Monday, June 26, 2017

180 items!

Lately, medyo negative ang nangyayari sa akin.

1. Hindi nakapag-deliver ng output ang art director namin, na friend ko, kinuha ko siya, I recommended him dahil mahusay at dahil kaibigan ko ay sigurado akong hindi ako ipapahiya. But I was so fucking wrong. Wala akong nai-present sa bosses ko. Deadline noong Friday. And I gave this person another chance. The deadline was kaninang 12midnight. Wala siyang reply. Ni ha, ni ho. Wala. I am so fucking pissed off.

Tapos a few minutes ago, chineck namin ni Poy ang FB ni friend. Well, what did we see, ampota, naglalaro siya the whole day! Yung game na may game pieces! Puro ganon ang wall niya today. Fuck it. Di na lang magsabi na, oy bebang sori ayoko na bigay mo na sa iba ang di ko natapos na trabaho. E di, malinaw sana sa akin, di ba? e, hindi, e. tangina lang talaga.

2. Binaha kami. Kahapon. Habang kami ay nasa robinson’s imus, umulan nang super lakas. Me kutob na akong me mangyayaring masama sa bahay namin. Na nilipatan namin noong marso lang, kalagitnaan ng tag-init. So akala naming lahat, ang super perfect ng bahay. At ng neighborhood. Well, well, well, bahain pala ang lugar na ito! At pinapasok ng baha ang likod ng bahay which is the kusina. Nadamay ang ref namin, pumasok ang baha sa sala. E yung nagdidivide sa kusina at sa sala ay isang book shelf na puno ng libro mula cuticle hanggang anit! So pag uwi namin, sinabi agad nina ej na pinasok ng baha ang sala, ang una kong naisip ay ang mga libro sa divider na book shelf. Kasi puro iyon pambenta ni poy. Thank god at lahat ng ito ay nakaplastik! So walang nasira. Ang nasira lang ay ang mga libro sa pinakamababang level ng mas maliit naming bookshelf na katabi ng divider. As of now, ayoko pa ring alamin kung ano-ano ang mga libro na iyon. Kanina, ipinalipat ko ke ate ang books at mga gamit na nakalapag sa sahig. Sabi ko, iakyat na lang muna lahat. Isang kahon ang ipinakita niya sa akin. Sabi niya, ate nabasa rin ito. Siyempre, ayokogng tingnan ang laman ng kahon. Si poy ang tumingin, sabi niya, yung mga gamit mo panturo ng ingles sa koreans. Im sure may iba pang documents at books na kasama ang mga gamit ko na iyon. As of now, ayoko munang malaman kung ano ang mga iyon.

3. Makakaltasan ako ng 13k sa sahod ko because of an error made by our staff in one of our Performatura contracts. The staff was much older than me. Matanda pa kay tisay. She’s been with ccp for almost three decades. The quality of her work is deteriorating according to ccp co-employees. So nung una, I was ok with it. Natatawa na lang ako. Hindi ko siya sinasabihan because of her age and years of work in ccp. Pero lately, nakakaloka na siya.

Naranasan kong makaltasan ng 3,500 because she missed to do a simple task that I asked her to do. And it was because she went out, she went to ncca to submit things for another project (nagsa-sideline, sabi nga ng isang employee na matagal na siyang kilala). Pinalampas ko iyon, kahit masakit sa dibdib ang 3,500. Because partly it was my fault too. nakalimutan kong ipaalala sa kanya ang task niya that day.

Now, 13k ang worth ng plane tickets na kailangan bayaran dahil ayaw ng budget division na i-charge iyon sa ccp. Because the plane tickets weren’t written in the contract that we submitted to them. Sino ang gumawa ng contract? Yung staff ng office namin na tinutukoy ko. OMG. Mauubusan ata ako ng pera dito hahaha! The only reason why I applied for this job is the sahod. Regular na sahod. For my children!

4. Kanina, napadaan kami ni poy sa filipiniana ng national book store. Isa na lang ang its raining mens. That was nice. Wala nang mens. That was good. Pero nalaman ko na naglabas ang anvil ng rizal without the overcoat ngayong 2017. And it was the original work. Nadagdagan lang ng one page intro, written by Ambeth last May 2017. I felt sad. I don’t know what happened to my translation. Hindi naman ako ina-update. Ipa-publish pa ba nila iyon? I don’t know. Nagustuhan kaya ni Ambeth ang translation ko? Baka hindi. Kaya nag-decide sila na ang i-publish ay iyong original pa rin. Hay. Fuck it. Nakakalungkot. Nakakababa ng self-esteem. Fuck, wala na naman akong librong lalabas this year. Fuck.

5. Then I saw my friends’ translations of foreign novels. At nainggit ako. Bakit di na ako kinuha? Di na rin siguro nagustuhan ang translation namin sa Paper Towns? But I believe it was really good! Ba’t ganon? Ang konsolasyon ko na lang, buntis at kapapanganak ko lang last year, and most of my friends’ translations were published last year. So, maybe, just maybe, it was because of my pregnancy and child birth kaya di na ako kinuha as translator. Hay. Sana nga. Tangina naman, ang hirap ng ganito.

Hay. Kung maire-record lang ang aktuwal kong buntong-hininga dito sa blog ginawa ko na, para talagang maramdaman ninyo ang kalungkutan ko’t matinding sama ng loob. Wala. Sobrang bad, bad day. Bad, bad week. Bad, bad whatever. Gusto kong sumigaw. Fuck it! Putangina n’yong lahat!
putangina lang! tangina n’yo!

Then I remember that for the past week, I have been using the gift of my friend, Ime. The gift is Santosha. Isa itong kuwintas na gawa sa iba’t ibang beads. 180 lahat. then you touch each one of them for something you are grateful with. I mean, isang bead, isang something to be thankful for. I felt happy every single time I did santosha. Usually, on my way to work ako. O kaya pauwi. Ang saya lang. akala mo you have nothing more to be thankful for, pero biglang may makakalkal ang isip mo, ting! Ayun, another bead is conquered!

Now that I remember the santosha, bigla kong naisip, mas marami pala akong dapat ipagpasalamat kaysa ikabahala o ikalungkot.

ito ang ilan:

1. dagat turned 2 last june 18! he is healthy, he is ok. and most of all, cute pa rin siya. mana sa mama, hehe!
2. isinabay namin dito ang pagse-celebrate ng father's day for poy. yey! tipid!
3. nakapag-celebrate kami sa eagle ridge golf and country club sa gen. trias, cavite. buong pamilya kami. kasama rin ang buong pamilya ni poy.
4. walang ibang tao sa place na iyon kundi kami! so para kaming nagrenta ng isang buong resort. seriously, napaisip ako kung bakit parang walang nakaisip na mag-celebrate doon ng father's day!
5. nakapag-overnight kami sa microtel eagle ridge branch for free. napanalunan ko ang room voucher sa pa-raffle ng ccp noong sportsfest!
6. nakapag-celebrate kami ng bday ni dagat kasama ang pamilya ko (tisay, incha, dilat, gome, colay, bianca, budang, kiss, at ej) a week earlier dahil iyon lang ang panahon na nakaluwas si incha sa maynila. sa bahay namin sa bacoor ito ginawa.
7. nakapagkuwentuhan kaming magkakapatid, nakapag-games, nagtawanan, nag-asaran. just like the good old times.
8. kahit kapos kami sa pera para ilabas sila at ikain sa resto, nakapaghanda naman kami sa bahay: carbonara (luto ni poy, mga P300 good for 20 pax), cake (sa isang tindahan ng tinapay sa palengke ng binakayan, P225), siomai (na binili ko nang isang pack for P65 at kami na ang nag-steam), isang manok sa uling roasters (kasi di hamak na mas mura kaysa andok's o baliwag, around P200, sori nalimutan ko ang eksaktong presyo), isang kilo ng indian mango (P20).
9. regalo ng verzo family kay dagat- isang plastic na motorsiklo, wow!
10. nakarating kami sa gen. tri nang ligtas kahit na biglang umulan nang malakas sa daan. hindi pa sanay si rianne sa long drive at first time niyang inabot nang mala-bagyong panahon habang nagmamaneho.
11. noong nag-emcee ako for word of mouth event sa BGC, nakabili ako ng mga regalo para kina rianne at poy sa art mart doon. ang hirap kasing bilhan ng regalo ang mga mahal sa buhay. parang naibigay mo na kasi ang lahat, di ba? so, ang saya ko nang makita ko ang ilang crafts booth sa art mart. isa doon ay yung binilhan ko ng copper wire craft. pinagawa ko ang key chain na hugis ngipin at sa loob nito ay pangalan ni rianne. hehe ang cute. mura pa! pinagawan ko rin si poy ng bookmark na may hugis book sa tuktok, may name na poy sa gitna at paikid-ikid na design sa dulo,
12. nakakita ako ng isa pang regalo for poy ngayong fathers' day. isang book tungkol sa pagpa-publish ng gawa ng mga bata! nabili ko sa booksale for P230 lang.
13. nang makita ko ang book na ito, wala pa akong pera no'n, tinanong ko ang store attendant kung puwedeng ipa-reserve na lang muna iyon. hurray, pumayag siya! so binalikan ko yung book after a few days, noong may pera na akong pambili.
14. si marj, ang aming office assistant na masipag at mabait
15. ang apat naming intern na napakabilis magsipagtrabaho at masiyahin. nababago nila ang mood ng munti naming opisina!
16. nai-deliver na at napapirmahan ang mga kontrata ng VLF 3 anthology authors. kailangan kasi naming humingi ng permit sa kanila para mailathala sa nasabing antolohiya ang kanilang mga gawa.
17. natagpuan ko na ang mga papeles na may kinalaman sa NCBD sa CCP. makakagawa na ako ng program for that day.
18. na-meet ko si carlos celdran sa isang meeting sa ccp. napiktyuran ko pa siya.
19. at noong tapos na ang meeting, papalabas na kaming lahat, at since kaming dalawa ang nasa dulo, hinagkan niya ako sa cheek! omg. putcha, bigla akong nahiya kahit beso-beso lang yun! wala akong pabango at patapos na ang araw, amoy-singit na ako!
20. i brought up the need for training of literary agents in the philippines during the apc meeting and sir chris approved of it.
21. arts ed will help in the ncbd event! maglo-launch sila ng my ccp story a child's activity book.
22. nakabili kami ng baby days na libro sa booksale robinsons imus. tungkol ito sa activities, ideas, and games for enjoying daily life with a child. it was just P10!
23. ngayong june, marami kaming shortened period because of holidays! shortened period means 8 hours lang kami sa office, maaga ang uwi. hurray! 1st shortened period was for the independence day.
24. 2nd shortened period was for the celebration of the end of ramadan.
25. lately, i find it easy to go to work. usually, isang van lang ako.
26. i also find it easy to get home. usually, van din. ang ginagawa ko na lang, para makatipid ay ang maglakad papasok ng subdivision. mahaba-haba rin pero ok lang, exercise na rin.
27. noong isang araw na naglakad ako papasok sa subdivision, may sumunod sa akin na aso. hindi ko ito pinansin pero hindi ako tinantanan nito at paangil-angil na siya. so, hinarap ko ito, voila! bigla itong naging mabangis. nagpanic ako, siyempre. iniumang ko ang baunan ko at nang point na iyon, umatras ang aso at may babaeng lumabas ng gate. dinistract niya ang aso sa pagbuntot at pag-angil sa akin. hurray!
28. nakatapos ako ng isang libro sa biyahe. ang title ay in the eyes of a healer. ganda. tungkol siya sa mga doktor sa pgh. cnf. edited by dok joti. doktor na tagalira din. bongga no? kasalukuyan siyang vp ng lira.
29. am reading i remember book of travel essays ni mam jing hidalgo. and so far, im liking it!
30. i found a cerveza negra beer in our ref. at inubos ko ito. yahoo! tas nung nalaman ni poy, naasar siya sa akin kasi rare daw iyon at regalo nina ina at partner sa kanya noong binyag ni ayin.
31. im seeing a college buddy active in FB again. he has experienced a lot of down times lately. and i am really really grateful he is up and running again. i love you badong. and wifey april!

32. ej got two unos in the past summer term. weee! wala na talaga ako pinoproblema sa batang iyan. hey, i think i raised him well. salute.


okay, too many to mention here. More than 180 items, yes!

O, ano, lungkot at sama ng loob? You still wanna mess with me?! Hindi n’yo ako matitinag, oy.
Mababaw kaligayahan ko, hah!

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...