Tuesday, January 28, 2020

valerio nofuente

kanina sa meeting ng aming departamento, napag-usapan ang balak ng CCP library na mag-organisa ng exhibit ng mga "banned" reading materials noong panahon ng martial law.

kailangang hanapin at hingian ng pahintulot ang pamilya ng may ari ng mga materyales na si valerio nofuente.

tinanong ako ni mam liebei kung kilala ko siya. ooo sana ako, kasi parang kakilala ko. pero ang kakilala ko palang talaga ay isa pang writer na si ariel valerio, na ex ng dati kong opismeyt na si tita wena festin. so nagtapat ako, hindi ko po siya kilala.

so, napa-google ako. ito ang iilang datos tungkol sa kanya sa internet:

1. mula sa http://sanduguangkayumanggi.weebly.com/heroes.html

VALERIO NOFUENTE

He was assistant professor of Filipino and Philippine Literature at the University of the Philippines.He wrote various articles in noted journals and periodicals, as well as, poems and short stories. He met with a violent death under mysterious circumstances in 1981. He has been honoured by the Concerned Artists of the Philippines as a martyr for the cause of the nationalist struggle.

2. mula sa https://jrbustamante.wordpress.com/2013/04/04/ccp-library-entrance-fee-waived/

The CCP Library has one of the finest arts and culture collections. It offers books, journals, magazines, manuscripts, musical scores, film and theater scripts, audio and video tapes of events and performances, calendars, maps, phono records, photographs, posters, slides, documentary films and special collections of artists namely, Dalisay Aldaba, Lino Brocka, Rustica Carpio, Monino Duque, Otoniel Gonzaga, Lucrecia Kasilag, Felicitas Radaic, Trinidad Tarrosa-Subido, Oscar Yatco, Francisco Feliciano, Jerry Dadap, Ernestina Crisologo-Jose, Lilia Reyes, Manuel Villar and other renowned personalities like Carolina Afan, Alejandro Hufana, Imelda Marcos, Delfin Manlapaz, Valerio Nofuente and Domingo Abella.

For more information, please call CCP Library at tel. no. 832-1125 local 1503.

3. mula sa http://criticplaywright.blogspot.com/2008/12/all-souls-day-2008.html

(ito ay blog ni Dr. Isagani Cruz-bebang)

10 December 2008
All Souls' Day 2008
Remembering Artists


Every All Souls' Day, I remember dear artists and writers whose lives I shared all too briefly:

(NAPAKAHABA NITO, ISA SI VALERIO NOFUENTE SA MGA BINANGGIT NI SIR ISAGANI-bebang)

(then sir isagani wrote a philippine star article enumerating all these writers again, perhaps adding more names because it was already 2015 at that time -bebang)

the article can be found here:

https://www.philstar.com/other-sections/education-and-home/2015/10/28/1515934/dear-departed-artists


4. https://files.eric.ed.gov/fulltext/ED257308.pdf

(bilang sources ng akdang nasa internet, naririto ang mga pamagat ng akda ni valerio nofuente- bebang)

Nofuente. Valerio. "Alisin 'Ka Mo ang Dyipni?". &plug
(May-June. 1978). 5-10.

Nofuente. Valerio. "Ang Epiko ni Labaw Donggon".
Amami (June. 1979). 32.

5. mula sa https://books.google.com.ph/books?id=38ndF8f5IKoC&pg=PA39&dq=valerio+nofuente&hl=fil&sa=X&ved=0ahUKEwjP3aqBq6bnAhUXfisKHSpdD_0Q6AEIOjAC#v=onepage&q=valerio%20nofuente&f=false

Si Valerio Nofuente raw ay nagsulat ng akdang "Ang Tulang Pasalaysay sa Panahon ng Amerikano, 1898- 1928."

Ito ay nalathala sa Nationalist Literature: A Centennial Forum. Ed. E. A. Ordonez. Quezon City, Philippines: U of Philippines P and Panulat, 1995

6. mula sa https://www.cenpeg.org/2012/gov/aug/Introducing_Chit_Estella=A_Reader.html

Introducing Chit Estella: A Reader

Bobby Tuazon
Director for Policy Studies
CenPEG
August 17, 2012

The idea of coming out with a book about Chit Estella was inevitable after she left us in May last year. Prof. Roland Simbulan was of course instrumental in pursuing this project and CenPEG, where he is a Fellow and Board member, became the venue for discussing the plan. Manuscripts of Chit’s writings were readily available as were newspapers and magazines where she was part of as a writer and editor; as well as internet sources.

Sometime in October last year, Roland gave us a printed anthology of most of Chit’s selected works that were written over the past 15-20 years. We thought of publishing the book in May this year but what decided it’s being printed and launched in August was to make it more significant with the birth anniversary of Chit which is August 19.

It would need probably one or two more books to publicize Chit Estella’s works written since her Philippine Collegian days in the late 1970s to her memorable stint in the Left underground press and her early years as a beat reporter and then as a tough editor of various national dailies. But I would like to believe that this book already serves as a preview of the thoughts, values, and principles that were nurtured in her Collegian and underground days when committed journalism became the call of the times and fighting for democracy exacted the highest levels of courage, integrity, and sacrifice among countless Filipinos.

Chit wrote about the Edsa I and Edsa II revolutions. But what also defined journalism during this period of 30 or so years was another revolution of which she was a part of – the transition from the technology of the underground or “mosquito” press to today’s cyberspace, online publication, and citizen journalism. Those were the days were when vibrant anti-dictatorship underground press used the Olympia typewriter, the V-type silkscreen, and Gestetner mimeograph machine to publish the BMP and Liberation where Chit was a correspondent. And now we’re thankful we can read online the CMFR Philippine Journalism Review, Vera Files, CenPEG, PCIJ, BusinessWorld, Bulatlat, PinoyWeekly, and other publications with just a desktop, webmaster, domain host and servers. Even the underground press has gone online and mainstream social media.

Thus Chit would have loved to dedicate this book to those who became the cogs and wheels of this revolutionary process (the likes of Jacinto “Jack” Pena, Dean Armando Malay, Ma. Lorena Barros, Tony Tagamolila, Emman Lacaba, Valerio Nofuente, Romulo Sandoval, Antonio Zumel, Joe Burgos, and many others) and to those who continue to bear the torch – so to speak – in the struggle for democracy and press freedom. And she would have also said today, this book is worth reading. To which I would probably add – especially to the masscom students - it is also worth buying.

7. mula sa https://remembering-lorenabarros.blogspot.com/2012/04/saglit-na-gunita-sa-isang-namayapang.html?fbclid=IwAR02qdtl5lNIisUi8CwtcmhAL61DK2qFmiMh5tbHVNQxiNDH-S_UDdKhQP0

In Memory of Lorena Barros

(Ipinost sa blog noong APRIL 22, 2012- bebang)

SAGLIT NA GUNITA SA ISANG NAMAYAPANG MAKATA

Ito’y saglit na gunita
Pangakong hindi ko iiyakan
Sa habang panahon
Saglit na alaala sa mga umaga
Nang ipinababasa mo ang mga tulang unti-unting
Bumabaklas sa nagdaang kahangalan,
O nang ipinalalanghap ang pulbos ng yeso
Na tila ideyang pulbura sa mukha ng pisara,
Upang sa hapon
Makibahagi sa laksang de goma
Sa nag-iinit na kalsada at gilid ng pabrika.

Batid mong may sanggol sa kunang
kailangan ng haplos,
May kabiyak na muling magtatanong,
May inang ang luha’y rosaryo sa supling,
Ngunit talos mong higit na kailangang
Gupitin ang kuko ng pamahiing
Nakasingkaw sa araro,
Tistisin ang utak na niluto
Sa aparato ng baliw na libro,
At paglinawin ang kaluluwang
Hinalina ng karangyaan.

Ang binhi ng mga bulaklak
Na may nakasusong ugat
Sa dibdib ng aspalto at siwang ng pader,
Ay kailangang ihasik na punlang malusog
Sa puso ng nayon
at bato ng bundok
Upang gawing bandila
Sa isang prusisyon ng pagtutunggali,
Ang santo ay laya
Sa karosang bayan.


Natagpuan kitang
Ang siwang ng mga daliri’y
Uod ang siyang nagsisipaglagos,
Ang ibong panggabi’y naghahapunan
Sa pisnging tuyo na ang dugo,
Subalit ang binhing bumaon sa lupa

ay muling sisibol
Ang mga sanga ay sisiputan
Ng milyong bulaklak.

Ito’y saglit na gunita
Di iyak ang tugon
Sa habang panahon

Sinulat ni Valerio L. Nofuente
Collegian Folio l975-1976


8. mula sa https://www.upis.upd.edu.ph/docs/Teves%20Graduation%20Speech.pdf

(naging guro siya ni oliver teves sa malikhaing pagsulat, at binanggit ito ni teves sa kanyang speech noong graduation ng up is class 2019, narito ang buong speech- bebang)

Talumpati sa mga magsisipagtapos
sa UPIS Class of 2019
Oliver Teves
Salamat po, Dean Buenviaje, magandang hapon.
Magandang hapon din sa mga magulang, sa ating prinsipal, Dr. Lorina Calingasan, sa
dating prinsipal, Dr. Theresa de Villa na aking English teacher noon, sa mga guro ng
UPIS, Miss Arlene Garcia ng Alumni Foundation, Dr. Ted Herbosa, ang EVP ng UP, at
iba pang panauhin. Naririto rin po ang aking mahal na asawa, si Ria, at ang malapit
kong kaibigan at kasama sa high school, si Al Roy.
Una sa lahat, kasama ng inyong mga mahal sa buhay at mga guro, ipinagbubunyi ko
kayo, ang Class of 2019. Sabi nga ng UP Naming Mahal, “ang pag-asa ng bayan.”
Ang magsalita sa harap ng mga magsisipagtapos, lalo na dito sa aking alma mater, ay
isang malaking karangalan para sa akin. Maraming salamat sa karangalang ito.
Magandang pagkakataoon din ito para sa akin kasi napilitan akong magbalik-tanaw
sa aking nakaraan at isulat ang mga alaala habang hindi pa nalalambungan ang aking
memorya ng makakapal na ulap dala ng edad.
Nais kong ibahagi sa inyo kung ano sa pagtingin ko ang iskolar ng bayan at isalaysay
ang aking pakikipagsapalaran matapos ang high school. Layon kong ipasilip sa inyo
ang isa sa mga daan-daan o libong landas na tinahak ng mga nauna sa inyo mula sa
dakilang paaralan nating ito. Hindi ko nais na tahakin din ninyo ang landas na iyon.
Kayo ang gagawa ng sarili ninyong daan sa inyong paglalakbay mula ngayon. Ang nais
ko lang ay makapulot kayo ng mga aral, kapwa positibo at negatibo, sa karanasan ng
isang alumnus.
Sa simpleng isip ko bilang isang high school freshman sa UP High limampung taon na
ang nakaraan, iskolar ako, di lang ng aking magulang kungdi ng gobyerno sa simpleng
dahilan na napakaliit ng tuition fee na aking binabayaran. Pero sa kahulihulihan, ang
totoong nagpapaaral sa akin ay ang sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng
kanilang buwis. Doon nabuo sa akin ang konsepto ng iskolar ng bayan.
Sa college, may subject akong malikhaing pagsusulat sa Pilipino sa ilalim ni
Prof. Valerio Nofuente, isang aktibistang guro. Bukod sa pagtuturo, tumutulong siya
sa unyon sa isang malaking pabrika ng sigarilyo sa Marikina noong panahon ng
martial law at brutal na pinaslang.
Minsan, pinasulat kami ni Lerry ng isang sanaysay na batay sa aming nakikita,
naririnig, nararamdaman. Isinalaysay ko ang aking araw-araw na karanasan sa
pagbiyahe mula Makati, kung saan ako nakatira noon, hanggang UP. Pinamagatan ko
itong “Hirap sa sasakyan ang iskolar ng bayan.”
Sa sanaysay na iyon una kong ginamit ang katawagang “Iskolar ng Bayan.” Mabilis
itong naging bukambibig dahil ipinalaganap ito ng isa kong classmate sa klase ni Lerry
na si Richie Valencia, kabatch ko sa UP High. Inilathala nya ang sinulat ko sa
Philippine Collegian noong 1975 sa ilalim ng isang pen name na hinalaw ko
sa pangalan ng dalawang kasama kong aktibista na pumanaw na. Kapwa sila iskolar
ng bayan. Humingi rin si Richie ng pahintulot na gamitin ang katawagang ito
sa mga sinulat niya sa Collegian, kasama ang mga mime pinagtulungang isulat ng isa
ko pang classmate sa high school na si Ed Vencio. Itinatanghal yon bilang
komentaryo sa mga nagaganap sa buhay ng ordinaryong iskolar ng bayan noong
panahon ng diktadura.
Ngunit mas mahalaga sa pinanggalingan ng katawagang ito ang kabuluhan ng
pagiging iskolar ng bayan.
Una, kailangan kong idiin na ang iskolar ng bayan ay hindi iskolar na bayaran. Ang
pagbabayad ay nagpapahiwatig ng kalakalan. Ibig sabihin, may serbisyo o produkto
na binabayaran at sinusuklian. Kung ganyan ang pagtingin natin o ng ibang tao sa
edukasyong nakuha natin sa UP, baka balang araw sasabihin ng ilan sa atin na
nakabayad na tayo dahil sa libo-libo kundi man milyon-milyong piso ang buwis na
naibalik na natin sa kabang bayan. Kung ganyan mag-isip ang mga nasa gobyerno,
puwede nila tayong singilin o kaya ay pagbantaang tatanggalan ng sustento o
patalsikin sa eskwela kung di tayo kumilos, magsalita o gumawa ng ayon sa kanilang
kagustuhan. Di ba’t meron tayong naririnig na ganyan ngayon?
Ang isang nakalulungkot na halimbawa nyan ay ang panawagan ng dating chairman
ng National Youth Commission, na taga-UP pa man din, na tanggalan ng scholarship
ang mga tinatawag niyang “anti-government scholars.” Gusto niyang patalsikin ang
mga estudyante dahil lang sa di sang-ayon sa pananaw niya ang pagtugon ng mga
estudyante sa mga isyung bayan. At sino ba ang kanyang tinutukoy? Sila yong mga
estudyante ng UP at iba pang state university na tumutuligsa sa ilang patakaran ng
administrasyon, lalo na ang drug war na pumatay na sa libu-libong suspect na
umano’y nanlaban. Marami sa mga napaslang sa drug war ay kasing-edad nyo o mas
bata pa.
Magkasabay na pribilehiyo at responsibilidad ang dala ng isang Isko na hindi
masusukat sa gastos o pera lamang. Ang pribilehiyong nakamit natin matapos tayong
pumasa sa entrance exam ng UPIS at UP ay unti-unting sinasabayan ng pagbuo sa
ating kalooban ng spirit of service o diwa ng paglilingkod na wala ring katumbas na
pera. Tulad ng naipahiwatig na ng iba, ang diwang ito ay nagiging bahagi ng DNA ng
mga taga-UP.
Pikit-mata ang sambayanan na sumusuporta sa ating edukasyon at umaasa na
lamang sila na tayo ay magiging mabuti at makabayang mamamayan na tutulong,
kung di man mamuno, sa pag-unlad ng bayan. Hindi tayo pinipilit ng UPIS o ng UP na
magbalik-serbisyo, o manukli o magbayad ng utang na loob. Hinubog tayo na gawin
ang pagsusukli o pagbabayad ng di natin namamalayan dahil naging bahagi na nga ng
pagkatao natin yon. Automatic na, hindi na kailangang i-memorize pa, ika nga.
Pero wag tayong magkaroon ng ilusyon na ang diwa ng UPIS o UP ay tulad ng bakuna
na panghabang-buhay. May mga taga-UP na nagdala sa atin sa kapahamakan. (Ang
pinakamatinding halimbawa niyan ay si Ferdinand Marcos -- UP High Class of 1933.)
Sa panahong lumalabnaw at humuhupa ang diwang ito, makatutulong na tanungin
natin sa ating sarili sa tuwi-tuwina: Para saan at kanino ako nag-aral sa UPIS o sa UP?
Ngayon, meron bang tama o maling sagot dyan? Kayo na ang tumugon sa tanong na
yan.
Marami ng nagbago mula ng nagtapos ako sa high school noong 1973 pero hindi pa
rin nagbago ang iskolar ng bayan dahil hindi naman nagbago ang layunin ng
edukasyon ng UPIS at UP – yan ay ang humubog ng mga kabataan na may dangal at
talino na maglingkod sa bayan.
Honor and excellence ang motto ng UP. Ano ang pangkaraniwang anyo ng honor and
excellence na sinasabi? Wag na kayong lumayo sa bahay at classroom ninyo. Ito ay
yong inihahabilin ng inyong mga magulang at guro – ang pagsikapang maging laging
mabait at magaling. Mabait o mabuti sa pakikitungo sa kapwa, at magaling o
mahusay gumawa ng trabaho sa anumang larangan sa loob at labas ng paaralan.
Maraming mukha ang kabaitan – mapagkumbaba, matulungin, matino,
mapagkawanggawa, mapagmahal sa bayan at iba pa.
May hangganan ang kakayahan ng bawat tao at siguradong may mas mahina at mas
magaling sa bawat isa sa atin. Kung hindi ka mahusay o magaling sa isang bagay na
kailangan mong gawin, wag kang mag-atubiling humingi ng tulong. Maraming
tutulong sa iyo kung isa kang mabuting tao. Ang mga mababait na tao ay nakakaakit
ng magagaling na tao. Ngayon, test lang, tingnan ninyo ang inyong katabi. Isa ba
siyang karapatdapat na bigyan ng tulong? Ikaw, karapatdapat ka bang tulungan?
Kung meron mang isang bagay na sana ay maalala ninyo sa pagtatapos ay ito –
magpakabait at magpakagaling. Kung kailangang pumili, piliin ang magpakabait.
Isang mahalagang yugto ng aking buhay ang panahon ng aking aktibismo na
nagsimula noong high school na nagpatuloy hanggang sa panahon ng diktadura.
Noong second year, second sem sa kolehiyo, umalis ako sa UP at sumama sa
underground, o kilusang lihim, laban sa diktador, katulad ng maraming estudyante
ng UP at ibang unibersidad. Ang tingin ko sa panahong iyon ay mas mahalaga na
labanan ang diktador at isantabi muna ang pag-aaral. Hindi nagtagal, nahuli isa-isa
ang mga kasama ko sa aking grupo hanggang natiyempohan ako noong January
1976.
Dinala ako sa isang safehouse at doon pinaghubad hanggang sa brief na lang ang
suot ko at binugbog. Binugbog ng binugbog. Hinampas ng maraming beses ang ari ko
ng isang opisyal na galit na galit sa akin gamit ang binilot na magazine. Doon ako
itinago ng ilang araw, nakaposas sa kama. Ang ihian ko ay isang lata ng gatas. May
naririnig akong tinotorture sa katabing kuwarto na naging psychological torture para
sa akin. Sa desperasyon kong makalabas sa safehouse na yon, naisip kong inumin ang
sarili kong ihi sa lata. Naisip ko siguro magkakasakit ako ng malubha at mapipilitan
silang dalhin ako sa ospital – makakalabas na safehouse.
Hindi ko alam kong uubra yon dahil bago ko ginawa yon ay nilipat ako sa opisina ng
mga humuli sa akin sa Camp Crame. Isang gabi, kinuha ako ng ibang yunit ng military,
piniringan at dinala sa isang wari ko ay ilang na lugar. Tahimik ang paligid at malamig
ang hangin. Oras ko na, sabi ko sa sarili. Sa popular na kasabihan ngayon, “this is it
pansit.” Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba at takot pero pilit kong wag
ipahalata. Yong sinasabing chill down your spine, yon ang naramdaman ko.
Hinihintay kong patakbuhin ako at barilin. Makalipas ang ilang minuto, pinababa ako
sa sasakyan, nakapiring pa rin. Hinintay ko na lang ang putok ng baril. Sabi ko sa sarili,
sana matagpuan pa rin balang araw ang bangkay ko ng aking pamilya. Tinanggap ko
ang aking kapalaran na katapusan ko na. Hinintay ko na lang ang huling sandali. Yan
ang pakiramdam kung wala sa iyong mga kamay ang iyong buhay. Panalangin ko na
hindi mararamdaman ng sinuman sa inyo, sa ating lahat dito, ang naranasan ko.
Binaba ako pero wala masamang nangyari. Inilipat lang pala ako sa isang dormitory
ng isang intelligence training school na parte ng ngayon ay Bonifacio Global City. Fort
Bonifacio yon noon. Doon ako pinigil ng ilang linggo, incommunicado, bago inilipat sa
Stockade 4 sa Camp Crame. Ilang buwan pa, nilipat kaming mga nasa Stockade 4 sa
Bicutan Rehabilitation Center.
Di nagtagal inilunsad namin ang unang hunger strike sa Bicutan para sa mas
mabuting pagtrato sa amin at sa aming pamilya. Bilang parusa, ibinalik ang ilan sa
amin, kasama ako, sa isang maliit na bahagi ng Stockade 4 at doon ako nadetain
hanggang narelease ako Agosto ng taon ding yon.
Pitong buwan akong nakadetain, maiksing panahon kompara sa iba na taon ang
binilang.
Nagbalik-eskwela ako pero hindi nakagraduate sa oras.
Ano ang napulot kong aral sa aking pinagdaanan pagkatapos ng high school?
Ang una, dapat makibaka kahit may takot. Madalas nating naririnig ang slogan na
“Makibaka! Huwag matakot!” Ang totoo di natin maiiwasan ang takot. Bagamat
ex-detainee na nangangambang muling makulong at matorture o tuluyang mapatay,
tumulong pa rin ako sa kilusang lihim hanggang bumagsak ang diktadura. Kung ang
pagkilos laban sa diktadura ay umasa lamang sa mga taong sinasabing walang takot,
baka di natin napaalis ang diktador.
May iba’t-iba tayong adhikain – mula sa mga simpleng bagay tulad ng kalinisan sa
kapaligiran, hanggang sa mga mabibigat na usapin tulad ng pagsulong ng karapatang
pantao, kalayaan sa pamamahayag, sapat na sahod para sa mga manggagawa at mga
guro at marami pang iba. May katunggali ang mga adhikaing yan, minsan malulupit
at mararahas na katunggali. Sigurado akong darating ang araw kung kailan meron
kayong kailangang panindigan at ipaglaban, kahit hindi sa kalye. Tandaan lamang:
Makibaka kahit may takot. Hindi natin kailangang mapawi muna ang takot bago
lumaban. Napapawi ang takot habang lumalaban. Ang mahalaga ay may
paninindigan at determinasyong isulong ang anumang adhikain na inyong
pinaniniwalaan at pinahahalagahan.
Ang pangalawang bagay na napulot ko sa aking karanasan ay ito: Hindi masama o
mali ang magpalit ng isip. Noong high school, ang pangarap ko tulad ng nabanggit ni
dean, ay maging isang doktor, at sa kabutihang palad natanggap ako sa quota course
na zoology-premed. Ang balita ko, napakahirap ngayong pumasok sa medicine. Ang
plano ko, pagkatapos ng medisina, pupunta ako sa probinsiya at doon manggagamot
ng mga may sakit. Pero di ko kinaya ang mga chemistry subjects. Binibiro ko ang sarili
na kung di ka marunong sa chemistry, baka mali ang maireseta mo sa iyong mga
pasyente at lumala pa ang sakit nila. Kaya’t sa harap ng realidad at praktikal na
dahilan nagpaalam ako sa medisina at lumipat ng kurso.
Sa Philippine Studies lalong napukaw ang aking interes noong high school sa
kasaysayan, literatura at antropolohiya. Dahil sa hilig kong magsulat at sa
pananaliksik, nagtrabaho ako bilang student assistant sa Third World Studies Center
sa College of Arts and Sciences. Noong ibinalik ang college paper kumuha ako ng
editorial exam at napiling editor.
Nagustuhan ko ang gawain ng isang mamamahayag dahil gusto ko yong trabaho na
maglalagay sa akin sa gitna ng mga pangyayaring magdudulot ng pagbabago sa ating
lipunan, o guguhit sa kasaysayan ng bayan. Sa pamamahayag ko nakita ang
bokasyon at propesyon na masasapuso ko. Sa pagbabalik-tanaw parang ito nga ang
nasa likod na utak ko mula high school na bumubulong sa akin: “Dyan ka bagay.”
Hindi ako nagsisisi at nagpalit ako ng kurso. Hindi ako nanghinayang at pinakawalan
ko ang aking pangarap na maging isang doktor at niyakap ng mahigpit ang pagiging
isang mamamahayag. Sa loob ng nakaraang tatlumpu’t limang taon bilang isang
propesyonal na mamamahayag, masasabi kong tama ang naging desisyon ko.
Napapanahon ang tema na inyong pinili sa pagtatapos na ito: Malayang Iskolar,
Tumindig para sa Kasarinlang Iniibig. Bukas ipagdiriwang natin ang ika-isangdaan at
dalawampu’t isang Araw ng Kalayaan. Walang tuwirang banta mula sa ibang bansa
sa ating kasarinlan ngayon, subalit maaring sumambulat ang isang seryosong krisis sa
relasyon natin sa isang bansa kaugnay ng sigalot sa South China Sea at West
Philippine Sea.
Merong pitong isla na nilikha ng mga Tsino mula sa mga bahura na inaangkin ng
Pilipinas. Mahirap ng bungkalin at ibalik sa dagat ang mga yon. Posibleng gumawa pa
nga sila ng mga bagong isla. May labis-labis silang lakas militar para gawin ang
anumang nais nila kung di tayo magpahayag man lang ng pagtutol.
Sa ngayon kalmado ang sitwasyon. Pinag-uuspan ang code of conduct para di
magkaputukan at magtulungan ang iba’t ibang bansa sa paghahanap ng langis at
yamang dagat. Pero sa likod ng katahimikan, naririyan pa rin ang kumukulong
tunggalian ng interes ng iba’t ibang bayan at maaring mabasag ang katahimikan
anumang oras. Posibleng sumambulat ang krisis na ito sa panahong nagbubunga na
ang mga pangarap na inyong itinanim ngayong araw na ito. Pagdating ng panahong
yon, di na lang kaming kabilang sa henerasyon ng inyong mga magulang ang haharap
doon. Kasama na namin kayo at kayo ang pangunahing sasalo sa krisis na
yon. Kailangan nyong maghanda ngayon pa lang.
Pero wag na muna tayong pumalaot sa South China Sea dahil dito sa ating
dalampasigan may mga bantang humahati sa ating bayan. May mga babala na ang
demokrasya at kalayaang nakamit natin noong Edsa Revolution ay maaring maglaho
dahil sa mga atake sa ating karapatan at kalayaan. Naririyan din ang rebisyonismo na
pilit ipinta ang panahon ng diktadura na umanoy golden age o ginintuang yugto ng
ating kasaysayan. Meron namang nagsasabi na ang pangambang yan ay walang
basehan at pananakot lamang ng mga dilawan.
Paano ninyo, kayong mga magsisipagtapos, malalaman ang totoong kalagayan? Ano
ba ang pakialam ng mga iskolar ng bayan dito? Kailangan ba silang makialam sa mga
usaping yan? Ano ang mga dapat nilang gawin? Nasa classroom, libro at internet ba
matatagpuan ang mga sagot? Nasa inyo ang kasangkapan at katalinuhan para alamin
kung ano ang tama at mali at kung ano ang totoo at hindi.
Pasensiya na kayo na maraming tanong ang iiwan ko sa inyo. Ayokong agawan kayo
ng pagkakataong sagutin ang mga ito gamit ang inyong sariling kakayahang magsuri
na inyong natutunan sa high school at mahahasa sa kolehiyo.
Ito ang pangalawang pagkakataon kong magsalita sa mga magsisipagtapos. Ang una
ay sa mismong graduation ko noong 1973 bilang senior council president.
Babasahin ko lang ang ilang bahagi ng mensahe ko sa aking mga classmate noon na
iiwan ko rin sa inyo ngayon:
Walang tuwid na landas sa mundong ito. Yan ay tiyak. Ang anumang pook ay
mararating lamang matapos ang maraming pasikut-sikot na paglalakbay,
trapiko at paminsan-minsa’y pagkakaraon ng flat tire.
Paglabas natin sa bulwagang ito, marami sa atin ang magkakaroon ng
panibagong konsepto sa buhay dala ng panibagong daigdig na ating
haharapin. Inaasahan kong ang pagtatapos na ito ay magsisilbing inspirasyon
sa ating lahat upang tayo ay lalong magsumikap at palagiang maging mulat sa
mga pangyayari sa ating lipunan upang sa tuwina’y kaagapay tayo ng ating
bayan sa kanyang pagsulong at pag-unlad.
Hindi ko alam kung natatandaan pa ng aking mga classmate ang sinabi ko noon.
Pero wag na nating problemahin yan at isantabi na muna natin ang mga seryosong
usapan sapagkat ngayon ay oras ng ligaya at pagsasaya.
Kasama ang inyong mga magulang at mahal sa buhay, ipagdiwang ninyo ang inyong
mga tagumpay sa UPIS. Ito ay araw ninyo.
Maligayang bati at maraming salamat!

9. mula sa https://www.bulatlat.com/news/5-2/5-2-sandoval.html

Poet-musician Heber Bartolome relates that at UP where he also studied, he was with Sandoval in a group called Kapisanan ng Panitikang Pilipino (KPP, Association for Philippine Literature) – together with Fanny Garcia and Ricardo Lee, who would both become award-winning scriptwriters; and Valerio Nofuente, also a poet who would teach at UP and eventually be martyred in the last years of martial law. Bartolome described this group as involved in activism.

10. mula sa file:///C:/Users/bsiy/Downloads/628-1179-3-PB.pdf

SITUATING FILM COMEDY IN PHILIPPINE DAILY LIFE
A casual observation of Philippine contemporary comedy
yields its association with komiks, daily comic strips, and more visibly,
75
Notes on Dolphy and Philippine Cinematic Humor
and perhaps more viably, comedy in film and on television. Valerio
Nofuente cites the popularity of television in the Philippines, “because
of [its] relative low cost”, its portability and accessibility, and its
provision of programs “at the click of a switch” (129).

Nofuente, Valerio L. “Portrayals of Life and Reality in Radio and
Television Drama” in Philippine World-View. Virgilio G. Enriquez,
ed. Trans. Christopher Gonzaga. Singapore: Institute of
Southeast Asian Studies, 1986: 128-138.

11. https://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-sa-kongregasyon-si-teo-s-baylen-bilang-relihiyosong-makata/

mula sa akademikong sanaysay ni Dr. Jimmuel Naval na pinamagatang: Mula sa Tradisyon Tungo sa Kongregasyon: Si Teo S. Baylen Bilang Relihiyosong Makata at nilathala sa website ng panitikan.ph noong june 23, 2014.

"Sinipi mula sa tesis ni Valerio Nofuente, “Ang Paghihimagsik ni Alejandro G. Abadilla sa Tradisyon ng Panulaang Tagalog,” (MA Pilipino, UPCAS, 1977), p. 166."

12. mula sa http://unanghakbang.blogspot.com/2007/09/paano-tumula-ngayon.html

(binanggit siya ni alex remollino sa kanyang blog entry habang ikinukuwento ang kasaysayan ng panitikan at buhay ng mga manunulat noong panahon ng martial law-bebang)

Nabanggit ni Dumlao ang mga pangalan ng pitong kasapi ng GAT na tumangkilik sa kandidaturang Marcos-Tolentino noong 1986. Makabubuting banggitin muli sila rito, sa ikababatid ng lahat at upang huwag nating malimot: Virgilio Almario, S.V. Epistola, Lamberto Antonio, Teo Antonio, Mike Bigornia, Manuel Baldemor, at Ruth Elynia Mabanglo. Buhay pa silang lahat, liban kina Bigornia at Epistola. Marami sa mga ito ang magpahanggang ngayo'y hindi inihihingi ng kapatawaran ng bansa ang kanilang ginawa – kabilang na si Almario, National Artist for Literature ng 2003. Sa katunayan, sa isang interbiyu sa kanya ng isang estudyanteng gradwado sa UP noon ding 2003, sinabi ni Almario na ang Kaliwa ang nagpabomba sa Plaza Miranda noong 1971, at ito raw ay ginawa upang guluhin ang gobyerno ni Marcos. Yaong mga may malawak na pagbabasa sa kasaysayan at lalo na'y yaong mga may malay na nang taong iyon ay tiyak na makaaalaalang ito rin ang dahilang ginamit ni Marcos upang magdeklara ng batas militar. At habang umiiral ang batas militar ay kayraming manunulat ang pinarusahan dahil sa kanilang pagbibilad ng kalagayan ng bansa: ipinapatay ang mga Lorena Barros, Eman Lacaba, Antonio Tagamolila, Liliosa Hilao at Valerio Nofuente, habang ang isang Henry Romero'y nawala at hindi pa natatagpuan magpahanggang sa mga araw na ito; samantalang ipinabilanggo naman sina Beinvenido Lumbera, Satur Ocampo, Luis Teodoro, Ninotchka Rosca, Bonifacio Ilagan, Pete Lacaba, Levy Balgos de la Cruz, at Dolores Feria, at marami sa knaila ang dumanas ng iba't ibang anyo ng pagpapahirap sa bilangguan, kabilang ang pangunguryente sa bayag at utong at puki, pag-uumpog sa kanila sa dingding, pagpapahiga sa kanila nang hubo't hubad sa bloke-blokeng yelo, at maging panggagahasa sa mga babae. Ang sinabing ito ni Almario ay hindi pa niya binabawi magpahanggang ngayon, bagama't hindi pa rin maipaliwanag ng mismong kampo ng mga Marcos kung bakit ang binomba sa Plaza Miranda ay ang pulong ng Liberal Party, na lumalaban din sa gobyerno noong 1971 at samakatwid ay maituturing noong taktikal na alyado ng Kaliwa. Batay sa kasaysayan, ang ganito'y istilo ng ilang panatikong maka-Kanang paksiyon sa militar, ngunit hindi ng Kaliwa. Sinasabi ni Almario na tama ang pagkakadeklara ni Marcos ng batas militar, na nandahas sa napakaraming Pilipino? Iwan na natin sa kanya ang pagpapaliwanag dito, pati na sa inamin niya mismong pagiging propagandista ng kampo ni Marcos bago pa man ang snap election ng 1986 at habang siya'y kasapi pa ng GAT, na nagpatalsik sa kanya noong 1986. Siya na rin ang bahalang magpaliwanag kung may kaugnayan din ba ang lahat nito sa mahabang panahon niyang palinlang na paglalayo sa mga baguhang manunulat sa landas ng makabayan at makalipunang pakikisangkot – sa isang bansa kung saan kailangang-kailangan ang mga manunulat na magpapatuloy sa tradisyon ng mga Francisco Balagtas, Jose Rizal, Crisanto Evangelista, Jose Corazon de Jesus, Salvador Lopez, Manuel Agruilla, Carlos Bulosan, Amado Hernandez, at iba pang katulad. Mga aral ng GAT sa ating panahon Naipakita ni Dumlao na ang GAT ay naging isang kapahayagan ng pagkakaisa ng mga makatang nagpasyang makipagkaisa sa kanilang mga mambabasa sa pagtatatag ng isang matwid na lipunan.

13. mula sa https://stuartsantiago.com/category/nationalism/page/2/

(nabanggit siya ni katrina stuart-santiago sa kanyang paglalarawan sa panulat at libro ni rosario torres-yu-bebang)

Torres-Yu also wrote about feminist literature in her book, devoting essays on Genoveva Matute and Lope K. Santos, as well as on underground literature during martial law, Valerio Nofuente and other martyred writers, and the history of the workers movement. Alinagnag seeks to provide illumination on social issues through nationalist literature. It is Marxist literary criticism that runs against the grain of the prevalent formalist/neo-formalist critical practice of the literary establishment.

14. mula sa https://pages.upd.edu.ph/sites/default/files/dannyarao/files/contend-act-ibon_serve_the_people_2008.pdf

(ang article na ito ay nalathala sa SERVE THE PEOPLE: Ang Kasaysayan ng Radikal na Kilusan sa UP)

The Diliman Review under
Martial Law
Herminio S. Beltran, Jr.

The national democratic movement which seared an indelible mark on the
University of the Philippines during the First Quarter Storm opened a
space for the emergence of a pocket of press freedom during the repressive
years of the Marcos dictatorship. Where Proclamation 1081 in 1972 had
clamped down on the nation’s press, closing down major newspapers such
as The Manila Times, The Manila Chronicle, Philippines Herald, Manila Bulletin,
Daily Mirror, and Manila Evening News, and magazines like Philippines Free Press,
Weekly Graphic, Asia-Philippines Leader, Nation and others, there appeared on
the Diliman campus in 1978 a magazine that flaunted the prohibitions of the
regime. That magazine was Diliman Review (DR).

DR was an obscure and little-read review modelled after the “litle magazines”
targeting an elite readership in the American academe, space for literary studies
and scholarly articles by the faculty. When Dr. Francisco Nemenzo assumed
the deanship of the College of Arts and Sciences, he called on Dr. Bienvenido
Lumbera to organize a staff that would transform DR from a learned journal
accessible mainly to literary critics and scholars into a “readable” magazine
that students could profit from as supplementary reading in their classes.
Lumbera assembled former UP-based comrades from the proscribed Panulat
para sa Kaunlaran ng Sambayanan(PAKSA) to conceptualize an alternative
outlet for socially-oriented writing: Ricardo lee, Aida Santos, Flor Caagusan,
Lerry Nofuente, Jesus Manuel Santiago, and Rene O. Villanueva. The first
product of the staff was the introductory issue dated “October-November
1978.”

When I joined the staff of the DR in 1981, the publication had already come
out with fourteen issues, which included some of my poems and essays. Lerry
Nofuente of the Department of Filipino and Philippine Literature, then DR
business manager who invited me to help write, edit, and carry out some
business chores as he was intending to resign from the DR, had just been
killed in a gruesome murder. Martial law was still very much intact, running
into a decade of existence. At that time, DR was under the administration of
176 SERVE THE PEOPLE: Ang Kasaysayan ng Radikal na Kilusan sa UP
College of Arts and Sciences (CAS), before it was split into three colleges in
1982. The staff, headed by editor Dr. Lumbera, and composed of associate
editor Rene O. Villanueva, and members Max Pulan, Freita Bautista and
Connie Ladrido, was still in search of a style distinct for an “intelligent and
popular magazine.”

I knew there was resentment at the change of DR from a scholarly journal
to a popular magazine format. Book buyers at Popular Book Store, some of
whom were UP faculty members, scoffed at the loss of authoritativeness of the
publication on display. Some members of the teaching staff of the UP Writers
Workshop, talking about literary outlets, would express disagreement with
then CAS dean Francisco Nemenzo’s move in “vulgarizing” a distinguished
journal. But as a contributor, I found in DR a symbolic act: the academe’s
ingenuity in channeling its resources to fill the needs not only of students and
teachers but also of readers and writers outside the university who, since the
declaration of P.D. 1081, had been deprived of credible reading fare.

15. mula sa https://www.asj.upd.edu.ph/mediabox/archive/ASJ-19-1981/maranan.pdf

(binanggit siya ni edgar maranan sa saliksik nitong THE PERCEPTION OF NEOCOLONIAL RELATIONS
WITH THE UNITED STATES: NATIONALISM IN FILIPINO LITERATURE SINCE THE 1960s*

• Condensed version of a paper submitted to the 2nd International Philippine Studies Conference, University of Hawaii at Manoa, 27-30 June 1981.

Valerio Nofuente in his "Awit Sa Agila" (To the Eagle), also
ascribes to the eagle the qualities of ruthlessness and overweaning
ambition. But as the resolution of the Vietnam war shows, the Almighty Eagle's wings can get badly clipped. The Third World voice
of intransigence and defiance rings clear.
Wherever your dire talons alight
Bellies are emptied and mouths are sealed.
We protest, and will not be crushed
Ours is the voice of a world unyielding.
Ever alone, and enfeebled each time,
You shall be prey to us, and then fall.
Cruel as the dreams you dream in flight
Shall be your plummeting ashen death.9

9 Diliman Review (Literary Issue), (Quezon City: University of the Philippines Press, 1979), p. 15.

nag-post din ako sa FB. Mula roon ay nalaman kong...

1. Naging guro siya ni Sir Joaquin Sy sa UP Diliman sa subject na Pilipino, either 1972 or 1973 daw.

2. Ayon kina Rom Factolerin at Joel Costa Malabanan, may isang kanta si Heber Bartolome na inalay sa kanya. Ang pamagat nito ay Lerry.

Ito ang link sa kanta:

https://www.youtube.com/watch?v=jfkvniU_AZk&feature=youtu.be&fbclid=IwAR0JUFhtqXJE71et60vBwFN1gd5W5Mss7Kbv9rXWbPcjsV2gVUwNzaG56Jo

3. naging estudyante rin niya si sir reuel aguila. pinick up daw ng mga tabloid ang nangyari kay nofuente dahil sobra daw brutal ang pagkakapatay dito. hindi nasolb ang kaso.

what i know now about him:

valerio nofuente

enero 28, 1947- abril 10, 1981

si valerio nofuento ay isang aktibista, guro at iskolar. kilala siya sa palayaw na lerry.

siya ay naging miyembro ng UP Writers Club at nagtapos ng kursong AB Political Science noong 1968 sa UP Diliman. naging Resident Assistant siya sa Filipiniana section ng University (Main) Library noong 1969-1971. ang kanyang tesis para sa kursong ma pilipino sa departamento ng filipino at panitikan ng pilipinas ay Ang Paghihimagsik ni Alejandro G. Abadilla sa Tradisyon ng Panulaang Tagalog. bilang assistant professor, siya ay nagturo ng PI 100, Tradisyon ng Panulaan sa Pilipinas/Panitikang Pilipino, malikhaing pagsulat at iba pang kaugnay na subject sa nasabing departamento na nasa patnubay ng noo'y college of arts and sciences sa up diliman. ang inclusive years nito ay 1972-1974. kasabayan niyang naging guro doon sina Pamela Cruz-constantino, Lilia Quindoza- Santiago at Rosario Torres-yu. naging estudyante ni lerry sa up ang ilan sa mahuhusay na manunulat at mandudula ngayon gaya nina joaquin sy, reuel aguila, chris millado, amante del mundo at oliver teves.

Ayon kay dr. teresita "tet" maceda ng up filipino department sa interbyu ng guro din doon na si schedar jocson, naging miyembro si lerry ng Cultural Research Association of the Philippines kasama siya (mam tet), Sir Bienvenido Lumbera at iba pa. Siya rin ang naging editor ng publication nito na Cultural Research Bulletin.

siya ay naglingkod na adviser ng kapisanang pampanitikang pilipino o kpp noong 1974-76.

si lerry ay isa ring makata, nalathala ang kanyang mga tula sa collegian folio 1975-1976, at sa kamao, mga tula ng protesta na inilathala ng ccp. isa siya sa mga tinawag ni sir bien (lumbera) upang bumuo ng unang issue ng diliman review na lumabas noong oct-nov 1978. kasama niya rito sina Ricardo lee, Aida Santos, Flor Caagusan, Jesus Manuel Santiago, at Rene O. Villanueva. si lerry ay naging business manager ng diliman review. makalipas ang 14 issues, noong 1981 at kasagsagan ng martial law, noong siya ay papa-resign na sa nasabing post at tine-train na si hermie beltran, siya ay brutal na pinaslang. laslas ang leeg. nang panahong iyon, si lerry ay aktibong tumutulong sa unyon ng isang malaking pabrika ng sigarilyo sa Marikina. si lerry ay pinatay sa loob ng sariling sasakyang beetle, ang pinaghihinalaan ay ang caretaker ng kapitbahay na nakiangkas lamang sa kanya. iniwan ang beetle at ang bangkay ni lerry sa ilalim ng isang tulay. hindi nalutas ang kaso na ito. kapapanalo pa lamang noon ni lerry sa patimpalak sa tula ng Surian ng Wikang Pambansa, karangalang banggit para sa tulang Haplusan ang Lungsod ng Sinag ng Takipsilim. nasa kotse pa ang kanyang tseke.

isang awit ni heber bartolome ang pinamagatang lerry at ito ay alay sa kanyang alaala. isa sa mga nagbigay ng pagpupugay sa kanya ay ang concerned artists of the philippines.

naulila ang kanyang asawang si evelyn at dalawang anak na lalaki.

tentatibong listahan ng mga akda ni valerio nofuente

awit sa agila-tula
Sa Makati at Dibisorya, Denims ang Hanap Nila- sanaysay
Ang buhay at panahon ni Alejandro G. Abadilla-meron sa filipiniana ng up dil
Ang paghihimagsik ni Alejandro G. Abadilla sa tradisyon ng panulaang Tagalog-meron sa university archives ng up dil
Haplusan ang lungsod ng liwanag ng takipsilim -tula, nalathala sa kamao tula ng protesta, ccp
Kailangan ko pa bang sagutin -tula, nalathala sa kamao tula ng protesta, ccp
Sa gabi ng paglisan -tula, nalathala sa kamao tula ng protesta, ccp
Saglit na gunita sa isang namayapang makata - -tula para kay lorena barros, nalathala sa kamao tula ng protesta, ccp, nalathala din sa Collegian Folio l975-1976
Alisin 'Ka Mo ang Dyipni? -mukhang sanaysay, marami sa internet, lalo na ang ingles na version, sino kaya ang nagsalin?
ang epikong labaw donggon - buod ng epiko, mga guide question para sa pag-unawa sa teksto
Ang Paghihimagsik ni Alejandro G. Abadilla sa Tradisyon ng Panulaang Tagalog- tesis niya sa masters, filipino department, up diliman
“Portrayals of Life and Reality in Radio and Television Drama” in Philippine World-View. Virgilio G. Enriquez, ed. Trans. Christopher Gonzaga. Singapore: Institute of Southeast Asian Studies, 1986
Ang Tulang Pasalaysay sa Panahon ng Amerikano, 1898- 1928." Ito ay nalathala sa Nationalist Literature: A Centennial Forum. Ed. E. A. Ordonez. Quezon City, Philippines: U of Philippines P and Panulat, 1995


No comments:

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...