mula nang manirahan kami rito sa bacoor, sari-sari nang paraan ang natuklasan ko para makarating ng CCP. ang pinakamahaba ay 2.5 hrs, limang sakay. ang pinakamaikli ay 1.5 hrs, 2 sakay lang.
noong tuesday, 5 hours ako sa kalsada. 2.5 hours sa umaga, umalis ako ng bahay nang 7am, nakarating ako sa fairmont hotel nang 10am. um-attend ako ng launch ng national ip strategy of the philippines, event ng IPOPHL. natapos ito nang 5:30pm. umalis ako sa hotel, 5:45 pm, nakarating ako sa bahay nang 8:45 pm. umulan pa nang pagkalakas-lakas, bandang alas-otso.
imagine, ano, 5 hours sa kalsada. siyempre pagdating ko sa bahay gusto ko na lang humilata sa pagod. dahil hindi naman tuloy-tuloy ang biyahe na yun, palipat-lipat, patayo-tayo, palakad-lakad, pahabol-habol kaya. tas dagdag din sa pagod yung init.
mas malayo ang anonas sa ccp pero nakahanap ako ng paraan para mapabilis at maging convenient ang commute ko mula anonas pa-ccp. average travel time is 1 hr and 15 mins. rush hour yan sa lagay na yan ha.
itong galing sa cavite, tinutuklas ko pa. sabi ng mga opismeyt ko na taga cavite rin, ang tanging paraan to cut the travel time is to leave early. as in 5am daw ang alis sa bacoor. potah, 5am? bakit, sa batangas ba ang punta ko?! di ko talaga matanggap. 5am? seryoso? hay. there must be another way!
napansin ko na sobrang puno na ang mga bus na pa-lawton at baclaran pagdating sa bacoor. so kung sasakay ako ng bus, tatayo ako, makikisiksik ako at mahihipuan ako at magagalit ako sa kapwa ko pasahero hanggang sa baclaran. mga 40 minutes din yan ng buhay ko. pagdating sa baclaran, mababawasan ang mga pasahero pero malamang na nakatayo pa rin ako sa sobrang dami naming nakatayo. sa libertad na ako makakaupo. pero useless na rin kasi malapit na ang bus niyon sa ccp. P25.00 nga pala ang pamasahe, cheap, di ba?
kaya ang ginagawa ko ngayon, para maiwasan ko ang nakakagutay-gutay na sitwasyong pangkababaihan ay sumasakay ako ng baby bus (P9.00) sa tapat ng bukana ng perpetual village 8 (ito ang 2nd starting point, ang tunay na starting point ay ang bahay namin, sasakay ka ng P10 na pedicab mula sa bahay hanggang sa bukana ng perpetual village 8, bahagi ito ng brgy habay ng bacoor). so baby bus mula sa habay hanggang zapote or zapote kabila. yes as in dumadaan ang baby bus sa palengke! nakakaasar kasi sobrang sikip dito pero mas maigi na ito kasi sa baby bus, ako ay nakaupo at halos wala nang laman ang baby bus pagdating sa area na yun. minsan nga, ako na lang ang pasahero. and i like that.
pagdating sa zapote, minsan, sumasakay ako ng dyip pa-baclaran coastal P15.00 ang pamasahe. minsan, ang dyip ay ume-exit agad sa may zapote patungong coastal road. bawas, 30 minutes sa biyahe yun! pero kadalasan, ang dyip ay pumapasok pa ng las pinas. meaning, dadaan ng pulanglupa, bamboo organ (teritoryo ni tisay!) at kabihasnan ng paranaque. sa kabihasnan siya lalabas patungo sa coastal road. sa rutang ito, mula zapote hanggang baclaran ay 50 minutes. natitiis ko ito kasi nakaupo ako the whole time. so puwede akong matulog, magdasal, magmuni-muni etc.
pagdating sa baclaran, maghahagilap na ako ng FX o bus na pa-lawton. kung FX, P15 hanggang CCP. mahirap makipagbalyahan sa mga sumasakay ng FX. fierce sila ineng. so let them be na lang. mas preferred ko ang bus na galing ng alabang/las pinas kasi P12 lang hanggang CCP at madalas ay may upuan nang bakante ang mga ito (nagsisibabaan talaga ang mga utaw sa baclaran, it's the cubao mrt station of the south, laging pinakamarami ang bumababa diyan). mga 25 minutes ang biyahe mula baclaran hanggang ccp.
so medyo bangenge na ang lola pagdating sa work. lagi kong complaint ito nowadays. hindi ako makapaniwala kasi na magiging buhay ko ito araw-araw. No! hindi ko kaya. parang ngayon pa nga lang gusto ko nang sumuko. ang mahal, physically ang hirap, aksaya sa oras, ang commute mula bacoor to ccp.
pasensiya na, antagal-tagal kong walang blog entry tapos rant pa sa aking pagbabalik! hay, i just have to let this out. im sorry, my friend. this too shall pass. sana.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
1 comment:
maligayang pagbabalik :)
Post a Comment