Saturday, February 9, 2019

minor characters

kayraming umaaway sa akin or naiinis sa akin kaya gumagawa ng mga hakbang na ikinaiinis ko rin naman. for example, nagtalo kami ni miss nikki tungkol sa isang bagay na di nagawa ng sm na in-assign niya sa amin. i reported it to her and it seems kinakampihan pa niya ang sm. its ok with me but i just wanted to point that out to her na ang sm na iyon ay hindi sumunod sa napag-usapan.

her name is muchik. kinausap ko siya ng feb 2 na kailangan naming magbigay ng certificate para sa mga performer ng pasinaya sa library per group at per individual. she said ok. pero sabi ni miss nikki, hindi raw per individual ang bigay ng certificate. what they can do raw is to type in the group certificate the names of the individual performers. that was good enough for me. so sinabi niya iyon kay muchik sa harap ko and muchik agreed.

so ang napag-usapan, muchik will email the certs to miss nikki and miss nikki will print them.

come feb 3, inabot sa akin ni muchik ang certificates na panggrupo, walang names ng individuals. sabi ko, bakit wala? hindi na siya sumagot. akala niya, tatanggapin ko iyon. of course not. iyon na nga lang ang bayad namin sa performers, e. certificate! diyosmiyo tatanggalin pa niya pangalan ng individual. so sabi ko, pakipalitan ang certs, iyong may name ng individuals within the group certificate. sabi niya, wala akong laptop. sabi ko, i will provide you a laptop. sabi niya, may wifi ba ang laptop na ipapahiram ninyo? tinanong ko si erika, sabi ni erika, meron. sabi ni muchik, hindi yata abot dito ang wifi, walang wifi sa library.

for god's sake, e di maghanap ng signal.

so sabi ko, gusto mo i-delegate mo sa asm mo. because i thought the girl who was beside her all the time was the asm. yun pala volunteer lang.

di na sumagot si muchik. we gave her a laptop, pero dahil wala raw talagang signal, sabi ko na lang, i-save mo sa usb, i will provide a usb then ibigay niya kay miss nikki para i-print.

after a few hours and performances, nalaman ko, si stacy na ang tumatrabaho. siya ang nag-e-email kay miss nikki. sabi ko, bakit? ayaw daw kasi pumayag ni miss nikki na sa usb i-print ang certificates. di raw kasama iyon sa usapan namin. tama. but it wasn't our fault, bakit nag-iinarte pa siya, nasa harap na niya ang usb, it was her sm's fault kaya dapat maging cooperative siya sa sm niya para ma-release ang certificates na yan, di ba? i was so irritated. grabe. parang, ano ba, bakit di na lang natin gawin mga trabaho natin.

so anyway, finally, na-email ni stacy ang certificates kay miss nikki at na-print. they were handed to me para ibigay ko sa performers. guess what, andaming errors. as in. ang sm at asm ang nag-type, kayraming wrong spelling sa names! nakakahiya dahil nasa letterhead siya ng ccp at signed siya ni miss clottie! ay kennat bilib how mediocre dis sm is.

anyway, i decided to inform miss nikki about the delay of the release of the certs because of what muchik did. some of the artists have already gone home. i told her dapat nag-delegate si sm. may asm naman. that's what i kept telling muchik. she did it late na. tapos saka sinabi ni miss nikki na walang asm, volunteer lang iyon. pero na-delegate pa rin ni muchik, hindi lang agad-agad. sabi ni miss nikki, it's a matter of priority. her priority is to run the show, puwede namang maghintay ang certificate. sabi ko, sinabi natin ang certificate, feb 2. ano, feb 3 na, patapos na ang pasinaya, wala pa rin? she did the certificates pero not following instruction naman, di ba?

nakakairita na kinakampihan pa niya ang sm kahit mali na ito.

sayang at di ko pa nasabi sa kanya na the sm did not ask the tech kung ready na ang v.o. na pang-intro sa bawat performer. ako ang nakapansin, bakit walang intro. ito namang tech hindi rin sinabi sa amin,wala palang v.o. na pang-intro. pang-feb 2 lang daw ang naibigay sa kanila. walang feb 3. so sabi ko kay muchik, its ok, let's just ask our emcee to read the intro about the performer. iyon nga ang nangyari.

imagine, kung di ko napansin, buong araw na walang nag-iintro sa mga performer. feb 3 also, ni hindi niya napansin na nakapatay ang 2 set ng ilaw sa stage for god's sake.

in fairness, di lang si sm ang bulag. lahat sila roon: taga intertextual, taga library, tech, sm, volunteer. walang nakapansin na patay ang 2 set ng ilaw sa stage. walang tumawag ng tork!

ako pa ang nagsabi, bakit hindi ninyo ipinabukas ang ilaw doon? saka pa lang naisip ng mga tao na kaya pala madilim sa stage area ay dahil sa nakapatay na mga ilaw!

anyway, that was feb 2 and 3. noong feb 6, nakasabay ko si miss nikki s bundy clock so binati ko siya, good morning miss nikki, amputa, hindi ako pinansin. parang walang nakita! bastos. i really find her rude, actually. iyong katarayan niya is just an excuse, but she's just plain rude. dati, mabait naman sa akin. nakakausap nang maayos, binigyan pa ako ng libro para sa batang sining zone. tapos biglang isang araw, pasigaw at pabalagbag nang makipag-usap sa akin. nagkasabay kami sa elevator, i asked her about readathon project, sabi ba naman, sa bastos na paraan, ba't mo 'ko kinakausap, ito boss ko, siya kausapin mo. since then, i try not to talk to her anymore. no. i don't need to waste my time talking to rude people. but it can't be helped dahil may mga proyektong kailangan naming pag-usapan like pasinaya. ganon pa rin siya, bastos pa rin makipag-usap sa akin, hahaha. so i let her be. baka masaya siyang nambabastos ng tao, ano?

i remember how nice she was when she was asking if she could borrow picture frames from the batute production which are technically still mine dahil hindi pa tumatakbo ang reimbursement ng mga ito. mabait lang pag may kailangan.

kita ko ugali mo, uy. bistado na kita. kaya kung ako sa iyo, manalangin kang wala kang kakailanganin sa akin o sa sinuman sa amin sa buong taon dahil lulunukin mo lahat ng kabastusan mo, i swear. but don't you worry, kahit minsan akong naging iskuwater at walang pinag-aralan ang nanay ko, alam ko kung paanong magturing ng kapwa tao.

this woman and the sm, minor characters of my life. marami pang minor characters sa work place ko, na napagtanto ko, kaya pala malimit akong nine-negate, iniirita or saying things behind me is because they are trying to make it big in the story called my life. nope, won't let them.

ano nga sinasabi natin pag nagbubugaw ng langaw? shoo?

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...