungkol sa susunod kong aklat. Ye!

1) What is the title of your upcoming book?

It’s Raining Mens. Koleksiyon ito ng mga akda ko tungkol sa kalalakihan.

2) Where did the idea come from for the book?

Sinundan ko lang ‘yong thread ng It’s A Mens World. Kasi tungkol iyon sa kabataan ko, sa pagdadalaga ko, hanggang sa mamulat ako sa kamunduhan, este, hanggang sa mag-mature ako sa buhay. So naisip ko parang maganda iyong sundan ng tungkol sa mga relasyon. Relasyon ko with men. Romantic, ganon. So basically, tungkol sa mga karumal-dumal kong ex ang susunod kong aklat. Aabot ng isang dangkal ang kapal ng aklat kaya a must have talaga itong It’s Raining Mens para sa girls, gals and women. May aklat ka na, may panghambalos ka pa sa mga gagong lalaki.

3) What genre does your book fall under?

Autobiography siya talaga. Pero puwede ring essays. Or creative non-fiction. Or suspense. Puwede ring crime.

4) What actors would you choose to play the part of your characters in a movie rendition?

Magandang tanong. Sa part ko, si Marnie Arcilla, ‘yong dating taga-Ang TV. Kamukha ko ‘yon, e. Para naman sa boys, heto:

Ex number 1: ‘Yong tatay ni EJ? Si Gloc 9. Kamukha talaga. Para silang pinagbiyak na hinlalaki.

Ex number 2: Si Mr. Gasul? ‘Yong bida sa The Hobbit. Pag-Tagalugin na lang natin siya or i-dub sa Tagalog ang mga linya niya.

Ex number 3: Si Recent Ex. Sobrang minahal ko ‘to pero kamukha niya talaga si Jose Javier Reyes. Puwede sigurong mag-cameo si Direk kahit saglit lang?

5) What is the one-sentence synopsis of your upcoming book?

Gusto lang namang gumanti ni Bebang sa kanyang mga ex, at ito ang kanyang unang pagtatangka. Joke.

Ang aklat na ito ay hindi pambata kaya kung bata ka, utang na loob, ‘wag mo ‘tong bubuklatin.

6) Who will publish your book?

Anvil. Uli, sana.

7) How long will it take you to write the first draft of the manuscript?

Halos dalawang taon din, a. To think na ‘yong ibang akda dito ay naisulat ko na noon pa. Kumbaga, ‘yong pagpili pa lang sa mga trabaho, halos dalawang taon na. Tapos ine-edit-edit ko na rin. Matagal talaga ang proseso ng pagsulat ng unang borador.

8) What other books would you compare this story to within your genre?

Siguro ‘yong aklat ni Enrile. Kontrobersiyal!

9) Who or what inspired you to write this book?

‘Yong mga mambabasa ko. Overwhelming ang response nila, grabe. Kaya naisip ko, ready na sila sa uri ng panulat na ginagawa ko. Medyo maselan kasi ang ibang akda sa It’s Raining Mens. Pero sa response ng mga tao sa It’s A Mens World, hindi na ako natatakot na isalibro ang mga ito. Dahil sa mga mambabasa ng Mens World, lumakas ang loob ko na maglabas pa ng akda ko.

10) What else about the book that might pique the reader’s interest?

May nakapagsabi sa akin na hindi raw dapat pinaghahalo ang iba’t ibang genre sa loob ng isang aklat kung hindi naman ito text book. Siguradong hindi raw ito magugustuhan ng mga mambabasa. Dahil ang gusto raw ng readers, prosa kung prosa.

Sa It’s Raining Mens, balak kong basagin ang ganitong paniniwala.

Thursday, January 3, 2013

Pop Lit at iba pa

Dear Rom Ms. Beb,

You don’t have to worry about your mentors’ opinions. Just answer it to the best that your honest heart and mind can.

1) What is pop lit? Describe it comprehensively.

Ang pop lit ay pinaikling popular literature. Ito ‘yong panitikan o mga akdang tinatangkilik ng mas nakararami. At dito sa bansa natin, ang nakakarami ay ang masa, ang maralita o ang mga karaniwang tao. Kadalasan, ang paksa nito ay ang buhay ng karaniwang tao, karanasan nila at mga aspiration nila sa buhay. Mabilis basahin ang pop lit dahil ito ay isinulat sa magaan na paraan at wikang alam na alam ng karaniwang tao. Bihirang gumamit ng mga metapora ang pop lit. Kung gagamit man ito ng metapora ay ipaliliwanag din sa loob ng akda para di masyadong mag-isip nang matagal o malalim ang mambabasa. Ang pop lit din ay gumagamit ng mga pampanitikang anyo na tested nang patok sa masa. Hindi ito mahilig mag-experiment. Kumbaga, may formula na at ‘yon ang laging ginagamit ng mga sumusulat ng pop lit. Napapalooban din ang mga akda ng mga popular na icon sa lipunan para madaling maka-relate ang mambabasa.

2) Tell something about its history and background. Relate it to the Philippine literature.

Napakahirap ng tanong. Pang –research na ito. Mas maganda kung mag-research ka sa library at pandagdag na lang itong sagot ko.

Suwerte ka dahil natalakay ito last meeting sa klase namin sa masters under Prof. Vladimeir Gonzales. Noong unang panahon, ang panitikan (o ang sining) at ang buhay ng tao ay sabay na nangyayari. Walang espesyal na okasyon para sa panitikan o sining. Nakapaloob ang sining sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Halimbawa ang mga tula, sa anyo ng bugtong, ay pampalipas-oras. Kahit sino, puwedeng bumigkas o sumulat ng bugtong. Ang mga kuwento tungkol sa diyos o mga mito ay isinasalaysay sa mga community gathering o sa gabi na walang magawa ang mga tao. Makikinig lang sila sa community poet na magsasalaysay ng mga kuwentong ito sa paraan na patula (para mas madaling maikintal sa memory dahil may tugma, ang mga tugma ay mnemonic device, isang paraan para madaling maalala ang mga salita). Walang nagmamay-ari sa mga panitikang ito kundi ang buong community (in other words, walang bayad). Para sa lahat. Lahat ng panitikan na ‘yan, nakapaloob sa buhay ng mga karaniwang tao.
Pagdating ng mga mananakop, ang Kastila, biglang nagkaroon ng espesyal na pagtatangi sa panitikan, sa sining. Biglang nagkaroon na ownership sa mga akda. Dala ng mga Kastila ang printing press, pati ang konsepto ng pagkakaroon ng iisang author para sa akda. Dahil may printing press, nagkaroon ng gastos ang pag-produce ng mga akda. Dahil may gastos, nagkaroon ng bayad.

Nagkaroon din ng espesyal na espasyo para sa mga dula o performances. E, dati, ang mga performances ay isinasagawa for all to see. Puwedeng sa may bakuran, puwedeng sa gitna ng daanan. At libre ang manood at makisaya, para sa lahat. Kapag may hihingiin ang mga tao sa mga bathala, nagpe-perform sila. Nagsasayaw sila habang nag-aalay ng baboy o ng pagkain. Kapag may ikinakasal, nagpe-perform sila. Kapag nagbabayo sila ng palay, kumakanta at nagsasagutan nang patula ang mga nagbabayo (para magkaroon ng rhythm ang pagbabayo nila ng palay, para di sila sabay-sabay sa pagbabayo, salit-salitan baga). Performances din ang mga ito.

Pagdating ng Kastila, nagtakda ng espasyo para sa mga performance ang dayuhan. Naglagay sila ng stage para sa performances. Inihiwalay ang stage sa audience. Nagkaroon ng takdang set of performers, hindi lang basta ‘yong member ng community (unlike dati, members ng community ang mga performer, kumbaga sila-sila rin). Ngayon, iba na. Hindi basta-basta ang performers. Tapos nagkaroon na ng bayad ang bawat performance. Kung gusto mong manood, magbayad ka.

Dahil dito, nahati ang sining. Nagkaroon ng “espesyal na sining” at “karaniwang sining.” Yung espesyal, kadalasan ay ‘yong may gastos sa produksiyon, kaya may bayad (nakalimbag, nasa entablado, etc.). ‘Yong karaniwan, ‘yon namang walang bayad at gawa ng community (oral literature, ritual performances, etc.). Nagkaroon ng high art at popular art. Lumawak nang lumawak ang difference ng dalawa. Pati sa lugar. Nanatili sa akademya ang high art na ito. at nanatili naman sa labas ng akademya ang popular art. Nagkaroon ng high art at pangmasang art. Nagkaroon ng sosyal na art at “bakya” na art. Mula sa mga “bakya” na art na ito, isinilang ang popular literature. Nakalimutan ko kung ano ang tawag sa kabaliktaran ng popular literature pero ito ‘yong mga literature o akda o mga aklat na mas mahal kumpara sa ibang aklat. Mas mahirap intindihin. Mas kakaunti ang number of akda na inilimbag (dahil konti ang demand sa market). Kadalasang inaaral sa eskuwela at hindi binabasa ng masa.

Kadalasang gumagamit ng espesyal na wika, wikang mas mahirap intindihin, gumagamit ng mga icon na hindi sikat at kelangan pa ng matinding research para makilala ang mga icon na ito. Kadalasan din, lalo na sa Pilipinas, sila ‘yong mga may award kasi “very artistic” ang pagkakagawa sa kanila. At kadalasan din, very experimental ang mga akdang ganito. Experimental in the sense na nagde-deviate sila doon sa formulang nakagisnan sa popular literature.

3) How can we say that a literary work is considered as a pop lit? Cite examples.

Nasagot ko na sa question number two.

4) Is pop lit an advantage to our culture?

Yes. Kasi ito ang tunay na daluyan ng ating isip at damdamin. Ang pop lit, kapag pinag-aralan nang maigi, makikitang mas sumasalamin ito sa kultura natin. Kaya nga siya gusto ng maraming tao kasi mas nakaka-relate sila rito. At kapag naipapakita mo sa mga tao ang sarili nilang kultura, mas napa-process nila ito, nakakapag-reflect sila. Nalalaman nila kung maganda ba ito o pangit o nakakapagdagdag ba sa progress nila bilang tao. ‘Yon naman ang isa sa mga layunin ng akda, ang mapag-reflect niya ang audience.

Isa pa, napapalaganap nito ang culture. For example, ang koreanovelas. Nakakatulong ang mga koreanovela para ma-dominate ng Korea ang mundo sa ngayon. Patok na patok ang kanilang kultura sa lahat ng sulok ng mundo, patok ang kanilang pagkain, ang kanilang wika, ang fashion, ang hairstyle, dahil sa mga koreanovela nila. And to think, ang koreanovela ay popular culture sa Korea, ha? At ang script ng mga koreanovela ay kabilang sa pop lit. Kung magagawa natin ito sa sarili nating mga telenobela, hindi ba’t napakalaki ng potensiyal natin, at ng ating kultura?

Imadyinin mo kung biglang sumikat ang adobo o kaya ang sinigang na kasingsikat ng jamppong? At si Bayani Agbayani magiging kasingsikat ng kumanta ng Gangnam Style?

5) Why or why not? How so or how not so?

Naipaliwanag ko na sa number 4.

6) If you will become a writer, on what part and field of literature will you be at? Convince us.

Naniniwala ako na ako ay nasa gitna ng pop lit at ng “lit.” Alam ko ang elements ng pop lit at ginagamit ko ito para sa mga isinusulat ko. Every time I write, I always inject something new. It could be a form, it could be a theme, a thought, o style o language. Okey lang sa akin ma-brand na pop lit. Walang problema. Diyan ako nag-umpisa at ito ang bumuhay nang matagal sa akin at kay EJ. Ang akin lang, basta’t may naio-offer akong bago sa mambabasa, masaya na ako. ‘Yon ang mas importante sa akin. Kasi ang pag-o-offer ng bago ay katangian ng “lit” o ng “high art”.

Pinagsasabay ko ang dalawa kasi naniniwala ako na mas makakapang-impluwensiya ako sa ganitong paraan.

7) Story tell the process of producing a book.

May makikita kang ganito sa internet. Paki-Google ang ibang detalye.

Iba-iba ang proseso ng pag-produce ng book. Puwedeng magsimula ang idea sa publisher, puwede rin namang sa author. Kapag sa publisher…

a. Kokontakin ng publisher ang natipuhan niyang writer para sumulat ng aklat.

b. Mag-uusap sila. Kung okay ang resulta ng usapan, magse-set sila ng deadline. Magkakapirmahan ng contract. Puwedeng may downpayment for author kasi kakain ito ng oras niya at wala siyang pambayad ng pagkain niya, upa sa bahay, kuryente, pamasahe at iba pa kung walang ibabayad sa kanya. Puhunan na ang kanyang effort, ‘wag naman sana ang pera.

c. Follow up-follow up si publisher kay writer.

d. Si writer, research, research, tapos writing time tapos revision, ina-update niya si publisher everytime. Nagko-consult din siya kay publisher everytime.

e. Tapos isa-submit ni writer kay publisher ang manuscript.

f. Ipapa-edit, copy edit at proofread ng publisher ang libro. Hahanap siya ng lay out artist at cover book designer.

g. Ipapa-ISBN ni publisher ang book kahit nasa anyo pa lang ito ng manuscript.

h. Kung may mga dapat pang baguhin sa manuskrito, babaguhin na ito ni writer.

i. Final version of manuscript submitted. Dapat nagkakabayaran na rito si writer at si publisher. Full payment. Or advance royalty.

j. Printing na ng aklat.
k. Kung ila-launch, bahala na si publisher. Tapos ima-market na ang aklat.

Puwedeng advance ang marketing ng aklat, para ready na ang market pagdating ng aklat. Depende na ito sa diskarte ng publisher.

Puwede ring magsimula ang idea sa writer o author. Kapag sa writer o author…

a. Si writer, research, research.

b. Tapos writing time. Madugo.

c. Tapos revision. Mas madugo.

d. Tapos hahanap si writer ng publisher na tatanggap ng kanyang manuscript. Submit siya ng cover letter, query letter, etc etc. Google-google, ganyan.

e. Pag may nag-positive response, aalamin niya ang payment scheme, ang publishing contract at iba pang fine print. Pag maraming nag-positive response, pipili siya ng isa at kokontakin ang natipuhan niyang publisher.

f. Imi-meet niya ang publisher. Question and answer portion ito para sa dalawang entity: ang manggagawa at ang may puhunan.

g. Kapag ayos na sa dalawang partido ang mga napag-usapan, magkakapirmahan ng
contract.

h. Isa-submit ni writer kay publisher ang buong manuscript. Puwedeng may downpayment for writer/author kasi kumain ng oras niya ang pag-research, pagsusulat at pagre-revise so by this time, wala na siyang pambayad ng pagkain niya, upa sa bahay, kuryente, pamasahe at iba pa. Puhunan na ang kanyang effort at talino, oras at pera, dapat lang na ma-nourish siyang muli. Makakatulong ang downpayment.

i. Follow up-follow up si writer kay publisher kung nasaan na ang manuscript, kumbaga, nile-lay out na ba? Pino-proofread pa lang? O ano.

j. Ipapa-edit, copy edit at proofread ng publisher ang libro. Hahanap siya ng lay out artist at cover book designer. Ipapa-ISBN din ni publisher ang aklat (na nasa manuscript form pa lang by this time).

k. Kung may mga dapat pang baguhin, babaguhin na ni writer.

l. Final version of manuscript submitted. Dapat nagkakabayaran na rito si writer at publisher. Full payment. Or advance royalty (mas favorable ito for the writers).

m. Printing na ng aklat.

n. Kung ila-launch, bahala na si publisher. Tapos ima-market na ang aklat.

Puwedeng advance ang marketing ng aklat. Depende na sa diskarte ng publisher.

8) Which book is more important to a child’s development: books from the academe or books from the “creative minds”?

From creative minds din naman ang books from academe!

Ang sagot ko sa tanong mo ay pareho. Dapat nino-nourish ang bata ng books mula sa academe at sa “creative minds.” Kapag mas malawak ang exposure ng isang bata, mas marami siyang matututuhan. Mas exposed siya sa mas maraming kultura, mas malayo ang mararating niya. Mas magiging malawak ang pang-unawa niya.

Eto mga follow-up Qs namin. Labas na ‘to sa skul hahaha. Wala, gusto lang kasi naming may mas malaman. Lalo na sa’yo.

1) Ano’ng klase ng panitikan ang dominante sa kasalukuyan? Bakit at papano?

Pop lit, definitely. Dahil mas marami ang tumatangkilik dito. ‘Wag natin kalimutan na ang mga aklat ay isang commercial product pa rin. At dahil commercial product, may involved na sales. At kapag mabenta, siya ‘yong dominant. Kasi mas kilala siya ng mga tao, mas marami siyang naiimpluwensiyahang tao, etc. etc.

2) Kung mas lumalago ang pera at produksyon ng pop lit, malaki rin ba ang tsansang mawawalan ng producers / publishers for other classifications ng literature especially yung mga maformal?

Hindi. Hindi puwedeng mawalan ng publisher at producer ang “other classification ng literature.” Kasi laging may need for that. Ang academe for one. Lagi silang nangangailangan ng “other classification ng literature” yung tinatawag mong maformal. At kadalasan dahil wala ngang makitang “other classification ng literature” sa usual market ang academe, sila na mismo ang nagpo-produce ng mga kailangan nila. Sino ang mga producer na ito? Ang mga university at academic publishing house.

Isa ‘yan sa kanilang mga layunin, ang mag-publish ng mga akdang nabanggit mo. Kaya never mawawalan ng producer/publisher ang mga book na ganyan. Siguro mag-iiba sila ng form, like magiging mas pangmasa tingnan ang physical na book, mas manipis ang papel (kamukha ng papel ng romance pocketbooks) or mas simple ang packaging, pang-student edition (gaya ng ginawa ng UP Press sa kanilang mga classic na aklat, me student edition, simpleng-simple ang cover ng mga ito) or puwede rin nilang gawing ebook ang mga aklat nila dahil mas mura ang production ng ebook, ico-convert lang ang final manuscript sa PDF file tapos puwede nang ibenta online.

See, maaaring magkaroon ng mga pagbabago pero hindi mawawala ang sinasabi mong aklat at mga producer ng ganyang aklat.

3) May tendency ba talaga na mangyari yun o nangyari na?

Wala. Dahil hangga’t may need, may magpo-produce.

4) Kung ganito kaganado at kadali ang pagpoproduce sa popular literature, e di pabor pala “sila” sa Taglish / bilingualism na umiiral?

‘Yong tinatawag mong Taglish, most probably, ‘yan ‘yung wikang Filipino, ‘yan ang pangalan ng pambansang wika natin ngayon. Ang wikang Filipino ay nahahaluan na ng mga banyagang salita tulad ng computer, virus, emergency room at napakarami pang iba. Nakapaloob na ang mga salitang ‘yan sa wikang Filipino, sa wika natin. Hindi na tulad noon na exclusive o may pagkapurista ang ating wika, ang Pilipino. Ibang-iba na ang wikang Filipino. Modern na, bukas sa impluwensiya mula sa iba’t ibang kultura. Tulad ng maraming wika sa buong mundo. Dahil sa ganitong paraan nag-e-evolve ang buhay na wika.

Hindi lang naman English (mula sa term mong Taglish) ang nakahalo sa wikang Filipino. Napakaraming term diyan ang mula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas, halimbawa: inday, palangga, mingaw (mga bisayang termino), manong, manang (mga ilokanong termino) at iba pa. Ano ang tawag n’yo diyan kung ipipilit n’yong Taglish pa rin ang wikang gamit ngayon? Tag plus languages all over the Philippines? Tagplangoldaphil?

E, pa’no naman ‘yong mga salita mula sa ibang bansa na nakapasok na pang-araw-araw nating pagsasalita? ‘Yon nga ‘yong jamppong na pinagkakaguluhan sa grocery, laging out of stock. ‘Yong Gangnam style (na I’m sure ay pinatugtog, sinayaw at kinanta ng lahat ng pamilyang Filipino noong kainitan ng Christmas season)? Gangnam is not an English word, ha? E, ‘yong rendezvous? Di ba French ‘yan? Pati origami, di ba Japanese ‘yan? Hindi English! So ‘wag nang tawaging Taglish dahil ang totoo, hindi lang English ang lahok ng Tagalog, kundi maraming marami pang wika, lalo na ngayon! Mas appropriate na tawagin itong wikang Filipino. Utang na loob, lumang term na ang Taglish.

Okay lang ba talaga na ganun? Half-half? Slang? Wala masyadong formality?

Depende kung saan gagamitin. Ang wika, parang damit. Kung pormal ang okasyon, alangan namang mag-swimsuit ka. Kung nasa beach ka, alangan namang mag tuxedo o evening gown ka doon. Kung nasa school ka, alangan namang magpambahay ka. Unless, allowed sa school mo. Kung nasa bahay ka naman, alangan namang suot mo ang school uniform mo hanggang matulog ka. Unless, tamad ka talagang magpalit ng damit.

Ang half-half o slang o walang masyadong formality na wika ay angkop lamang sa angkop na sitwasyon. Ang kabaliktaran niyan ay angkop lamang sa angkop din na sitwasyon.

5) Hindi ba pinapatay ng pop lit ang formality/pinagmula ng isang wika? Let’s say Filipino language for not being purely Filipino --- Taglish? Ganyan.

Hindi. Actually, mas nakakapagpalaganap nga ito. Si Ricky Lee at marami pang ibang writer na hindi Tagalog (as an ethnic group) o galing sa rehiyon na hindi Tagalog ay natutong mag-Tagalog (Tagalog pa ang tawag sa language natin noon) dahil sa komiks at pelikula na pawang mga pop literature.

Ngayon, they write in Filipino, (na composed mostly of Tagalog words PLUS words from different culture). Kung hindi sila na-expose noon sa pop lit na nasa wikang Tagalog (wikang Tagalog noon ang tawag sa language natin, remember), hindi siguro sila magiging writer sa wikang Filipino ngayon.

So basically, nakatulong ang pop lit para ma-expose sila sa nasabing wika. Nakakapagpalaganap ng wika ang pop lit.

6) May pag-unlad ba talaga sa pagsusulat?

Anong uri ng pag unlad ang tinatanong dito? Emotionally? Yes, of course. Mas nakikilala mo ang sarili mo pag nagsusulat ka. Intellectually? Yes of course, kailangan mo kasing magbasa nang marami bago ka magsulat. So sa pagbabasa pa lang, ang dami mo nang natututuhan. Ang dami mong nare-realize. Socially? Yes, of course, natututo kang makisalamuha sa ibang tao, kasi mas sensitive ka sa kanila, sa culture nila. Sa dami ba naman ng nabasa mo tungkol sa iba’t ibang kultura, e. (Pero hindi ito applicable sa iba. Ang iba kasi, mas nagiging recluse o isolated habang lumalalim sa craft nila sa pagsusulat. Pero hindi naman lahat ng writer, ganyan. Lalo na kapag Pinoy. Pinoys are very social beings hahahahah hindi lalampas ang araw nang wala tayong kinakausap. Una kasi, very family oriented tayo. Kahit ang pinakaseryosong writer sa Pilipinas ay very caring pa rin sa pamilya. So kwento-kwento with anak, with asawa paglabas ng kuwarto o during writing break. So very social being talaga.

Financially? HINDI. Next question.

7) Magkano (raw) ang sweldo o kita?

Depende sa writing project. Yung mga article-article, dapat piso per word. Ito ang isinusulong ngayon ng Freelance Writers Guild of the Philippines. So kung 1000 words, dapat 1000 pesos ang minimum na bayad.

Pero depende rin kung gaano na katagal nagsusulat ang isang manunulat at kung ano ang ipapasulat ng nagpapasulat. Siyempre kung bago ang paksa, mas matagal at mas maraming research ang kailangan, mas mahal ‘yon. Minsan, depende rin sa nagpapasulat. Lalo na kung politiko siya at biography ang pinasusulat niya. Mas mahal ‘yon. Kasi pati ‘yong kaluluwa ng writer, dapat bayaran ng nagpapasulat. Siyempre, magsisinungaling nang bongga diyan ang writer, di ba?

Sa kaso ko with publishers, heto: I get P800 for a two page comics script for kids. Sobrang baba niyan, ha? Tinatiyaga ko na lang. Mabait at friend ko kasi ang nagpapagawa nito once a month. Bale isang taon ko na itong raket.

I got P700 for a 700-800 word horror story (for the book Haunted Campus.) Nakasampung stories ako doon. So 7k din ‘yon. That was 2007 yata. Dapat nagtaas na ng rate para sa mga horror story na ‘yan. Tumataas ang presyo ng mga bagay-bagay, dapat tumataas din ang presyo ng intellectual work tulad ng mga akda.

Sa unang nobelang isinulat ko, Mingaw, I got P7000. For the whole novel na. Pati ‘yong copyright, if I remember it right, kasama na sa P7000. Sobrang tanga ko pa kasi noon. At first time kong ma-publish kaya oo lang ako nang oo. Dapat talaga, nagkokonsulta ang mga writer lalo na ang mga first time na mapa-publish. Kasi kadalasan, inaabuso ng ilang salbaheng publisher ang mga ganitong uri ng manunulat.

For magazine articles naman, (nagsulat ako dati sa Masigasig Magazine ng Summit, oo, ng mga Gokongwei!), I got P2500 per article. Around 1500 to 1800 words per article. Kailangan kong mag-interview ng artistang negosyante para maisulat ko ang article. Iko-coordinate ito ng Summit para sa writer tapos pupunta ang writer sa venue of interview at mag-i-interview. Tapos isusulat ang article at isa-submit online sa editor. Masaya ito at marami akong na-meet na artistang negosyante. Sina Isay Alvarez at ang asawa niyang si Robert Sena, Monsour del Rosario, John Lapuz, Gabe Mercado (the okay ka ba tiyan commercial model) at… ang master rapper nating si Francis Magalona!

Kaso medyo naipit ako sa pera, kasi laging after 3 months ang bayaran. Dapat daw after ma-publish ang article, saka pa lang babayaran ang writer. Nge. E, kung hindi ma-publish ang article? Hindi babayaran ang writer? Unfair di ba? Samantalang, nagawa naman ng writer ang kanyang trabaho. Anyway, hindi lang ‘yon, pupuntahan ko pa sa Ortigas ang bayad sa akin at pipila ako sa pilahan nila during office hours. Kasabay ko sa pila ‘yong mga naniningil ng bayad for plumbing services, paper clip and other office supplies. Hindi ako kilala ng cashier. Hihingian ako ng ID. Kapag wala akong ID na valid sa kanilang panlasa, wala akong tseke. And speaking of tseke, dahil tseke ang bayad sa akin, kakain pa ng oras ang pagpapa-encash ko ng tseke. Pupunta ako sa bangko ng Summit at doon ay muling pipila para sa encashment ng check. Ay, talaga naman. Napakahirap ng buhay–writer. At di rin ako binibigyan ng compli copy ng magazine kung saan nalathala ang article ko. Bili ako kung gusto kong magkakopya nito. May kita pa sila sa bibilhin kong kopya ng magazine nila! Talaga naman.

Dito naman sa It’s A Mens World, may 15% akong royalty mula sa net price ng aklat. Mga P19.00 per copy ang halaga niyan. Tuwing March lang ito ibinibigay. Taong 2010 na-publish ang aklat ko sa Anvil, wala pa akong natatanggap na royalty ever. Baka ngayong March pa lang. Hay, sana naman. Please, kelangan ko ng pangkasal hahahaha!

8) Hahaha. E kapag nananalo sa Palanca Awards etc?

I-google nyo. Nasa Google ang mga premyo ng Palanca at iba pang awards. Unfortunately, di pa ako nananalo sa Palanca. College pa lang ay pangarap ko na ang manalo diyan. Di bale, ako yata ang taong hindi nasisiraan ng loob, ever. Mananalo din ako diyan.

9) Importante ba ang pagsusulat sa’yo?

Oo naman. Dahil dito, sumikat ako. Joke!

Hindi ko ine-expect ang impact ng mga sinusulat ko. There was a time, nag-talk ang boyfriend ko sa isang college sa cavite. Tapos bigla niya akong tinawag at the end of his talk. Magkuwento daw ako ng karanasan ko as a writer. Gagi ‘yon, pinag-i-impromptu ako. Anyway, tumayo naman ako at nagsalita. (Para lang ‘wag mapahiya si boyfriend hahahaha)

College students ang audience. Ang ikinuwento ko na lang ay ang writing gigs namin sa Psicom. Biglang hiyaw ng isang estudyante, ikaw po si Beverly/Bebang Siy, ‘yong nagsulat ng Sungka? (‘Yong Sungka ay ang kuwentong isinulat ko para sa Haunted Philippines 9, group namin, ang Panpilpipol, ang nagsulat nito.) Sabi ko, oo, ako nga, meron ka no’n? (‘yong book, I mean) Opo, sabi niya. Tuwang-tuwa siya. Tapos ikinuwento niya sa audience ang Sungka. Buong plot talaga. Tuwang-tuwa ako. Luma na kasi ‘yong book. Years ago pa na-publish. At isa lang ‘yon sa napakahabang series ng mga Haunted Philippines ng Psicom. Para maalala niya ‘yong kuwento ng Sungka that day, palagay ko talagang unforgettable ‘yong kwento, di ba?

Ang saya ko kapag may ganong moment.

More that ten years na akong nagsusulat pero paglabas ng It’s a Mens World, ngayon ko lang talaga na-realize ‘yong impact ng mga sulatin sa ibang tao. Ako, nagbabago ang mga pananaw ko dahil sa ilang books, sa ilang stories. Pero kahit kelan di ko naisip na makakapagpabago rin ako ng pananaw ng ibang tao. Ngayon, I regularly receive emails, texts, private messages na nagpapasalamat sa akin na nasulat ko ang aklat, natutuwa sa akin dahil nabasa nila ang sulat ko, na marami raw silang na-realize sa sarili nila at sa pamilya nila, at naka-relate sila sa mga sinusulat ko.

Meron pang estudyante na sumulat sa akin. Sabi niya, bigla daw siyang na-homesick after mabasa ‘yong book ko. Nasa ibang bansa kasi siya, sa Europe. Do’n nagma-masters. Na-homesick siya noong nabasa n’ya ‘yong mga eksena sa Ermita. Kasi raw alam niya ‘yong place na tinukoy ko. Pati raw Divisoria. Pati ‘yong Pangasinan kasi may kamag-anak daw sila sa Dagupan. Naiyak ako, grabe. I never thought na makakapag-evoke ng ganong feelings ang mga sulat ko. I was just there to record what I had, what I experienced, na ayoko ring basta na lang malimutan. Tapos ayun na, natutuwa na ang ibang tao.

Writing made me realize I am important even to strangers. I am here not just to entertain people, but to inspire them, to make them hold on to feelings they never thought they had in the first place. Tsaka dahil sa pagsusulat, na-realize ko, mayroon ako na wala ang iba, at ito ay ang kapangyarihan ng salita. May kapangyarihan ako to change things. To change how my own people think.

10) Bakit ka nga ba nagsusulat?

Nasagot ko na, hahahah sori, excited.

11) Alin ang mas mahal mo, wikang Filipino o Ingles? Gaano?

Siyempre, Filipino. Ito ang wikang kinamulatan ko. Ito ang wika ng nanay ko, ng mga kapatid ko, ng mga kaibigan ko, ng teachers ko, at lahat ng taong mahalaga sa akin.

Isa pa, may mga bagay na hindi ko masabi sa ibang wika kundi sa wikang Filipino lang.

Noong nagtuturo pa ako, ginagawa ko ang lahat ng paraan para ma-realize ng mga estudyante ko na napakaimportante ng sariling wika. Na may function ito sa modernong panahon. At kahit anong sabihin ng iba, ito lang ang makakapagsalamin ng sarili nating aspiration, dreams, reality. Wala nang iba. Paano mo isasalin sa ibang wika ang daing na bangus with kalamansi? Ang salitang pasalubong? At ang diwa ng pahabol nating salita na ingat? Pa’no mo isasalin ang mga ‘yan sa ibang wika?

12) Pro-RH Bill?

May nagtanong na sa akin nito. Hindi ko masagot kasi di ko pa nababasa ang lahat ng tungkol sa RH Bill. Ayoko naman magbigay ng opinyon sa isang bagay na di ko gaanong na-research.

But definitely, pro-women ako. Kung saan magkakaroon ng mas maayos na buhay ang kababaihan, do’n ako. Kapag ang babae, maayos ang buhay, kadalasang maayos ang buhay ng buong pamilya. Kasi ang babae ang least priority noon. Sa pamilya, ang unang kakain ay ang mga bata. Sunod ang tatay kasi siya ang lalabas para magtrabaho. Kung ano ang matira sa pagkain, ‘yon ang sa nanay. See? Kawawa siya, di ba? So pag nakakakain nang maayos ang nanay, ibig sabihin, nasa maganda-ganda nang kalagayan ang kalagayan ng buong pamilya.

13) Kung patatakbuhin kang Presidente ng bansang ito ng mga nireregla, papayag ka ba?

Hindi ko thing ang maging president ng bansa, feeling ko, hindi ko kaya! Siguro bigyan ako ng mga thirty years? Or twenty tapos… pag iisipan ko uli hahahaha!

Hindi kasi ako mahilig sa malakihan. Mas gusto ko, intimate na group. Mas kaya ko mag-lead ng ganon.

14) Bakit at bakit hindi? (Tawa muna hahahahaha bago sumeryoso)

Ay, nasagot ko na!

15) Kung papipiliin ka, family o writing career? Isa lang (daw).

Ang hirap naman. Nagawa ko naman nang sabay, nabuhay kami ni ej sa pagsusulat ko, bakit ako papipiliin ngayon ng isa? Hahahaha

Writing is a work of heart.

Happy reflecting! Damo nga salamat sa paglalaan ng oras sa napakapakahabang tanungan. We’ll accept kung ano man at kung ano lang ang babalik basta galing sa’yo. 

Pahabol: Di kaya UFC TAMIS ANGHANG BANANA CATSUP ang mantsa sa shorts mo 25 years ago? Ma at pa. Malay mo, paimbestigahan natin? 

Palagay ko nga. Baka lang mantsa ng pagkain or… dyebs? Eww.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...