Thursday, June 1, 2017

Service Charge

matagal ko nang alam ang service charge na ipinapataw ng restaurant sa mga customer. lagi kong nakikita iyan sa mga resibo at menu. dahil naging waitress ako noon, noong college days ko, natutuwa ako kapag ang isang restaurant ay nagpapataw ng service charge mula sa customers para sa mga empleyado nito.

pero recently, napag-isip-isip ko na isa na naman itong scheme ng mga kapitalista (mga may ari ng restaurant) para makaiwas sa pagbabahagi ng kanilang kita sa sariling empleyado. so imbes na kunin mula sa kanilang profit ang dagdag na kita para sa kanilang empleyado ay ipinapataw nila ito sa customer. intact ang profit ng may-ari ng restaurant. ang nagdurusa ay ang customer. samantalang, duty ng isang restaurant at ng mga empleyado nito ang magbigay ng magandang serbisyo sa customer. given iyon, given ang magandang serbisyo.

isa pang reason kung bakit hindi maganda na may service charge ang isang restaurant ay dumadaan pa sa may-ari ng restaurant ang perang kinukuha niya sa mga customer na dapat ay para naman sa mga empleyado nito. so naiipon ang pera na iyon sa kaha ni restaurant owner. at ang me hawak ng mga computation diyan ay ang restaurant owner dahil puro resibo naman ang pinag-uusapan (sa resibo nagre-reflect ang service charge, dito makikita ang amount na kinuha sa customer na siyang amount na dapat ay mapunta sa mga empleyado). so kung magkano ang compute ni restaurant owner as service charge, kung magkano ang ideklara niya, iyon ang ipapamahagi niya sa mga empleyado.

e, paano kung hindi siya honest? paano kung gahaman siya? which i think tama, as in gahaman siya, kasi ayaw nga niyang magalaw ang profit niya e kaya ipinapataw niya ang service charge sa customer. di ba? so, ano na? magkano ang tunay na nakakarating sa mga empleyado mula sa mga ibinabayad na service charge ng customer?

hay, ang mga kapitalista nga naman, kung ano-ano ang naiimbentong paraan para mapalagong lalo ang salapi. At kapangyarihan.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...