ngayon ang libing ng ina ng kaibigan naming si maru. 55 lang si tita girlie. walang sakit. hindi naaksidente. namatay siyang natutulog.
noong biyernes ng gabi, nakiramay kami ni poy, at doon namin nalaman mula kay maru na hindi pa rin matukoy ng pamilya ang tunay na dahilan ng pagpanaw ng kanilang nanay. gulat na gulat sila dahil ang tatay nila ang may sakit sa puso, at ilang dekada na rin ito. ang papa nila ang umiinom ng gamot. ito ang binabantayan ng lahat. pero noong isang gabi, iyon na nga, ang kanila palang ina ang siyang papanaw nang di inaasahan.
wala naman daw unusual kay tita girlie. nagpamasahe daw ito bago matulog. at ang katabi nito sa kama ay si rain, ang 4 year old nitong apo kay maru. after that, hindi na nagising si tita girlie. dead on arrival sa ospital pagsapit ng umaga.
dati na raw nagpapamasahe si tita girlie kaya hindi nila ito tinitingnan bilang cause o nag-ambag sa cause of death.
totoong maganda sa katawan ang masahe. pero kailangan munang alamin ang kalagayan ng may katawan bago ito lapatan ng masahe.
paminsan-minsan ay nagpapamasahe din kami ni poy. noon ngang wedding anniversary namin last year, isa iyon sa mga ginawa namin. nagpamasahe kami sa isang spa sa anonas. we were feeling okay, neutral, hindi pagod, hindi rin super energetic. normal lang. we had regular amount of food. wala kaming ininom na alkohol. basta, walang weird sa loob at labas ng aming katawan.
noong nakadapa na kami, inumpisahan na ang masahe sa aking mga paa at binti. bigla akong nagka-runny nose. hindi ko pinansin. baka kako sa aircon lang, though hindi naman masyadong malamig noon. nakatungo ako sa butas ng massage bed. so tulo nang tulo ang "sipon" mula sa butas ng ilong ko. sinisinghot ko na lang pabalik para di tuluyang tumulo sa sahig. finally, noong pakiramdam ko ay sobra-sobra na ang "sipon" kumuha na ako ng isa pang towel at pinunasan ang ilong ko. pagtingin ko sa towel, ang itim-itim ng towel. wow, yak sabi ko. ano ba tong spa na to ang dudumi ng towel?
and then it hit me. hindi siya dumi. the black thing was actually blood.
nagdudugo na pala ang ilong ko the whole time!
napaupo ako agad. napatigil ang nagmamasahe sa akin. lumabas siya at pagbalik niya ay may towel na siyang iniaabot sa akin. basa ito at nakarolyo. ipatong ko raw sa ulo ko.
ginawa ko nga iyon at nag-robe ako. tumayo ako at dumiretso sa lababo ng cr ng spa. siyet, andaming dugo, parang regla. 2nd day, ganon. ang ilong ko!
si poy ay napaupo rin. nagulat siya, napatunganga. ganon ko siyang iniwan sa massage room.
sa cr, i checked my face. okey, normal. tiningnan ko rin ang mga mata ko. puti, walang broken veins, whatsoever. i checked my arms, wala namang pasa, walang sugat, okey. ilong ko lang talaga ang dinugo. nag-stay ako nang ilang minuto doon. hinga-hinga lang ako. pinakiramdaman ko ang sarili ko kung nahihilo ba ako o ano. hindi naman. good. so, bumalik na ako kay poy.
pinagpahinga muna ako ni poy bago ipina-resume ang masahe. ang naging theory naming lahat (ako, si poy, ang masahista ko at ang masahista ni poy), na-pressure daw ang veins sa ulo ko, particularly sa ilong ko nang magsimula ang pagmasahe sa aking talampakan at mga paa. nagka-surge ng dugo, at nag-shoot up ang dugo sa upper part ng aking katawan. and i believe ito nga ang nangyari sa akin.
at mayroon akong kutob na ganito rin ang nangyari sa katawan ni tita girlie. may pressure sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. then there was a surge of blood that went directly to her head, to her brain. baka may pumutok na ugat or something. it was so fast, at dahil tulog siya, hindi siya nakasigaw sa sakit, hindi siya nakaangal o daing o ungol man lang. the vein bursted with blood at naapektuhan na ang buo niyang utak. the brain stopped communicating with the heart. they both went dead.
so unnecessary ang katamayan na ito ng ina ng kaibigan namin. kung hindi siguro siya nagpamasahe ay baka buhay pa siya ngayon.
hindi naman masama ang masahe per se, but i believe it should not be given to someone who is sleepy or who is most likely to fall asleep. kasi nga, may nagaganap sa loob ng ating katawan na hindi natin nasasaksihan. mahirap na, iisa lamang ang katawan. iisa lamang ang buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment