Tuesday, April 9, 2013

Insights sa 52nd UP National Writers Workshop

Kamakailan ay pinalad akong makasali sa 52nd UPNWW na ginanap sa AIM, Igorot Lodge, Camp John Hay, Baguio noong 31 Marso hanggang 7 Abril 2013.

Narito ang ilan sa mga na-take note kong insight, pasensiya na at walang edit-edit yan. as is noong nakikinig ako.

52nd up nww day 2

CC session

-dito ako lumaki pero hindi koi to kilala, parang beloved.

-ayaw na sa akin ng city pero wala na siyang magawa dahil dito na ako nakatira

-yung mga poem ko, act of reconciliation ko with the city

GA

-mimetic kung ang tula ay nakafocus sa human experience

-didactic kung ang tula ay nakafocus sa idea, concept, argument, theory

-every word speaks of other words

-charmaine’s poetry made the silence speak.

-slay the other words to reveal what is unsaid.

-the outward movement in poetry, you get into the world to get real, truth is more impt.

-the poem of cc becomes the readers’ work

-u have a choice, write a mimetic poetry or a didactic one.

-the job of a poet is to get the reader through mimetic poetry or didactic poetry.

-excellent writing= youre the first, youre original

-jose Garcia villa “clean up your lines! clean up your lines!”

-he didn’t like our poems and he made sure that we all knew about it pero bigla siyang naglabas ng doveglion at ininclude nya
ang mga tula namin doon.

-he handled one workshop/class in up and I happened to be there.
-dapat makita rin sa fiction ang unsaid, muted drama, na mas powerful-JCR

-mimetic poetry that tells a story-Neil

-yung mga ganitong tula, about finding a girl, how to get a girl, staying with the girl, significant din yon pero hindi iyon ang entire thing.-cc

-ur language must give pleasure, its new language, that’s poetry-jimmy abad

-parang apostrophe yung mga tula ni cc-ralph galan

-maraming author na mapa-publish sana sa tibok pero nagkaroon ng rule na kailangan ilagay ang real name, maraming nagback out-cc

-may resident reader ako. “o, eto, basahin mo” tapos magko comment siya, at least alam ko nan age-gets pa ako. –cc

-gusto ko makabasa ng mga work na tungkol sa amin, sa akin. Bili ako nang bili ng book, pero there is really dearth dito sa atin-cc

-the poem can only be sensory impression, clear sense of feeling. Di kailangan magkaroon ng story. But the language must recreate the same impression-jimmy abad.

-sa iran, lahat ng importanteng yugto ng buhay ginagawa sa carpet. Meron akong nabasa tungkol sa isang lalaki, nagkakaroon na ng gera, pero di talaga niya pinakakawalan yung carpet nya. So ganito rin ako, this is how I write about home.-cc

-wala sa design sa front ang ganda ng carpet, nasa likod. Kapag di siya uniform, hand woven siya. mas maganda-cc

-yong enjambment makes the reader think. Working out in syntax.-neil

-baka magkakaroon na ng device kung san makakapag-explain na ang author kapag may di maintindihan ang reader sa tula-omeng

-pinatay ng grocery ang mga palengke, kung saan mas matingkad ang human intervention-omeng

-paano mo makikilala ang siyudad kung binubura na ito?-omeng

-napakahistorical ng cebu, pero paano ito nabubura ng city?-omeng

-hindi ko maipasok ang amoy ng palengke sa ingles. The best sana kung sa Cebuano pero di ko makita yung words na may (punches
palm)-cc

-bakit di mo isulat sa conversational Cebuano? Kasi sayang naman ang experience na malapit sa puso mo tapos di mo maisusulat dahil lang sa limitation sa wika-jcr

-yung excitement mo, yung P15 na kilo ng isda, baka mauwi sa pag exoticize ng experience-rt

-how can you make me believe sa sinasabi mo na hindi mo naman pala masyadong kilala? Maganda na may sense of wonder pero kung ganito ang tone ng buong koleksiyon, baka maging tiring-jcr

-paano ba yun? Nasa isip ko lang yung experience? Hintayin ko na lang na gumaling ako sa language na yun? Pero dapat isulat ko na e ngayon na, pero ang pagsulat din kasi ng akda, kelangan bihasa na ako sa wika-jack

-predominantly middle class ang sensibility dahil sa ingles at Filipino na wika-jcr

-kung urban poor, bakit kelangan i-sanitize yung language nila? E di isulat sa urban poor language. Yung mga ladino nga nagawa yan. kaya me ladino lit, si Rolando tinio, ganun dn, di mo malaman kung ingles o Filipino. si bob ong nga, di magaling mag Filipino kaya sumasabit sa akademya, pero nandiyan ang mga akda niya-jcr

-ang writer kasi dapat masatisfy sa language ng akda niya-jimmy

-language itself is already a translation-jimmy

-lahat ng writing ay translation-jimmy

Thomas david chavez session

-anything written from memory is fiction-resil mojares-jcr

-kahit historical ang sinusulat mo, ang concern mo bilang manunulat ay contemporary pa rin.-jcr

-sa fiction, hindi lahat ng pangalan, mahalaga-jcr

-ang historical fiction were written to pose some questions about what is popular in history-cc

-choose one: historiographic fiction or fictionalizing history?-neil

-kung nagma-matter ang facts na nabanggit sa kuwento, ok lang-neil

-ano na ang gagawin mo sa dami ng na-research mo? nanghihinayang kang itapon ang lahat na ito kaya isinasama mo ito sa fiction mo, hindi tuloy nagiging malinaw ang direction na tinutungo ng fiction mo-bien

-yung damdamin, hindi kayang i-provide ng history, kaya tayo nagbabasa ng historical novel –jcr

-brains of a nation, compelling-cc and jimmy

-mas mabilis kumalat ang sakit at mas nahirapan ang katutubo na pagalingin ang mga sarili dahil banyaga ang mga sakit (na
dinala ng mga banyaga sa pilipinas)-omeng

-ang totoong historian ay fictionists-galiano through omeng

-parang pagkain ng tubo, mas marami ang idudura mo kesa sa masisipsip mo-jim libiran

-the events interest you, not the people, not the humanity-bambi

-keep the few facts that can generate narrative-neil

-let the characters move-jim

-history is essentially chismis and the readers are the chismoso-jcr

Ralph galan session

-all the symbols and the predictions in tarot card reading depends on the person whose fate is being read. Yung tao ang frame ng readings. Absent ito sa collection of poetry ni ralph-gabby

-sana may unity ang koleksiyon na puwedeng mag-predict ng future ng makata kasi yun ang ginagawa ng tarot, wag kalimutan ang nature ng tarot na siyang ginamit na springboard for every poem-jcr

-personal journey is being complemented by mythology (which is fixed)-neil

-dapat ang hula mo ay creative din. Process ng tarot reading kasabay ng creative writing process din-omeng

- I used tarot cards as prompts for writing-thomas

-he was able to make the tarot cards his own. Insights are precious in every poem-neil

-poems maganda naman, kung di kakilala ang makata, hindi maiisip na may lgbt/queer na usapin (pareho din sa mga tula ni cc)- emman

-very specific naman ang lahat ng circumstances natin and we dream to be universal-neil

-if its carefully written, it tries to be universal, it’s speaking from the clouds, oracle-like-neil

-nabubuhay ang tarot with a question or a desire-jim

Day 3

Richard gappi session
Na bien

-walang pagpapanggap ang tulang propagandista na ang tula ay sining lamang. Lagi itong may kinikilingan

-makulit ang tulang aktibista dahil nandoon ang layunin na pakilusin ang mambabasa para magkaroon ng pagbabago

-naglabas ang 3/7 ng aklat ng tula bilang pagkilala sa sentenaryo nina botong at maestro-gappi

-mahirap buhayin ang sensibilidad ng kontrabida (kahit sa fiction)-jcr

-sa mga tula ukol sa balangiga, ito ang mga tula ng mga gustong magpa-beatify. Hndi ganyan ang tutulain niya, dapat ang
iniisip nya mabubuhay pa kaya ako pagkatapos nito? sana walang maraming casualty o sana konti lang ang madamay-jcr

-nakatutok sa reader you intend-jimmy

-may public poetry, may private poetry-jimmy

-merong a poem for rally, makulit yan, makibaka kayo, pero meron ding poems na private ang boses-jimmy

-puwedeng i-base ang collection of poems sa expectation ng audience-jimmy

-kadalasan ang tulang aktibista ay on the spot na ginawa kasi kailangan na ng panahon-jim

-ang tulang binibigkas ba ay siya ring dapat na anyo pag ililimbag na? ito ang kadalasang problema ng mga tulang aktibista-bien

-si casiano ang isa sa mga nag-plot. Pinaalis nila ang mga babae at bata at nagdamit babae ang mga lalaki para magmukha silang magsisimba lang at hindi mukhang aatake-omeng

-napakaraming tula na hindi talaga dapat naiiwan lang sa pahina, baka puwedeng may cd-emman

-may link sa youtube ang performances-bebang

-may audience naman si Richard unlike yung iba pang sumusulat ng ganito-rt

-ang mga tula ni Richard na dating taga alay sining ay ginagawa talagang kanta. Mapapakinggan ito sa sound cloud-omeng

-sana may iba pang anyo hindi lang compilation ng papel ang mga akda-jim

-ang laging problema ng mga aktibistang makata: humor. laging galit ang mga tula nila-na bien

Bambi harper session

-if someone can identify in your character, that’s what makes the story real-bambi

-get the stories of old people. this is what we’re losing-bambi

-we don’t have museums or movies to show what we should be proud of, of our history-bambi

-we should have a textile museum, our cottons were much better than egypt’s kaya lang we don’t know that, its part of what we lost.-bambi

-we have a tendency to look at heroes up there in a pedestal. Heroes also went to toilet!-bambi

-when do you put a footnote? What made you decide to put a footnote for this or that?-butch

-ingat sa POV. Minsan, may we. Sinong we? Bakit biglang may we? Nakakadiskaril-butch

-when we write historical fiction, we comment about history din-butch

-yung pagdating ng brits ay ipinakitang spaniards are not invincible-bambi

-with heroes our stories (ng karaniwang tao) don’t shine –bambi

-approach ngayon sa pagsusulat ng kasaysayan, ikuwento ang kuwento ng maliliit na tao-butch

-tell the story then put in the historical event if you want-bambi

-nation is ordinary people-jim

-in the gone of the wind, it’s the black woman who wins-jim

-me corruption pero hindi mo mine-mention ang reaction ng ordinary people-jcr

-lahat ng nobela kahit dark yan, triumph yan, e-jcr

-comedy should be imbedded in the situation. Hindi dapat sa wika. Baka hindi kayanin ng wika-butch

-making of a nation, possible na theme ng works ni bambi-butch

-british invasion exposed the vulnerability of the Spaniards. This info is useful for the ruling class “puwede naman pala, tayo na lang!”-butch

Gabby lee session

Gabby

-teens know when you are just bullshitting them

-sa pagsulat ng YA, research about the voice para authentic ito

-ang works for YA, dapat maiksi, malinaw ang words

-ya fiction, may narrative quest-rt

-teens should know their worth, they’re important. Pero kung magiging hero sila, dapat maunawaan nila na hindi naman ito
tungkol sa kanila kundi tungkol sa kapwa-neil

-surrender your life which is bigger than yourself-neil

-baka hindi naka-ground sa consciousness natin, mythological world natin. U might end up writing a percy Jackson pinoy version-neil

Day 4-lectures sa UP Baguio, insights to follow, wala kasi akong dalang laptop noon, sinulat ko lang lahat sa journal ko yung insights.

Day 5

Jim libiran session

-sa mga susunod na panahon, magkakaroon ng malaking need for content ang multi media mediums

-mas nakakapagsulat ako kapag may deadline, mas nakakapagsulat ako kapag may pambayad ako sa upa. Mas maraming panahon akong
makaka-stay sa apartment ko para makapagsulat, yun lang yun.

-hindi ako producer, nagtitinda ako ng popcorn sa sinehan. Pag tumitingin ako sa script tinitingnan ko kung ito ba ay makakapagpabili ng popcorn (mother lily) ito ba ay makakapag-entertain ng mga tao. Kaya lumabas ang popcorn films

-nakasalalay sa producer kung ang isusulat namin ay gera sa kalinga which is 25m or drama sa kuwarto na 500k lang ang budget.

-dapat i-consider yung ibang paraan ng pag-market ng indie film. Wag na sa sm sine kasi talagang ipu pull out at walang manonood. Iikot sa mga eskuwela-rt

Chuckberry pascual session

-paanong nagse-sex ang mababaho? Ito ang naisulat ni Chuck-jcr

-ipadama pa ang malabon sa mga kuwento-omeng

-I can stare at tragedy in the face, ito ang strength ko that’s why I write about it-chuck

-catharsis parang spiritual process yan, e-jimmy

-give us the malabon of the future (yung mga tao, tinubuan ng gills!) and gay of the future-jim

-may real involvements of emotions-thomas

-i-situate din ang akda sa lgbt’s literary production-omeng

Rommel Rodriguez session

-dagdagan pa ang depth ng character, bigyan ng reason para hulihin/damputin sila-gappi

-minsan nagmamadali tayong ipasok ang ating agenda, nakakalimutan natin ang kuwento-jim

-mas narrative ito. dagdagan ng dramatic moment, i-surface ang drama-jimmy

-puwede mong isulat ito sa iba pang genre like horror, as a matter of exercise-jim

-maraming tula at kuwento sa underground papers noon, di naipon. Sayang naman-rio alma

-wika, description maganda pero may konting comment ako sa detalye, yung biglang pumunta sa bahay, walang pasabi, walang doubt kung dun pa sila nakatira? Bakit ganon? 100% sure na sure siyang nandoon yung family. Maganda rin kung dagdagan ang reaction ng tao na dumating, maganda rin siguro kung maging experimental sa characters sa kuwento-bebang

-pinahihirap natin ang pagsulat-bien

-pero yun naman talaga ang punto ng workshop-rio

-hindi nanalo ang mga political literature writers kasi andiyan pa si enrile. Si kris ang pang-aliw. Ibig sabihin, hindi nagising ang mga tao sa mga isinusulat ng mga political lit writers. Konti lang ang namulat. Si balagtas ay propagandist. Ginamit niya ang mga popular na genre para ilagay ang mga isyu at propaganda. Hindi siya nakapagmulat ng mga kahenerasyon niya. pero pagdating nina rizal, yun na-perceive ng mga tulad niya ang gustong sabihin at mangyari ni balagtas -rio

-gusto natin ng social transformation pero kelangan natin ng ingredients na sasaklot sa masa-rio

-patricio mariano, ildefonso santos, nonoy marcelo (hindi malabon kundi mala-venice!) puro taga malabon-rio

-ang mga problema ng akda na ito ay hindi lang naman sakit ng mga political writing. Present din ito sa iba pang uri ng akda-omeng

Day 6

Emmanuel Velasco session

-maganda at mabagal ang paglakad ng mga salita, mataas ang uri ng pagtitimpi-gappi

-bertud ng hinahon, ito yung mga tulang gusto mong basahin pag mag-isa ka lang, white noise ng kaluluwa-jim

-dinadala niya ang usapin sa mahinahon, dinadala niya sa sariling espasyo-vim

-tahimik, contemplative, spiritual, reflective ang tula, metaphysical poetry, parang mga dasal, pero bukas pa rin sa iba kasi makaka-relate ang mambabasa-rt

-isang eksena pero napakaraming damdamin, maraming layers ng damdamin-joey

JOHN JACK WIGLEY SESSION

-bakit mo kinukuwento ngayon yan sa akin?-butch

-it’s not already about you, it’s about me-butch

-according to mam jing, there’s a remembering self (mature) and the remembered self (bata)-jack

-you will not write a formal essay about friendship-butch

-bat mo babasahin ang memoir ng isang tao? O sige, bakit ka natinga?-chuck

-si bob ong sumulat ng ABNKKBSNPLKO memoir pero lahat ng nakabasa, naka-relate so parang nabubura na si bob ong. Baka pwede namang hindi sequel yung next na book. pag kina cannibalize mo na ang buhay mo para isulat, numinipis. Di na maganda yun-chuck

-it should not always be the pain of the trauma-jimmy

-kahit di ko buhay yan, tumatayo ang balahibo ko kasi kuwento ko pala ito-butch

-ano ang epekto ng memory sa yo? Inano ka? Remembering, you always become a better person-jcr

-kelan pinakamainam sumulat ng memoir? Kasi kapag naisulat mo na, mauubusan ka-jcr

-ang buhay, wala namang full recovery talaga, litaw ang ambivalence nito-rt

-gamitin mong device ang time sa memoir, iangat mo nang maigi ang past and present-jim

-hindi lahat ng insight, epiphanic- thru jim

-pag-isipan if puwede mong isulat na lang ito as fiction, you can do and say more with fiction. Ang talagang paksa ay unrequited love. Hindi first love-charlson

-yung dahan-dahang pagdaloy ng time, dapat sensual ang description hindi kailangan sabihin kung anong taon o anong petsa, ano
ba ang uso noon, anong products-joey

-parang drowing yung naratibo, mape-predict mo na nga-butch

-lahat ng achievement ko sana nakikita ako ng papa ko-vim

-yung pagpunta sa us, parang homecoming. Secondary na lang yung boyfriend-butch

-interaction ng bida sa iba pang characters, mas napapaangat yung drama, nasasabi ang mga bagay na hindi nasasabi, yung pagsasangla ni rov ng radio para magkapera sila. Katutubos ko lang kahapon, sanla na naman today-jcr

-nahuhumanize ang mga tauhan lalo na ang sarili mo-jcr

Legend:

fellows

CC/shane-charmaine carreon
jim-jim diamond libiran
gabby-gabriela alejandra lee
chuck-chuckberry pascual
omeng-rommel rodriguez
richard/gappi-richard gappi
bambi-ana maria harper
thomas/david-thomas david chavez
emman-emmanuel velasco
bebang-bebang siy
ralph-ralph semino galan
jack-john jack wigley

panelists

bien-bienvenido lumbera
rio alma-virgilio almario
jcr-jun cruz reyes
rt-roland tolentino
butch-jose dalisay, jr.
charlson-charlson ong
joey-romulo baquiran, jr.
neil-j. neil garcia
jimmy-gemino abad
vim-vim nadera

na=national artist

alin ang favorite insight ninyo? ilagay sa comment box, game!

Ang copyright ng mga larawan ay kay Beverly W. Siy

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...