Wednesday, January 1, 2020

aguinaldo shrine, kawit, cavite, dec 30, 2019

aguinaldo shrine, kawit, cavite, dec 30, 2019

notes ko:

1. akala mo sa ayala lang may pailaw, sa kawit din, meron, meron, meron!

2. mas mahal ang puto bumbong dito, 30 regular, 50 special,kaysa sa imus city park.

3. mahal din ang bibingka, 170 pesos.

4. maraming tindahan ng pagkain sa parking area dahil kinonvert ang isang area nito bilang tiangge

5. di ko type na ang mga nagtitinda ng abubot at laruan ay nasa damuhan na. dati ay nasa sementadong bahagi lang sila ng freedom park at ang mga namamasyal ang nakalatag sa damuhan

6. isa sa mga kinanta sa light and sound show ay ang.... all i want for christmas ni mariah carey

7. ang ganda ng bahay ni aguinaldo sa mga pailaw. very prominent talaga ang bahay, kasi flat ang paligid niya. literal na standout.

8. may isa pang malaking bahay pagtawid sa maikling maikling tulay sa gilid ng bahay ni aguinaldo. sa harap nito ay isang higanteng puno na tinadtad ng Christmas lights. isa sa magandang piktyuran ito doon

9. noong pauwi na kami, naglakad kami sa tawid tulay. sa dulo niyon ay mga sari sari store at doon kami nakabili ng ice cream na nasa mga cup. ube ang sa amin ni ayin at chocolate kina papa p at dagat.

10. gusto kong maging tradisyon ng pamilya namin ang pamamasyal sa mga lugar na ganito kapag pasko. gusto kong maging ... suki kami!

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...