Thursday, January 9, 2020

crumbling

hay this is a sad entry. warning! warning!

noong dumalaw kami sa ermita, sabi ni ditchak sa akin, isasara na raw niya ang tindahan. pinapaubos na lang niya ang natitirang tinda.

what the fuck, sa isip isip ko. putcha, hindi puwede! buong buhay ko, bukas ang tindahan na ito.

sabi ni di, kasi raw ang laki-laki ng buwis na pinababayaran sa kanya ng city hall. ang liit na nga lang ng kita dahil kaunti na lang ang bumibili sa kanya for so many reasons like nasa kabilang kanto sa ermita church, 711. sa kabilang kanto sa faura, 711 at ministop, andaming tindahan sa likod na sobrang informal, walang tax na binabayaran, low maintenance, walang binabayaran na puwesto kaya mababa ang benta sa mga tinda, at kaunti na lang talaga ang residente at turista sa lugar na iyon.

dati, pag ganitong oras, 8pm, paparami na ang tao. ngayon, alas-nuwebe, wala na. kaya alas-nuwebe, nagsasara na ako.

sobrang nalungkot ako.

piniktyuran ko na ang mga bahagi ng tindahan. piniktyuran ko ang uncle ko, ang mga estante, ang mga poste, ang mga pinto, ang lumang-lumang ref.

bago kami umalis, sabi ni papa p sa akin, baka gusto ko raw iparenta iyon sa kwago. aba, kako, puwede! bookshop! kasi ang mga lagayan ng delata na nakapalibot sa tindahan, puwede nang maging book shelves. so hindi na magko-construct ng shelves.

tapos naisip ko rin na bakit hindi na lang kami ang mag-operate ng book shop doon. sabi ko, mga 15k siguro na rent ok na. sabi ni poy, sino ang magbabantay ng book shop? sabi ko, e di kami, lilipat na kami doon. doon na maninirahan. as if ganon kadali iyon, ano. sabi ni papa p, ayoko nga.

so ilang araw kong inisip kung ano ang dapat gawin sa espasyo na iyon para may continuous na income si ditchak pero at the same time ay mapangalagaan pa rin ang structure ng tindahan. baka puwedeng paupahan sa biblio, ang sosyal na bookstore ng papemelroti. baka puwedeng paupahan sa art gallery! baka puwedeng gawing coffee shop ang lugar.

so noong isang araw, nagtext ako sa uncle ko.magkano ang ine-expect niyang income para sa rental niyon. sabi niya, 30k daw. may kausap na raw siya.

sagot ko, dapat company iyan, ha.

di, ba? kasi mahirap magparenta kung sa tao lang. putcha baka di na niya mapaalis iyon. ito pa namang uncle ko, napakabait. ayaw ng may kaaway.

sa ngayon,nasa isip ko pa rin ito. sabi ni ditchak, this month niya isasara ang tindahan. di ko alam kung paano ako mag-i-intervene. at kung papayag ba siya sa idea ko.

ang akin lang, sana may income siya pero sana ma-preserve ang lugar.

napakarami nitong alaala sa aming pamilya! at higit sa lahat, bahagi na siya ng history ng ermita since more than 50 years old na ang aming dating bahay.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...