sa relaunch ng kwago book bar, binanggit uli ni ina stuart santiago sa akin ang offer niya na mag-publish ng libro ko ngayong taon. may lump sum akong matatanggap na 40k even before lumabas ang libro.
gulat na gulat pa rin ako. overwhelmed is the right word. matagal na niyang nabanggit sa akin ito. akala ko, parang tinatanong lang niya kung magkano ang tamang presyo para makapagsimula at makapgtapos ng isang libro ang isang writer, nagbanggit siya ng 40k as presyo. for a month. sabi ko, palagay ko, ok ang presyong iyan. a few days ago, piniem niya ako about it. hindi ako agad nakapag-reply. nagulat ako. ganon pala talaga siya kaseryoso.
ipa-publish daw niya ang manuscript ko under everything's fine, ang publishing company nila nina bolix ortega, bf ni bolix at ni vito, bf ni ina.
na-pressure akong bigla. i really don't know what to say. parang naisip ko rin na baka di ko ito kayang gawin ngayong taon! pero paano na ang personal goal ko na 1 book per year?
kung magsusumite ako ng manuscript, ano-ano ang mga ito? ano ba dream book projects ko?
solo
the old mens and the sea- one year na journal sa unang taon ni dagat
pooritang turista- travel essays ko, marami-rami na rin ito, mostly nasa blog lang
koleksiyon ng kuwento- idea ito ni papa p, pero ang totoo, hindi ako masyadong confident sa aking stories sa totoo lang
kapikulpi- matagal ko nang gustong i-send ito sa visprint, wala lang talaga akong time i-compile ang mga essay ko rito
colection ng comics for children- mga 20+ works ko na napublish sa gospel komiks. at magpapa illustrate ako sa mga babae lang.
first love- short story na parang novella, love story, may sarili kong illustration
journal- gusto ko nga pala gumawa ng journal na may quotes ng mga tula tungkol sa pag-ibig, ang designer ay si papa p
nurse nerie- kuwentong pambata mala marne marino style
ang batang si brian- series ito tungkol sa childhood ni brian poe, ang una ay tungkol sa dyslexia niya
antolohiya
lila- opkors, antagal na nito, long overdue
sanaysaya- i already have in mind kung sino-sino ang mga i-include ko rito, juan ramos, kd oliveros, tj, mga essay ng hilakboters na dapat sana ay para sa sopas 2, ilang essay mula sa koleksiyon ng ffp, lalo na iyong sinulat ni gege sugue, ilang output mula sa sanaysaya workshop sa ayala museum, natatandaan ko iyong gawa ng foreigner na participant, nakakatawa siya, essay ni de qui tungkol sa bailen
book about book- essays about books, reading, literature, criticism, mostly written by prpb members
hilakbot book- nakaka-miss na ang gumawa ng libro kasama ang hilakboters!
marami-rami din pala. may offer din ang ateneo de naga press sa akin through kristian cordero. nakakahinayang naman na hindi samantalahin ang pagkakataon. baka dumating ang araw, kahit anong pilit ko ay wala nang gustong maglabas ng libro ko.
pero sa uri ng sked mayroon ako, paano ako makakapagsumite nito? not to mention, kailangan ko ring mag-thesis uli dahil sa pressure naman ng boss kong si mam liebei. gusto kasi niya, ako na ang mag-division chief, mahirap daw na may iba pang makakuha ng posisyon na iyon. oo nga naman, pero feeling ko, di ko pa kaya, hay. baka kailangan ko nang mag-overnight somewhere makapaglibro uli at makausad din sa m.a.
Wednesday, February 13, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment