lately, nararamdaman ko ang bigat ng numero na iyan. magkasunod na di magagandang pangyayari ang kinasangkutan ng numero na iyan at ako.
ako na hindi naniniwala diyan of all people.
anyway, let's start with the first 13.
yung event naming di lang pampamilya, pang-internasyunal pa ay ginanap noong September...yes, you got it right! September 13. ito ay pinlano namin maraming buwan na ang nakakaraan. so walang nabagok ang ulo kahit isa sa amin para ma-realize na 13 ang petsa ng aming event. trese. hello? ti-re-se!
so go nang go sa mga trabaho, sa pag-oorganisa at sa paghahatag ng mga kailangang ihatag. speakers, hotel ng speakers, susundo sa speakers, maghahatid sa speakers, powerpoint presentation ng speakers, projector, photographer, videographer, documentor, registration supplies, kit para sa mga dadalo. dadalo? ay siyet kelangan nga pala, may dumalo! kumusta na ba ang panghihila namin ng mga dumadalo? super best effort ay naka-47 kami na pre-registrants. sa lahat ng event na pinaglingkuran ko, ito 'yong ikalawang nagtrabaho ako nang malupit. (2nd lang sa tulawikaan, crowning glory of the good food ko pa rin iyon). pero 47 lang. 47. ang target namin ay 80.
hindi ako pinatulog ng event na ito. itong ginanap noong a-trese. takot na takot akong hindi tauhin. nag-email kami. nag-fax. nag-text. nagpa-announce. at naghire ng pr consultant para sa pagpo-promote sa iba't ibang media. may lumabas na press release. sa manila bulletin, business world at one day before the event ay sa inquirer.
humingi rin kami ng tulong sa ched. work kung work ang lola. nagsubmit ng ready to be signed na memo noong hulyo. lumabas ang memo ilang araw bago ang event. so nag-email uli kami. nag-fax. nag-text. nagpa-announce.
Sept. 12 ay 47 lang talaga ang nag-pre-register. pero nakakahinga ako nang maluwag kasi sabi ng boss ko, pwede na yon. 50% plus 1 ang bilang ng attendees ay pasang-awa na sa kanyang maselang panlasa.
pero ang inihanda kong kit ay 80.ang ipinahanda kong food, from 90 binawasan ko ng 10, 80 rin. kako, mga sampung onsite registrants, 57. plus guests, mga 15 equals 72. dami pang sobra. amin na yung sobra. sa aming mga staff na. yey!
kinabukasan, dumiretso ako sa venue. anliit pala ng venue. hindi conducive sa aming event. teka, nasabi ko bang meeting room 13 kami? hahahahaha yes! actually, dalawang room. 12 at 13! of all rooms, 13? hahahahaha ang suwerte, welcome to the joy luck club!
so pagdating ko doon, inayos ko ang room kasama ang taga prime trade. konting arrange dito, at doon. ipinalapag ko ang ikalawang screen para sa projector sa may aircon. wala nang ibang pagpupuwestuhan ang ikalawang screen. maya-maya may dumating na magpapa-register. sabi ko, wala pa po ang mga gamit namin. mamasyal-masyal po muna kayo.
umalis na siya.
may dumating uli. dalawa.
pareho lang ang sinabi ko.
tapos umalis na sila.
tapos may dumating uli. at uli. at uli.
hanggang sa sobrang dami nila, di ko na alam ang sasabihin ko. buti at dumating na ang mga gamit namin galing sa opisina. pinagtrabaho ko na ang nag-iisang staff na hinayr ko para sa registration. si kim.
arya. wala kaming tigil sa kapagpapa-sulat ng pangalan, contact details at school/company. hanggang sa maisip ko, teka, higit na sa sampu ang onsite registrants a. pagsilip ko sa mga kit, paubos na. bigla akong nainis. pinahinto ko ang registration. nagtatatarang ang nasa harap namin. bat daw kami ganon? bat daw ang gulo namin?
patay ako sa mga nagpre-register at hindi ko mabibigyan ng kit. kaya inuna ko sila. ang kaso naubusan pa rin ang marami sa kanila.
mga 1:30 na at kailangan nang mag-umpisa ang programa, nagkakagulo pa rin kami sa registration. may humihingi ng resibo, may di makita ang deposit slip (na kailangan naming kolektahin para i-attach sa official receipt), may nagrereklamo at walang kit, may humihingi ng name tag, ng tubig, ng donasyon sa red cross at piso. may humihingi ng piso. may napadpad kasing pulubi doon!
in short, dinagsa kami ng tao. halos 100 ang lahat ng registrants (pre at onsite). dagdag pa ang guests! kaya ang init sa loob ng venue! iisang aircon lang ang nakaka-circulate sa buong venue.
tapos nung kainan na, kulang natural ang food. ang mga guest namin, iced tea na lang ang naabutan!
anong suwerte ang dala mo, trese?
ahahahahay.
anyway, sabi na lang ni sir louie calvario, i so heart him for this, ok lang yan bebang at least ang problema nyo, magandang problema. umober kayo sa dami ng tao ibig sabihin, marami ang interesado.
yesh. i love that perspective talaga.
ang problema, talaga namang isang globo ng inconvenience ang ibinigay namin sa aming mga participant.
hanggang ngayon nga ay nagme-mail ako ng mga kit na hindi namin naibigay noong ....a-13 :(
ill make kuwento the second (and hopefully, last na) 13 next issue. stay tuned!
Monday, October 3, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment