Monday, April 29, 2013
aprubado!
noong april 25, nagpunta kami ni poy sa ramon magsaysay center para makipag-meeting sa communications director nilang si sir manuel hizon. ang meeting ay tungkol sa proposal na isinumite namin noong feb pa. gusto sana naming gawing ebook ang ilan sa mga materyales nila at i-promote ito. ang kapalit ay ang libreng paggamit ng venue nilang ramon magsaysay hall. worth 20k ang rental ng venue kaya nang kumpirmahin sa amin ni sir hizon na aprubado ang proposal, lumiliyad-liyad na ako sa tuwa. liyad dahil hindi naman ako makatalon on the spot.
at imadyinin nyo na lang ang extent ng liyad ko nang sabihin ni sir hizon na bubuksan pa nila ang fountain nila sa araw ng kasal namin. may additional na bayad kasi ang pagbukas ng fountain. another 5k ito. wow! so ibig sabihin, 25k ang natipid namin.
im so excited na!
puwede pala talaga ang x deal! i suggest, sa mga brides na tulad ko, ganito rin ang gawin nyo. isip kayo ng expertise ninyo at tingnan nyo kung aling supplier ang posibleng magkaroon ng interes na kunin ang inyong expertise bilang kapalit ng services nila.
sa kaso namin, ang in-offer namin ay editing, additional translation services, proofreading, lay out, conversion into ebook, acquisition of isbn, book design at iba pang may kinalaman sa publishing. ito ang unang-unang ebook ng ramon magsaysay awards foundation kung sakali. gusto nilang i-test ang ebooks kasi raw talagang mataas na ang printing cost ng hard copy ng mga aklat. matagal na raw nilang kino consider ang pag-convert ng mga material nila into ebook. hindi namin alam ito nang mag-propose kami kaya ang suwerte-suwerte namin kasi good timing pala ang proposed project namin!
blessing!
anyway sa june ang ipinangako naming pag-uumpisa sa proyekto para tuloy-tuloy ang pag-aaral ko ngayong summer.
at least wala na kaming problema sa venue. at parang katas talaga ito ng aming joint effort hehehe.
mga isang buwan naming tatrabahuhin ang ebook ng rmaf, madali na ito para sa amin dahil matagal na rin naman namin itong ginagawa. ang tingin kong challenging dito ay yung pagpo-promote kasi nangako kami ng 3 article sa mga diyaryo. kamusta naman di ba? haahaha ang yabang parang me koneksiyon ako sa mga diyaryo!
di bale, we'll just cross the bridge when we get there.
ang next na aasikasuhin namin ay ang catering. sabi ng mga nababasa kong article tungkol sa weddings, more than half daw ng budget ang napupunta sa pagkain. good luck na lang sa mga pitaka at alkansiya ng tambalang beb at poy hahahahaa
happy summer, my dear friends!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment