masaya ako na malungkot noong last day ng klase namin kay sir jun.
sad dahil:
1. chinaka-chaka ni sir ang top 5 na aklat na ibinahagi ko sa klase.
(may assignment kasi kami pagkatapos ng isang linggong writing break at iyon ay ang pagbabahagi sa klase ng limang aklat na paborito namin.)
eto ang akin:
a. virgintarian ni mayette bayuga
b. makinilyang altar ni luna sicat cleto
c. isang babae sa panahon ng pagbabangon ni efren abueg
d. personal ni rene villanueva
e. what we talk about when we talk about love ni raymond carver
una sa lahat, hindi naman yan ang super top 5 ko. siyempre meron akong paborito sa mga aklat ni sir rio. iyong aklat niya ng sanaysay, kalahating siglo sa ibabaw ng mundo mga alaala't engkuwentro. pero dahil warla warla ang dalawang lolo (si sir jun at si sir rio), hindi ko na binanggit ang aklat ni sir rio sa klase namin. suicide pag ginawa ko iyon.
ikalawa, hindi naman super priority si raymond carver. gusto ko siya at ang estilo niya pero kung top 5 talaga ang pag-uusapan, hindi siya kasali. mas pinoy talaga ang taste ko, e! hahaha! anyway, isinama ko si carver dahil napansin ko na kapag nagle-lecture si sir jun, natutuwa siya kapag me binabanggit na foreign author ang mga kaklase ko. gabriel garcia marquez, ben okri, etc. so ayan, nagsama ako ng isang foreigner.
ikatlo, love ko si mam mayette bayuga. love ko rin ang virgintarian. isa ito sa mga unang aklat na binili ko noong college ako. pero baka di rin siya pumasok sa top 5 na top 5 ko. isinama ko siya dito dahil napansin ko na love siya ni sir jun at nagagalingan din siya kay mam mayette. isinama ko rin siya para sabihin kay sir jun na love ko ang mga women author na pinay.
si mam luna at sir rene, hanga ako sa kanila dahil mahuhusay sila at naging guro ko pa ang mga ito. alam mo yung mahal mo yung libro dahil nakadaupang-palad mo yung taong gumawa nun? yun ang basis ko kaya isinama ko sila sa aking top 5.
nang mag-share ako sa klase binanggit ko nang mabilis ang top 5 ko. tapos sabi ni sir, bakit iyan ang binabasa mo? you are what you read! tapos marami pa siyang sinabi na kapag isiniwalat ko rito at mabasa ng mga author ng aklat na ibinahagi ko e magkatampuhan sila ni sir jun abot hanggang langit.
pagkatapos maglitanya ni sir, sabi ko, kaya ko po gusto ang makinilyang altar e dahil natutuwa po ako sa humor ni mam luna. napakatalino po niyang magpatawa dahil subtle na subtle ito. (sa kagaya kong parang slapstick na kung magpatawa, kailangan ko talaga ng model para sa pagtitimpi). sinabi kong ito ang nagustuhan ko kay mam luna sapagkat sa tingin ko, hindi napapansin ang humor ni mam sa mga akda niya. lagi na lang yung serious side ng kanyang mga akda ang napapansin.
sabi ni sir jun, kaya maganda ang akda ni luna e dahil filmic ang kanyang mga eksena. anong humor-humor?
nagsalita uli nang mahaba si sir jun.
siyempre, feeling ko sobra akong nainsulto sa mga lumabas sa bibig niya. parang sinasabi niya, ba't antanga mo? napakababa mong uri ng tao batay sa mga binabasa mo. hahahaha pero hindi ako nagpa-intimidate. sori na lang. si mam chari nga nalampasan ko, e halimaw iyon sa klase e, siya pa? si sir jun pa? so nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. ani ko, si carver po kaya ko po gusto ay dahil wala pong malalim na salita sa mga akda niya. puro one-two syllables ang salitang ginagamit niya pero ang ganda-ganda po ng resulta. gusto ko rin po ang paraan niya ng paghandle sa mga domestic issues dahil matimpiin po ang kanyang mga kuwento.
sabi ni sir, carver? hindi naman importanteng writer yan! ba't yan ang binabasa mo?
aray naman, sabi uli ng pride ko.
hahaha anyway, super chinaka niya ang top 5 ko. ang taste ko.
that night even before kami sumapit sa pagbabahagi ng 5 aklat, di na maganda ang mood ko. nade-depress ako habang nakikinig ako sa kanya. hindi dahil nakaka-depress ang sinasabi niya o naiinsulto ako sa mga lumalabas sa bibig niya kundi dahil si jun cruz reyes siya at ganon ang takbo ng kanyang isip, na dapat mga dakilang manunulat lang ang binabasa. na dapat yung mga binabasa niya ang binabasa rin ng estudyante niya. at... censored na ang iba.
nalungkot ako siguro dahil bumabalik na naman ako sa ugali kong dinidiyos ang mga idol na manunulat.
dati kasi na-depress na ako. ganito rin ang nangyari, nakilala ko nang husto ang big time na writers ng bansa. may napagsabihan akong kaibigan tungkol sa disappointment kong ito at sa depression. ang sabi lang niya sa akin, tao rin lang naman kasi sila, bebang. huwag mo silang dinidiyos, at medyo lumuwag ang dibdib ko mula noon.
ngayon, bumabalik ang mga damdamin kong iyon :(
noong finally, ideclare ni sir na last day namin iyon, sumenyas si lucky na magpa-picture kaming lahat. ako ang forever na estudyanteng malakas ang loob, sinabi ko ito sa malakas na boses. sir, picture daw po. picture tayo.
sagot ba naman ni sir jun, ayoko. hindi ako politiko. pag me grade na kayo saka tayo magpicture. noong ako ay estudyante ni roland tolentino, hinihingian niya ako ng intro para sa kanyang libro. hinindian ko dahil hindi ako politiko. estudyante niya ako. i found it unethical kung gagawin ko iyon. kaya ayoko magpa-picture.
wah. sobra naman conscious si Sir. ano ba yun? e kaya lang naman namin gustong magpapicture that night e dahil last day na nga namin sa klase at.... bisita namin si dong abay. andon si dong abay!!!
my god. lahat na lang me politika? baka pati yung pagdadala ko ng pagkain, isyu sa kanya? e kaya lang naman ako nagdadala ng pagkain, nakakatulog ako kapag ako ay nakikinig, nakaupo at walang ibang ginagawa. kesa naman, magkuskos ako ng sahig sa loob ng classroom o maglaba ako ng basahan doon, kumakain na lang ako. at dahil ampanget naman ng eksena kung ako lang ang kumakain sa classroom, nagdadala ako ng pagkain para sa buong klase. ilan lang naman kami, lima! hahaha kaya kayang-kaya.
at saka si sir jun, maraming inaaway ! ewan ko ba naman sa kanya. all through out the sem, warla warla ang mode niya. tapos tinatalakay niya ang mga ito sa klase hahaha galit siya sa mga kapwa niya manunulat sa wikang filipino. galit siya sa mga manunulat na gumagamit ng malalalim at mahahabang salita. na kung sumulat daw ng akda,ay, akala mo 1920's pa ipinanganak.
pati daw issues ng mga manunulat na ito, lope k. santos days pa raw. super luma na.
ang dahilan daw kung bakit hindi dapat gumagamit ng malalalim na salita sa isang akda ay dahil malaking porsiyento ng populasyon natin ay hindi naman Filipino major. dapat daw iyon ang kine cater namin. kaya umpisahan daw namin sa wikang ginagamit nila. iyong madaling maunawaan.
ilan lang sa sampung batang filipino ang makakatapos ng kolehiyo? isa. isa lang daw. dapat daw yung akda namin ay isinulat with them in mind.
ok. i agree. pero hindi dapat nagtatapos sa wika ang pagsusulat para sa mga taong ito. kung totoong ito ang advocacy ng isang manunulat, hindi siya dapat nagpa-publish sa university press. dahil mahal ang libro sa university press, hindi ito mabibili ng masa na sinasabi ni sir jun na dapat paglingkuran ng mga manunulat na filipino. at isa pa, napakaliit ng distribution network ng mga university press. kadalasang nasa unibersidad lang din ang me access sa mga librong galing sa university press. iyong masa, ni hindi alam na may university press pala ang isang unibersidad. so ano ang use ng mga akdang nasa wikang para sa masa pero ipinalalathala sa elitistang tagapaglathala therefore anti-masa??
wala.
yang mga taong ganyan sa totoo lang, sa bibig lang ang advocacy hahahaha nakakainis pero totoo. e bat di na lang sila magpakatotoo? na ang habol sa pagsusulat sa ganoong wika ay para masabi lang na makamasa siya? at ang paglalathala sa university press ay para sa pogi points sa unibersidad? para sa sariling promotion, para sa prestige at sa iba pang elitistang layunin? at hindi naman talaga para sa masa?
hay naku. hindi na lang magpakatotoo. papogi points lang ang maka-masa stance nila.
kung ganyan talaga ang layunin ng isang manunulat, dapat nagsusulat siya sa wikang filipino, sa wikang maka-masa, gamit ang paksang alam ng masa, gamit ang pormulang alam ng masa, gamit ang platform na alam ng masa at accessible para sa kanya, tapos saka niya saksakan ng matalinong critical thinking para naman maiangat niya ang pag-iisip ng masa kahit kaunti.
iyan ang tunay na maka-masa.
ang hirap sa mga manunulat na taga-akademya, akala nila, nakakaabot sila sa masa sa pamamagitan ng pagpa publish ng libro. hindi, no? magwattpad sila. damihan nila ang akda nila sa wattpad. tangina. talunin nila iyong mga 10 million views ng mga akdang tinatapaktapakan ng mga akademiko. i-type nila mga akda nila sa papel tapos iphotocopy nila tapos pamigay nila sa MRT/LRT, sa mga sakayan ng dyip, traysikel, pedikab. pamigay nila mga akda nilang pagkagagaling at pagkatatalino.
pag nagawa nila yan, makikinabang ang masa.
iyan ang tunay na makamasa.
Thursday, March 13, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment