Saturday, June 30, 2012

From Gazelle Macaida of FEU Advocates

Wednesday, June 27, 2012
It's A Mens World (Book)]

"Isang sulyap sa mundo ng alaala (Isa lang ha!)"

"Manghihinayang ka, tapos maiinis ka sa buhay tapos maiiyak ka tapos magagalit ka. Tapos mare-realize mo, wala ka palang magagawa. Hanggang ganyan lang ang papel mo: ang makaramdam ng ganitong emosyon sa ganitong pagkakataon," Bebang Siy, Emails, 158, It's A Mens World.

Alaala ang nagsisilbing patunay na tayo ay dumanas ng kaginhawaan at kahirapan. Ito ang saksi sa pagbabagong ating napagdaanan sa ilang taong pamamalagi natin sa mundong paikot-ikot. Walang kasawa-sawang umiikot at iniikot ang buhay ng mga taong nakatira sa kanya. Bawat alaala ay may matamis at mapait na kwento. Bawat luha at tawa ay may kaniya-kaniyang pinagmulan. Ngunit higit sa lahat ng ito, kung sino ka 'ngayon' ay nagmula sa 'noon'.

Halu-halong istorya ng buhay na bumuo sa mapa ng Maynila ang nilalaman ng It's A Mens World ni Bebang Siy. Iba't ibang istorya na may kaniya-kaniyang flavors kulay (ideya mula sa Pinyapol, 38) na siya namang papatok sa panlasang pinoy with a touch of chinese.

Magmula sa lugaw hanggang sa pagnanakaw, pangingidnap, pakikipag-date at piso, nailarawan ni Siy hindi lamang ang Maynila kun'di pati na rin ang mga binibigay ng mundo, pananaw ng mundo, paningin ng mundo, panlasa ng mundo, kahit ang third sense ng mundo at ang uncommon common sense ng mundo patungkol sa mga babae. Lalo't higit pa sa buwanang dalaw. Sa pagkakataong ito, sa wakas! Babae ang bida sa Mens World.

Hindi nakapagtataka kung ang mga kuwentong ibabahagi natin ay patungkol sa kagandahan ng buhay. Kay dali nga namang i-kuwento na nagpunta ka sa Disneyland at nakipag-hotdog kay Mickey Mouse. Masaya nga namang alalahanin ang mga wapak na bonding niyo nina nanay at tatay. Higit sa lahat, hindi mo ba ipagmamalaki kung hahalikan ka ni Johnny Depp sa pisngi? Pero sa librong ito, hindi nagpunta ang bida sa Disneyland kun'di sa Divisoria, hindi rin si Mickey Mouse at hotdog ang kasama niya kun'di si Manong na may binubutingting sa tenga at ang malamig na pinyapol. Ang wapak na bonding niya sa kaniyang mga magulang ay ang pangingidnap sa kanya ng tatay niya na tila nakikipaglaro ng pingpong sa nanay niya---sila ang bola. Lalo't higit hindi si Johnny Depp ang humalik sa kanya. Naisip ko tuloy kung may mens ba siya noong sinusulat niya ito. Siguro oo, dinatnan siya ng regla ng buhay.

Lahat tayo may mens. May maruming dugo. May maruming alaala na kailangang mailabas dahil hindi na natin ito kailangan. Ang mens ng buhay ay parang pagpapatuli ng lalaki, pwedeng isahang beses lang. Pwede rin namang buwan-buwan. Taon-taon. Unti-unti. Ang mahalaga ay mailabas ito.

Ang mga bagay na ito ay mga alaalang hindi na makakatulong sa kung ano tayo ngayon. Para silang mga dugong minsan nating ginamit para mabuhay, pero dahil marumi na ito, kailangan ng ilabas para mapalitan ng bago. Ng mas bago at sariwang ikaw.

Para magkaroon ng mens, maraming bagay ang dapat isaalang-alang. Gaya ni Colay, dapat bibo ka, malakas kumain, at mahilig sa softdrinks. Pero ang pinaka-importante sa lahat, dapat handa na ang iyong katawan. Handa na ang puso't kaluluwa mo na humarap sa mens. Hindi lang ang panahon kun'di ang sariling kahandaan mo rin ang magdidikta ng mens mo.

Gusto mo ba magka-mens? Ako, gustong gusto ko. Hindi ko nga lang alam kung kailan, irregular kasi ako e.

Maaaring maging iritable tayo bago pa man harapin ang mens, 'wag mag-alala, PMS lang 'yan. Pre-menstrual syndrome, HINDI pre-marital sex. Ang kailangan lang natin gawin ay tiisin ito. Ganun talaga, parte 'yan ng paglalabas mo ng lahat ng marumi mong dugo.

Bago lumabas ang dugo, marami pa itong pinagdadaanan. Tulad ng mens ng buhay, marami kang dapat malampasan bago mo masabing kaya mo na talagang bitawan ang mga mapapait na alaala. Kung ano man 'yung pagdadaanan na 'yun, hindi ko alam. Hindi kasi ako mahilig sa science, basta ang alam ko, may dugo (ang iyong alaala), masakit sa puson (oo, masakit ang pagdadaanan mo, pero kailangan mong masaktan para malaman mong kailangan mo na itong bitawan, minsan kasi may pagka-t**** din tayo e. Kailangan pang masaktan bago matauhan.), at kailangan ng napkin (kung sino man siya na tutulong para saluhin ka habang pinagdadaanan mo ang malakas na agos ng pagsubok).

At dahil dito, iniisip ko tuloy. Sa dalawampung istorya na mayroon sa libro, gaano kaya kadaming dugo ang nailabas ng may-akda? Sa lahat ng ito, tibay at lakas ng loob ang kailangan. Para siyang si Captain Barbell(a). At ang tibay din ng napkin niya.

"Mas naintindihan ko ang sarili ko. Mas naintindihan ko ang nangyari. Biktima ako. Hindi ko kasalanan ang nangyari sa akin. Hindi ko ginusto ang nangyari sa akin. Wala akong ginawang masama. Hindi ako marumi, ibulong man ng sanlaksang daluyong ng malamig na hangin. Pero kahit nalaman ko ang lahat ng ito ay hindi pa rin natanggal ang imbisibol na pabigat sa puso ko," Bebang Siy, Sa Ganitong Paraan Namatay Si Kuya Dims, 111, It's A Mens World.

Minsan, hindi sapat na maintindihan mo lang ang mga bagay para masabing tapos na ito. Minsan, kailangan din natin ng closure. Minsan din, ang closure ay hindi lamang natatagpuan sa sarili.

For the "First Week-sary" special of my blog, I chose this book as the review because it is one of the books that inspires me, not just as a writer, but also as a person. Looking at the brave work that Ms. Bebang did in revealing the mysteries of her life, and looking at how she turned out to be now, little by little, it pinches my heart, reminding me of how beautiful the future will always be.

Past never defines our entirety, not even our future. Not only the book but the author herself has inspire my life, and surely others' too. No one could reach immortality unless one has able to mark into other's life, and able to prove it with their remarkable work-of-art. With this, Ms. Bebang Siy is one of the goddesses who's punished to be a human in order to share their powers to mankind.

One thing I desire the most now is to make a Wedding Review of this candid author. How I wish... Still, best wishes in the future, soon-to-be Mrs. Verzo. hihi. :)

This was reposted with permission from the author. (Gazelle, salamat po!)

Gazelle's blog entry can be found here:
http://gaziie33.blogspot.com/2012/06/its-mens-world-book.html?zx=588dd2825efcaf6b

Thursday, June 28, 2012

From Anna Karina Heruela Casiding

finally found a copy of your book! whew! i finished reading it in one day, in-between completion of tasks!!! your readers are right; it is a book difficult to cease reading. i was actually surprised to realize that I have reached the credits part already.

keep writing, bebang! you are gifted with a command of the language plus the beautiful scars of life--only with these are warriors made.

197 Days

Written by Sean Elijah Siy



I have been living with my mom since I was a child. But sometimes my dad visited me and sometimes, I visited him. Every time I stayed in his house, he tried to turn me into a real man. He taught me a few things about being a tough guy such as how to use bro, ‘tol, brad and, p’re. He also taught me how to play basketball (which was not my sports, actually), how to court girls, make friends with guys, etcetera. But the thing was, I was not the kind of person who is friendly with guys (they were always bullying me), and I was not a “babaero” either. So my dad failed and he got mad when he found out I could do a split.

But of course, my dad did not give up. He pushed me more to become a real guy! He let me read his magazines with girls in bikinis, he let me watch “American Pie” even if I was just 6 years old then. He gave me some toy guns and toy cars and many more. But he turned red when he saw me petting a small kitty and playing with my Ate Ja and her girl playmates. Then he stopped. Maybe he lost his patience for me.

Anyway, when I went back to my mom, she taught me creative writing. She just let me write my daily journal and some poems and I had more time to practice my real sports, “wushu” (maybe my dad didn’t know what wushu was). The more I spend my days with my mom, the better I get in doing splits and the more I get in touch with girls. It was not my fault, my mom’s friends were all girls.

The second time I visited my dad, it was summer, he gulped when he saw me sitting in crossed legs. One night, he let me choose the movie to watch: The Grudge 2 or The Notebook. He scratched his head and started crying, “Why? What happened to my son?” I don’t know what bothered him, I just pointed at The Notebook. But since he was the boss, we watched The Grudge 2. There was this part of the movie when I screamed like a girl. There was no drama part in the movie but my dad was close to crying when he heard me scream. My grandfather (my dad’s father) acted like the way my father did. He saw me doing a split at the corridor of their house and I was smiling at him just to look cute. He tapped my dad’s shoulder and turned his head side to side.

One day, my dad brought me to the mall. He said we were going to buy a toy for me. He showed me two toys. One was three Dragon Ball action figures in one set and one was a five-Barbie-dolls set. I was thinking of choosing the Dragon Ball set, but the doll set was bigger than the action figures and it was cheaper. So I chose the dolls. My dad told the cashier, in a very loud voice, that it was for my sister.

The next day, he saw me practicing wushu and he asked me where I learned my moves. He bought me Jackie Chan and Jet Li movies and he was teary-eyed when he discovered that I was interested in action movies. He let me punch and kick my cousins and bought me more action movies.

The summer was over and I had to go back to my mom. My dad said that I should fight back if someone tried to hurt me. Then he gave me some perfume that he used to spray all over his body and all the movies he bought for me before I went home.

When I went back to my mom and started schooling again, one of my classmates tried to bully me. He always kicked me and knocked my head. I got mad so I slapped his face and kicked him hard. My mom and I went to the guidance center with the guy I slapped and his parents. I wondered why he got bruise and I didn’t have any even if he was the one who was always hurting me. My mom got mad not because of me, but because of my classmate who bullied me. She kept shouting over and over again and I was doing eye to eye contact with my classmate and smiled at him like a devil. When the meeting was done, my mom and the parents of my classmate did shake hands. They wanted me and my classmate to hug like friends but I did not want to. When my father heard all of these, he was very proud. He taught me more self-defense and how to use his airsoft guns.

I’m a teenager now. The last time I was with my father was two years ago. One of the things I learned from him was cooking. He knew how to cook any kind of food. Every time I cook for myself, I think of my dad and all the 197 days I was with him.



Copyright of the first photo belongs to Joshua Dominic Siy. The copyright of the second photo belongs to Ronald Verzo.

Sunday, June 24, 2012

para sa mga guro: the power of group work

Noong nagtuturo pa ako sa uste, isa sa mga characteristic na napansin ko sa mga estudyante ay ang pagiging team oriented nila.

kapag individual ang quiz, napansin ko na walang pakialam ang ilang estudyante sa makukuha nilang score. hindi sila careful sa pagsagot, basta makapagpasa lang. pero kapag may sangkot nang ibang tao, nag-e-effort sila nang kaunti. palagay ko ay dahil nahihiya sila sa kagrupo nila.

at itong hiyang ito ang sinamantala ko. nang maraming-maraming beses.

naaalala ko ang ilang group quiz namin.

the baybayin quiz

by row ang grouping (lahat ng estudyante ko tinuruan ko kung paanong sumulat ng baybayin, im so proud of this talaga hahahahaha). bawat group ay may hawak na isang white board marker at may nakalaan na space sa white board na nasa harap ng classroom. bawat member ng team ay magkakaroon ng pagkakataon na sumagot at sumulat ng baybayin sa harap.

anong nangyari? pati ang mga kolokoy kong estudyante na hinihikaban ang pag-aaral ng baybayin, biglang nag-aral, nagpraktis at nagsulat. instant bibo kid!

palagay ko ay dahil nahihiya silang malaman ng iba na bano sila sa lesson na yun. imagine, buong klase ang makakakita ng paraan nila ng pagsulat ng baybayin. na sa totoo ay napakasimple lang naman. kaya nakakahiyang talaga na malaman ng iba na ang ganito kasimpleng bagay ay hindi nila magagawa nang tama.

isa pang palagay ko ay dahil nahihiya silang maging reason ng mababang score ng kanya-kanyang team. aba'y siyempre, ok lang kung sariling score lang ang apektado. pero apektado ang score ng buong team dahil lang sa iyo? hindi yata katanggap-tanggap yon! yan ang naisip ng mga kolokoy na to. kaya nag-aral sila at nakita ko sa harap ko mismo, nagpapaturo pa ang iba kasi nga naman, baka may maling hook o kaya maling curve silang maisulat.

ang mga estudyante na nasa pinakakanan ng bawat row ang unang pumupunta sa board. bibigyan ko sila ng salitang isusulat sa baybayin tapos bibilang ako ng 5 seconds habang mabilis nilang isinusulat ito sa board. hindi magkakaroon ng score ang team member na mahuling nagsusulat pa after kong bumilang.

madadali lang naman ang mga salita sa quiz na ito:

1. kita
2. tingi
3. utang
4. Filipino
5. negosyo -(commerce students kasi ang mga estudyante ko)
6. puhunan
7. deposito
8. ekonomiya

lahat yan, one point each. bihira ang nakakatama sa lahat ng yan, sa walong yan. kaya naman ang numbers 9 at 10 ay two points each at may privilege ang bawat grupo na magpadala ng best member nila. mayroong sampung segundo ang bawat member para isulat ang sasabihin ko.

(at sinisiguro ko na wacky ang mga salita/phrases/sentences sa 9 at 10 hahahahaha)

9. Bababa ba? Bababa.
10. Papaypay-paypay pa.

at sa puntong ito, lahat ng members ng group, nagchi-cheer na sa kanilang representative, kahit pa iyong pinakawalang interes sa baybayin.

hahahaha masaya na ako sa ganon. nagawa kong makita niya ang baybayin in a different light? na masayang aralin ang baybayin? di boring tulad ng inaakala niya? achieve!

dahil sa pagnanais ng mga estudyante na maka-ten over ten, bigla, ang classroom ko nagpaparang matinding session ng larong charades hahahaha riot talaga. kanya-kanya silang coach sa representative nila. hindi na ako nagsasaway o nagbabawal kasi siguradong sa gulo nila, wala namang maiintindihan ang bawat isa.

minsan, sa faculty room, tinanong ako ng co-teacher ko. bat daw ang ingay namin? at nakatayo pa ang maraming estudyante. sabi ko, me quiz kasi kami hahahaha nambibilog ang mga mata niya. quiz? bat ganon? hahahahaha hindi ko na ipinapaliwanag dahil baka sitahin pa ako.

the weekly task quiz

usong-uso noon ang pinoy big brother. kaya ginamit ko ang phrase na weekly task sa classroom. ang 2nd sem ng Filipino subject sa college ay devoted sa reading and research. linggo-linggo, me binabasang text sa wikang Filipino ang mga estudyante ko. iba-iba: me komiks tungkol sa epekto ng kahirapan sa paggaling ng isang maysakit, me essay tungkol sa wika na isinulat ng isang sikat na writer (si Gilda Olvidado), me informative essay ni Francisco Colayco tungkol sa tama at maling pangungutang (dahil nga commerce students ang aking mga estudyante), me tungkol sa work ethics, Ang Trabahong Stapler ni Rio Alma, me tula tungkol sa ecology "Larawan ng Isang Labak" ni Rio Alma uli (obvious ba kung sino ang paborito kong writer), me essay tungkol sa politika, tungkol sa wikang Filipino at marami pang iba.

dati, me reaction paper ang bawat estudyante ko sa bawat text. at na-realize ko na ito ay nakakaubos ng oras sa part ko (pagbabasa at pagge-grade ng lahat ng essay bawat week will cost me two days a week, kumusta naman? wala na akong ibang buhay kundi pagche-check ng papel?), ginawa ko na lang itong weekly quiz sa loob ng classroom. ginagawa ito every monday or every first school day of the week para may time silang mabasa ang text for the rest of the week.

pero may twist ang weekly task quiz na ito. nakabatay sa dice ang bilang ng magku-quiz sa isang grupo. tuwing pupunta ako sa classroom, bitbit ko ang isang higanteng dice. kasinlaki ng isang personal TV. pipili ang klase ng representative nila para ipagulong ang dice mula sa teacher's desk hanggang sa pader ng classroom sa likuran. kung ano ang lumabas na number, say 3, tatlong tao sa isang grupo. sila na ang pipili ng mga kagrupo nila. tapos saka kami magku-quiz, one to ten. isang papel lang para sa bawat grupo. pero kapag ang lumabas na number sa dice ay 1, individual ang quiz. at sinisisi nang buong lupit ang estudyanteng nagpagulong ng dice. iniismiran na siya nung mga hindi nag-aral, pinandidilatan nung mga hindi nagbasa at binabantaan ng mga walang pakialam sa klase.

kaya kadalasan, ang pinipiling mga tagapagpagulong ng dice ay iyong mga siga at sanggano ng klase. para wala silang ibang sisisihin kundi ang mga sarili nila, silang mga hindi nag-aral, hindi nagbasa at mga walang pakialam sa klase.

sa quiz na ito, ang riot na part lang ay yung pagpapagulong ng dice. lilinya ang mga estudyante sa pathway na tatahakin ng dice. para lang silang mga bouncer at bodyguard ng celebrity. at ang celebrity ay ang humble kong dice. nakasungaw ang mga ulo ng ibang estudyante sa mga puwang na nalilikha ng mga katawan ng bouncer at bodyguard. nagchi-cheer ang lahat.

Siiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiix!

minsan, mas mabilis ang cheer.

sixsixsixsixsixsixsixsixsixsix

at matatapos sa masigabong palakpakan ang lahat. kahit hindi pa pinapagulong ang dice. if only the dice could talk, sasabihin nito, "pressure naman kayo, classmates."

kapag pinawalan ng tagapagpagulong ang dice, mamamayani ang kakaibang katahimikan. ito ang uri ng katahimikan na mae-experience kapag hinuhugot na ang huling bola para sa lotto draw. ito ang uri ng katahimikan mula pagkatapos ng UPCAT hanggang i-announce ang results. ito ang uri ng katahimikan bago i-announce kung sino ang first runner up at ang bagong miss universe. ito ang uri ng katahimikan sa pagitan ng tanong na puwede pang pautang ng limang libo? at sa sagot ng inuutangan.

ganyan.

at paglagpak ng dice, ang maririnig ay depende sa lumabas na number sa dice. kung 1 ay puro ungol ng kinakatay na baka, atungal ng binibiyak na baboy at iyak ng hinihiwang palaka. kung 6 ay hiyaw, sigaw ng tagumpay. wala pa man ang tunay na laban, ang quiz, nagbubunyi na ang lahat. feeling nila perfect na ang score nila sa parating na quiz!

celebrate the times, c'mon!

dahil siguro sa paniniwalang mas marami, mas kayang-kaya.

sabi ko minsan sa mga estudyante ko, wag naman kayong masyadong maingay at wag masyadong masaya. baka me sumilip na teacher at tanungin tayo, anong nangyayari dito? anong sasabihin natin? magku-quiz po kami. di ba? quiz? bat parang casino? in a winning streak? o, e ang saya saya nyo, mapagkamalan pa kayong sinto-sinto. quiz!

totoong masaya naman, di ko rin masisi ang mga estudyante ko. dahil sa dice-dice na ito, bawat quiz para sa weekly readings ay inaabangan na nila, with matching excited wriggly bodies. pagpasok ko pa lang ng kuwarto, dala-dala ko ang dice, tumatayo agad sila, ang sigla-sigla ng kilos, nakangiti pa. ayan na, ayan na, sabi ng iba. parang hindi ako magpapa-quiz. parang ang bitbit ko ay isang malaking kahon ng goldilocks.

saan ka nakakita ng mga estudyante na ganito ang attitude sa isang quiz? hahahaaaha imagine, hindi na sila natatakot dito, in fact, nae-excite sila.

Friday, June 22, 2012

Blog tungkol sa K-12 program ng DepEd

Dapat alam ito ng lahat ng Pilipino. Lahat ng susunod na henerasyon ang maaapektuhan dito.


http://philbasiceducation.blogspot.com/2012/06/deped-k-to-12-overview-of-this-blog.html

Mula kay Rigolets Florendo

Bukod sa mga nobela nila Eros at Ricky Lee, ang aklat na ito ay isa sa mga pinananabikan kong bilhin at basahin simula noong una ko ito nalaman at sa kadahilanan na rin na ang may-akda ay naging propesor ko sa UST.

Noong ito ay nakita ko sa bookshelves ng isang bookstore sa Greenbelt, wala talaga akong ka-idea-idea kung tungkol saan ang aklat ni Mam Bebang hanggang sa nabasa ko sa likod nito na tungkol ito sa regla o ang pagdadalagang tao ni Colay. Subalit ang una kong impression ay mali pala. (Infairness kay Mam Bebang, magaling siyang pumili ng pamagat. Takaw pansin sa mga mambabasa.)

Ang It's A Mens World ay matuturing kong diary ni Mam Bebang sapagkat napapaloob dito ang mga hindi malilimutang gunita niya simula noong kabataan pa niya. Nagustuhan ko ang libro pagkat simple ang pagkakasulat, hindi nakakabagot basahin, nakakatuwa at nakakatawa ang ilan sa mga pahina at paminsan minsan ay nakaka-relate ako sa aking binabasa. Kung ako'y tatanungin, ito ang kaunaunahan kong non-fiction book na binasa.

Noong matapos ko ito, mas nakilala ko ang may-akda at dating kong propesor, hindi naiiba sa iba, simple pero matapang, family-oriented, may utang na loob, may pagkamausisa at pasaway at higit sa lahat, tulad ng mga ibang babae, rineregla rin.

Thank you, RV!!! -Mam Bebang

Ipinost po dito nang may pahintulot mula kay Ginoong Florendo. Makikita rin ang post na ito sa Good Reads Website.

Friday, June 15, 2012

Projects

andami naming gustong isulat at i-publish ni Poy.

1. aklat ng mga play na pambata.

Meron siyang dalawang play na isinulat at na-stage na in the past two years.

Tapos meron akong dalawang play na isinulat sa Filipino at isinalin ni Poy sa Ingles, na-stage din this year. Meron akong isinulat na play tungkol sa counterfeit products, pambatang play ito. Wala pa ang last page. At hindi pa ito naii-stage. Pero kung matutuloy ang aklat namin, gusto ko, kasama ang play na ito.

2. process ng pagsulat ng script ng pelikula. with the Musiko script.

gusto ko sanang isulat niya ang proseso niya ng pagsusulat ng Musiko. Mula sa conceptualization, storyline, sequence treatment at mga draft. maganda ito. sana magawa niya.

3. sopas muna 2. antagal na nito putek di ko lang talaga maharap. andami ko nang utang sa panpilpipol.

4. sanaysaya.

compilation ito ng mga akda ng mga naging estudyante ko sa essay writing class sa Filipinas Heritage Library. kasalukuyan ko itong ine-edit.

5. compilation ng mga comics script na pambata.

yung lahat ng gawa namin sa gospel. puwede na i-compile at gawing book.

6. dyip tips

compilation ng essays ko tungkol sa pagsakay ng dyip.

7. pinaka book

compilation ng essay tungkol sa mga bagay na pinaka. funny ang tone nito siyempre.

8. young adult novel tungkol sa musiko. parang adaptation ito. medyo bata ang main character. sa musiko kasi, working na ang bida.

9. libro ni jonte

gusto ko talaga ma-publish ito. sana lord, sana walang aberya, sana pumayag ang parents ni jonte. at sana maganda ang output namin.

10. its raining mens

ako talaga ang me problema dito. editing portion na ako dito. at yung last part op kors.

11. patungong panumtom

lord isang kembot na lang libro na ito. hay naku bakit ba antagal-tagal nito matapos? sana matuloy ang usapan namin ni mayor marty next week. me printer na, nakaantabay na. pondo na lang ang kulang. o pondo, halika na, come to mama!

ang daming dapat gawin at dapat isulat at dapat i-publish. bat naman kasi ambagal magsulat ng mga filipino? dalawang magkasunod na araw na kaming dumadaan sa book sale ni poy. at tuwing nagpupunta kami doon, nai-inspire kami na magsulat at mag-publish ng libro. kasi naman, parang lahat na lang ng uri ng paksa, inilibro na ng sangkatauhan. puro ingles nga lang. kaya malaking market talaga itong sa Filipino.

god bless this list. at sana dumami pa ang nasa listahang ito.

amen.

Responde: Isang Rebyu

Nagandahan ako sa librong Responde. Isinulat ito ni Norman Wilwayco, mas kilala bilang Iwa, graphic artist/writer na naka-base ngayon sa Australia. May ilan na siyang nobelang naisulat. Ito pa lang ang nababasa ko. Binubuo ito ng 12 na maikling kuwento at inilathala ng Black Pen Publishing noong 2011.

No’ng unang mga pahina, sabi ko, eto na naman, tungkol na naman sa buhay ng mga adik, kanto boy, tambay, prostitute at iba pang iniilingan ng lipunang Pinoy. Ang una kong tanong: anong bago ang masasabi nito?

At napakarami pala.

Hindi lang inilarawan ni Iwa Wilwayco ang buhay ng mga nabanggit kong tao sa napakatotoong paraan, binigyan din niya ang mga ito ng pagkakataon na mailahad ang sariling mga angas, ang mga hinaing, ang sariling mga pangarap.

Ang inaangal ko sa mga ganitong akda, kadalasang hindi naka-capture ang tunay na esensiya ng karanasan ng mga taong tampok dito. Kasi lagi na lang itong isinusulat mula sa punto de bista ng taga-labas. OUTSIDER. Kumbaga sa lente ng camera, nagpipiktyur ang mga manunulat mula sa labas ng pangyayari, sa labas ng mga eksena. Kung mag-close up naman sila ay palaging mula sa taas ang shot. Kaya mga bumbunan ang nakikita at lumalabas sa picture. O kung di man, yung zoom out na mga picture. Yung malaki at malawak ang sakop, kaya di nakikita ang mga detalye sa picture.

Ibang-iba itong gawa ni Iwa. Ang linaw ng mga detalye. Puro close up shot ang ginawa niya. Kaya capture na capture ang bawat ngiwi, ngiti at buntong-hininga ng mga tauhan. Kitang-kita rin sa lengguwahe na ginamit sa mga akda, isa si Iwa sa mga taong kanyang isinusulat. Pagka binasa mo siya, kung nalalapirot ang puso ng tauhan dahil sa mga nangyayari, madarama mong nalalapirot din ang puso niya, siya mismong manunulat.

Kabadong-kabado malamang si Iwa habang ang bida ng kuwentong Dugyot ay naghahanap ng bagong mabibilhin ng drugs pagkalabas nito ng parlor. Kinakabahan si Iwa kasi di malaman ng bida kung saan siya iiskor ng drugs. At kapag di kasi nakaiskor ng drugs ang bida, baka kung ano ang gawin sa kanya ni Ompong, ‘yong siga na nagpapabili ng drugs.

Buwelta.
Walang ibang dapat gawin kundi maghanap ng ibang mabibilhan. Balik ako sa lugar nina Olsen. Mabuti na lang, wala siya sa bungad, naispatan ako ng isang runner. Kahit labag sa loob ko dahil di ko kilala, kinindatan ko. Lumapit sa akin at iniabot ko ang lahat ng pera sa bulsa ko.
--Dos, bato, singkuwenta, chongki, sambit ko.

Malamang ay heart-shaped naman ang mga mata ni Iwa habang sinusulat niya ang kakaibang show of love ng tauhang si Jean para sa kapwa adik at boyfriend niyang si Tony sa kuwentong Drug War.

“Anong ginawa nila sa iyo, Jean?”
“Saka na natin pag-usapan. Ang importante, buhay ka pa. At ako. Magkasama pa rin tayo.”
Hinawakan ni Tony ang mga palad ni Jean at sa hindi na niya mabilang na pagkakataon, muli siyang pinahanga ng tibay ng loob ng katipan.
“Ano, subukan mo kung kaya mong tumayo. Dadalhin kita sa ospital.”
Iginala niya ang paningin sa paligid. Malinis. Ibig sabihi’y nakapaglinis na si Jean. Nakita niya sa mesita ang supot na binili niya kay Mart.
“Hindi nila dinala ‘yong stash?” tanong ni Tony.

Nagagandahan din ako sa lengguwahe, hindi dahil lengguwahe ito ng kanto boy kundi dahil napakasimple ng kanyang mga salita, simple ang mga pangungusap, maayos ang mga spelling, kumbaga, simple lang ang lahat, at palagay ko, mas tamang termino ang "suwabe." Hindi masakit sa ulo. Kahit walang pinag-aralan ang nagsasalita, angkop pa rin ang wika na ginamit ng manunulat at hindi pa rin masyadong bumabali sa mga kumbensiyon ng grammar.

Higit sa lahat, nagagawa nitong makapagparating ng mga puntong mabibigat. Nagagawa nitong maging tinig ng sari-saring tauhan.

Hindi ko natipuhan ‘yong kuwentong Ang mga Bagay na Wala Kami. Kasi ay parang Jun Cruz Reyes na Jun Cruz Reyes ang dating ng kuwento. Nabasa ko na ito sa isa sa mga koleksiyon ng akda ni Sir. At para sa akin, ang render ng kuwento ni Iwa, masyadong melodramatiko.

Kuwento ito ng isang mahirap na pamilya at isang gabi, kailangan nilang makatawid ng ilog para humanap ng doktor. Inaapoy ng lagnat ang bunso ng pamilya. Bumabagyo noon at lunod na ang ilog. Apaw na. Ang tubig-baha, tubig ng ilog, pati ang lungkot at takot ng pamilya, umaapaw na.

Pinakapaborito ko sa lahat ang kuwentong Imat. Tungkol ito kay Imat, isang babaeng naging palaboy at sinto-sinto nang ma-gang rape. Sa probinsiya. (Oo, hindi lang sa gubat ng Maynila nangyayari ang mga ganitong bagay.)

Ang punto de bista ay sa binatang papunta na sa landas ng tagumpay. Bagong graduate ang binatang ito at nagawaran ng titulong engineer. Pag-uwi niya sa probinsiya upang i-celebrate ang lahat ng biyayang natamo, naalala niya ang lahat ng eksenang may kinalaman sa kanya at kay Imat. Dito ay binanggit niya kung paano niyang niliyo minsan, noong panahon ng kanyang kabataan, itong si Imat para maisama sa kama. Inilahad din niya ang kanyang saloobin nang mga panahong nagaganap ang pakikipagtalik niya kay Imat at ang pakiramdam niya ngayon na naaalala niya ang mga detalye nito.

Ano ang pakiramdam ng bully? Paano nga ba maging gago? Ano ang pakiramdam ng isang taong nang-aabuso? Ano ang pakiramdam ng isang nang-aabuso, nanggagago at nangbu-bully ng kapwa na walang kamuwang-muwang, walang sala sa kahit na sino? At habang inaabuso, ginagago at binu-bully ay umiiyak na lamang at nakatingin sa kawalan? Ano ang pakiramdam ng isang lalaking nakikipagtalik sa ganito? Tinitigasan ba siya? Nakakaraos?

Lahat ‘yan, inilahad ng bida sa Imat.

Masaya akong may ganitong uri ng mananalaysay sa Panitikang Filipino. Patunay lang na kahit ano pang karanasan ang ikinukuwento, kahit pa iyong sa pinakakaraniwang mga tao, kung ito ay ikinuwento sa napakahusay na paraan, walang dahilan para hindi ito bansagang OBRA MAESTRA.

Para kay Iwa, more works to come, congratulations, pare. Nadale mo, putek.

Thursday, June 14, 2012

Daddy

Fathers' Day na naman.

Katulad ng Mothers' Day, medyo kabado ako, or say, uncomfortable ako kapag paparating na ang araw na 'yan.

Kasi wala na akong maisip na ipanreregalo sa celebrant.

This year, hindi pa ako nakakadalaw sa puntod ni Daddy. Si Daddy, madaling regaluhan. Apo lang, masaya na 'yan. Lalo pa't lalaki ang apo. Joke. I mean, bulaklak lang, ok na sa kanya. Makakaangal pa kaya siya, e wala na siyang ibang maco-consume kundi ang samyo ng bulaklak?

Ang iniisip ko ngayon ay ang regalo para sa tatay ni Poy at kay Tatay, ang lolo ni Poy na 90 something na. Nitong mga nakaraang taon, ang iniregalo namin sa kanya ay shirt, shorts, tsinelas, tuwalya, 'yong mga ibinabalot na tela sa kamay para di mabalian at iba pa. Wala na akong maisip na regalo. Sabi ko kay Poy, cake na lang. Na hugis bola ng bowling. Mahilig kasi sa bowling 'yon, 'yong tatay niya, hindi 'yong lolo.

Sabi niya, mahal daw 'yon. Kung tunay na bola na lang ng bowling ang ibigay namin, mas sasaya pa raw 'yon. Oo nga naman. Kaya lang, ano naman ang alam namin sa bola ng bowling? Baka magkamali pa kami ng bili, ay naku lang.

Gusto ko rin palang mapuntahan ang uncle ko sa Ermita. Hindi pa ako nakapunta sa kanya uli. Last Christmas, di ko siya nadalaw. Noong death anniversary ni Daddy, May 16, sobrang nalimutan ko. Dati, nagdadala ako ng flowers sa altar niya sa Ermita at tuloy nadadalaw ko ang Uncle ko. Siguro dahil sa mga problema sa werk that time, nalimutan ko ang petsang ito.

Ang dami ko lang talagang backlog. Pati birthday ni Daddy, na-iskipan ko. March 1. Pero hindi ko naman nalimutan 'yon. Nagte-text din kaming magkakapatid. Parang sabi namin, o magdasal kayo. Daan kayo church para kay Daddy. Dati rin, nag-aalay ako ng flowers sa altar niya sa Ermita at tuloy nadadalaw ang Uncle ko. So di na naman ako nakapunta sa kanila.

I don't know how to thank daddies. Sapat ba 'yong mga regalo? Noong bata ako, puro handmade card lang ang regalo ko sa tatay ko. Nang lumaki-laki ako, t-shirt na may tatak na woody woodpecker sa harap. kahit na maliit sa kanya, sinuot yun ng tatay ko the day i gave it to him. the last birthday gift he received from me was a burger from Tropical Hut. Hawaiian burger, 'yong may pinya. Binili ko 'yon umagang umaga (24 hours ang Tropical sa may Padre Faura.) tapos inilagay ko sa mesa. sinulatan ko ng happy birthday dad yung styro na pinaglalagyan ng burger.

and for dramatic effects, nagsindi ako ng matangkad na kandila at ipinatong ko ito sa libreng baso mula sa Great Taste coffee. 'yon ang kanyang birthday candle.

Tapos umupo ako sa sofa at inabangan ko siyang magising. sa ganda ng upo ko, nakatulog ako. at paggising ko, wala na yung kandila. wala na rin yung burger. thank god, siya naman ang nakakain. hindi ko alam kung pano niya sinelebreyt ang birtday niya that day. Pero yun lang kasi ang natatandaan ko. hindi kami kumain sa labas. hindi nag-party. hindi nanood ng sine. hindi naghapunan sa bahay. Wala siya buong araw. malamang me sariling lakad.

after two months, ginamit namin ang same kandila na yun sa burol niya. wala talagang pasintabi ang kamatayan. ayan, boom. sino mag-aakalang ang ikli-ikli lang talaga ng buhay?

45 lang siya no'n. dapat 63 na siya ngayon.

18 years ko na pala siyang di nakikita. 18 years na pala akong walang tatay. ano ba ang pakiramdam nung walang tatay? e hindi ko made-describe kasi parang hindi ko naman alam kung ano ang pakiramdam nung meron. i mean, pano ko malalaman ang difference kung di ko naman alam ang pakiramdam ng meron akong tatay?

siguro para malaman ko, imaginin ko na lang na meron. so i'll know what im missing.

kung nandiyan siya, malamang, yun na ang nakikialam sa paparating kong kasal. baka ini-scrutinize na ang boypren ko nang bongga. kakausapin niya siguro, one on one conference over san mig light. tapos pa-text text din siguro kung kelan ang uwi ko sa bahay niya. o kung kelan dadalaw si ej sa kanya. papayagan ba ako nun na bumukod? malamang, hindi. kuripot yun, e. sasabihin nun, sayang pa pangrenta, pambayad sa meralco, nawasa. dito ka na lang.

so hindi ako magkaka-love life ever. kasama ko sa Ermita yung mga manang at manong kong pinsan. dadalas siguro ang away namin ni daddy tungkol sa pangangarera niya. part ng kita ko, mapupunta sa kabayo. kaya mahihilig siguro ako sa tapa ng kabayo.

ano na kaya ang itsura ng tatay ko ngayon? kalbo na, malamang. dati kasi me butas-butas sa buhok yun e. pinapalagyan pa niya ng iodine sa akin 'yung bawat butas bago siya magsumbrero at lumabas ng bahay. payat pa rin 'yon malamang. wala yata sa kanilang magkakapatid ang mataba. tingting ang hita at binti. maputi pa rin. malamang mas matangkad na ako sa kanya.

kung nandito pa siya, ang ireregalo ko sa kanya, yung electronic cigarette. mahal 'yon, mga dalawang libo. pero malamang kasi, di pa rin tumitigil ang tatay ko sa paninigarilyo. kaya 'yan na lang ang ireregalo ko sa kanya. 63 na siya, dapat maghusto na siya sa yosi, ano?

magyayaya yun mamasyal ngayong fathers' day. nung bata kami, bihira kaming mag-out of town. andami naming magkakapatid kasi, siguro kapos sa budget.

dadalhin ko siya sa silang, cavite. parang tagaytay na rin ang place na 'yon. ikakain namin siya sa isang healthy na kainan. kasi tadtad na siya ng sakit. sakit sa atay, baga, bato, apdo, balun-balunan, sakong. diabetic din siya. akala ko dati, normal na nilalanggam ang ihi ng isang tao. kapag me langgam ang toilet bowl, alam kong tatay ko ang last na umihi. akala ko normal yun. maski siya, walang alam sa mga sakit niya.

kung buhay pa siya, magpapa-party ako. fathers' day party. isasama ko ang uncle ko. ayan, para isang party na lang sa lahat ng tatay sa pamilya ko at sa pamilya ni poy.

PAPARTY. Puwede.

Tuesday, June 12, 2012

A Day with Mr. D

By Beverly W. Siy

He smiled at me then showed me his penis. Ops, I said. That was way below the belt. So I sent him to jail.

It was a sweet summer day of 2010. I was in a hurry to get to the LRT Station in Katipunan. There was a guy near the waiting shed who smiled at me then pulled up his shirt that covers his unzipped pants. Boom. There it was.

The tiniest penis in the planet.

Don’t get me wrong. It wasn’t the gargantuan disappointment I felt instantly that made me decide in sending him to jail.

I walked past Mr. D (short for Disappointing) then I looked back to check. He might have followed to entice me with his mini titi. He wasn’t. He was standing on the same spot observing women walking past him. When a woman in a knee-length skirt passed by, Mr. D pulled up his shirt again. The woman ignored him; she didn’t even turn around to take a second look.

Then Mr. D went near a teenage girl who seemed to be waiting for a jeepney ride. He was still holding on the edge of his shirt. I looked around in a hurry. There weren’t any policeman or security personnel nearby. Hey, there’s this shameless guy who’s about to showcase a nasty black wriggly worm to a minor. That will be way, way below the belt. I thought I had to do something.

I hurriedly walked towards the intersection of Katipunan and Aurora where a police outpost was located. I dashed in and found a policeman in his undershirt.

And in his dark blue pants, of course.

He was watching TV as I reported the event. He replied, “The roaming team is still roaming around. You better wait.”

Right.

Okay.

So I sat there wishing Mr. D had not abandoned his post yet. After 20 minutes of waiting and watching TV with the helpful police guy, the roaming policemen arrived. I got in their car and off we drove to the waiting shed. Imagine my joyful squeak when I spotted Mr. D.

A policeman immediately got off the car and approached him. He pulled up Mr. D’s shirt. Boom. There again was the Philippine’s newest entry to the Guinness Book of World Records for small things.

Mr. D was arrested. And we were brought to the Police Station 9 along Anonas Street (which was a two-minute walk from my house.)

Mr. D turned out to be a 27 year old vendor from Marikina. He had a record in Quezon City Jail for possession of illegal drugs. The police asked if he was in drugs. Of course, Mr. D denied. That morning it was just marijuana, he said.

I was interviewed while he was ushered into the cell. Then, we were escorted to Quezon City Hall to file a case against him. The interviewer, after consulting the fiscal, declared that Mr. D’s crime was Immoral Exhibition found in the Article 201 of the Revised Penal Code. I signed several documents before I was allowed to go home. Mr. D stayed with the police.

What a day, really.

But it was perfectly fine with me. Justice was one of the reasons why I wanted Mr. D to get jailed. He did me wrong. He must pay for it. And oh, by the way, I’ve always been victimized by random exploits of “sex maniacs.”

When I was a skinny teenager, my flat breast was sideswiped by some shitty guy inside the Star City’s Haunted House attraction. I didn’t see who did it. Even if I did, I’d probably just shut up and exit the house. I didn’t know what to do or say anyway. Should I scream? Should
I head butt that person?

When I was working as a waitress in Malate, I walked every night from the main road to a side street to get to our restaurant. One time, I saw a middle aged guy biking towards my direction. When he got near me, he touched my breast. I was so shocked. Of course, I never thought he'd do that. And most of all, I never thought someone in a moving vehicle can actually commit sexual harassment to pedestrians like me.

I turned around, expecting him speeding away because of fear. But he wasn’t. He biked in the slowest possible manner and he even had the nerve to turn his head and take a look at me. I wanted to run after him but I knew he would just pedal away. I wanted to throw stones at him but there wasn’t any where I stood. I could have used my coin purse but the fifteen one-peso coins were the only money I had.

When I was a volunteer storyteller at the National Children’s Medical Center, I experienced sexual harassment inside a jeepney on my way to a session. A yuppie sitting next to me "secretly" touched the side of my breast. Yes, it was, again, my breast. (What’s with the breast, guys? No, really. A bunch of cells, tissues and fats topped with a smaller bunch of tissues and cells, what’s the fuss?) Anyway, this time, I fought back. I shouted at him: BASTOS! Then I bullied him to get off the jeepney. He did. But throughout the trip, all of the passengers were staring at me. Waah. Was I the bad guy here?

Some people think that touching someone’s body part as a joke or just for “good time” is okay and should not to be taken seriously. I totally agree.

IF I am the “toucher.”

From the “touchee’s” point of view, it’s always more than that. It’s not a joke and it can never be for “good time.” Sexual harassment causes more than stress to women.

So guys, spare us! More exclamation marks needed here.

Back to Mr. D, after a few months, two hearings were held. The judge commended me for my attendance. He said, after filing their cases, most women don’t bother to pursue them. So cases were usually dismissed, the suspects were set free. I was different, he said. I was more determined.

I brimmed with pride. I thought, hey, this is the 21st century way of fighting for women’s rights. And for that, I held my chin high.

Then the judge declared: But, Ms. Siy, you filed the wrong case.

My chin fell on the floor.

Mr. D’s lawyer (from Public Attorney’s Office) said that Mr. D would be given the more appropriate (but milder) case and if he admitted his guilt, his sentence would be down to six months of imprisonment.

Well, that was fair enough for me. But I threw in a short prayer: Mr. D, have a change of heart. Don’t commit that crime EVER again.

So from April to November 2010, Mr. D spent his sunny days in Quezon City Jail.

Friday, June 8, 2012

dear eris

dear bebe,

kumusta ka? happy 33rd birthday! antanda mo na! hahahaha buti na lang 32 pa lang ako hahahaha im sure me party ka diyan at ikaw na naman ang hostess at chef! sige busugin mo lahat ng pinoy na makasalamuha mo diyan haahahahaha

heto mga wish ko sayo for this year:

1. sana magkaroon ka pa ng mas maraming "me" time
2. sana magkaroon ka ng maraming friends diyan na makakatulong sa inyong pamilya (and not the other way around, knowing you ate, i know ikaw ang takbuhan ng mga tao diyan, mag-set up ka na lang ng caregiving services, inc.)
3. sana pumayat ka na. pero i know sexy ka naman sa paningin mo kaya sige ok na yan hahahaha
4. sana maging mabait ang dalawang prinsesa para wala kang sakit ng ulo for one whole year
5. sana makabasa ng mga bagong sex book si ron para madagdagan pa ang sizzle sa alam mo na
6. sana makaipon pa kayo nang mas marami para matapos na ang mga obligasyon nyo
7. sana mas marami kang time sumagot ng email ko pls lang
8. sana mas dumami pa ang nag-eemail sayo na mga kaibigan mo from the filipins.
9. sana matupad ang most fervent wish mo para sa sarili (isa lang, half chinese, half ilokano ako, kuripot)
10. sana lagi kang masaya. kahit ano pa ang nangyayari sa inyo diyan.

anyway, magkuwento ka naman sa mga ginagawa mo, kuwento mo yung araw-araw mong buhay diyan. kuwento mo si ron. kuwento mo kung paano ka namamalengke at paano ka naghahanda ng pagkain. kuwento mo kung ano ang mga naiisip mo para sa future. kuwento mo kung ano ang gusto mong mangyari talaga given kunwari na nasa isang perpektong mundo tayo. nagpi-picture ka pa ba? kuwento mo kung ano na ang mga latest experimentation mo sa photography. ano na ba ang paborito mong TV show (bukod sa Ang TV of course)? me kabisado ka na bang ibang kanta bukod sa lift yer head ng eraserheads? ano ba ang latest na tsismis diyan tungkol sa showbiz natin? alam mo ba na mataba na si sharon cuneta? at hindi pumapatok si KC kahit naghubad na siya?

ayan. andami mo nang makukuwento. abangan ko, ha?

hapberdi uli. salamat sa lahat bebi baka maiyak ka kapag inisa-isa ko. hindi dahil sa drama kundi dahil sa dami ng effort mo sa akin at kay ej. at recently included person in the list, kay poy hahahaha

email-email.

hugs,
bebebang

gwerk

may ineedit ako ngayon. translation. terible ang translation at kelangan ko itong i-edit. last touch ako/team namin tapos 'yong document, mapupunta na sa isang typesetter. Tapos babalik sa amin for final checking tapos printing na.

nalulungkot ako kasi

1. dapat at least dalawang level pa ng editing ang gawin dito sa document na 'yo. editing ng translation at editing pagkatapos ng editing ng translation.
2. dapat may proofreader.
3. hindi kalakihan ang bayad. per page ang rate.
4. nakaka-pressure dahil nga last touch kami.
5. may pinapagawa pa sa amin, mga editor, na very clerical. na ayokong gawin. kasi sayang ang oras ko. puwede namang ibang tao na lang ang gumawa nito. i already told this to the head of the team pero sabi niya, kindly do it then submit the document to the typesetter.
6. 'yong nature ng subject/libro. tungkol sa diyos. wait, hindi ako nalulungkot dahil tungkol siya sa mga sinasabi ng diyos. nalulungkot ako dahil ganito ang proseso ng paggawa ng isang libro na nagko-contain ng salita ng diyos. i mean, nababawasan tuloy ang tiwala ko sa mga ganitong libro na naka-display sa mga bookstore. ganito pala ginagawa ang mga locally-published na ganitong uri ng libro? ganito? hay. sad lang.
7. may mga missing translation. medyo marami-rami din. at isa sa trabaho ko ang mag-provide nito. so editor na, translator ka pa.
8. malapit na malapit na ang deadline. actually, na-move na ang deadline, e. twice na. kasi wala talagang makatapos on time sa dami at sinsin ng trabaho. hindi matapos lahat-lahat.
9. kaibigan ko ang nagpapatrabaho nito.
10. wala akong magawa na ibang bagay dahil kelangan ko 'tong tapusin. naiinis na 'ko. kasi antagal bago matapos. ambagal ko. antagal ng proseso, etc. etc.

pag ka ganito na ang tingin mo sa trabaho mo, healthy pa ba? baka bigla na lang akong matumba at mabagok ang ulo sa sama ng loob! hahahahaha hay. wish ko lang, hindi ako magbibigay ever ng ganitong uri ng trabaho sa mga kaibigan ko o sinumang maa-under sa akin. ayokong maging cause ng sama ng loob ng iba.

birthday nga pala ng best friend ko today. si eris. eemail ko na nga siya. baka sakaling ma-up nang konti ang mood ko.





please come back some other day,ha? gan'to talaga minsan, sad. minsan naman, uppy!

Copyright ng larawan ay kay Bebang Siy.

Wednesday, June 6, 2012

first day high (the 2012 edition)

akala ng mga estudyante, sila lang ang naghihihilab ang tiyan kapag patapos na ang bakasyon, palapit na ang pasukan. di nila alam, doble ang hilab-hilan ng tiyan ng sarili nilang mga magulang.

dahil kelangan nitong maglabas ng pera para sa mga pangangailangan sa eskuwela. by hook or by crook.

noong lunes, ginising ko nang maaga si EJ. rare ito, very rare! wala pa kasi siyang uniporme. hindi na kasya sa kanya ang mga uniporme niya last year. at yung mga polo niya, grayish black na. kaya kahit medyo kasya pa sa kanya, bakat bilbil lang naman, puwede pa. puwera na lang nga, dahil sa kulay nito, para siyang taga-Earist kapag suot-suot niya ang mga polong iyon. (gray po ang uniporme ng Earist.)

kaya nag-decide ako na bago lahat ng uniporme niya for this year.

Sa Qmart muna kami bumili. isang polo white large size- P140 at isang pantalon na itim, size 31 daw-P260.

sabi ng tindera, ba't isang pares lang?

magdi-divisoria po kami.

ito naman! pareho lang naman ang presyo. di na lang dito?

ngumiti lang ako sa tindera at nagpasalamat. dahil alam ko at alam ng belt bag niyang namumuwalan sa pera, na hindi totoo ang kanyang sinabi.

anyway, itong pagpunta ko sa divi tuwing pasukan ng klase ay parang nagiging tradisyon ko na. Nung bata si EJ, siya ang kasa-kasama ko. siya ang pinapapili ko ng disenyo ng gagamitin niyang notebook. para naman inspired ang bata magsulat sa notebook. (nagkamali ako ng akala hahahaha)

last year, si poy ang kasama ko. this year, ako lang mag-isa.

7pm na ako nakarating doon pero buhay na buhay pa rin ang divi. yun nga lang, sarado na ang karamihan sa mga stall kung saan mura talaga ang bentahan ng gamit at uniporme. sa kanila, puwede ang retail sa wholesale na presyo. kaya sinuyod ko talaga ang mga kalsa-kalsada roon at nakabili naman ako ng mga kailangan ko.

1 pc polo white large-P130

nagkamali ako rito. kasi ikalawang stall ito na napagtanungan ko. yung una, P140 daw. yung ikalawa, P170. siya yung ikatlo. kaya nung pumayag siya ng P130, sabi ko, pwede na. pero nalimutan ko na last year, di nalalayo sa size ng polo ni ej ngayon, P90 lang ang bili ko. kaya malamang di nalalayo sa P100 lang ang last price neto.

nung tumatawad na ako ng P120, ayaw. sabi ko, tatlo po ang bibilhin ko. ayaw pa rin. nahiya naman ako na hindi bumili sa kanya kaya bumili na rin ako ng isa. sabi ko, yung dalawa, sa iba ko na lang bibilhin.

lakad-lakad pa ako, nakakita ako ng stall na P130 ang turing sa polong hanap ko. pinilit ko nang pinilit ang tindero na gawin na lang na P120 kasi dalawa naman ang bibilhin ko. ayaw rin niya. hanggang P130 lang daw. mababa na raw 'yon.

e, hindi ako umaalis. kasi sa paglalakad ko, P130 na talaga ang pinakamababa (pauwi na ako nang maka-spot ako ng P100 na polo, aysus.) kaya pinilit ko na lang si kuya. P120 na po. sige na po. kuya naman, e.

tumigil siya. tumingin siya sa akin. bumuntong hininga. alam kong tindero lang siya pero feeling ko big deal sa kanya ang sampung hinihingi ko. baka may quota or something.

tapos dahan-dahan niyang ibinalot sa plastic ang dalawang polo. kinuha ang bayad ko at inabot sa amo niya. sabi niya:

dalawang medium na polo.

sinuklian ako ng P60. bale P240 ang kinuha sa akin. napatingin ako sa kanya.

hala, large yun, e. sa isip-isip ko. naka-discount ako pero nagsinungaling naman si kuya dahil sa akin.

FOUL. sabi ng budhi ko. halagang bente? bebang, ha? utang na loob.

kinuha ko ang dalawang polo at tinanggal ang plastic na bigay ni kuya. ibinalik ko kay kuya

ang plastic.

kasi earth warrior ako. me dala akong sariling mga plastic. at eco-bag.dun ko nilagay ang mga polo. magagamit pa ni kuya ang plastic bag niya sa ibang buyer.

hindi ko isinoli ang benteng sobra. hindi ko rin isinoli ang dalawang large na polo. alam ko, pag ginawa ko 'to, siya ang malilintikan. lilinis nga ang konsensiya ko, e siya naman, mawawalan ng trabaho, wag na lang. eto yung sitwasyon na thanks but no thanks.

nagpasalamat na lang ako nang sobra kay kuya. tapos mabilis na umeskapo sa scene of the crime. nag-sticky note ako sa utak ko, 'wag na 'wag mo na 'tong gagawin.

mga two stalls from kuya, me nagtitinda naman ng pantalon. sa katatanong ko sa mga previous na stall, ang range ng presyo ng pantalon ay: P180 hanggang P250.

Dito sa stall na napili ko, P180 agad ang turing.

wala na pong discount, tanong ko.

sige, sige, pero hanggang P170 lang, sabi ng tindera.

P160 po?

ay, hindi kaya.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Inilabas ko ang pantalon na binili namin ni EJ sa Qmart. May ganito po bang size?

Oo. meron.

Te, P160 na lang.

Hindi po, e.

nagkatitigan kami. face off.

sige, sabi niya, itanong nyo po doon. inginuso niya ang isang maputing lalaki. matangkad at medyo gold-gold ang buhok. sa itsura niya, mukhang siya ang may-ari. katabi niya ang isang may edad na lalaki. parang assistant.

kuya, kako. baka po puwedeng P160 ito?

Miss, sabi nung pogi, hindi puwede. tapat na. mababa na 'yan.

Sige na po, kuya.

Hindi talaga, e.

P165? tapos tumingin ako sa assistant niya. Kuya, P165 na lang. patawarin n'yo na po ako.

tumingin si kuya kay boss pogi.

O, siya. P165. para maging suki natin si mam.

ngumiti na ako nang todo. salamat po, kako.

chinese kayo, Mam?

opo. pero kalahati lang. sa isip-isip ko, oo na, kuripot na kung kuripot.

kumuha na si assistant ng pantalon. isinukat ko against ej's qmart bought pants. sakto. pag tumangkad si ej nang isang libag next month, bitin na sa kanya ang pants. wala na akong matatastas sa laylayan. dudugdugtungan ko na lang. itim na bond paper. saktong-sakto kasi talaga 'tong pants na 'to. you get what you pay for, remember?

1 pc black pants- P165

next: school supplies.

pagdating ko ng divi, nadaanan ko na 'tong tindahan na 'to. malapit sa 168. pero di ko pinansin kasi kako sigurado akong marami pa akong makikita diyan. pero kakaikot ko, mga retailer na lang ang nagbebenta. at pagkaganon, mas mahal ito nang konti at halos wala nang mapagpilian kasi pare-pareho na ang tinda ng lahat.

so dito sa stall na ito, bumili ako ng mga sumusunod:

2 one whole intermediate pad
2 1/2 lengthwise pad
2 1/2 crosswise pad
2 1/4 crosswise pad
2 eraser tape
1 permanent marker
1 black ballpen
1 blue ballpen
10 notebook

lahat-lahat: P270

napakabait ng nag-assist sa akin dito. isang babaeng ordinaryo ang mukha pero hindi ang paggawa. thank you, te. sayang at di ko nalaman ang pangalan mo. may you live a fruitful life.

next, brip.

wala nang brip ang anak ko. sira-sira na. ako kasi ang taong hindi mahilig bumili ng underwear para sa sarili. halos lahat ng panty ko, bigay. PERO HINDI NAMAN SECOND HAND. (well, may mangilan-ngilan. galing ke kim, ke incha. at sa nanay ko. iiiiwww... 'no? pero pag galing ka sa household na puro panty ang laman ng hamper, ng batya, ng sampayan at ng kabinet,di mo na minsan madi-distinguish kung alin ang alin. pikit-mata sabay suot na lang.)

so pati yung pagbili ko ng underwear kay ej, ka-level lang ng sa akin. bihira lang akong bumili. bumibili lang ako kapag halimbawa, wala na talagang masuot si ej kinabukasan. na-side a, b, c, d na niya ang brip niya. at wala na siyang pambahay na shorts para ipang-alternatib. lulugo-lugo na akong bibili sa pinakamalapit na groserya o sa Qmart. (thank you qmart. di totoong sa sm ang linya na 'to: youve got it all for us.)

e nung maliit si ej pwede pa sanang pahiramin ng panty ko sakaling maubusan siya ng brip, kaso ngayon, hindi na. binata na. alam na ang kaibhan ng salungganisa sa salungguhit. kaya bumili na rin ako ng bagong brip niya sa divi.

pasilip-silip ako sa mga stall. at finally nakakita ako ng nagbebenta ng brip na matino. baleno ang tatak ng ibinebenta nila. una kong naisip, pota, pirated kaya 'to? kasi hindi ko talaga bibilhin! respect for IP is really a way of life. tiningnan ko ang kahon. mukhang ok naman. tiningnan ko ang mismong brip, ok naman. actually ang ganda ng quality. magkano? P170 per box. 3 brip sa isang box. mahal 'yon para sa akin. pero wala akong idea kung magkano ito sa mall. ang alam ko, bench: P399 ang isa.

sige. baka naman hindi peke. tiningnan ko ang nagtitinda: lola na chinese. sino sa atin ang nakakita na ng lolang pirata? wala. wala, di ba? kaya nagbayad na 'ko.

3 pcs. brip: P170

nag-ikot-ikot pa ako sa divi. lampas-lampasan na ako ng tutuban. nakarating ako sa bandang tabora street. nakarating din ako sa part na papuntang tondo. bumili ako doon ng ready to eat na indian mango.

1 pack with 4 pcs indian mango: P20
asin na may dinurog na sili: libre

nakakita ako ng wedding gown na maganda. P4500 daw sabi ng tindera. at least me idea na ako. di pala masyadong mahal, e. pero putcha, isang araw ko lang susuotin, P4500? hay.

moving on...

nakakita ako ng saging.

1 1.5 kilos saging: P35

pumihit na ako pabalik. gutom na 'ko. mga 830 na neto.

nadaanan ko ang mga kariton na nagtitinda ng notebook at iba pang school supplies. announcement nila: P8.00 lang notebook pero di pwedeng notebook lang ang bibilhin. yung isa naman: P8.00 notebook tahi plus accessories.

kaya pala mura yung notebook, tatagain ka sa accessories! mahal ang scotch tape. mahal ang plastic cover. ang clay, gunting, yellow pad. ano kaya yun? well, marketing scheme nila 'to. pero nakakatawa kasi, must buy! hahahaha pero ang natutuwa naman ako dito, lahat ng nakakariton na school supplies seller, ganon ang gimik. wala akong nakita na hindi ganon. ibig sabihin, united sila. para nga naman, mapipilitang bumili sa kanila ng iba pang schools supplies yung buyer. hindi lang notebook ang bibilhin.

tindero't tindera yan sa divi. united ha. kasi alam nilang sila rin ang magbebenefit. kaya naman ewan ko na lang dito sa mga writer sa pinas. hangga't madi-divide ang mga sarili, divide! ayun, kaya napaka-weak e, di makapag-demand masyado sa industriya.

ayyy... werk mode tuloy ako.

moving on.

nakakita ako ng jelly sandals. ang mura kaya bumili ako. tagal ko nang gustong magkaganito kaya lang namamahalan ako. pero bumili ako ngayon kasi


1 pair jelly sandals: P25 onli!

(pag-uwi ko sa bahay, me punit yung side ng pang-kaliwang paa. you really get what you pay for. ganon talaga.)

sa mga nadaanan kong nagbebenta sa kalsada, tumingin-tingin pa ako ng brip. pandagdag ba. nakabili naman ako sa isang masungit na tinderang parang buwisit na buwisit sa akin tuwing huhugot ako ng brip sa nakasalansan niyang paninda.

eto:

1 pc boxer shorts: P50
1 pc short na may persona ng brip: P50
1 pc brip na itim: P35

mga chinese ang tatak niyan. poh het-mah ban chot or something like that. palagay ko e orig to. china made pero orig. di nakakakonsensiya.

pagdating sa dulo, as in isang kembot ko na lang, nasa dyip na ako, nag-decide akong magmeryenda muna. bumili ako kay manang ng:

1 bote ng fruit soda: P10
1 fita: P7

peborit kong gawin to, 'yung magmemeryenda pagkatapos mamili, reward sa sarili kasi ang galing manghingi ng discount.

me dalawang batang naglalaro sa likod ko. baka mga apo ni manang. nagbibilang sila ng pera. bungkos-bungkos na pera. P20, P50, P100. kako ba't pinapahawakan ng gan'to ang mga bata? busy si manang paglingon ko sa kanya. inaabot niya ang barya ng lalaking bumili ng ice tubig.

pag me mam-bully sa mga bata, baka bigla na lang hablutin yung pera nila! tinitigan ko ang dalawa. wala silang ginawa kundi magbilang ng pera. parang driver na nagbibilang ng kita for the day. nilawayan pa nung batang lalaki yung mga daliri niya. sabay bilang. bilang. bilang. bilang.

maya-maya, tumayo 'yung batang babae. inuupuan pala niya yung wallet niya. dinampot n'ya 'to at ibinuka. do'n isiniksik ang kanyang bundle ng pera. tumayo 'yung batang lalaki. ipinagpag ang hawak na pera sa sarili niyang palad. inangat niya yung garter ng shorts niya at inipit dun 'yung bundle ng pera. mabilis silang naglakad papunta sa kung saan ako nanggaling.

taas-noo 'yong dalawa, ungos pa ang dibdib. mukhang reding-redi para sa midnight shopping.

Monday, June 4, 2012

Si Aniway Espiritu


Si Aniway ay isang high school student sa Muntinlupa. Anak siya ng isang kuwentista, si Jeff Espiritu.

Sunday, June 3, 2012

iba pang detalye (excited lang kahit sa 2014 pa naman)

give aways: mga pinagpipilian:

1. bookmark. siyempre 'yong medyo kakaibang bookmark, hindi lang 'yong basta gawa sa papel. ang una kong naisip ay 'yong gawa sa katsa at hugis babae at lalaki. meaning dalawang bookmark ang matatanggap ng lahat. kaso naisip ko, alangan namang sa isang libro gamitin ang dalawang bookmark na ito. kung gagamitin ito, malamang paghihiwalayin 'yong dalawang bookmark. e, kami 'yon. simbolo namin. anyway, nag-google ako ng bookmark, ay andami at sobrang gaganda ng ideas.

2. magnifying chorva. hindi ko alam ang tawag dito pero this could serve as a bookmark as well. para siyang rectangle, kalahati ng perang papel ang size at medyo makapal lang nang mga 10x. namamagnify niya 'yong binabasa mong text. Very useful ito. ako e nag-uumpisa nang paglabuan ng mata. siyempre ganon din siguro ang mga kaibigan namin. at mailalagay pa nila ito sa wallet nila. perfect for senior citizens din.

3. cloth book cover. me nakita akong ganito sa daiso. P66 yata ang isa.

4. journal. eto kasi medyo magastos at matrabaho. pero mas gusto ko 'to. bawat page ay merong isang linya from a filipiniana book. kami ang magpapa-print at magpapa-bind. o di ba magastos? pero baka puwede itong i-job out sa papemelroti hahahaha kasi may nakikita akong mga notebook nila na puwedeng maging pattern nito.

5. books. pero ngayon ko lang na-realize, i wouldn't be encouraging people to buy books. imagine, ipamimigay lang namin? hay. parang nalungkot ako. mula ngayon, naisip ko dapat talaga, maging aware ang mga tao, learning is necessary. reading is part of learning. and to be able to get good reads, one must allocate budget for this. DAPAT ANG LIBRO, BINIBILI. Hindi ipinamimigay, hindi hinihingi. so, ayun.

6. pencil. sabi ni poy, gusto niya ng all white na pencil tapos patatatakan namin ng poy at beb 2-14-2014. sabi ko magandang idea 'yan. at kung matutuloy ang journal, puwede nang 'yon ang partner.

venue:

nung biyernes, me hearing ang isang proposed ordinance regarding books sa QC Hall. details will be spilled in the next blog entry. (UPDATE: ETO NA YUNG SINASABI KONG DETAILS http://babe-ang.blogspot.com/2012_05_01_archive.html)

So ba't ko binanggit dito? kasi kasama namin do'n si sir max gomez. siya ang nagsilbing representative ng PEPA.

siya rin ang may ari ng C & E Publishing. at meron silang mega-bookstore along Quezon Avenue. At katabi nun ay ang Dolcelatte, isang Italian resto na sila rin ang nagmamay-ari.

saka ko lang naalala na me function room nga pala sila. malaki at very presentable. At hindi na problema ang catering! me restawran na, e.

chineck ko ang kanilang website. napaka-italian ng mga pagkain. siyempre, italian restaurant nga, e. pero i mean, hindi ako komportable na ang ise-serve ay italian food sa kasal namin. so parang off. kumakain naman ako niyan pero bihira lang. pag me nag-treat lang, ganyan. pero 'yong pipiliin ko talaga para sa sarili kong okasyon, hindi siguro.

pero anyway, promising ang venue. libre pa ang gamit ng LCD projector at wifi connection. (kasi usually ay product presentation or business meetings ang hino-hold dito. tatlo ang function rooms. yung 2 maliit. yung 1, pang dalawang daang tao.

marami sa mga ikinasal at ikakasal, hindi alam ang place na 'to. (I've read about a hundred threads sa mga forum, typical na venues lang ang alam ng mga bride, nakakalungkot. kaya ang mamahal ng mga singil sa kanila.) they might want to consider this. the website is www.dolcelatte.ph.

maganda ito kung katulad namin, book theme din ang wedding o ang party kasi ang entrance nito ay nasa bookstore ng C & E. at napakaganda ng bookstore na 'to. as in. sobra talaga. imagine, ang pagpasok at paglabas ng guests ay nalilibutan ng books!!!

ang spacious, ang liwanag, ang lamig dito. ang problema lang, kaya siguro ito hindi sikat ay puro medical books at iba pang technical books ang kanilang ibinebenta. kakaunti lang ang filipiniana at ang children's books. (pabulong: but it's worth a visit! walking distance from QC Ave MRT station, Mcdo side. noong nagtuturo pa ako sa uste, isa ito sa mga pinapuntahan ko sa mga estudyante ko. gusto ko kasi malaman nilang hindi lang sa mall matatagpuan ang mga bookstore.)

2. Atrium ng National Printing Office kung saan naroroon ang National Book Development Board.

after ng QC hearing, nagpunta kami ni Ser Zaldy sa NBDB (nagre-rent sila sa National Printing Office) para mag-submit ng requirement ng FILCOLS. kaso hindi pala nadala ng boss ko ang papers. so babalik na lang kami one of these days. pero niyakag ko na rin si Ser Zaldy na mag-lunch doon. Sa me NPO Canteen. Pinag-usapan na rin namin ang kanyang nalalapit na exhibit sa Chef's. (Sana talaga matuloy!)

Paglabas namin ng canteen, dumiretso na kami sa entrance/exit. At doon ko lang na-realize na napakaganda ng atrium ng NPO. May dalawang badminton court dito at sila 'yong napansin ko pagpasok namin. Hindi ko napansin 'yong grandeur ng lugar.

Noong paalis na kami, wala na ang mga manlalaro kaya napagmasdan ko nang maigi ang atrium. maganda ito. pabilog, mataas ang kisame at maaliwalas. puwedeng pagdausan ng mga party o wedding reception. naimagine ko agad ang design ng lugar. me stage din. ginagamit pala ito minsan sa Christmas Party ng NPO.

pero mainit. electric fan lang, di puwedeng aircon-an dahil me malaking part ang lagusan ng mga tao at hagdan.

nevertheless, nag-inquire ako kung pinapaupahan 'yon. Hindi raw sabi ng guard. Pero try ko raw magtanong sa admin. Pagdating namin sa admin, 2nd floor 'yon, bumaba raw ako sa property. e di pumunta kami sa property. ayon kay Engineer (I forgot his name but I wrote it down somewhere), bakit hindi raw NPO multipurpose hall ang upahan namin?

nakita namin ito sa taas, katabi ng admin. Medyo mababa ang kisame pero maliwanag naman at maluwag din. 5k daw ang renta rito, whole day na. at dahil daw ito sa use of aircon.

Aba, mura. malamang mura din ang atrium kung ipaparenta nila.

sa atrium po kaya? me nagrenta na po ba riyan?

wala pa. hindi pa namin nararanasan ang may mag-inquire para diyan. lalo na para sa kasal.
pero baka puwede. anong araw ba 'yan? kasi kung weekday, hindi kayo papayagan at makakasagabal kayo sa operations namin.

friday po 'yon, Ser, kako naman. at hapon na po. baka po 5pm onwards.

ay tamang-tama. puwedeng puwede pala. kaya lang kailangan ninyong i-orient ang caterer ninyo na 'wag na 'wag mag-iiwan ng kahit na anong kalat dito. dadalhin nila ang lahat ng dumi nila. at kailangan din, kayo na bahala sa paglilinis ng area pagkatapos ng event.

opo, opo. tuwang tuwa na ako at this point. gulay, ang dali naman ng requirements! tinanong ko na: mga magkano po kaya ang bayad?

mga dalawang libo siguro. kasi wala naman kayong gagamiting aircon, e. pahihiramin na lang kayo siguro ng mga industrial fan para hindi mainit.

OMG! ang mura! sobrang mura talaga. at katapat pa ito ng entrance ng National Book Development Board. O di ba, patok pa rin sa book themed wedding!

nakakatuwa.

malaki ito kaya puwedeng-puwede mag-bookfair. maraming space para sa mga magbebenta ng books.

at isa pa, libre ang parking! maraming maraming parking! isa ito sa mga kelangang i-consider kasi siyempre, may mga dadalo na de sasakyan. kung kami ay magve-venue sa walang parking space, inconvenience pa 'yon sa mga bisita.

regarding sa init, pagsusuutin ko na lang ng summer clothes ang mga bisita. trunks? bikini? game. magse-serve din kami ng malalamig na pagkain: ice cream, haluhalo, malamig na sinigang, malamig na laing, malamig na lumpiang shanghai at siyempre ang requirement sa lahat ng handaan: kanin. malamig na malamig na kanin, bangkay ang pamantayan. mamimigay din kami ng pamaypay. walang tatak ng kahit na sinong politiko para di mag-init ang ulo ng mga tao.

tinext ko agad si poy. me venue na tayo. excited much?

pero may mga pero siyempre. pero number 1: hindi kilala ang lugar. ikaw ba narinig mo na ang national printing office? hindi, di ba? maliligaw ang mga tao.

pero number 2: malayo ito sa san agustin church. mga isang oras ang biyahe. at friday yon. halimaw ang trapik. at valentines pa!!! wala namang malapit na motel sa NPO pero kahit na, lahat ng tao, nasa labas ng kalsada papunta sa mga date-date. baka ma-late ang program kasi nga baka maipit lang ang lahat sa trapik.

pero number 3: walang room doon para makapag-make out freshen up ang bride at groom. opis 'yon, e.

sabi ni poy, magrenta na lang daw kami ng bus para siguradong makakarating ang mga bisita. nge. e di sayang din ang pera? magkano ba ang bus ngayon? 15k? ibibili ko na lang ng dagdag na pagkain!

ang nakikita kong mga solusyon dito:

solusyon number 1: awareness campaign. ako na, ako na ang magiging ambassador ng national printing office. magpapagawa ako ng milyon-milyong mapa mula sa san agustin papunta diyan sa NPO na yan. magfe-facebook ako. mag-email at text brigade. mananawagan sa radyo at tv, tingnan ko lang kung maligaw pa ang mga bisita namen.

solusyon number 2: magpalit ng simbahan. me magandang simbahan sa may lantana cubao. super ganda ng kisame. (makisame pala talaga akong tao.) pero wala naman kaming emotional attachment dito sa simbahan na 'to. so baka di masyadong feasible ang solusyon na 'to.

solusyon number 3: agahan ang kasal para di papatak ng rush hour ang biyahe ng mga tao.

anyway, sabi ni mam andrea, dumating si mam nung kami ay papalabas na ng NPO, malayo pa naman daw kaya baka magbago pa ang isip ko. oo nga.

3. chinese garden. maganda rito. andaming puwedeng photo opps na lugar. favorite ko yung parang hall na me mga kasabihan/salawikain sa tatlong wika: chinese, english, filipino. meron ding maliit na falls, may mga bridge at merong yung parang chinese na pabilog na bahay na gazebo.

puwede raw ang wedding reception dito ayon sa inemail kong taga admin ng luneta park, 18k ang bayad kasama ang kuryente. malaki rin ang space kaya puwedeng-puwede maghold ng book fair. ang problema lang, feb 14 ito, nakakalungkot naman kung isasara ang puntahan ng lovers o lovebirds ng kamaynilaan dahil lang sa amin.

pero ang maganda rito, alam ito ng lahat. saan ang reception? sa luneta po. o di ba? ang gusto ko rin dito, yung mga kaibigan naming hindi na nakakabisita ng luneta, mabibisita ito. ang ganda na kaya ng luneta. ang linis. bago na ang flower clock. modern na. pasikat ang fountain. puwede nang makalakad dahil sa extended bridgees sa higanteng mapa ng pilipinas na nakahimlay sa tubig.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...