Monday, June 5, 2017

endangered species

may ipinost ako sa FB wall ko tungkol sa sitwasyon ng Pilipinas at ang propriety ng pinakamataas na opisyal ng bansa. dinagsa ng haters ang aking wall. hindi ko ito inaasahan. akala ko ay marami sa FB friends ko ang pareho ko ng pananaw. at di ko man kapareho ay at least, matalino at may respeto ang pagpapahayag ng pagsalungat sa aking binitawang mga salita.

pero, hindi. nakakagulat ang naging batuhan ng salita: tanga ka, bobo ko, dutertards ka, dilawan ka, bayaran ka. at sari-saring mura.

nang panotoryus nang panotoryus ang mga salita, nagdesisyon akong ipatanggal sa wall ko ang aking post. yes, ipatanggal dahil hindi ako marunong mag-unpost, haha. ang ginawa ni papa p ay ginamit niya ang setting na only me, para ako na lang daw ang makakakita niyon. ito ang naging desisyon ko dahil nae-expose ako at ang aking pamilya sa haters, at... sa mga panganib.

baka bigla akong matokhang. o kahit sinong miyembro ng pamilya ko, dahil lang sa post na iyon.

mahirap na.

panahon pa naman ngayong cheapangga ang buhay.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...