Saturday, June 7, 2014

maikling kuwento?

nawiwirdohan ako sa terminong maikling kuwento. bakit? may anyo ba tayo ng panitikan na mahabang kuwento? palagay ko, 'yang maikling kuwento ay bulag na pagsasalin sa short story ng mga kano.

dapat kuwento lang ang salin niyan. kasi kailangan lang naman yan para i-differentiate na prosa ang form ng akda (at hindi tula) at fiction ang laman nito (at hindi totoo, kathang isip lang).



4 comments:

Rise said...

hmmm. baka kasi kung "kuwento", ito naman ang magiging counterpart ng "novella" sa English, yung ang haba ay nasa pagitan ng novel at short story.

Louise Vincent Amante said...

e kung salaysay na lang ang gamitin? yung short-short story, dagli ang counterpart sa wika natin. o kaya gamitin ang salitang bisaya, sugilanon. one word lang iyan. :-)

babe ang said...

Hello, Rise! Happy New Year! Hindi siguro. Hindi masyadong popular ang anyong novella sa atin. At hindi na natin problema siguro kung paanong isasalin sa Ingles ang terminong kuwento. Kumbaga, 'yong magsasalin, siya na ang mamroblema kung ang anyo ba ay nasa pagitan ng novel at short story o mas maikli pa.

babe ang said...

Hello, Louise! Happy New Year sa inyo ni Marge at ni Likha. Okey ako sa salaysay, kaya lang, parang hindi mabigat, hahaha. parang 'yong salaysay ay naitutumbas ko sa statement o sa naratibo.

Okey ako sa sugilanon! kailangang pasikatin.

sana may iba pa tayong manumbas, ano?

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...