Thursday, August 3, 2017

Mga Event ngayong Buwan ng Wikang Pambansa 2017

Mga kapatid, medyo mahaba ito. May nagtanong sa akin ng listahan ng mga pangwika o pampanitikang event ngayong Agosto. Naisip kong i-compile ang mga alam ko. So, heto. Gora na tayo! Please feel free to share!




ASEAN GIANT LANTERN installation @ CCP

August 8, 2017
7 ng gabi
CCP Front Lawn
Hatid ng QUIMAN & QUIMMY LANTERNS, NCCA at CCP


Detalye:

We are celebrating the 50th year of ASEAN on August 8, 2017 thru a grand parade from Rizal Park to the Cultural Center of the Philippines and a landmark lighting program at the CCP grounds.
Join us in an exciting after-party at the BGC Amphitheater, featuring some of your favorite OPM artists plus 10 of ASEAN's most loved pop artists.
The show will start at 7 pm. Admission is free. Bring your friends and family!




Artists Unbound

August 7, 2:30 pm
2F Ayala Museum, Makati
Hatid ng Filipinas Heritage Library

Detalye:

a forum on arts & culture and Martial Law
and a mini bookfair of Martial Law-related publications

with Butch Dalisay, Toym Imao Studios, Julie Po, Paul Galang, Sandra Nicole Roldan, and Bonifacio Ilagan

featuring a presentation by the University of the Philippines Ruby Jubilarians (Class of 1972)

ADMISSION IS FREE but seats are limited! Pre-registration is highly encouraged. Call 7529-8281.

Here's the Program for Aug.7:
1:30 to 2:30 PM = Registration
2:30 to 2:45 = Performance by the UP Ruby Jubilarians
2:50 to 3:00 = Context Setting by Mr Bonifacio Ilagan
3:00 to 5:00 = Forum
> Mr Butch Dalisay on literature and journalism
> Mr Toym Imao on the Voltes V generation
> Ms Julie Po on visual arts and community arts
> Ms Aida Santos on feminist writing, poetry
> Mr Paul Galang on folk music
> Musical Performance by Mr Paul Galang
> Ms Sandra Roldan on continuing to tell the story of Martial Law through arts
5:00 to 6:00 = Summary of Discussion and Open Forum
2:00 to 6:00 = Book Fair




Salin Night
Agosto 8, 2017, 6-9 ng gabi
Conspiracy Garden Cafe, Visayas Ave., QC
Hatid ng KM 64

Detalye:

Ang ganda-ganda ng wikang Filipino. Ipagdiwang natin ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga paborito nating tula na isinalin sa sariling wika. Ika nga, hindi lamang wikang mapagbago ang Filipino, wika ito ng karunungan, wika rin ito ng pagkakaisa, wika ito ng kapayapaan.
Sali na. Salin na. Salang na.



Paglulunsad ng Aklat ng Bayan,
25% deskuwento sa mga piling aklat (book sale)
Agosto 11, 2017, 8nu-5nh
Komisyon sa Wikang Filipino
Bulwagang Romualdez, Gusaling Watson,
JP Laurel, San Miguel, Maynila
Hatid ng KWF

Detalye:
25% Deskuwento at mga Talakayan, abangan sa Paglulunsad ng Aklat ng Bayan ng KWF

Magbibigay ang Komisyon sa Wikang Filipino ng 25% deskuwento sa piling publikasyon sa darating na 11 Agosto 2017, 8:00nu–5:00nh. Sa araw ding iyon ay ilulunsad din ng KWF ang mga bagong publikasyon. Binubuo ito ng salin ng panitikan ng mga rehiyon, mga klasikong akda ng daigdig, at pananaliksik sa wika at kultura.

Bukod sa paglulunsad ay magkakaroon din ng talakayan, sisimulan ng 9:00nu-12:00nt ni Dr. Isaac Donoso ng Unibersidad de Alicante, España. Magiging paksa ng kaniyang panayam ang tungkol sa Mindanao at sa kaniyang aklat na Islamic Far East: Ethnogenesis of Philippine Islam. Susundan naman ito ng talakayan sa Pagsasalin ng Karunungan, tampok ang mga manunulat nat tagasalin na sina Edgardo Maranan, Joaquin Sy, at Roy Rene Cagalingan.

Gaganapin ang talakayan at paglulunsad sa tanggapan ng KWF, Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, Malacañang Complex, San Miguel, Maynila. Bukás ito sa publiko. Ang pagbebenta ng mga aklat ay mula 9:00nu-5:00nh. Para sa mga tanong at detalye, maaaring makipag-ugnayan sa KWF sa telepono bilang (02)2521953 o sa dendenqnipes@gmail.com. Maaari ding bisitahin ang www.kwf.gov.ph.



Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang Filipino 2-4 Agosto 2017, National Museum, Lungsod Maynila
Hatid ng KWF

Detalye:
Pagbabalik, Pagbabantayog sa Filipino

Panahon nang ibantayog ang Filipino bilang wika ng karunungan at gamitin ito sa iba’t ibang disiplina o larang, lalo na sa mga pag-aaral hinggil sa ating bansa upang mapalaganap ang diskurso ukol sa pagiging Filipino at para sa sambayanang Filipino.

Layunin ng Kongreso na:

makabuo ng isang bagong pagtanaw sa Filipino
matipon ang mga iskolar at mga pag-aaral hinggil sa Filipino at mahimok na gamitin ang wikang Filipino sa kanilang saliksik
malikom ang mga pinakaprogresibo at siyentipikong pagsusuri sa wika, panitikan, kasaysayan, sining, at kultura ng Filipinas
mabalangkas ang isang pangmatagalang estratehiya tungo sa edukasyon hinggil sa Filipinas na gumagamit sa wikang Filipino
Inaanyayahan ang mga kasapi ng Philippine Studies Association at mga kaugnay na kapisanan o organisasyon, mga iskolar sa lahat ng disiplina, sa loob at labas ng bansa, na magsumite ng panukala.

Ang mga tatalakayin ay:

makapag-aambag ng bagong idea at/o saliksik sa mga nabanggit na larang o disiplina; at
nasa wikang Filipino; Filipino rin ang gagamiting wika sa presentasyon;
orihinal na akda at hindi pa isinusumite sa iba upang ilathala o ipresenta;
makapag-aambag sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa Filipino at Filipinas at humahámon sa mga umiiral na kaisipan o teorya.

Rehistrasyon Mga kalahok (nasa Filipinas) Regular rate PHP3,500 Maagang pagpaparehistro PHP3,000 (hanggang 15 Hulyo 2017) Estudyante (may balidong ID) PHP2,000

Mga banyaga Regular rate $150 Maagang pagpaparehistro (hanggang 15 Hulyo 2017) $120 Estudyante (may balidong ID) $100

Mga paksa ng presentasyon ng indibidwal o panel

Ang Bayan at Kasaysayan
Pagwawasto sa Kasaysayan
Espasyo ng Kasaysayan sa Edukasyon
Pagtuklas sa mga Bagong Bayani ng Bayan/Bansa
Ang Etniko at ang Popular
Wika at Media
Pagbuo ng Isang Pambansang Panitikan ng Filipinas
Bagong Pagtanaw sa Kritisismong Pampanikan
Popularisasyon ng mga Epikong Bayan
Komparatibong Pagsusuri sa mga Panitikang Bayan
Gramatikang Filipino
Kasalukuyang Tunguhin (recent trends) sa Lingguwistika
Wika at Politika
Wika at Demokrasya
Federalismo: Pros at Cons
Integrasyon ng Katutubo at Separasyon ng Muslim
Ang Bangsamoro
Pangkulturang Ugat ng Suliranin sa Droga
Problema sa Reporma sa Lupa
Migrasyon
Mga Katutubong Kaalaman
Wika at Saliksik
Wika at ang Produksiyon ng Kaalaman
Wika at mga Agham at Matematika
Pagsusumite at Pagsusuri

White Wall Poetry (WWP) sa Aug 25
Kundiman - Kwento at kanta ng bayan, pag-ibig at kultura.
Sa The Warrior Poet Art Cafe. Open mic.



Pista ng Pelikulang Pilipino
Agosto 16-22, sa mga pangunahing sinehan sa bansa
Film Development Council of the Philippines

Detalye:
Sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ipapalabas ang mga full-length na pelikula:

100 Tula Para Kay Stella
Ang Manananggal sa Unit 23B
AWOL
Bar Boys
Birdshot
Hamog
Paglipay
Patay na si Hesus
Pauwi na
Salvage
Star na si Van Damme Stallone
Triptiko

TIMPALAK #BUWANNGMGAKDANGPINOY
Santinakpan.com
Buong buwan ng Agosto
Hatid ng awtor na si Edgar Samar


Detalye:
TIMPALAK #BUWANNGMGAKDANGPINOY

Pinakasentro pa rin sa pagdiriwang ang pagbabahagi ng mga paborito nating akdang Pinoy sa anumang wika sa social media (FB, Instagram, Twitter, Snapchat, YouTube, atbp.) gamit ang hashtag na #BuwanNgMgaAkdangPinoy. Mahalaga siyempreng naka-public ang settings ng inyong account para ma-view at ma-share ng lahat ang inyong post.
Bawiin natin ang social media mula sa kasinungalingan ng mga trolls at fake news. Muli nating ipakita ang suporta at pagmamahal sa mga akdang Pinoy sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga ito. Ipakita natin na hindi kayang lupigin ng mga digmaan at karahasan ang ating kamalayan at na may mga positibong bagay na maaari pang pag-usapan sa social media tulad ng patuloy na pagkatha at paglikha ng mahuhusay na akdang Pinoy sa kabila ng mga hamon at limitasyon ng ating kondisyon at panahon!
Kaugnay nito, magkakaroon ulit ng Timpalak para sa mga sumusunod na kategorya:

1. Pinakamalikhaing Larawan
2. Pinakamahusay na Written Post
3. Pinakamahusay na Video
4. Pinakamaraming Share/Like/RT
5. Pinakamahusay na Themed Posts

Maaaring i-post sa Comment section sa ibaba o ipadala sa aming Contact page ang inyong mga nominado kasama ang direct link sa kanilang FB/Twitter/IG/blog post. Huwag kalimutang banggitin kung saang kategorya ninyo ito ipinapasa. Para sa ikalimang kategorya na Pinakamahusay na Themed Posts, kinakailangang hindi bababà sa 10 magkakaugnay na posts ang ipapásang links na ginawa ng isang tao/pangkat sa loob ng magkakaibang araw sa buwan ng Agosto na umiinog sa isang temang kaugnay ng mga akdang Pinoy. (Yes, hindi puwedeng last-minute decision na mag-post ng sampung link sa huling araw ng Agosto! Well, puwede mo iyong gawin, pero hindi qualified sa Timpalak para sa ikalimang kategorya. Puwede pa rin siyempreng ipasa ang mga iyon para unang apat na kategorya.)
Pipili ako ng mga hurado para sa Timpalak na siyang magpapasya ng tigdadalawang mananalo sa bawat kategorya. (Siyempre, napaka-objective ng batayan at mas hindi pagtatalunan ang Pinakamaraming Share/Like/RT.)
Bawat isa sa walong magwawagi sa unang apat na kategorya ay makatatanggap ng:

1. PHP2000 gift check na maaaring gamitin sa pagbili ng mga libro sa Manila International Book Fair sa Setyembre;
2. dalawang ticket sa staging ng Tanghalang Ateneo sa Si Janus Sílang at ang Labanáng Manananggal-Mambabárang sa Setyembre–Oktubre;
3. signed copies ng unang tatlong aklat ng aking Janus Sílang Series at Alternatibo sa Alternatibong Mundo: 13 Metakuwento/Malakuwento;
4. merchandise package mula sa Linya-Linya shirts na mabilis na nagpaunlak para maging co-sponsor sa #BuwanNgMgaAkdangPinoy ngayong taon (Salamat, Ali at Panch!)
5. newly-published book mula sa Haliya Publishing na nag-volunteer ding mag-sponsor ng papremyo! (Maraming salamat, Mervs, Aliyah, at Adam!); at
6. pinakabagong libro mula sa Visprint na nag-volunteer ding mag-sponsor ng papremyo! (Maraming salamat po, Ma'am Nida!)

Para naman sa dalawang magwawagi sa ikalimang kategorya, makatatanggap ang bawat isa ng:

1. PHP5000 gift check na maaaring gamitin sa pagbili ng mga libro sa Manila International Book Fair sa Setyembre;
2. dalawang ticket sa staging ng Tanghalang Ateneo sa Si Janus Sílang at ang Labanáng Manananggal-Mambabárang sa Setyembre–Oktubre;
3. signed copies ng unang tatlong aklat ng aking Janus Sílang Series at Alternatibo sa Alternatibong Mundo: 13 Metakuwento/Malakuwento;
4. merchandise package mula sa Linya-Linya shirts;
5. newly-published book mula sa Haliya Publishing; at
6. pinakabagong libro mula sa Visprint!



MGA SUSING SALITA: Pambansang Seminar sa Pagbuo ng Diskurso sa Konseptong Filipino
AUG 24 25 THURS - FRI 2017
Awditoryum ng Kolehiyo ng Edukasyon
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon
Hatid ng Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman

Detalye:
Sa taong ito, ipinagdiriwang ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman ang BUWAN NG WIKA 2017 na may temang WIKANG FILIPINO: DALUYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAKILANLAN AT PAGKAKAISA. Layunin nitong patuloy na itaguyod at palaganapin ang wikang Filipino bilang pagtalima sa 1987 Konstitusyon at Palisi sa Wika ng Unibersidad ng Pilipinas. Para sa taong ito, hitik sa samu’t saring gawain ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa UP Diliman. Kabilang dito ang pagsasagawa ng dalawang araw na seminar na may pamagat na “Mga Susing Salita: Pambansang Seminar sa Pagbuo ng Diskurso sa Konseptong Filipino” sa Agosto 24-25, 2017 sa Awditoryum ng Kolehiyo ng Edukasyon, UP Diliman. Tampok dito ang mga kilala at batikang mga iskolar, manunulat at mananaliksik mula sa iba’t ibang akademikong disiplina na magbabahagi ng kanilang karanasan at kaalaman sa paggamit sa wikang Filipino sa pananaliksik at pagtuturo. Bukas ito sa lahat ng mga guro, mag-aaral at mananaliksik na nais palawakin ang kanilang kaalaman hinggil sa silbi at mahalagang ambag ng Filipino tungo sa pagbuo ng mga batayang kaalaman at pagpapataas ng pambansang kamalayan.

Isasagawa rin ang paglulunsad ng mga bagong publikasyon ng SWF-UPD. Kabilang dito ang pinakabagong isyu ng Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, ang BUNGKALAN: Manwal sa Organikong Pagsasaka, ng Unyon ng mga Manggagawang Agrikultura (UMA), SUSMATANON: Mga Kuwentong Pambata ni Eddie “Edong” Sarmiento, isang bilanggong politikal, Pag-oorganisa ng Pamayanan Tungo sa Kaunlaran na Mula sa Tao Para sa Tao ni Dr. Angelito G. Manalili, at ang Bungkalan sa Diliman: Manwal sa Solid Waste Management ni Prop. Armand Basug. Kikilalanin din ang mga guro at mananaliksik na binigyang-gawad sa Gawad Teksbuk at Gawad Saliksik-Wika ng SWF-UPD. Sa huling araw ng seminar, magkakaroon ng pagkakataon ang lahat ng mga delegado na mapanood ang dulang Putri Anak: Isang Bagong Komedya na gaganapin sa University Theater sa ganap na 3:00 ng hapon. Mapapanood dito ang pinagsama-samang mga talento sa musika, sayaw, at artista sa teatro ng Unibersidad ng Pilipinas.

Samantala, bilang pagkilala sa ambag ni Rogelio Sicat sa pagsulong ng wikang Filipino sa larangan ng malikhaing pagsulat, pananaliksik at panunuring pampanitikan, isa muli sa mga tampok na aktibidad ng SWF ang “Gawad Rogelio Sicat 2017: Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay, Tula, at Maikling Kuwento” sa pakikipagtulungan ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Bukas ang patimpalak sa lahat ng estudyanteng di-gradwado at gradwadong masteral ng buong UP System. Kasama rin sa aktibidad ang taunang Hakbang Kamalayan. Paglalagay ito ng mga tarpaulin sa paligid ng Acamedic Oval na naglalaman ng mga natatanging ambag ng wikang Filipino sa pagbuo ng ating pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa.

Naging posible ang lahat ng gawaing ito sa pakikipagtulungan ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Departamento ng Linggwistiks ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, UP Erya ng Araling Wika ng Kolehiyo ng Edukasyon, Kolehiyo ng Musika, Center for International Studies at DZUP. Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2017 ay suportado at itinataguyod ng Opisina ng Tsanselor ng UP Diliman.

P2,500 bawat delegado para sa pagkain sa 2 araw (meryenda sa umaga at hapon, tanghalian), sertipiko, mga hand-out, ID, conference kit, at entrance ticket sa dulang "Putri Anak: Isang Bagong Komedya". Mamamahagi rin ng LIMANG LIBRENG LIBRO para sa unang 100 delegado (rehistrado at nakapagbayad).

1. SALIKSIK UP
Rosario Torres-Yu
UP Sentro ng Wikang Filipino - Diliman (2015)

2. VIVA FILIPINAS!
Edgardo Tiamson Mendoza
UP Sentro ng Wikang Filipino - Diliman (2001)

3. SINING AT LIPUNAN
Patrick D. Flores at Cecilia Sta. Maria de la Paz
UP Sentro ng Wikang Filipino - Diliman (1997)

4. E-MAHINASYON AT E-SALIN
Lilia F. Antonio, Florentino A. Iniego, Jr., at Roberto D. Tangco
UP Sentro ng Wikang Filipino - Diliman (2006)

5. ADYENDA SA SALIKSIK WIKA
Galileo S. Zafra
UP Sentro ng Wikang Filipino - Diliman (2008)

Para sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Gng. Gemma Dalmacion. Tumawag lamang sa Tel. Blg. 9244747 o 981-8500 lokal 4583, o mag-email sa swf@upd.edu.ph. Maaari ring bisitahin ang aming facebook page sa https://www.facebook.com/UPsentrowikangfilipino at website sa swf.upd.edu.ph para sa iba pang anunsyo at aktibidad ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...