Tuesday, October 11, 2011

Pasa-pasa, basa-basa

Ngayong sandali na ito ay nasa sa terminal ng bus sa may Cubao si Ronald Verzo. Papuntang Masbate ang bus na nasa tapat niya. Pero hindi siya pupunta doon.

May dala siyang 12 hardbound na aklat at isang diksiyonaryong Pilipino-Pilipino na mula pa kay G. Junji Lerma, ang gitarista ng Sago.

Ang mga aklat ay idinoneyt ni Junji sa isangbata.blogspot.com.

Ang isangbata.blogspot.com ay pinamumunuan ni Ime Morales.

Noong isang gabi ay kinuha nina Bebang at Ronald ang mga aklat sa bahay ni Ime. Pagkatapos ay kinontak nina Bebang at Ronald si Dante Lagac, isang kagawad sa Barangay Tinago, Aroroy, Masbate City.

Si Dante Lagac ay matagal nang kaibigan ni Bebang. Bagama't sa Subic naninirahan at nagtatrabaho, si Dante ay pauwi-uwi sa Tinago hindi para magtago kundi para makapaglingkod doon bilang kagawad ng barangay.

Pangarap niyang madagdagan ang mga aklat sa kanila lalo na sa elementary school nila: ang Tinago Elementary School. At nang malaman ito ni Bebang, naghanap siya ng mga aklat na puwedeng iuwi ni Dante sa kanila.

Isa nga si Ime Morales sa mga nagbigay ng aklat para sa mga estudyante ng Tinago.

Ayan. By this time, malamang ay napapasakamay na ni Dante ang mga libro.

Maraming salamat sa lahat ng nagpasa para ang mga bata sa Tinago ay mas marami ang mabasa!

Ito ay isa na namang pauso ng Dagdag Dunong Project.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...