Pag sinabing balimbing ka, ang kahulugan niyon ay pumapanig ka sa kung sino ang may kapangyarihan sa kasalukuyan. Maaaring nagpapalipat-lipat ka ng kampo dahil ang totoong sinusundan mo ay ang kapangyarihan at hindi ang kampo.
akala ko, kaya ganito ang kahulugan ng balimbing ay dahil sa kanyang lasa. ang prutas na balimbing ay maasim na manamis-namis. dalawa ang lasa, hindi mo masabi kung alin talaga sa dalawa ang lasa nito.
at akala ko rin, may kinalaman ang kulay ng balimbing sa matalinghagang kahulugan nito. berde ito na medyo dilaw. dalawa ang kulay, hindi mo masabi kung alin talaga sa dalawa ang kulay nito.
pero ito pala ang pinagmulan ng kahulugan ng talinghagang bukambibig na balimbing:
The Starfruit (or Ang Balimbing)
A starfruit sports many sections
Depending on who wins elections
It lives by a rule:
Don't cleave to a fool
And painlessly changes direction.
-Francoise Joaquin, 1986
Ayon sa aklat na The History of the Burgis nina Mariel N. Francisco at Fe Maria C. Arriola, naging paborito ng sambayanang Pilipino ang prutas na balimbing noong unang mga taon ng pananakop ng Amerikano. Ginagamit ang salitang balimbing para tukuyin ang ilang burgis na Filipino na tatlong ulit na nagpalit ng pinapanigang kampo sa loob lamang ng maikling panahon (mula noong patapos na ang pananakop ng Espanyol, pakikipagnegosasyon ni Aguinaldo sa mga Amerikano para sa kasarinlan ng Pilipinas at ang mga unang taon ng pananakop ng Amerikano).
therefore, hindi pala sa lasa o sa kulay nagmula ang matalinghagang kahulugan ng balimbing kundi sa hugis nito! katulad ng sinabi ng maikling tula sa itaas, ang katawan ng balimbing ay nahahati sa maraming kanto. actually mukha siyang mahabang star. at bawat kanto pala ay tinitingnan ng karaniwang Pilipino bilang isang panig.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment