mommy duties muna
as much as possible, inilalabas ko sina dagat at ayin. kasi pag wala ako, nasa bahay lang ang mag-aama.
minsan, nasa tapat lang kami ng bahay. lalo na kapag walang naka-park na mga sasakyan ng sari-saring kapitbahay. minsan, sa gabi, kapag nakakauwi ako nang maaga, mga 9 or 10, umiikot kami ng isang buong block, naglalakad kaming tatlo, maghe-hello kami sa tanim na kalamansi ng kapitbahay na tatlong bahay mula sa amin. pahihipuin ko ng kalamansi sina dagat at ayin. lakad uli hanggang sa bahay na may mailbox na nakatayo sa labas ng gate nito. triangle ang mailbox at lagi kong tinatanong kina dagat kung anong shape nito. noong una, sinasagot pa nila ako, kalaunan, hindi na. baka nagsawa. hahawak at iikot sila sa pole kung saan ito nakatundos. katapat ng bahay na iyon ay isang poste ng ilaw kaya doon din ako naghuhugis-ibon para matuwa sina ayin sa aking anino. kakampay ako tapos sasabihin ko, bird, bird, gagayahin ako ni ayin pero di niya mage-gets na ang gusto kong ipakita ay ang anino ko. si dagat, wala lang. parang walang nakikita. hahawak siya sa gate ng bahay na may triangle mailbox, sisigaw ng hello. buti at di lumalabas ang may ari. ang next stop namin ay ang batuhan sa corner house and lot. may maliit na landscaping doon na one foot ang taas, may puti at itim na batong nakabaon sa semento. pataas at pababa ito at may flat na area, para siguro sa mga paso. walang halaman at paso rito kaya inaakyat-baba ito nina dagat. paborito ito ni ayin, tinatraverse niya horizontally ang landscaping na ito, ikinikiskis sa pader ang sariling likod. akala mo talaga ay professional mountaineer. aabot sila sa pinakakanto, naroon ang isang street sign na unfortunately ay kinakalawang na ang pole at burado na ang mga nakasulat sa signs nito. favorite ito nina dagat at ayin, niyuyugyog nila ito kagaya ng ginagawa natin noon sa maliliit na puno hanggang maglaglagan ang bunga nito at mga insekto. minsan, kaming sinaway ng dalawang lalaki sa katapat na bahay. sira na raw kasi ang pole, kinakalawang na. baka raw madisgrasya ang mga bata. ang ginawa ko ay pinahinto ko ang dalawa sa pagyugyog sa pole, at lumarga na kami. babalik na lang kami pag wala na ang mga tito na k.j. next stop is a sari-sari store. pero di kami bumibili diyan. ang gagawin lang ng dalawa ay aakyat sa sementadong bench na nagfe-frame sa pinaka opening ng tindahan. mula sa bench ay tatalon sina dagat at ayin hanggang sa kalsada. paulit- ulit sila hanggang sa magsawa. may bagong pakulo si dagat dito sa area na ito, minsan ay naglalakad siya sa parang pilapil na semento, sa likod niya ay mga halaman. at mula sa pilapil na ito ay tatalon siya uli papunta sa kalsada. minsan, gagayahin siya ni ayin, minsan hindi. madalas kasing sumasabit si ayin sa mga halaman. naiirita siya doon. may nakabaon sa semento na tig isang tile sa may gilid ng tindahan. naka-diamond shape siya, hindi pa-square. tinatanong ko rin ang mga bata ng hugis nito. sasagot si dagat ng kwer. kahit hindi pa-square ang orientation ng tiles. pa-diamond. nalilito siguro siya sa akin, kasi iyong tatak ng kotse ng kapitbahay namin ay mitsubishi at ang tatak nito ay laging tine-trace ni dagat gamit ang daliri niya, pag tinanong ko siya anong shape niyon, ang isasagot niya ay triangle at iwawasto ko naman ito. diamond kako. pero tama siya kung tutuusin, triangle kasi pati ang pagkaka-arrange ng tatlong hugis ng tatak nito. anyway, maglalakad uli kami. this time, nakakapit na ako sa dalawang bata. mas busy na kalye ito kaysa sa kalye namin. maraming dumadaan, mga kotse,pedicab at motorsiklo. pauwi pa lang ang mga tao. noong bata ako, alas-siyete, nasa bahay na kaming lahat puwera ang tatay kong lasenggo. sa paglalakad namin from there, dire-diretso lang kaming tatlo, wala nang next stop. although lagi naming binabati ang aso sa isang tindahan na nasa garahe ng bahay. bukas ang garahe at doon nakatali ang isang asong puti, na cute, pero matapang. lagi kaming tinatahulan nito kahit wala kaming ginagawa sa kanya. pagkalampas doon, kakanan na kami uli pabalik sa kalye namin. u-turn. malapit sa u-turn na ito ay isang tindahan ng mabait na tita at bata. lagi si ayin doon. aakyat siya sa one foot na semento para lang umupo. siya ang stepping stone para ka makabili sa tindahan. mabait sila roon kasi mura maningil sa patahi, bente lang sa sirang zipper ng pantalon ni dagat at bente uli sa sirang zipper ng palda ko. although ako ang pinaghanap niya ng zipper, mura pa rin para sa akin ang singil ni tita. mabait din ang bata dahil dati ay binigyan niya kami ng chalk. bumibili ako noon kaya lang wala raw silang chalk. ibinigay na lang niya sa akin ang chalk na gamit niya sa school, putol-putol na ito, pero marami. gumuhit si ayin sa gate namin gamit ang mga chalk na ito: linya-linya, di mo mawawaan. pag naroon pa ang bata sa tindahan, tatanungin niya kami kung bibili kami, iiling ako, kasi lagi kong nalilimutan magdala ng pera pag mag-iikot kami. pag wala ay sisilipin ni ayin ang tindahan. hirap pa siyang maabot ang pinakamukha ng tindahan, tingkayad to the max na siya pero noo pa lang niya ang sumasayad sa edges ng tindahan. finally, pag nagsawa na si ayin, lalakad uli kaming tatlo pabalik ng bahay. ang last na engkuwentro ay ang mabagsik na aso ng kalapit na kalapit na bahay. nasa loob ito ng gate, nakatali. di ko pa siya nakikita nang buo so di ko alam kung gaano kalaki. pero masungit ito, at kapit na kapit si dagat sa damit ko pag dumadaan kami rito. feeling niya, anytime ay maaabot siya nito. ibinabaon pa niya mukha niya sa damit ko. bully naman iyong aso, lalong lalakasan ang tahol.
ilang hakbang lang, nasa tapat na uli kami ng bahay. maghahabulan.kami. o kaya mamimitas ng dahon sa tabi itong si ayin at isu-shoot at ilalaglag ang mga ito sa butas na may grills na nasa ibaba lang ng pinto namin. minsan, uupo pa kami sa sementadong upuan ng tapat na bahay. buti, wala pang nakatira doon. aywan kung sino ang may ari. sayang ang bahay, nabubulok na ang kisame. kung sino-sino tuloy ang nagpa-park sa bukas nilang garahe at tapat niya. pag naka-quota na sa dugo namin ang mga lamok, papasok na kami. balik ang makukulit sa loob ng bahay. at least, nakapag-off nang 10 to 15 mins ang resident (pun intended) ermitanyo namin, si papa p.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment