last feb 9, nasa kwago book bar kami, ibaba ng warehouse 8, la fuerza compound, chino roces, makati. relaunch siya ng nasabing book shop at may pa-event ang kaibigan namin na may-ari ng kwago, si cyzka tumaliuan. isa sa naimbitahang magsalita rito ay ang balangay. kaya naman todo support ako kay papa p. aba, baby niya ang balangay! so naghanda siya ng presentation prior to feb 9 at iyon nga ang kanyang tinalakay.
heto ang key points:
1. paano nagsimula ang balangay
as usual ikinuwento niya ang love story namin. noon daw naging kami, iyon din ang time na bumaba siya as president ng cavite young writers association at ako as president ng linangan sa imahen, retorika at anyo. pareho kaming mulat sa kakulangan ng panitikan sa cavite at iba pang bahagi ng bansa, at mas kalunos-lunos na hindi nakakarating ang lokal na panitikan sa mismong komunidad na pinagmumulan nito. kaya itinatag niya ang balangay. para magkaroon ng outlet ang mga gusto pa naming gawin sa panitikan at sa mga komunidad. awa ng diyos, wala namang nagyihi sa crowd.
pero ang point niya, it was something personal and it was also something that fills a gap.
2. balangay projects tulad ng mga libro, workshops at seminars
para maipaliwanag ang ginagawa ng balangay, inisa-isa ni papa p ang mga libro na nalathala under balangay. so para siyang nagbasa ng catalogue ng books hahaha lita, antares, talik, gera, pesoa, katakot, alguien na zine ni rm topacio aplaon, lola ora, mandala at iba pa. pagdating sa biyak, ako ang ipinagpaliwanag ni papa p. which i really wanted to do. kasi gusto kong ibahagi na nag-flop iyon hahaha ang yabang ko, akala ko bebenta nang husto! ayan, flop tuloy! ikinuwento rin ni papa p ang mga workshop na ibinigay namin through the years sa iba't ibang bahagi ng bansa. yes, marami na rin kaming nabigyan ng workshop: bacolod, sagay, manapla, quezon city, manila (museo marino), manila (with lumad kids from davao and bukidnon), marawi (noong 2013, wala pa si duterte), antipolo (kasama ang mga sama dilaut o badjao), laguna, at marami pang iba.
marami kaming obserbasyon sa bawat lugar, marami din kaming natutuhan, maraming nakilala, na eventually ay nagiging writer ng balangay. lahat at bawat encounter ay nakakatulong sa pagpapalago ng balangay. parang snowball effect.
3. paano dapat suportahan ng writers ang small press
ibig sabihin, wag pakataasan ng writer ang kanilang expectations. malayong-malayo sa mainstream ang operation ng small press. inexplain ni papa p kung bakit 50% ng profit ang napupunta sa writers. dahil kinikilala ng balangay ang effort ng writer para maibenta rin ang kanyang mga akda dahil nga limitado lang ang kayang gawin ng isang small press.
after his talk, nag-thank you na ang moderator na si karl (isa rin sa owners ng kwago), he showed our books and advertised them. pero di ako nakatiis, tumayo ako at sabi ko, may idadagdag po ako.
ikinuwento ko ang "soft side" ng business, ang mga hidden na sakripisyo namin ni papa p. ikinuwento ko na ang gulo ng home office namin, inaapakan ng mga bata ang manuscripts, sinisira ang knobs ng printer, pinupunit ang mga papel at iba pa, ikinuwento ko rin na hindi kami kumita sa ebook, ang unang anyo ng aming mga publication, dahil talo kami sa wika. wala pang bumibili ng ebooks noon sa wikang filipino. well, i think until now, wala pa ring bumibili nito. (kaya di ko nakikitang effective ang ginagawa ni mina esguerra na marketing strategies para sa aming mga libro dahil wika pa lang, magkaiba na ito. may laban siya sa international stage, kami, waley.) sinabi ko rin na dahil ako ang laging nakakalabas at exposed sa publishing industry at lit scene, ang mga imbitasyon sa akin ay extended kay papa p at sa balangay. ginagamit ko rin ang contacts ko to help balangay. at higit sa lahat, maaga pa lang, nalaman na naming walang kikitain sa publishing. kaya nag-decide kami na isa sa amin ang dapat na magkaroon ng steady income. kaya namasukan uli ako. ngayon, full time akong nagtatrabaho sa ccp. hindi lang para sa pamilya namin kundi para i-finance ang ibang dream projects ng balangay. i also shared that i don't dare abuse my position in ccp to sell balangay or balangay books. never kaming nagbenta sa mga book fair at zine fair na inoorganisa ko under intertextual division. simply because i think unethical iyon. i ended my very very short talk with an appeal for the audience to patronize local lit, because local is national.
puno ang lugar, sobrang saya ko na makita ang crowd na ito. mga bata pa sila, around 20s, 30s. nakilala ko si zach, isang matangkad na lalaki na inglesero, intense makinig, matalino magtanong, gusto niyang magbasa ng tula niya pagkatapos ng mga talk kaya ipinakilala ko siya kay kim, ang nag-asikaso ng buong program. nakilala ko rin si lakan, isang 34 year old na spoken word artist who dreams of organizing a poetry festival dahil wala pa raw gumagawa nito ever. hahaha natatawa na lang kami ni poy, bata pa si lakan sa komunidad, i guess. na-meet ko rin si lyra garcellano, artist na nag-talk about her work, na kamangha-mangha kasi very provocative, very disturbing. isa pala siya sa nag-edit at nag-publish ng traffic, iyong journal tungkol sa arts nina antares bartolome (anak ni heber bartolome!) at ng opismeyt kong si miss rica estrada (i know, super small world!)
naroon din si ina stuart santiago, of course, kasi magsasalita siya after namin. kasama niya si vito at ang aso nilang si twenty na sobrang sobrang gentle. para siyang lola na mabait! hindi ako dog person pero dahil sa sobrang gentle ni twenty, nagi akong fan ng mga aso! nandoon din sa event si alan navara, ang lodi ko sa nakakatawang panulat, dahil matalino siya magpatawa. nakita ko rin si ekis- si christian vallez ng lira, si sophie,ang anak ni cyzka, smart girl. ang bungad ba naman sa akin, who are you? sabi ko, tita bebang. sumimangot siya. tapos bigla ring napangiti, you're the writer of that puke book! tangina ang tawa ko.
nakita ko rin si tad ermitano, isang sound artist. he was being interviewed by roy voragen (one of the curators of kwago, partner din siya ni czyka) in front of the audience. naisip ko tuloy ang launch ng a curated shelf version ko! baka pwede kong gawing launching event ng biyak! o di ba? ang saya, kumbaga 2 in one na. pwedeng doon din i-announce ang winner ng criticism ng works ko, isa sa mga pakontes ng SBA. o 3 in 1 na! at celebration ng 10th anniv mo, blog! omg ! 4 in 1 na! kahit kelan ang tipid ko talaga,haahaha!
we had a great night ni papa p. ang plano namin, saglit lang kami, uwi agad kami kasi si ej at bianca lang ang naiwan kina dagat at ayin. we arrived 2:50 pm, nakaalis kami, mga 8:30pm. grabe! nakainom ako ng isang beer, 80 pesos. nakakain ako ng kani salad, 120 pesos, isang set ng california maki, 150 pesos. ayos ang buto-buto.
more power to kwago book bar, sana tauhin pa ito at sana ay marami pa ang bumili ng libro doon. mabuhay ka, mommy czyka tumaliuan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment