Monday, June 5, 2017

Resorts World Lone Gunman Kuno

I am not buying the story of Resorts World Manila lone gunman.

Ilang araw ko na itong sinusubaybayan. Ang hatol ko: scripted ito.

Heto raw ang nangyari ayon sa mga report ng pulis at media.

1. May pumasok na lalaki, na mukhang foreigner, sa RW.
2. Walang nakapigil na security officer sa kanya.
3. Pagkapasok, saka niya inilabas ang armalite at pinaputok ito patungo sa kisame.
4. Dumiretso siya sa isang room na puro casino table, wala nang mga tao roon.
5. Niliyaban niya ang dalawang mesa.
6. Nagpunta siya sa taguan ng casino chips at nanguha ng chips.
7. Nagpunta sa hagdan (fire escape nga ba ang tawag dito, e ba’t walang tao, samantalang may sunog sa casino?).
8. Nakipagpalitan ng putok. Natamaan sa binti ang lalaki.
9. Nagtanggal ng maskara, umakyat pa more, umupo sa hagdan, paharap sa CCTV.
10. Umakyat sa 5th floor, pumasok sa room 510.
11. Nagbuhos ng gas, nagbalot ng kumot, niliyaban ang kumot at saka binaril ang sarili.
12. Beyond recognition ang natagpuang bangkay sa room 510. Beyond recognition dahil sa sunog na sunog ito.
13. Samantala, 37 ang patay dahil sa suffocation.
14. Sabi ng pulis, si Jessie Javier Carlos daw ang gunman, isang ex-employee ng Department of Finance, lulong sa sugal, napatalsik sa trabaho, baon sa utang.
15. Inilabas ang kanyang picture.
16. Inilabas ang kanyang magulang, na nag-sorry pa sa mga pamilya ng mga namatay.
17. May suspect, patay ang suspect, nagsori ang pamilya ng suspect. Magbabayad ng P1M ang RW sa pamilya ng bawat biktima. Tapos ang problema.

Pero ako, duda sa ipinapalabas na kuwento.

Ito ang mga naiisip ko:

1. May nagplano nito, at malamang ay hindi ito iisang tao, hindi si Jessie Javier Carlos.
2. Si Jessie ay either inakit ng pera, o tinakot na papatayin, pati na ang sarili nitong pamilya. Pero, definitely, siya ay nabayaran.
3. Siya ang nasa hagdan. Siya ang nagtanggal ng maskara.
4. Posibleng siya ang pumasok sa Room 510.
5. Pero ang natagpuang bangkay na beyond recognition ay hindi siya. RIP sa tao na binaril at sinunog ng mga nagplano ng kagaguhan na ito.
6. Si Jessie ay buhay at nagtatago somewhere. Iniisip niya kung paano ipapaliwanag sa mga anak ang lahat ng ito.
7. Ang bangkay na beyond recognition ay hindi nagsunog ng sarili bago nagbaril. Nauna ang baril bago ang sunog. Patay na ito bago nasunog. Dahil naniniwala ako na likas sa tao ang kumilos habang siya ay nasusunog. Hahakbang iyan, gagapang, definitely hindi mananatili sa iisang posisyon.
8. Ang natagpuang bangkay ay nakahiga, nakapatong ang armalite sa bandang dibdib. Wow, solemn ang kanyang kamatayan. Ganon?
9. Bakit magsusunog sa sarili ang suspek? Kasi ayaw niyang makilala siya. Pero bakit nagtanggal siya ng maskara sa hagdan? At paupo-upo pa siya roon? Dahil nagpapa-ID siya sa CCTV. Sadya iyon.
10. Bakit alam niya kung saan nakatago ang casino chips? Dahil may nag-tip sa kanya. Ang scriptwriter ng black comedy show na ito. Imposible ang sinasabi ng iba na dahil matagal na siyang nagka-casino doon ay nakabisa na niya ang taguan ng casino chips. Kung normal sa lahat ng regular casino goer ang makabisa o kahit man lamang malaman ang taguan ng casino chips, regular ang nakawan o attempt ng nakawan sa mga casino sa Pilipinas.
11. Pero may good news naman ako. Hindi sinasadya ng scriptwriter na may inosenteng madadamay. Nagulat sila na may mamamatay sa suffocation. At ang dami pa, 37. They instructed the gunman very well. “Wala kang babarilin na tao, wala kang papatayin. Magsusunog ka lang, para matakot ang mga tao at sila mismo ang lalayo sa iyo. Tatakas na ang mga iyan palabas ng casino. Then, follow the rest of the instructions.” Ang problema, marami pala ang mata-trap. Hindi ito na-foresee ng scriptwriter.

Palagay ko, a scriptwriter was hired to do this. A script that will serve as distraction sa mga nagaganap ngayon, particularly sa Mindanao. Maraming nagaganap doon na human rights violation, dulot ng kung sino-sino, mula sa gobyerno, rebelde at iba pang grupo.

Imbes na na-distract lang ang mga Pilipino, nagalit sila. Because they want justice. Justice that the body beyond recognition cannot bring forth. Justice that Jessie Javier Carlos story cannot deliver.

In short, akala ng scriptwriter, tanga ang lahat ng Pilipino, at agad na maniniwala sa kanilang kuwento.

Well, dear scriptwriter and your team, congratulations. Thirty seven, actually thirty eight, (isama na natin si beyond recognition guy), ang nasayang na buhay.

I am one of those who can tell the process of your writing.

Okey na sana, kaso, kulang sa research ang script. Katawa-tawa na nakalimutan ninyong sa Pilipinas, hindi sineseryoso ang mga fire safety and evacuation drill. Kaya marami sa atin ang hindi alam ang gagawin, marami ang natataranta, marami ang namamatay, kapag nariyan na ang tunay na sunog.

Sana tinanggal na lang sa script ang pagsusunog ng mga casino table. Sa pagpapaputok pa lang ng armalite ay tatakbo na ang mga tao. At proven naman na laging huli ang pagresponde ng awtoridad. Kaya may sunog man o wala sa casino area, aabot pa rin ang bida ng script ninyo sa room 510 at magbe-beyond recognition pa rin sa pagkatusta ang inilagay ninyo roon na bangkay.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...