just got home, 11pm. ligong-ligo na ako.
yes, di ako nakaligo.
5am ako gumising.
545 am, nag-aabang na ako ng bus pa-lawton sa may kanto ng tirona at aguinaldo. pero nakatayo at siksikan na ang mga pasahero sa dumadaan na mga bus.
6:05 am, sumakay na ako ng dyip na pakabihasnan.
650 am,nasa kabihasnan na ako. nakasakay ako doon ng dyip na pabaclaran.
720am, nasa baclaran lrt na ako.
740 am, nasa un avenue lrt ako at sumakay ng dyip pa-padre faura.
745 to 8 am, nasa up manila na ako. nag-deliver ng mga kopya ng lila kay mam diana agbayani, akyat ako't baba sa building nila. mabilisan! dahil male-late na ako sa ccp.
8-820 am, bus pa-cavite. bumaba ako sa mismong ccp. lakad papuntang ccp.
8:28 am, time in ko. umakyat na ako sa ofc namin, nag-iwan ng bags. di na ako naligo dahil male late ako sa meeting. at gutom na ako.
8:35 am, ccp board room for the artistic programming committee meeting. kumain ako until 9am. 9am, start ng meeting. inabutan kami ng lunch, 1230 to 120pm lunch habang tinatapos ang meeting.
1:30-2pm, natapos ko na ang aking lunch at mumunting kuwentuhan naming mga natira sa board room. nag-cr ako at nagsepilyo, naglipstick. may meeting pa kami tungkol sa museo ng kalinangang pilipino.
2:00- 240pm, sa ovp conference room, tinatalakay na ni sir chris, ms rica at sir a ang mga detalye ng ilulunsad na museo ng kalinangang pilipino ngayong taon. tingin nang tingin sa akin si sir chris. wala akong maiambag. quiet lang ako. wala rin akong kopya ng proposal na pinag-uusapan nila. siguro di na siya nakatiis. anong ginagawa mo rito, tanong niya. sabi ko, di ko rin po alam, sir. pinasasama nyo raw po ako, sabi ng asst nyong si ivan. sabi ni ivan, yes sir. nasa note nyo, visual arts and literature. bakit, bakit, tanong uli ni sir. nagtawanan na kami. di pala talaga ako kasali. kaloka. akala ko may kung anong ipapagawa sa aming division for the museum!
240 to 4pm- nag-asikaso ng pasinaya with tase, mga memo sa opis, sex disaggregated data for gender and development chu chu na kailangan ng hr para sa mga event namin, proposal letter for a proj para sa hr namin, nag-check ng kontrata for ani 41 special section editor na si Mia, nagpapirma sa aking boss ng handwritten in at out ko sa aking daily time record, nagpadraft ng sangkatutak na letter kay Erika, nag-semi coordinate ng mga detalyeng kailangan ni ms Myra for a possible book event for children in ccp, at kung ano ano pa.
hindi pa rin ako nakakaligo. by this time, ginaw na ginaw na ako. sakit na ulo ko sa lamig ng aircon.
4 to 530pm lumabas ako at nagpunta sa ramp. nagpm ako sa mga ladies ng intertextual division. nakapitong ikot ako sa ramp nang dumating si erika. nakadalawa o tatlong ikot kami nang dumating sina Marjorie, Stacy at Geraldin. umikot kami, mga 3x. biglang binuksan ang fountain. naturn off na kaming umikot sa ramp. hello, green ang tubig. spray-spray sa mukha namin, eow. so naglakad kami pa-star city. doon kami nagsunset. sa kahabaan ng kalsada na iyon. wala pa rin akong pawis. giniginaw pa rin ako.
5:30 to 6:30pm naglakad kami pa-picc hanggang makabalik nang ccp. habang naglalakad ay ikinuwento ko ang mga tinalakay sa apc meeting nang umagang iyon. di ko na isinama ang resulta ng gawad ccp at bawal pang ibahagi. nakabili kami ng 5 lumpia sa naglalako. malamig pa rin ang panahon. wala na akong pagnanasang maligo sa opis.
630 to 730pm, nakabalik kaming lahat sa opis. naroon si tito dok. bebeso sana sa akin kaso pinigilan ko siya in a violent manner. kinokopya ni tito dok ang pamagat ng kanyang mga akda sa ani, na may kinalaman sa healing. nakipagkuwentuhan din si tito dok, topics were weird and funny surnames ng mga doktor: dr bubuli, dr salagubang. ikinuwento ko rin ang nakita kong pulis na ang apelyido ay areglo. pinagkuwentuhan din namin at pinanood ang facial expression ni mam margie moran nang ideklara siya as the ms universe noong 1973. tawang tawa kami. bantot na bantot na ako sa sarili ko.
730 to 8pm, hinatid namin ni mam bing si tito dok sa sasakyan niya sa parking lot.
8pm to 815pm, nasa opis na ako uli, nagready na kaming umuwi. kinain ko yung isa sa 5 lumpia. gutom na ako.
815 to 830pm naglakad at nag-abang ng cavite bus sa roxas blvd. wala.
835pm sumakay ng fx pasucat. ka-pm si cyzka.
940pm bumaba ako sa kabihasnan.
940 to 950pm naglakad hanggang sa kanto ng quirino at kabihasnan.
950pm, sumakay ng dyip na pa-imus.
951pm, bumaba ng dyip. gutom na talaga ako. baka kagatin ko katabi ko sa haba ng biyahe. paranaque to cavite.
952pm to 955pm, bumili ng hotdog sa 711. humingi ako ng yelo sa dala kong baso na regalo ni erika nong pasko.
955 to 10pm bumili ng 10 pesos na mountain dew sa sari sari store. merong 10 pesos! sa boteng babasagin!
10 to 1010pm nasa dyip na pa cavite. hinintay pa itong magpuno.
1010 to 1040pm, biyahe na. naghahapunan ng hotdog at sopdrinks. kapm sina papa p at maru tungkol sa pagsasalin from english to filipino.
1040 to 10:50pm naglakad mula pagkababa ng dyip hanggang sa bukana ng perpetual.
1050pm sidecar hanggang bahay
11pm bahay
putcha antok na ako. gogoli pa ba?!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment