akala ko ay wala nang papasok na income mula sa stocks ko!
guess what, ngayong jan 31, nabenta ang ism ko at kumita ito ng 19k! panalo!
ganito iyan, naka-gtc ang lahat ng ism ko sa halagang 6.65, 6.7 at 6.75. calculated sa 50 cents ang earning ng bawat share.
then iyong huling batch ay hindi ko na-gtc. pero ibinenta ko na rin on the same date dahil tumaas nang hanggang 7.07 ang ism. so binenta ko na ang lahat.
im so happy, kasi di ba may target akong 10k per week na earnings? so around 40k dapat per month. pero natuklasan ko sa aking journal, ang inilagay ko pala initially ay 30k per month. so i guess medyo malapit sa target ko ang kinita ko para sa enero.
ang pinagbentahan ko ay ibinili ko ng ecp sa halagang 15 pesos. naka-gtc siya ngayon sa 16. sana mabenta ko in a few days. kapag nabenta, may kita akong 16k. let's see kung mangyayari nga iyan.
kung masusunod ko ang 30k per month na target earnings ko, makakakuha ako ng 360k for 2019. namputsa, anlaki niyon. at ibig sabihin, marunong na talaga ako mag-buy and sell. ibig sabihin, puwede na akong mag-retire, ahahaha! iyon pala ang punto, ano, kung saan-saan ko pa pinaikot.
harinawang mangyari ang mga target. kasi noong 2018, nagawa ko naman ang target ko. pero ipon iyon, hindi earnings mula sa stocks. magkaibang bagay. pero ano ba why end with negativity? it's possible. muntik mo na nga ma-reach ang 30k ngayong enero, bebang. you can do this!
Friday, February 1, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment