Friday, January 24, 2020

things to do for 2020

2020 things to do ko

ang totoo, wala pa akong naiisip. noong magkita kita kami ng hilakboters for our christmas party last december, we had to share our goal for 2020.

isa lang ang sinabi ko: property

so ngayon, iniisip ko kung dapat ba akong maglista uli ng things to do, kasi ang dami ko pang di naa-accomplish sa 2019 list.

ito, o:

Deposit 24k per month for stock market until dec 2019- NAGAWA! YAHOO!
Buy foreclosed property, house and lot-HINDI NAGAWA!
Buy sasakyan-HINDI NAGAWA!
Learn how to drive- HINDI NAGAWA!
Bahay pagdating ng 8 or 9pm - HINDI NAGAWA! PERO HINDI NA AKO PUMAPASOK NANG MAAGA. I GET TO SPEND MY MORNINGS WITH KIDS. NA SIYA NAMANG DAHILAN KUNG BAKIT GUSTO KO SANANG MAKAUWI NG 8 OR 9PM EVERYDAY
Publish lila-NAGAWA! YAHOO!
Finish illustrations for first love- HINDI NAGAWA. MGA TATLONG ILUSTRASYON LANG ITO.
Publish first love- NAGAWA! PERO HINDI AS A BOOK!
St. peter plan 2k/month- NAGAGAWA UNTIL NOW!
Increase shares @ccp coop-NAGAWA!
Go to church/pray at least once a week- HINDI NAGAWA. LOSER.
Write at least 1 book for 2019-UGH. HINDI KO ALAM. PAANO BA ITO? KASI NAKAPAGSUBMIT NAMAN AKO KAY INA FOR POORITANG TURISTA HAAHAHA
Write/blog at least once a week, offset kung di kaya ng once a week basta dapat 48 entries for 2019- OMG NAGAWA! MY 2019 ENTRIES WERE 148!
Umusad sa MA, mag inquire, mag-enrol, mag-honorable dismissal- UGH. TINIK SA LALAMUNAN. HINDI NAGAWA.
earn at least 30k per month sa stock market- UGH. HINDI NAGAWA. SOBRANG BAGSAK NG STOCK MARKET. MORE THAN 30% ANG LOSS.

out 15 things to do ay 6 ang nagawa ko.

so let's see. tanggalin natin ang mga nagawa ko na. so eto ang natira:

Buy foreclosed property, house and lot
Buy sasakyan
Learn how to drive
Bahay pagdating ng 8 or 9pm
Finish illustrations for first love
Go to church/pray at least once a week
Write at least 1 book for 2019
Umusad sa MA, mag inquire, mag-enrol, mag-honorable dismissal-
earn at least 30k per month sa stock market

may mga gusto ba akong i-retain? or i-retain at baguhin?

yes. so ito na:

Buy property
Buy sasakyan
Learn how to drive
Mag-asikaso ng kids at least for one part of my day
Finish illustrations for first love or mag-hire ng artist- si aji! haaay, dream artist forever
pray the thank you beads at least once a week
Write and publish at least 1 book for 2020
Umusad sa MA, mag inquire, mag-enrol, mag-honorable dismissal- fuck yeah
earn from another income stream, wag lang sa stock market- one big paying event per month. so 12 gigs.
write/blog at least once a week. at least 48 entries for 2020.
vlog at least once a week. at least 48 vlogs for 2020.

putcha, kaya ko bang panindigan ito?

financially,mas maluwag kami ngayon. natanggal na sa monthly na kailangan kong itabi ang para sa stock market. so na-free up ang 24k a month. pero napakarami naming binabayaran, school fees, yaya at therapies. hay nako, wala rin. this year, gusto rin ni papa p na ienrol na si ayin. she's turning 4. sabi ko, wag muna sana. kasi k to 12 na. so napakahaba ng panahon na kailangan niyang mag-aral. ayoko. baka maumay. saka sinabi ko rin kay papa p, na mabigat ang dalawang tuition.

may maliliit pala akong wish:
publish/submit sa mga call for submission
less mistakes sa work
do something innovative sa work
mapaayos ang mga sofa nina papa p
mapaayos ang mga dining table nila
mapaayos ang sala namin
mapagawa ang shelves sa garahe
makapagpa-bless ng bahay
continuous bayad sa st peter
continuous bayad sa insurance, 2 years na lang!
maligtas ang tindahan ni ditchak

am i ready for 2020? hindi pa masyado. iniisip ko pa ang mga di ko nagawa sa mga dati kong things to do. well, lagi namang nangyayari sa akin ito, di ko lang alam kung bakit this time, hindi ako excited salubungin ang taon. maybe because of the things that are happening like taal eruption, coronavirus. ke aga-aga, ilang araw pa lang tayo, ampapangit na ng nangyayari sa atin.

but opkors, bebang ito. ayaw na ayaw kong nagtatapos sa takot o karuwagan ang aking isinusulat. so, hey, you, 2020, welcome to my life. you are big and scary, but this girl has been to hell. bring it on.


No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...