Friday, June 13, 2014

mga aklat mula sa iba't ibang kultura at ang pagsasalin sa filipino

noong sunday, nagpunta kami sa marikina nina poy at ej. it was to meet up with the ishikawa family for a tai chi session.

pagkatapos mag-tai chi, nag-almusal kami sa tropical tapos ay nag-ikot-ikot sa riverbanks mall. isa sa mga nakita namin at nilapitan ay ang kiosk ng precious pages.

and what did we see?

hindi lang romance novels. meron ding children's books (siyempre from lampara publishing, ang children's book publisher ng precious pages). meron ding komiks from black ink (another publisher, though di ako sure kung sa precious din ito). meron ding wattpad novels. naroon din ang translation ng 50 shades of gray at iba pang foreign popular books na nasa wikang filipino.

pero nanlaki talaga ang mata namin sa...

like water for chocolate. nasa wikang filipino na! ang translator ay si mam fanny garcia.

at...

the alchemist. ang translator ay si sir edgardo maranan.

omg. grabe. ang galing talaga ni sir jun matias! nakuha niya ang rights to translate. grabe. grabe.

bakit hindi naisip ito noon ng kahit sinong publisher? or kahit anong academic institution? or ng komisyon sa wikang filipino? ayan, nalaglag tuloy sa isang commercial publisher ang rights to translate.

although, ang pros naman, magagaling na translator pa rin ang kinuha ni sir jun para sa dalawang akda na ito at pihado akong mama-market nang husto ang mga salin. unlike kung academic institution ang nag-publish, tiyak na iilan lang ang makakabasa niyan, dahil medyo olats mag-market ng aklat ang mga academic institution.

ang tanong, may bumibili ba ng mga foreign popular book na nasa wikang filipino?

yes! meron! marami!

kahapon, nakipag-meeting ako kay Mam Joyce Bautista ng Scholastic, Inc. (Philippines) sa opis nila sa ortigas. (ang meeting ay parang application ko bilang translator at editor ng ilang YA title ng Scholastic, Inc. sa Singapore at Malaysia. )

isa sa mga napag-usapan namin ay ang title nilang Geronimo Stilton. even before this meeting, nalaman kong nakuha rin ni sir jun matias ang rights to translate ng series na ito. omg, omg. yan ang reaksiyon ko nang marinig ko ang balitang iyan mula mismo kay sir jun matias. mahal ko kasi ang geronimo stilton (although hindi ako nagkakopya niyan kahit kailan kasi mahal, binabasa ko lang iyan sa national, hehe). at iniisip ko, dapat ganito talaga ang paraan ng pagkakasulat ng mga aklat sa ngayon sa Pilipinas. Dapat playful sa font, sa texts, sa illustration, etc. actually, pangarap kong makagawa ng aklat na kamukha ng geronimo stilton!

sabi ni mam joyce, nagulat na lang daw sila nang malaman nilang ang rights to translate ng geronimo ay na kay sir jun na. dumirekta raw kasi si sir jun sa italy. apparently, andoon ang head office ng scholastic, inc. hindi raw ito dumaan sa office sa pinas, sa kanila, kaya wala silang kaadi-idea na iba na ang may karapatan para ilimbag ang cute na cute na si geronimo sa wikang filipino.

napagkuwentuhan din namin ni mam joyce ang mga salin na ibinebenta ng precious pages. akala ko, walang bumibili ng mga iyon dahil pangit ang review sa quality ng salin. pero sabi ni mam joyce, dahil na-curious din siya sa benta ng mga salin na ito, tinanong daw niya noon ang isa niyang kakilala sa national tungkol sa sales ng mga nasabing aklat. at... maganda raw ang performance ng mga aklat! not bad daw. pumi-pick up. iyon ang words ni mam joyce.

ibig sabihin, me market talaga.

wah. andami kong na-realize noon bilang isang manunulat.

1. shocks. parang good news at bad news ito sa akin.

good dahil mas marami na ang makakaunawa sa mga banyagang aklat na may wisdom talaga para sa mambabasa (kahit magkaiba pa ang kultura ng author at reader).

good dahil maha-hire akong translator kung sakali. dagdag income ito sa akin. makakatulong ito na malinang pa ang talino ko sa wikang filipino.

bad dahil dadagsa pa ang mga banyagang aklat at kakumpitensiya pa ito ng mga lokal na aklat.

bad dahil imbes na nagsusulat na lang ng sariling akda ang mga tulad kong manunulat ay nagsasalin kami.

bad dahil parang kaunti lang ang naisasalin na akdang filipino patungo naman sa wikang ingles o sa iba pang wika para maibenta sa ibang bansa.

2. kaya siguro nagiging madali ang pag-buy and sell ng rights to translate ay dahil market ang tingin sa atin ng banyagang publishing company. market ang bawat Filipino, basta't marunong magbasa. market, meaning pagkakakitaan.

sabi sa akin ni mam joyce, kung mapipili raw ako bilang translator/editor, ang aking kontrata ay magmumula sa singapore at malaysia. sila ang ka-deal ko. hindi ang scholastic philippines.

nalungkot ako sa pahayag niyang ito. kasi ibig sabihin, hindi scholastic philippines ang magde-develop ng reading material. hindi rin ito ang magpa-publish ng libro, kundi ang scholastic singapore at malaysia.

gusto ko sanang itanong kung mayroon kayang dine-develop na mga aklat ang scholastic philippines para naman sa Pilipinas at sa ibang bansa. kaya lang hindi ko na ito naitanong kay mam joyce. sana meron. dahil kung wala, ano kung ganon ang scholastic philippines? isa lang itong ahente ng (foreign) scholastic books sa pilipinas. tagatinda lamang dito sa pilipinas. hindi creator. hindi source ng mga aklat para sa pilipinas at sa ibang bansa.

pagkatapos ipaliwanag sa akin ni mam joyce ang iba pang detalye ng translation project, pinahiram niya ako ng dalawang YA na aklat na imported. pumili raw ako doon ng isang bahagi para isalin. iyon ang dalawa sa mga planong ipasalin ng scholastic singapore/malaysia. ipapasalin iyon sa wikang filipino.

muli, nalungkot ako. (though sasaya ako kapag napunta sa akin ang proyektong ito. dahil siyempre, una, sa prestige, hello, scholastic iyan, ikalawa, sa ibabayad sa akin at ikatlo, aklat pa rin ito, magpo-promote ng reading sa kabataan). nalungkot ako dahil nakita ng singapore at malaysia ang pilipinas (at ang mga pilipinong nagbabasa sa sariling wika) bilang market ng kanilang mga aklat.



iniisip ko kung kelan kaya mare-reverse ang ganitong sitwasyon. iyong tipong makita naman ng mga philippine publisher ang buong daigdig bilang market ng mga akda ng mga Pinoy. na hindi lang naman sa ingles puwedeng isalin ang mga akda natin. dahil maraming-marami at malaking-malaki ang market na hindi naman ingles lang ang alam na wika.

parang tayo di ba? hindi lang naman ingles ang alam nating wika. filipino rin.

kaya nga tingnan nyo, nagkukumahog ang matatalinong publisher na isalin sa ating wika ang mga aklat mula sa iba't ibang kultura.





No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...