Sunday, April 14, 2013

sa ngayon, academic mode muna

dahil talagang binantaan na ang ang academic life na hanggang summer na lang ang lahat ng incomplete ko at dapat ay by first sem, makapagthesis na ako, bahay lang ako most of the time. nagbabasa at nagsusulat. at nagfe-facebook siyempre.

last month, kakakulit ko sa graduate studies office, nalaman kong 5 pa pala ang kailangan kong i-complete. que horror. akala ko tatlo lang. pero that day naman, me dala na akong paper para sa isa kong prof so apat na lang.

at today as in ngayong umaga, opisyal kong natapos ang isa pa. mababasa ninyo ito sa blog ko, yung tungkol sa Pak U Journal.para iyon sa subject kong third world literature.

sa mga susunod na araw, ang subject na pananaliksik naman ang bubunuin ko. kasi, yun ang magiging thesis proposal ko. kelangan kong unahin yun dahil kailangan akong makapag-defend ng thesis proposal bago matapos ang summer. pag nagawa ko to, dalawa na lang. isang tungkol sa globalisasyon, at isang tungkol sa performance poetry. yes, si sir vim nadera!

pero hindi pa pumapayag ang teacher ko sa subject na yon, dula ng pilipinas. siya na lang ang hindi nagre-reply sa kanilang lahat. bale 4/5 teachers, pumayag na mag-complete ako. naawa talaga ang langit.

grabe na rin namang parusa to sa sarili.

ang totoo, mabait naman akong estudyante. bihira akong umabsent at nagsa submit ako ng mga paper/assignment, aktibo ako sa discussion, nagre-report ako. ang di ko lang nasa submit ay yung mga final paper kasi ayaw ko namang magsumite ng bara-bara lang. kaso, di ko na nababalikan yung papers ko kaya forever inc ang grade ko sa mga subject.

hay. o ngayon, inaani ko na ang itinanim ko. mga nagsasagitsitang deadline para sa:

paper sa pananaliksik
paper sa globalisasyon
paper sa performance poetry

revision ng paper sa pananaliksik para maging thesis proposal
defense ng thesis proposal

AT

thesis.

kung sakaling bigla na lang akong matigok one of these days, alam nyo na kung bakit.





No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...